One-Shot [seulrene]

Memory Card ❤ SEULRENE
Please Subscribe to read the full chapter

Memory Card

_______________________________________

 

 

"Opo Ma!! Papunta na nga e, eto na oh tumatakbo na. Baka madiscover na ako dito pangtrack and field sa bilis ko" pagmamayabang ko kay Mama.

Takbo dito. Takbo there. Takbo to the other hallway. Pagnahuli ako ng principal, boljak pa ko. 

"tsssk. wait lang!! aatakihin ako sa kaba lalo neto eh." wait lang Kuya! I really hate feeling pressured like this. Nakakaloka. Papunta na ako sa locker area na tapat lang ng stairs. Mabilis na lang ako makakababa neto mamaya. Kausap ko sa phone si Mama.

6:13 am pa lang. 6:30 first class ko but I won't attend anymore today. Bakit kase ngayon pa Kuya??? Sabi ko kasi wag na akong ihatid eh.

 

"Magandang magandang maganda ako ngayong umaga~~~" masiglang bati ko.

"Ang ganda ata ng gising mo Anak? Pinansin ka siguro ng crush mo" pangaasar ni mama.

"Hindi naman mawawala ang 'ganda' ko Ma kahit hindi ako pansinin nun. I mean yung 'umaga' ko pala hehe" 

"Sya nga pala. Nagbibihis ang Kuya mo, ihahatid ka raw" pangeechapwera niya sa sinabe ko. hnggg!

"Po? wag na ho. Kaya ko naman at magpahinga na lang siya." pag tanggi ko.

"Okay lang Seul. Tsaka may interview ako sa bago kong trabaho. Ayoko naman na matali dito sa bahay dahil lang sa may sakit ako. Kuya mo ako at responsibilidad ko na kayo ni Mama mula ng mawala si Papa." pagpapaliwanag ni Kuya.

"Sige na nga po."

 

Pag ganyan. Wala na akong magagawa. Si Kuya na mismo nag nagsabi. Paniguradong sayang lang laway ko kung magrarason pa ako. He has a point din naman.

Kausap ko pa rin si Mama. Ayaw niyang ipababa ang call para daw 'updated' siya kung nasaan na ako. Ang tagal ko daw kasi. Naabutan ko na kasi yung homeroom kaya kinailangan ko pa magpaalam.

"Ma. Aakyat pa ako ng Department ko. Kinuha ko lang yung bag sa taas." tinignan ko yung relo ko.

6:34 AM - Tuesday, Feb 23

yes, i know right. ganyan ako katagal at ganyan din kalaki ang school kahit kanina pa akong full force running.

"Ma!! Siguro mga 10mi--"

 

 

 

BOOOOGSSHHH~~

 

 

 

arghhh....aray!! ang sakit anuba naman yan. May nabangga ako. Ang lakas ng force!!

tsssk. Talsik ang mahiwaga kong phone. ughhh.... why didn't I saw her coming??

Grabe hayop, nasugatan siko ko tapos ang layo ng nilipad ng phone ko!!! Malamang sa malamang sira na. Kalas kalas ba naman oh. Swerte ko kung hindi sira. Eh ultimo memory card natanggal!! Kita ko naman na parehas ang kapalaran ng phone namin ng nabangga ko :D

"Miss, Sorry sorry....uh...h-hindi ko talaga sinasadya. Babawi na lang ako pag nagkita tayo pero kailangan ko na pumasok eh. S-sorry talaga" hindi ko napansin kung sino yung dahil nabaling ang atensyon ko sa siko ko. Ansakit.

Pinulot na niya ang parts ng cellphone niya at kumaripas na paalis.

W-wait....huh...HOY paano siya babawi kung hindi ko nakita kung sino yun!?! pero ang tanong magkikita ba ulet? Di na ko aasa. Hayss phone ko.

Next time ko na pakakaisipin. Kelangan ko muna pumunta ng hospital. pinulot ko na rin yung parts at kumaripas na din paakyat sa locker area. Dumeretso na din ako sa ospital pagkatapos.

 

      [ + H O S P I T A L + ]

"MAAAAAAA ! ! ! ! !" sigaw ko nang makita ko si Mama.

"Seul!! What happened?? Bakit napultol ang call?? sabi ko naman sayo na wag mong ibab-"

"Hindi ko po ibinaba. May nabangga kasi ako sa hagdan eh tumalsik yung phone ko. Sira na ata." pagpapakita ko ng phone ko sa kanya.

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat. Ikaw bata ka. Oh pano? wala ka ng phone. Seul naman...sumabay ka pa sa gastusin natin" sabi niya at chineck ako. "Tignan mo nasugatan ka pa."

"Ma, okay lang po ako pati ayos lang kung wala muna akong phone ngayon" 

"Hindi pwede anak. Mas lalo akong mag-aalala sayo. Halika dito, lagyan mo ng gamot." kinuha ni Mama ang kit.

"Pero ma, matanda na po ako. Kaya ko na po sarili ko kaya wag ka mag-alala" pagpapakalma ko sa kanya.

"Hindi. Kaylangan may contact tayo. Okay lang ba sayo kung medyo low tech ang bago mong phone?"

Tumango lang ako at sinabe na okay lang kahit wala pero nagpumilit parin siya at gagawan daw ng paraan.

May lumabas naman na doctor kaya agad kaming napatayo.

"Kamusta na? Okay lang ba Anak ko?" tanong ni Mama sa doctor.

"Sa ngayon po, okay naman na po ang mga natamo ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
chocochipc00kie
#1
Chapter 1: Huuwwaaaaw sana ol lol
aigootaeyeonie #2
Chapter 1: Ang ganda nung fic sana may part 2. Nakaka inspire magka jowa charizzz