Una't nag-iisa

Umaga, kasama ka
Please Subscribe to read the full chapter

 

Tunog ng alarm clock ang gumising sa diwa ko bago ko pa man mabuksan nang tuluyan ang mga mata ko. Muntik na kong mairita, ang aga pa.

 

Buti na lang talaga nakita kita.

 

Ang himbing ng tulog mo. Kahit may kaunting laway ka sa pisngi, ang kalmado mo pa rin tignan. 

 

Nakakakalma ka tignan.

 

Binigyan kita ng halik sa noo, akala ko magigising ka at maiinis dahil naistorbo kita

Kaso, ‘di naman sa nagrereklamo, hinatak mo pa ‘ko papaloob ng mga bisig mo.

 

“Good morning, Seul” garalgal na boses mong sabi

Ibinalik ko ang higpit ng pagkakayakap mo at muli kang binigyan ng matamis na halik sa tuktok ng ulo. Pabiro kong kinuha ang dulo ng kumot para itakip sa bibig ko, “good morning, Hyun”

Idinilat mo ang kanang mata mo at tinignan ako. Pupungay-pungay pa nga ito at medyo nakakunot ang noo mo. Binigyan kita ng ngiting alam kong di mo makikita, kaso ba’t ang aga aga, ang sungit mo? Bigla mo ‘kong hinampas nang mahina

“Aray bakit?” natatawang tanong ko sa’yo

“Di ka pa ba sanay? Sa limang taon natin magkasama sa bahay ngayon ka pa nagreklamo sa hininga ko” aantok-antok mong sabi

“Uy hindi! Nakatakip ako ng kumot kasi ayokong ‘yung akin ‘yung maamoy mo!” bahagyang malakas na sabi ko bago kumalas sa yakap mo

 

Ngiti. Binigyan mo ako ng ngiti bago matawa. Sinong may kailangan ng almusal, dyaryo, o kape kung dito pa nga lang, buo na ang araw ko?


Kinusot mo ang mata mo bago tuluyang idinilat. Hinawakan mo ang magkabilang pisngi ko bago dahan-dahang bigyan ng matamis na halik sa labi. Hinatak mo ‘kong muli papaloob sa bisig mo. Ipinahinga ko ang ulo ko sa balikat mo habang hinahagod mo ang buhok ko

“Seulgi, mahal kita. Lahat tungkol sa’yo. Kaya wag ka na mag-alala kasi kung ayaw kong magtagal tayo, ‘di kita bibilhan ng maraming supply ng mouth wash at toothpaste”

 

Anak ng? Napabitaw tuloy ako. Kaso imbes na yakapin mo ‘ko ulit, tinawanan mo lang ako. 

“Ang pikon naman ng mahal ko. Nagbibiro lang po” paglalambing mo.

Akala mo ba gagana yan? Kelan ba hindi?

 

Huminga ako nang malalim bago umangat para maupo. Hinawakan ko ang kamay mo at bahagyang pinaglaruan ang mga daliri mo.

“Kape na tayo?” pagyaya ko bago ka tignan

Nakatitig ka lang sakin habang nakangiti nang malambing. Kinurap-kurap mo ang mga mata mo bago dahan-dahang tumango

Inilapit mo sa’yo ang mga kamay nating magkahawak. Hindi ko alam kung nabigla ba ako o nakaramdam ng kilig sa bigla mong pagdikit ng kamay ko sa labi mo—binigyan mo ito ng isa ngunit may katagalan na halik

Pumikit ka at ngumiti. Hindi mo pa rin inaalis ang kamay ko sa labi mo. Parang hindi ka pa kuntento at kumbinsido na ramdam ko ang pagmamahal mo, gusto mo ata yung damang-dama ko hanggang sa pinakahuling atom ng katawan ko,

 

“Mahal kita, Seulgi. Araw-araw”

 

Araw-araw.

Araw-araw mong sinasabi ang mga salitang araw-araw ko rin namang nararamdaman

Pero hindi ka pumapalya sa pagpapaalala sakin kahit hindi ko naman nakakalimutan

 

“Gawan kita breakfast, yung fave mo” agad mong sabi nang ilapag mo ang palad ko pabalik sa hita ko

Sinagot kita hindi gamit ang salita kundi sa pag-ngiti. Iniayos mo ang sarili mo at naupo bago ayusin ang buhok mong sobrang gulo. Naglakad ka at naunang bumaba habang ako naman ay naiwan sa kama at nakaupo


Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table at tinignan ang laman nito. Hindi ko pa man nababasa ang bawat notification ay parang gusto ko na burahin. Hindi naman sa ayoko sa trabaho ko, pero kadalasan kailangan din ng tao ng pahinga lalo na sa mundong sa pag-ikot ay ‘di humihinto

 

Pahinga, kailangan ko ng pahinga.

 

Binuksan ko ang cellphone ko, at akalain mo nga naman na parang dininig ng kalawakan ang kanina ay binubulong ko lang

Agad na bumungad sakin ang larawan nating dalawa. Nakangiti tayo at masaya, parang walang ibang iniisip at may sariling mundo, kumbaga.

Buti na lang talaga ginawa kong wallpaper ‘to. Kahit papaano, nabawasan ang mabigat kong dinadala at nakaramdam ako ng pahinga

 

Iilang hakbang pa lamang ang natutungtungan ko pababa ay may nadidinig na agad akong mahinang tugtog ng gitara at boses mula radyo. Ngunit ang kumuha ng atensyon ko ay ang malambing at may kalakasang tono na sumasabay dito

 

“Tell me something
When you sing and when you laugh
Why do I always photograph
My heart flyin' way above the clouds”

 

Pagkanta mo ng mga salitang akmang-akma sa nangyayari ngayon

Ilang taon ko nang nadidinig ang tinig mo, pero hindi ka pa rin pumapalya sa pagpapahinto ng puso ko sa tuwing ang malambing mong tono ay mauuwi sa nakakahumaling na tawa

 

“Hi, love. Breakfast?” ngiting pag-aalok mo sakin nang makarating ako sa kusina

Nilapitan kita at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
000014
#1
Chapter 1: 🥰
justsomeanimelover
#2
Chapter 1: Naol 😔✊