Last Trip

Hindi Na Dapat
Please Subscribe to read the full chapter

 

 9:00PM // Central Terminal

Thirty minutes na simula nung dumating ako rito sa LRT station, at si Yuri naman wala pa ring pakundangan sa oras, hanggang 10:30 lang ‘to, baka wala pa kong masakyan pauwi. Noon ngang kami pa, hindi na niya ko maihatid, ngayon pa kayang ex na.

 

“Yuri, nasan ka na ba? Bilisan mo uuwi pa ko, aba.” Nagtext ako ulit for the nth time, pero ngayon lang niya naisipang sumagot, paano na lang sa jowa niyang bago, lagi na lang ba ganito?

“Wait lang Yoona, papunta na. Nga pala gusto ko magbalikan.” Ha? Ano? Anong balikan? Wait lang, ano raw?? Napatulala ako sa text niya, teka bakit siya makikipagbalikan? Eh sila na ni Jessica?

“Hoy ha? Anong balikan?” Yan na lang naireply ko sa kanya. As far as I can remember they are doing good, kaya what’s with the sudden ‘balikan?’

 

I was left thinking about that text. Para akong kinakabahan na ewan, aligaga na nga ako maabutan ang last stop ng LRT tapos hihiritan pa ko ni Yuri ng ganon? Knowing they are happy, and they’re going strong... I mean kung tutuusin nga, mas better yung relationship nila, kaysa sa naging relationship namin.

At nakikita ko pa lagi na fineflex ni Yuri yung Jessica sa lahat ng socials niya, laman ng shared posts sa facebook, laman ng IG stories, laman din ng everyday tweets; so bakit ako babalikan?
 

Jessica is way better than me.
 

And guess what, hindi niya ko nireplyan, na naman. Yuri talaga oh, di pa rin nagbabago, nagkakawarflashback tuloy ako na ganito tayo nagbreak noon. And now I am left watching the people leave the station to the point it almost felt empty, tumatakbo yung oras, paubos na rin ang sasakyan sa labas. Ano na Yuri dadating ka pa ba?

I stood up from where I was sitting and looked at the cityscape below me, ito na lang ang titignan ko kaysa magbilang kung ilang tren na ang lumipas sa harap ko. I felt a light tap on my shoulder and I finally saw you smiling at me. I smiled back bitterly, there is a feeling inside me na parang ang sakit kasi ang saya saya mo na, kaso,
 

Hindi na ako ang dahilan.
 

“Huy, I’m sorry talaga hinintay mo na naman ako ng matagal.” Oo nga eh, akala ko pag naghiwalay tayo magbabago ka rin tulad ko.

“Okay lang, late ka na eh, may magagawa pa ba ‘ko? Tsk, magbago ka na!” Pabiro kong sinabi. At tumawa ka naman, these little things still make you laugh? Sana all.

“Grabe ka talaga sakin, akala mo hindi naging jowa dati. Nga pala about sa text ko, I was going to say magbalikan tayo ng mga gamit, and not the other way around.” Ahh, oo nga naman bakit hindi ko naisip agad?

“Knowing you, baka lang naman isipin mong gusto ko magbalikan tayo... Nalowbat na kasi ako tas nagmamadali pa ‘ko pumunta rito kaya naputol yung text ko, I’m sorry.” Okay lang, hindi naman ako nag eexpect.

“Oo wag ka mag alala, alam ko naman yung gamit yung ibabalik mo. And duh, okay na okay nga kayo ng girlfriend mo diba?” Tumingin ako sayo at lumawak yung ngiti mo, I miss those smiles though, I’m glad I’m still able to see them kahit hindi na tayo.

“Yes, we’re good, and we’re happy. Also, I brought everything you gave me, sorry kung need ko pa ibalik ha, ayoko lang kasi magselos si Jessica na nasa’kin pa lahat ng mga binigay mo.” I bit my lip as I looked at you take something out from your bag, dinala mo talaga lahat? Wala ka bang ititira kahit isa?
 

Sabagay, bakit pa magtitira? Aanhin mo pa ba yung mga binigay ko noon diba?
 

Inabot mo sa’kin yung necklace na binili ko nung birthday mo, you even put it back on its box, sana kahit yung lalagyan iniwan mo na sayo. Ngumiti lang ako habang inilalabas mo rin yung mga niregalo kong personalized snowball nung anniversary natin. You even pulled out all the medals you had after you graduated from college.

 

“Teka, sayo ‘to diba? Bakit ibibigay mo pa sakin?” I refuse to take your medals pero pinilit mo pa rin at pinasok pa sa loob ng bag ko.

“Nope, hind mo ba naalala? Na it’s for you? I made sure to graduate with medals dahil sumakto ng monthsary natin 'yon?” Oo nga pala, monthsary din natin nung nakipagbreak ka sakin.

“Ahh, wait sorry nakalimutan ko six months na kase since nung graduation mo, pero ibabalik mo ba talaga lahat? Wala na talagang naiwan diyan sayo?”

“Wala na eh, dinala ko na para isang balikan na lang.”

“Yung jar of love dinala—”

“Tapos yung jar of love pala naitapon......ko na.....”

 

Ahh, sana binalik mo na lang din, hindi na ko sumagot at tumawa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
palitao
#1
Chapter 1: Ang puso ko naman...... Grabe!
yulbutt
#2
Chapter 1: inaano ka ba namin otor :(
MyJMJTY
#3
Chapter 1: parehas tayo yoong 😌 alam mo 6months na pero ang sakit parin, ang sakit sakit pa rin,