Final

Maling Akala
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

"Bub! Bub! Saglit lang naman!" 

Pilit na hinabol ni Seulgi ang kasintahang nagmamadaling lumalayo sa kanya. Tumakbo ito at hinigit ang braso ng dalaga.

Isang malutong na sampal ang humampas sa pisngi ni Seulgi. Ang mga taong nakapaligid sa kanila ay napatingin sa dalawang babaeng kanina pa'y naghahabulan. Sino ba naman kasing nasa tamang pag-iisip na makipagtalo habang nasa Luneta Park?

"," bulong ni Seulgi. Ang mga luha nito'y nagbabadya nang tumulo.

Muling naglakad palayo si Irene sa babaeng kanyang minahal. Hindi rin naman nito gustong saktan si Seulgi sa harap ng maraming tao. Mas gugustuhin pa nitong mag-usap silang dalawa ng pribado ngunit nang makita niya na may humahalik kay Seulgi na ibang babae, hindi na niya kinaya ang bugso ng damdamin niya.

Sinubukang habulin muli ni Seulgi ang nobya, pilit na hinahablot ang braso nito. "Bub. Teka lang! Makinig ka muna sa'kin!"

Nahablot naman ni Seulgi ang braso ng dalaga at hinigit ito paharap sa kanya ngunit sana'y hindi na lang pala dahil ang tumambad sa kanya ay ang mga luha nitong walang tigil na dumadaloy sa mga pisngi nito.

"Bub," inabot ni Seulgi ang pisngi ni Irene ngunit madiing pinunasan ni Irene ang mga luha.

"Bub, makinig ka muna kasi sa akin."

"Ang paalam mo sa'kin, sasamahan mo 'yung lintik na babaeng yun kitain yung blind date niya. Hindi mo naman sinabi na ikaw pala yun!" Tinulak ni Irene ang kamay ni Seulgi paalis sa braso nito ngunit mahigpit ang kapit nito sa kanya.

"Mali naman kasi yung nakita mo, bub. Ikaw. Ikaw lang ang mahal ko," naiiyak na sabi ni Seulgi habang nakatitig sa mata ni Irene, pilit na pinapakita ang katotohanan.

"Pero hinalikan mo siya!"

"Hinalikan niya 'ko!"

"At nagustuhan mo naman!" Tumalikod muli si Irene ngunit niyakap ito ni Seulgi. Binaon nito ang ulo sa balikat ng mas maliit na dalaga.

"Makinig ka naman. Please, bub," humihikbing sabi ni Seulgi. "Please, bub. Wag mo 'kong iwan. Kaibigan ko lang siya."

Niyakap naman ni Irene ang mga kamay na nakabalot sa kanyang bewang. Hinayaan na lamang nito ang mga luhang dumaloy sa kanyang mukha.

"Kaibigan mo lang din ako dati, bub."

Lalo pang lumakas ang hikbi ni Seulgi sa balikat ni Irene. "Please, bub. Mahal na mahal kita."

Nabalot ng katahimikan ang dalawa, nagpapakiramdaman, sino ang unang bibitaw, sino ang higit na nasasaktan.

"Mahal na mahal din kita, bub." Inabot ni Irene ang ulo ni Seulgi sa kanyang balikat at hinagod ang buhok nito. "Mahal na mahal." Suminghot muna ito sandali, paraan para subukang pakalmahin ang sarili. "Pero masakit na, bub. Masakit makitang may kahalikan kang iba."

Hinigit ni Irene ang mga braso ni Seulgi paalis sa kanya at tumakbo palayo dito. Ang mga kamay ay walang tigil na pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa mukha nito.

Si Seulgi ay nanatili sa lugar na kanyang kinatatayuan, ang mga tuhod ay nangangatog habang pinapanood ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
40 streak #1
Chapter 2: Haha ayos lang ako
sunnyshee
#2
Hindi naman mesheket hahahaha!
yujiverse
#3
Chapter 1: Medyo masakit ah
YYS_0009
#4
Chapter 1: Author pinoy ka pala. Lagi akong nag comment sa fics mo magaganda kase. Imma fan uwu
ynylsc30518 #5
Chapter 1: Bitin yung pananakit hahahha. Charot
ariadne03 #6
Chapter 1: Grabe naman otor! Ang bitin!! 💔🤣