Isang Bagsak

Sa Susunod na Habang Buhay
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik, at ang tanging ingay na maririnig lang ay ang huni na nanggagaling sa mga ibon sa paligid namin. Nag-aya si Joohyun na mag-picnic sa parke na may malaking damuhan hindi kalayuan sa apartment namin.


"Put that camera down, magtatampo na talaga ako." Madali akong napalingon at dahan-dahan mong inilapag ang camera na hawak ko.


Nakaangat ang tingin at nakangusong Joohyun ang bumungad sa akin. Nakaupo na siya sa dala naming kulay pink na picnic blanket, naiayos na rin niya 'yung mga pagkaing dala namin. Masyado yata akong naaliw sa pagkuha ng litrato sa paligid.


"Mas maganda pa bang kuhanan ng litrato 'yung damuhan at mga puno kaysa sa akin, Seul?" Nagtatampo ang tonong tanong niya.


Bahagya akong natawa. Magmula ng lumapat ang mga mata ko sa maamo niyang mukha ay wala ng panama ang kahit anong tanawin para sa akin. Lagi ko namang sinasabi, pero parang gusto niyang laging naririnig mula sa akin ang mga salitang....


"Hyun, sa lahat ng tanawin sa mundo. Ikaw ang pinaka at nag-iisang paborito ko. Walang papantay sa'yo." Naupo ako sa tabi niya at mahinang kinurot ang tungki ng ilong niya.

 

"Yah!" Pagsaway niya. Lumayo siya at inabot ang isang mangkok ng sujebi at inabot 'yon sa akin. Kinuha rin niya 'yung isang mangkok ng paborito niyang tteokbokki.


"May sarili kang pagkain, kukuha ka pa sa akin." Agad niyang inilayo ang mangkok ng tteokbokki niya ng subukan kong kumuha.


Sumimangot ako, gusto ko lang namang tumikim kahit isa lang.


"Ang damot naman. Kapag pagkain ko naman binibigyan ka agad kahit hindi mo pa ako gamitan niyang pa-beautiful eyes mo." Kunwari'y pagtatampo ko.


"Para kang sira, oo na!" Pagsuko niya sa kadramahan ko. "Kumuha ka na." Inilapit niya pa 'yung mangkok niya.


"Subuan mo 'ko." Malambing kong sabi.


"Anong silbi niyang kamay mo? Baldado ka ba?"


"Naglalambing lang. Tsk!" Napailing ako, akmang kukuha na ako nang ilayo niya 'yung mangkok. "Hyun naman." Pag-alma ko.


Tumusok siya ng isa at sandaling hinipan 'yon, "Oh." Paglapit niya ng tteokbokki sa akin.

 

"Labyu." Nakangising sambit ko bago kinain 'yung inalok niya.


Mabilis naming naubos 'yong dalawang mangkok. Kaya sandali kaming nagpahinga, nakahiga siya sa hita ko habang nakaupo. Nakatingin siya sa langit, habang naman ako nakatingin sa kaniya.


"Seul," pagtawag niya. Nanatili siyang nakatingin sa langit. "Hmm?"

 

"May nabasa ako somewhere." Mukhang hindi lang 'yon ang sasabihin niya, binibitin pa.

 

"Ano na namang nabasa mo, Hyun?"


"If you want to know what someone is afraid of losing, look at what they photograph."

 

"Sinasabi mo bang takot akong mawala 'yung damuhan at mga puno?" Natatawang sabi ko.

Mabilis niya akong hinampas.


"Kaya siguro laging full storage ng cellphone mo, panay pictures ko kasi. Basta pindot ka nang pindot, hindi ka namimili ng anggulo." Pang-aasar ko.


"Takot lang akong mawala ka, kaya kahit mapuno storage ko. Kahit ilang daan pa ng litrato mo, okay lang. Kasi kung mawala ka man sa akin, 'yun lang ang maiiwan mo." Seryosong sabi niya saka tinakpan 'yung mga mata niya ng braso niya.


Ang hindi niya alam, ilang sd card at hard drive na ang napuno ko sa dami ng patagong kuha ko ng litrato niya sa loob ng pitong taong pagsasama namin.


Mahina kong tinapik ang mga braso niya, nakakunot ang noong tingin ang sinalubong niya sa akin.


"I'll take a picture of you." Nakangiting sabi ko.


"Kung hindi ko pa banggitin, hindi mo ko kukuhanan."

 

Natawa na lang ako sa pag-irap niya. Inalis ko na ang takip ng lens ng magulat ako sa biglaang pagtili niya.


"Bakit? Anong mayroon?" Tarantang tanong ko.

 

Mabilis siyang tu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet