End

Midnight Sky
Please Subscribe to read the full chapter

         Pauwi na ako ngayon galing sa trabaho. Buti medyo maaga ako natapos sa work ko. Siguro dadaan muna ako sa Mcdo para umorder ng take outs pero sa bahay ko nalang kakainin.

         "Una na ako, Byul."

        "Huwag, tanga. Bata ka pa."

         "Hahahaha. Ulol. Ge na, ingat kayo ni Solar."

         "Ge. Bye. Mag payong ka. Parang uulan oh."

 

        Kinuha ko na ang bag ko at bumaba ng building namin. Naalala ko pa, noong high school pa tayo, palagi tayong nagpapagabi ng uwi dahil gusto natin maglakad lakad muna, enjoyin ang magandang langit at ang matitingkad na mga bituin. Sabi mo sa'kin okay lang sa'yong gabihin sa pag-uwi basta kasama mo ako, kasi sabi mo, ligtas at payapa ka kapag kasama mo ako.

       Tanda ko din noong unang beses tayong nag-overnight na tayo lang dalawa.

       Isang linggo bago tayo grumaduate.

      Isang linggo bago ka umalis papuntang Amerika para ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo kapiling ng mga magulang mo.

 

5 yrs ago

       "Sigurado ka ba? Pwede talaga tayo mag stay dito?" tanong mo sa'kin nang makarating tayo dito sa isang private property na may bakanteng lote sa subdivision natin. Nilapag ko ang bag na dala ko. Nilabas ko ang maliit na camping bed at inilatag ito sa damo.

       "Oo naman. Si Kuya Dino ang nagsuggest nito. Dito din sila tumatambay minsan ng mga barkada niya. Buti nalang solo natin dito ngayong gabi." Nilabas ko ang dalawang maliit na unan at isang kumot para pagsaluhan nating gamitin mamaya.

       "Halika na, Hyun. Higa kana." akit ko sa'yo. Alam ko kung gaano mo kapaboritong pagmasdan ang langit lalo na kapag madilim ito at tangin mga bituin at buwan lang ang nagsisilbing ilaw ng mundo.

       "Hyun?"

       "Hm?"

       "Gaano ka katagal sa Amerika?" tanong ko sa'yo habang malaya nating pinagmamasdan ang kagandahan ng langit.

      "Hindi ko pa sigurado. Pero siguro apat na taon lang, since nandito naman ang company nila Daddy."

       "Hm.." tumango lang ako kahit hindi mo nakikita. Pero nangingilid na agad ang luha ko. Apat na taon. Kakayanin ko ba 'yun? Eh kahit nga kasama lang kita namimiss pa rin kita eh.

       "Seul?" tawag mo sa'kin, hindi ako kumibo. Kumurap kurap ako ng mabilis para hindi mo mapansin ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

     Bumangon ka ng konti, itinuon mo ang kalowa mong siko sa lapag at tiningnan mo ako. Agad kong ibinaling sa kabila ang mukha ko.

      "Baby, tingin ka sa'kin." pagsuyo mo. Hinawakan mo ang kaliwa kong pisngi para ibaling paharap sa'yo pero pinipigilan ko.

      "Kang Seulgi." ayan na naman sa pa full name. Tumingin na ako sa'yo kahit namumula na ang mata ko.

     "Mabilis lang 'yon, mahal. Mag-aaral lang ako doon. At mag-aaral ka lang din naman dito. Isipin mo nalang hindi tayo magka-klase." Bahagya tayong natawa sa sinabi mo. Bumangon ako at umupo. Hinarap kita. Hinawakan ko ang dalawa mong kamay.

      "Hyun, paano kung may mapagod sa atin?"

       "Pahinga lang." simple mong sagot.

      "Paano kung hindi na masaya ang isa sa atin?"

      Hindi ka nakasagot. Naiintindihan ko naman, kahit ako hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong ko. Paano kung hindi na kita napapasaya? Paano kung hindi na ako ang taong makakapag pasaya sa'yo?

      "Mahal na mahal kita, Seulgi. Ikaw ang kasama kong magplano at bumuo ng lahat ng pangarap ko. Babalik ako."

       Agad kitang kinabig ng halik habang tumutulo ang mga luha ko. Mahal na mahal kita, at maghihintay ako kahit wala akong kasiguraduhan sa kinabukasan na nakalaan para sa atin. Saksi ang mga bituin at buwan sa pagmamahalan natin na babaunin ko hangga't nabubuhay ako.

 


       Dumating ang panahon na inaabangan natin. Nakagraduate tayong lahat sa High School. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Lungkot. Saya. Kilig. Excitement. Takot. Kaba. Halo halo na. Lumapit ako sa'yo para icongrats ka personally. Bukas ng umaga na agad ang flight mo kasama ang ate mo pa-Amerika.

      "Congrats sa'tin, baby!" mahinang bati ko sa'yo.
      "Congrats, baby! Saan kayo mag dinner nila Tita mamaya?"
      "Baka sa bahay nalang kami. Kayo ba?"
      "Baka kumain kami sa resto nila Dad. I'll call you nalang pag uwi namin ha?"
      "Ah. Ganun ba? Okay. Hintayin ko nalang call mo. I love you." Niyakap kita bago ka tawagin ng parents mo. Hindi pa rin nila alam 'yung relasyon natin. Kasi sabi mo gusto mo muna makapag tapos ng pag-aaral bago natin ipaalam sakanila ang relasyon natin. 

 

       Anim na buwan, anim na buwan na ang nakakalipas agad nang mag simula ang pagpasok natin sa Long Distance Relationship. Araw-araw tayong magka-Skype sa laptop. Halos hindi ko na nga patayin ang laptop ko dahil gusto ko palagi kitang nakakausap kahit nakikita or naririnig man lang. Kakasimula lang ng sem diyan sainyo 3 months ago. Sabi mo hindi ka nakikihalubilo sa iba pero meron kang naging kaklase na half pinay din. Nakalimutan ko kung anong pangalan niya basta letter J din eh. Sabi mo siya lang ang nagtangkang kaibiganin ka. Buti nalang at kahit papaano kinaibigan ka niya, atleast hindi ka na magiging loner dyan. Sabi mo kasi nahohomesick ka. Namimiss mo ako, namimiss mo parents mo since bumalik na sila dito para imanage ang company niyo, sabi mo namimiss mo mga kaibigan mo. 

      "Baby, alis na ako ha? Nandito na si Jooyoung."


      "San punta niyo?"


      "Sa Mall, nagpasama ako bumili furnitures para dito sa apartment ko."


       "Ah, osige. Anong oras na rin naman na dito. Papahinga nalang muna ako. Enjoy kayo ha. Hi mo ako kay Jooyoung."


        "Opo. Good night na dyan. I love you."


        "I miss you. And I love you, too." 


         Lumipas ang mga susunod na buwan na nagiging busy kana lalo sa studies mo. Ganun din naman ako. Lagi mong nababanggit sa akin na mabuti nalang nandiyan si Jooyoung kasi kung wala baka nabaliw kana diyan sa pagkamiss sa akin, sa amin. Laking pasalamat ko din sakaniya dahil dinadamayan ka niya diyan habang hindi pa tayo ulit magkasama. Tinanong mo ako isang beses nung magka Face Time tayo.

         "Baby, hindi ka nagseselos kay Jooyoung?"


         "Hindi. Bakit naman ako magseselos sakaniya?"


          "Hm, wala naman. Kasi lagi kaming magkasama? Hinahatid sundo niya ako dito sa apartment and sa Uni. Madalas kami kumain at gumala dalawa."


          "Hyun, ano mo ba ako?"


          "Girlfriend."


          "Ano pa?"


          "Mahal ko."


          "Ano mo si Jooyoung?"


          "Uhm, friend ko. Ay hindi, bestfriend ko siya dito since siya lang naman meron ako dito. Hahaha."


           "Ayun, hindi ako magseselos kasi may tiwala ako sa'yo. Ako ang mahal mo, at kaibigan mo lang siya. I trust you, Hyun." 


           Naka close ko din naman si Jooyoung. Dalawa't kalahating taon na tayo bilang LDR, naging kaibigan ko na rin siya. Nadagdagan kayo ng dalawang kaibigan pa diyan. Sina Jennie at Giselle. Paminsan-minsan, humihingi ako sakanila ng tulong kapag sinusumpong ka ng toyo mo.

         Ang hirap na nga ng sitwasyon natin nagagawa mo pa rin mag toyo. Okay lang naman sana kung saglit lang, kaso kasi tumatagal na ng ilang araw 'yung toyo mo. Hindi ka nagoonline sa social medias mo. Hindi ka man lang nagiiwan ng kahit ‘Good morning’ sa imessage. Ang hirap manuyo ng taong milya-milya ang layo.

   

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
000014
#1
Chapter 1: LUH
KZeljera26_ #2
Chapter 1: Otornim Wala bang kasunod nito 😭😭😭😭😭😭
Highseul
#3
Chapter 1: Isa lang ang masasabi ko... you ayrin! Sana maging masaya ka at hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo! #HustisyaParaKaySeul