LN:I.

Last Night
Please Subscribe to read the full chapter

Sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay ng mga kasama ko.

 

"Hoy Giselle! Charger ko nga sabi 'yan!" Sigaw ni Yeji mula sa harap ko.

 

"Pahiram lang eh!" 

 

Nasa van kami ngayon at papunta sa na-rentahang bahay nila Tita dito sa Baguio, ilang oras na rin kaming nasa byahe at ilang beses na rin akong nagising dahil sa ingay nila Giselle na kung mag sigawan ay parang ang layo nila sa isa't isa. Hindi naman talaga ako dapat na sasama pero pinilit ako ni Mama na lumabas at makipag-bonding daw sa mga pinsan ko kaya eto ako, libre naman ako sa lahat kaya okay na rin.

 

"Ang ingay ninyo alam niyo 'yon? Manahimik nga kayo!" Pag sabat sa kanila ni Seulgi na ang cellphone ay malapit sa tenga, may kausap na naman ata.

 

"Hindi kami nag reklamo nung naririnig namin kayo ni Ate Irene kaya wala kang karapatang mag reklamo!"

 

Natawa sila Tita sa sinabi ni Giselle, sinamaan ng tingin ni Seulgi si Giselle at binato sa kaniya ang walang laman na bote ng tubig na ginamit niya kanina.

 

"Tama na 'yan, na i-istorbo si Win sa inyo." Pag sita sa kanila ni Tita at tinignan ako. "Ayos ka lang ba Win? Hindi ka naman nagugutom ano?"

 

"Ayos lang po." Bahagya akong ngumiti. Gusto ko lang matulog dahil napuyat ako dahil kay Giselle, sobrang ingay niya kagabi at walang tigil ang kuda tungkol sa mga gusto niyang gawin sa Baguio. Paano ako makakatulog kung nandito 'tong dalawa at nag-aaway? Kasama rin namin sila Ate Jisoo pero tulog silang lahat sa likod, halatang puyat pwera kay Ate Seulgi na nasa cellphone pa rin ang atensyon.

 

"Daan muna tayo sa Mines View para naman maka langhap na kayo ng hangin at hindi puro aircon." Humagikgik si Tita, nanahimik na rin sila Yeji at Giselle na ngayon ay suot ang mga earphones nila, nanalo ata si Giselle dahil hawak niya pa rin ang charger ni Yeji.

 

 

 

"Picturan mo nga ako Giselle!" Rinig kong sigaw ni Yeji ulit, nasa Mines View kami ngayon at pinili kong lumayo sa mga pinsan ko dahil awang-awa na ako sa mga tenga ko at umiiwas ako kila Tita dahil panigurado ay pipilitin nila akong sumali sa mga picture taking sessions nila. I took a deep breathe as I pulled my hood up, hindi naman ganoon kalamig but I'm more comfortable wearing hoodies. The place was packed, maraming vans na naka park at ang dami ring mga magkakasama na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kisewin
slow updates btw because of online classes.

Comments

You must be logged in to comment
trashforwinrina
#1
Chapter 1: Thank you for this author-nim ❤ cant wait for more updates