final

fall

Simula High school ay naging fan na itong si Baekhyun sa panonood ng sports dahil sa influence na din ng kanyang pamilya. Hindi ito nag lalaro kundi isa lang itong cheerleader sa kanyang napupuso-ang team.  Nag lay-low lang ito ng tumongtong sya ng college dahil sa sobrang busy sa studies.

 

Isang araw habang nanunood si Baekhyun ng isang laban ng basketball sa isang sikat na tournament ng mga unibersidad sa Pilipinas, napaling ang kanyang atensyon sa matangkad na player ng Blue Eagles.

 

Agad agad naman nitong sinearch sa internet ang basketball player at dun nalaman nyang Chanyeol ang pangalan nito.

 

Simula ng araw na iyon ay palagi ng pinapanood ni Baekhyun ang bawat game nito hanggang sa ma draft ito sa PBA at laking gulat nya kasi sa favorite team nya pa sa PBA napunta si Chanyeol.

 

Bago pa lang na draft si Chanyeol sa PBA ay isa ng kilalang fan itong si Baekhyun ng Beermen dahil sinusuportahan din ito  ang Best Player ng team na si Jongin.

 

Isang araw tinawagan nito ang kanyang best friend na si Jongdae at hindi pa lang nag hello ang kaibigan sa kabilang linya ay nag hiyawan na ito. Alam na alam ng Jongdae na pinagdasal talaga ni Baekhyun na ma draft itong si Chanyeol sa Beermen at narinig naman ang panalangin nito.

 

Jongdae: “Baek sa wakas napunta si Chanyeol sa team natin, grabe hindi ako makapaniwala na makakasama na niya si Jongin kaso si Sehun nasa kabilang team naman na draft.”

 

Baekhyun: “Ayos lang yan Dae sasamahan naman kita sa praktis nila Sehun pag nakaluwas na ako dyan. “

 

Jongdae: “I cannot wait na pumunta kana dito para magkasama na tayo. Lagi kasi wala si Soo, sobrang busy sa trabaho at minsan lang nakakalabas.

 

Baekhyun: “Don’t worry Dae, malapit na. Inaasikaso ko lang ang mga papers ko bago ako lumuwas dyan.

 

Nagkakilala si Baekhyun at Jongdae through Social Media ng mag join itong si Baekhyun sa fanclub ni Jongin at dun din niya nakilala si Soo.

 

Si Soo ang president ng fanclub ni Jongin at matagal ng member si Jongdae sa club bago pumasok si Baekhyun.  Hindi pa sila nag kikita pero nag click na agad ang dalawa kasi pareho itong kalog.

 

Simula naging part ng Beermen si Chanyeol ay naging busy ito sa laro at naging trainer nito ang veteran player na si Jongin.  Magaling naman mag laro si Chanyeol kaya hindi nagkamali ang team na eh draft ito.

 

Jongin: “Yeol, sa susunod na game natin against Aces, kasama kana sa first five kaya wag kang kabahan. Alam ko naman kaya mo.”

 

Chanyeol: “kinakabahan pa rin po ako Capt., iba po kasi yung laban dito compared po nong sa college.”

 

Jongin: “Magtiwala ka lang, kasama mo naman kami sa laban. Basta galingan mo lang. Mali! Alam ko magaling ka naman”

 

Tinapik ni Jongin ang balikat ni Chanyeol at agad itong tumayo para mag warm up para mag start na ang practice nila.

 


 

Pangarap ni Baekhyun na manood ng live basketball game especially ang laban ng favorite team nya. Isang araw nito naka tanggap sya ng tawag galing sa tita nya at pinapagbaskayon ito sa Manila for Christmas. Kahit nahihiya ito ay hindi na sya tumanggi at agad agad nag book ito ng ticket paluwas ng Manila.

 

Sobrang excited si Baekhyun kasi sa wakas magkikita na sila ng Best friend nya and at the same time makakanood na sya ng live game at makikita na nya for the very first time ang idol nitong si Jongin pero mas excited si Baekhyun makita si Chanyeol.

 

Pagkadating ni Baekhyun si Manila ay ilang araw din itong namalagi sa bahay ng tita nya at minsan pinapasyal sya nito. Nangako naman ang Tita nya na manood sila ng live game at lalo itong na excite.

 

After ng Christmas Break ay may game ang Beermen and alam na alam ni Baekhyun yun kasi hindi paman lumabas sa lahat yung schedule ng games ay may copy na sya ng schedule game ng Beermen sa buong season. Perks ng pagiging member ng fanclub ay magkaroon ka ng access sa schedule ng games at pwede ka din maka nood ng practice nila.

 

Nang araw na yun tinawagan nya si Jongdae

 

Baekhyun: “Dae manonood kaba ng live game ngayon?”

 

Jongdae: “Oo Baek at kasama ko si Soo mamaya pati ibang member ng club. Manood kaba? Sabi kasi first five daw si Chanyeol.

 

Hindi alam ni Jongdae na lumuwas ng Manila si Baek at gusto naman ni Baek na surprisesahin nya ito. Alam ni Soo na manood sya ng game at nag pareserve si Baek ng dalawang tickets para sakanya at sa chaperon nito (perks again ng pagiging member ng fanclub is libre game ticket from players).

 

Dumating sa Big Dome si Baekhyun ng maaga para may time pa itong makigpag chikahan kay Jongdae. Tinetext nya ito kung nasaan ito banda which is sanay na din si Dae kasi lagi itong nagkukwento sa mga ganap pag may game. At kabisado na ni Baekhyun kung saan ito tumatambay habang nag aantay ng game – sa labas ng South gate.

 

Pa-simpleng lumapit si Baekhyun sa kaibigan nito at nag tanong. Yes, Unang pagkikita nilang dalawa at kahit unang pagkikita pa lang nila ay kabisado na ni Baekhyun ang pagmumukha ng best friend nito.

 

Baekhyun: “Excuse me po” tanong nito kay Jongdae na busy sa mga players na dumadating. “Excuse me po! Pwede po ba magtanong?”

 

Jongdae: “Ano po???................Waaahhhhhh... Baekhyun ikaw ba yan? Kainis ka ang ganda mo nga talaga sa personal.”

 

Baekhynun: “Shhh... Wag ka nga maingay. Nakakahiya ka naman.”

 

Nag tawanan ang dalawa at agad naman ang kuwentohan. Nasabi ni Jongdae na dumating na si Chanyeol at si Jongin kaya mag aantay na lang sila ng game nito.

 

Dumating si Soo dala ang tickets nila at nagkamustahan. Gaya ng sabi ni Jongdae, malamig talaga makitungo si Soo at nasanay na lang sya ugali nito.

 

Natapos ang game at panalo ang Beermen at lahat sila ay nagcelebrate maliban kay Baekhyun. Hindi pwede magtagal si Baek dahil malalim na din ang gabi at may kasama din ito. Ng gabing yun ay hindi sila nag kita ni Chanyeol. Nagpa-alam na din sya kay Jongdae kasi yun na din ang huling araw na magkikita sila kasi babalik na sya ng probinsya sa makalawa.

 

Balik probinsya na naman si Baekhyun at tanging sa telebisyon na lang nya makikita si Chanyeol pero isang gabi after ng game ng Beermen ay nag plano ang mga kaibigan nito na e surprise sya.

 

Alam ng lahat na bukambibig ni Baekhyun itong si Chanyeol at nanghihinayang sya na hindi nya ito hinantay after ng game nila nung nanood sya ng live.

 

Biglang tumunog ang phone ni Baek habang nag mumokmok ito sa kwarto at nakita nyang si Soo ang tumatawag.

 

Baekhyun: “Hello Soo, bat po kayo napatawag? May kailangan po ba kayo?”

 

Soo: “wala naman Baek, may gusto lang na kausapin ka?”

 

Inabot ni Soo ang phone kay Chanyeol at hindi pa man nagsalita si Baek ay alam na nito kung sino ang nasa kabilang linya.

 

Chanyeol" “Hello, Baekhyun! Kumusta ka?  Sabi nila fan daw kita at sayang hindi pa tayo nagkita.”

 

Hindi nakapagsalita agad si Baek sa sobrang gulat kaya nagsalita ulit si Chanyeol.
 

Chanyeol: “Soo, wala atang tao, walang nagsasalita eh.”

 

Soo: “Baekhyun magsalita ka. Umurong ba dila mo dyan”

 

Tanging tawanan lang ng mga kaibigan nito ang naririnig at nauutal namang nagsalita itong si Baekhyun.

 

Baekhyun: “Hello po. Pa-pasenya na po at nagulat lang po ako?”

 

Chanyeol: “Hahaha.. ayos lang at least ngayon nag sasalita kana.

 

Mabilis lang ng naging unang usapan ni Baek at Chanyeol dahil nagmamadali na din ang player na maka uwi..

 

Alam ni Baek na may girlfriend si Chanyeol pero napapabalita na hiwalay na ang dalawa kasi hindi na ito nakikitang magkasama ang dalawa.

 

After ng mabilis na usapan nila ay hindi na mawala wala sa isip ni Baek iyong malalim na boses ni Chanyeol at kung paano ito tumawa.

 

Simula nong huli silang nagkausap sa phone ay napapadalas naman ito lalo pag panalo ang kuponan nila Chanyeol. Pero hindi nga lang sa lahat ng panahon libre itong si Chanyeol kasi sabi ni Soo at Dae ay lagi din itong nagmamadali na umuwi after ng game nila.

 


 

After 2 years simula nong na draft si Chanyeol sa Beermen ay na trade ito sa ibang team kapalit ng isang player ng Aces. Magaling naman si Chanyeol maglaro kaso ganoon nga siguro ang buhay ng mga players depende na rin sa management at offer ng team.

 

Pero sabi nga nakatadhana siguro ang paglipat ni Chanyeol sa ibang team for the new season kasi magkakaron ng On the road game sa probinsya nila Baekhyun.

 

Naging malungkot si Baekhyun ng malipat si Chanyeol sa ibang team dahil alam nya mahahati ang loob nya pag naglaban ang Beermen at Aces.

 

Habang nagmumok-mok itong si Baekhyun sa kanyang kwarto ay biglang tumunog ang phone nito at ang bestfriend nitong si Jongdae ang tumawag.

 

Jongdae: “Baek, nakita muna na ba yung schedule ng Aces?”

 

Baekhyun: “Hindi pa. Bakit anong meron?”

 

Jongdae: “OMG! Hindi mo pa ba tinignan yung schedule ni bestfriend for this season? (Bestfriend ang tawag ni Jongdae kay Chanyeol, kahit hindi naman. Lol) Hindi ba nagsend si Soo ng schedule ng Beermen at ni Chanyeol?

 

Baekhyun: “Naka tanggap na ako ng e-mail pero hindi ko pa chineck kasi alam mo naman naging malungkot ako nitong mga nagdaang araw.

 

Jongdae: “Hala sya... Nako tignan muna kasi. Go na. As in now na talaga.“

 

Binuksan ni Baekhyun ang e-mail nito at binasa ang schedule ng games ni Chanyeol at laking gulat nya na may schedule ng game na gaganapin sa probinsya nila.

 

Baekhyun: “Jongdae, No way! Totoo ba to? Baka pinaprank nyo lang ako ha.“

 

Jongdae: “Adik! Kita mo naman galing sa management yung schedule na yan at paano naging prank yan. “

 

Baekhyun: “OMG! Magkikita na kami Dae...Makikita ko na ulit sya. Excited na ako.“

 

Jongdae: “Kaya nga ako tumawag dahil dito kaso mukhang ikaw pala ang last naka alam. Hahaha. Masaya ako na magkikita na ulit kayo.

 

Baekhyun: “Alam ni Soo to diba? Pwede kaya maka ask ng libreng ticket kay Chanyeol? Pero nakakahiya naman sa kanya kasi diba bago pa sya sa team.”

 

Jongdae: “Try mo lang itanong si Soo baka magawan nya ng paraan. Nako Baek excited na talaga ako for you.”

 

Natapos ang usapan ng dalawa na puno ng tawanan.

 


 

After months na pag hihintay ni Baekhyun ay dumating na din ang araw ng game nila Chanyeol. Sobrang aga ni Baekhyun sa venue kasi sabi ni Soo bibigyan sya ni Chanyeol ng game ticket pero bumili parin ito ng ticket kasi ayaw nya umasa tapos baka wala naman e sya pa tong hindi makakanood  ng game.

 

Nong pinapasok na sila sa loob ng gym ay agad naman na spot nitong si Baekhyun si Chanyeol na nagwa-warm up sa tabi. Nag antay muna ito ng maka upo si Chanyeol sa bench bago nito lapitan

 

Nang maka upo naman si Chanyeol ay marami naman ang nagpapapicture dito kaya nag hintay muna si Baekhyun bago nya nilapitan at kinausap si Chanyeol.

 

“This is it…” Sobrang kabado si Baekhyun pero kailangan nya talagang gawin to.

 

Habang naka upo si Chanyeol sa bench at pumipirma ng autograph sa mga fans, lumapit si Baekhyun sa kanya.


Baekhyun: “Hi Chanyeol! Good luck po sa game nyo today?” (pabebe ka ghorl? Lol) Nagpatuloy si Baek na kausapin si Chanyeol.

 

Baekyun: “Chanyeol ano, may itatanong lang sana ako?”

 

Chanyeol: “Ano po yun?” Nakatingin na si Chanyeol kay Baekhyun habang naka ngiti ito.

 

Kinilig naman ang Lola nyo at nagsalita ulit.

 

Baekhyun: “Uhm... Kilala mo nyo po ba si Soo?”

 

Chanyeol: “Yup. Kilala ko po sya actually sabi po nya may friend po sya na nag ask ng game ticket. Ikaw po ba yun?”

 

Tumango lang si Baek at agad tumayo si Chanyeol.

 

Chanyeol: “Teka dyan ka lang ha, kukunin ko lang yung ticket sa dugout.”

 

At agad lumabas ng court si Chanyeol at pumasok sa dugout at ng bumalik at bitbit na nito ang naka envelope na ticket at hinanap nito si Baekhyun upang personal na i-abot ang ticket.

 

Chanyeol: “Here’s the ticket, enjoy the game!”

 

Tinanggap naman ito ni Baekhyun at kung may tanga that day sya na yun ng bigla nya naman tanongin si Chanyeol kung saan naka pwesto yung ticket. Complimentary tickets kasi yung binigay ni Chanyeol. Lahat ng players meron complimentary tickets para sa family or relatives nila na manonood ng game. At loko naman tong si Chanyeol na sumagot kay Baekhyun na kahit saan pwede sya umupo.

 

Natapos ang game at panalo ang Aces at bago lumabas sila Chanyeol ay namigay ang mga players ng stuff toy na E-Cow ang official mascot ng Aces. Muntik ng di mabigyan si Baekhyun sa sobrang dami ng tao na gusto maka kuha but lucky for him kasi tanda sya ni Chanyeol. At instead na ibato ni Chanyeol yung stuff toy ay inabot nya ito kay Baekhyun at nagulat naman ang lahat sa nangyari. Kinilig naman ang betlog ni Baekhyun sa nangyari kasi hindi naman nya enexpect yung ginawa ni Chanyeol for him.

 

Kilig na kilig si Baekhyun at kinukwento nya lahat kay Dae thru text at kinilig naman for him ang bestfriend nito.

 

Dumaan ang ilang buwan simula nong huling nagkita si Baekhyun at Chanyeol at gaya pa din ng ginagaw nito. Nagkakausap pa din sila over the phone sa tulong ni Soo. At ngayon mas komportable na sila mag-usap kahit saglit nga lang.

 

Nag simula ang off season nila Chanyeol kaya wala na muna ganap sa buhay nito pero si Baekhyun naman ang naging busy ng magka boyfriend ito.

 

Simula pa lang ng relasyon ni Baekhyun at Kris alam nyang may mali pero pinagpatuloy nya pa rin ito. Mabuti na lang at mabait ang boyfriend nito at sobrang maunawain sa mga ginagawa ni Baekhyun. Pero hindi maiiwasan na nag-aaway na silang dalawa dahil nakakalimutan din ni Baekhyun na ihiwalay ang personal at pagiging fan nya lalo na kay Chanyeol.

 

Nagplano si Kris at Baekhyun para sa birthday nito at magcecelebrate sila sa bahay ni Baekhyun. Lagi naman ito nagpupunta si Kris sa bahay nila Baek at kilala na sya ng pamilya nito.

 

Dumating ang araw ng kaarawan ni Baekhyun and like the usual, ordinary day lang naman para sa kanya ang araw na yun na palaging nakakaligtaan e-celebrate ng pamilya nila. Napaisip nga si Baekhyun if na curse ba yung araw na isinilang sya kasi lagi na lang may hindi magandang dumating. Pero who would have thought na magbabago pala ang nakasanayang nya sa araw na yun.

 

Alam ni Baek na may game si Chanyeol on that day but instead na manuod sya ay nag-celebrate na lang sila ng birthday nya with his boyfriend Kris. Simpleng dinner lang naman sa bahay nila at natuwa naman si Baekhyun sa effort ng boyfriend nito. But hindi natapos ang gabi na walang surprise ang mga kaibigan nya.

 

Tumunog ang phone nito habang nag-uusap si Baekhyun at Kris at nakita nyang si Soo ang tumatawag kaya agad nya itong sinagot. Kinakabahan sya pero ayaw nya pangunahan.

 

Soo: “Baek, Happy Birthday!”

 

Baekhyun: “Thank you Soo. Kamusta pala ang game?”

 

Soo: “Bago ko sagutin yan, Baek may gusto kuma-usap sayo at gusto ka batiin ng personal. “

 

Inabot ni Soo ang phone nya at hindi naman nagkamali ng hinala si Baekhyun. Si Chanyeol ang nasa kabilang linya at nakikipagtawanan kina Soo.

 

Chanyeol: “Hi Baekhyun. Happy Birthday sayo. Sana lagi kang nasa mabuting kalagayan.“

 

Baekhyun: “Maraming Salamat Chan.”

 

Yes saglit lang ang naging batian nila kasi as usual nagmamadali pa rin itong si Chanyeol umuwi, sabi may family dinner daw. Pero yung kilig ni Baekhyun ng gabing yun ay hindi na ma ipenta kahit kasama pa nito ang boyfriend nyang si Kris. Si Kris na supportive at martyr.

 


 

Sobrang bilis matapos ang taon at nagpag usapan ng parents ni Baekhyun na ipadala ito sa Manila para magtrabaho at walang pagdadalawang isip na pumayag naman si Baekhyun sa gusto ng parents nya kahit na maiiwanan nya si Kris.

 

Ang totoong kwento kung bakit sya pinadala ng Manila para ipaghiwalay silang dalawa at gets naman ni Baekhyun yun. Alam nya naman na nawawala na ang pagmamahal nito kay Kris dahil si Chanyeol na lang ang laging laman ng utak nito at baka pati na rin ng puso nya.

 

Bago magbagong taon ay lumuwas ng Manila si Baekhyun at kahit mahihiwalay sya ng matagal sa parents nito at sa aso nitong si Mongryong ay wala na itong magawa. Hinabilin nya ang kanyang aso sa boyfriend nito dahil alam ni Kris kung gaano ka importante si Mong sa buhay ni Baekhyun at alam ni Kris na ayaw na ayaw ni Baekhyun na nakakalabas ng bahay si Mong. Isang bagay na tumatak sa utak ni Kris nong sabihan sya ni Baekhyn na pag may mangyari kay Mong, makikipaghiwalay ito sa kanya.

 

Sa Manila na nagbagong taon si Baekhyun at nakikitira sya sa Tita nito sa Valenzuela. Hindi naging madali ang paglipat nya kasi sa namamahay ito at hindi rin nya kasundo ang asawa ng Tita nya. May attitude din kasi pero sa katagalan naman na gets na din nya.

 

Habang wala pang nahahanap na trabaho si Baekhyun, ay tumulong na lang ito sa Tito nya na magbantay ng bakery. Pinaghahandaan din ni Baekhyun ang pagkikita nila ulit ni Jongdae sa mismong araw ng Birthday nito.

 

May naka plano na din si Jongdae sa araw na yun at sobrang excited na talaga sya kasi whole day silang magkakasama at sa araw na yun ay manunuod sila ng practice ng Thunder at Aces. Meaning magkikita na ulit sila ni Chanyeol.

 

Dumating ang araw ng birthday ni Jongdae at nagkita ang dalawa sa Farmers para pumunta gym kung saan nagpapraktis sila Sehun. First time magkita nila Baekhyun at Sehun at parang timang naman si Jongdae sa sobrang kaba at excited na makita ulit si Sehun. Matagal na talaga nitong crush si Sehun college days pa lang kaso.

 

Hinayaan na lang muna na Baekhyun na magmoment si Jongdae at si Sehun habang busy sya sa panonood ng mga players na nagpa-praktis.  Hindi sumama si Soo kasi  busy daw sya at hahabol na lang ito sa birthday dinner ni Jongdae sa Cubao.

 

After ng praktis nila Sehun ay nagpunta sila ng Megamall para magpalipas ng oras bago pumunta sa praktis ng Aces. Kabado at excited si Baekhyun kasi sa wakas magkikita na ulit sila ni Chanyeol. After lunch ay nagpagsya na silang dalawa na pumunta sa Libertad sa Mandaluyong lang din para manood ng praktis. At sumombra naman silang dalawa sa aga kasi naunahan pa nila ang mga players dumating. Kaya nagpasya muna ang mga ito na maupo sa tabi habang nag hihintay magsimula ang praktis.

 

Kinakabahan lalo si Baekhyun ng makita ang puting Hyundai Santa Fe na pumasok sa gate. Alam nya na kay Chanyeol ang kotseng pumarada at hindi sya nagkamali kasi pagbaba pa lang ng player naka ngiti na ito habang kausap ang mga teammates nya at napatingin ito sa direksyon nila at ngumiti ito at nag taas ng kamay. (Present lol).
Habang nag wa-warm up si Chanyeol ay natapat ito sa kina uupoan nila Jongdae at Baekhyun at bilang kilala naman ni Chanyeol si Jongdae ay nagtanong ito.

 

Chanyeol: “Dae sino yang kasama mo?

 

Bago pa man nakasagot si Jongdae ay umalis na itong si Chanyeol para magsimula na ang praktis.

 

Di nagtagal ay natapos na ang praktis ng Aces at naka upo na lang si Chanyeol sa kabilang bench na tapat mismo kung saan naka tambay sila Baekhyun at Jongdae. Pinipilit ni Jongdae na lapitan nila si Chanyeol at lintik na pakipot pero bumigay naman. Nag hello ang dalawa kay Chanyeol at nakikipag biruan naman ito sa kanila at binati ni Chanyeol si Jongdae. Nagkatinginan lang si Chanyeol at Baekhyun na sobra pa ding kinakabahan. If pwede palang bumuka ang lupa ay nilamon na sya nito agad agad.

 

Chanyeol: “Baekhyun kamusta ka na?”

 

Hindi agad nakasagot si Baekhyun dahil sa nagulat sya na kilala pala sya ni Chanyeol kahit pangalawang beses pa lang ng araw ng yun sila nagkita.

 

Baekhyun: “Ayos lang naman po“ ( Magalang tayo dapat )

 

Chanyeol: “Magtatagal kaba dito sa Manila?”

 

Baekhyun: “Opo. Kasi maghahanap po ako ng work dito sa Manila. “

 

Tumango lamang ang tugon ni Chanyeol sa kanya at ngumiti ito. Pagkatapos ng usapan nila ay umalis na agad ang dalawa kasi nagmessage si Soo kay Baekhyun na pumunta na sila ng Gateway kasi nandoon na ang surpise nya for Jongdae.

 

Hindi alam ni Jongdae na ininvite ni Soo si Minseok sa dinner nila at si Junmyeon ay nasa Gateway na at hinahantay na lang sila dumating. Sabi kasi ni Minseok na magsisine na muna ito kasama ang girlfriend nito.

 

Soo don’t have choice kundi sabihin na lang kay Jongdae yung surprise guest sa dinner nila para kusa na itong magmadali. Sa sobrang taranta ni Jongdae ay napalaban silang dalawa ni Baekhyun sa siksikan ng mga tao sa MRT para lang maka abot sa Getaway.

 

Hindi nagtagal ay dumating si Soo at si Myeon kaya pumasok na lang sila sa loob ng resto habang inaatay sila Minseok na dumating. At hindi nagtagal ay dumating si Minseok na may dalang cake at kasama nito ang girlfriend at model na si So Eun.

 

Late na din natapos ang dinner nila kasama si Minseok at So Eun at kahit crush ni Jongdae si Minseok noon ay masaya sya sa for him.

 

Sa sobrang busy ni Baekhyun ng araw na yun ay may nakalimutan syang tao na kailangan sya magpa alam at si Kris iyon.

 

Panay text si Kris sa kanya at chicheneck kung nasaan na ito dahil sa nag aalala din ito. Pero hindi pa man natapos ang gabi ay nakipag break na si Baekhyun sa kanya. Hindi man naging madali pero fix na ang desisyon ni Baekhyun na hiwalayan ang kasintahan nito. Alam nya sa sarili nya na niloloko lang nya si Kris dahil alam nyang hindi na si Kris ang laman ng puso nito kundi si Chanyeol.  Hindi yun agad natanggap ni Kris at panay ito tawag kay Baekhyun at pati na din sa Tita nya pero ayaw talaga ni Baekhyun na kausapin muna si Kris. Dahil alam nyang mas lalo nya pa itong masasaktan.

 

Ilang buwan na din si Baekhyun sa Manila at same routine lang naman ginagawa nya habang nag aantay ng tawag sa mga pinag aapplyan nito.

 

Minsan nanood din sya ng game at praktis nila Chanyeol at isang araw nag aya si Soo na manood sila ng praktis ng Aces pero hindi sumama si Jongdae kasi same time yung praktis nila Chanyeol at Sehun pero sa ibang gym nga lang.

 

Medyo naging magkasundo na ito ng itong si Soo at Baekhyun at nasa sabayan na nila ang isa’t isa. Kaya nong nanood sila ng praktis ay tinutukso ni Soo si Baekhyun. Naitanong lang kasi ni Baekhyun kung paano nalalaman ni Soo yung praktis time at venue directly kay Chanyeol at sabi ni Soo na may contact number sya mismo ni Chanyeol.  Nag joke naman itong si Baekhyun na gusto nya rin sana makuha number ni Chanyeol pero nahihiya lang sya. Kaya Soo dare him na hingin mismo kay Chanyeol ang contact number nya.

 

Sa araw na yun ang itinakda na hihingin nya kay Chanyeol ang contact number nito. Pagkatapos ng pratis ay umupo si Chanyeol sa bench same spot kung saan sya umupo nong dati. Tumayo naman agad si Soo at lumapit kay Chanyeol at ito na naman ang mahiyain nating si kaibigan na si Baekhyun ay nagpahuling lumapit sa kanila. Binati naman ni Chanyeol si Baekhyun at agad naman itong nakikipagbiroan sa kanila.

 

Si Chanyeol lagi yung nagpapagaan ng mood at nagiging komportable ang lahat sa kanya. Tinutukso din nya si Baekhyun kasi sobrang mahiyain nito. Bigla na lang nagsalita si Soo at lalong ikinahiya nitong si Baekhyun.

 

Soo: “Chanyeol, may sasabihin pala si Baek sayo?”

 

Chanyeol: “Ano yun Baek? Mukhang hindi maganda to ha.”

 

Nagtatawanan lang sila pero kabado bente naman tong si Baek kasi hindi nya alam paano nya itanong kay Chanyeol.

 

Soo: “Ano na Baek? Na tameme ka na naman. Hahahaha “

 

Naglakas na ng loob si Baek at iniisip nya if hindi naman ibibigay ni Chanyeol, e nirerespito naman nya yung tao. Lumayo ng kaonti si Soo para bigyan ng space ang dalawa.

 

Baekhyun: “Chan, paano ba to?”

 

Chanyeol: “ Huh? Hindi kita ma gets, sabihin muna lang kasi.”

 

Kahit nakatawa si Chanyeol pero kabado rin ito sa itatanong ni Baekhyun.

 

Baekhyun: “Chan pwede ko ba mahingi yung number mo? “

 

Namula si Baek sa sobrang hiya at halos hindi na ito gumagalaw sa kina uupoan nito. Nahalata naman ito ni Chanyeol at agad naman sya biniro nito.

 

Chanyeol: “Number? Ito oh number ko “ sabay turo sa jersey number nya. HAHAHA nagpapatawa ang higante.

 

Tapos bigla itong nilingon ulit si Baek at sabay sabi

 

Chanyeol: “Kunin mo na lang kay Soo yung number ko. “

 

Sabay tayo at umalis si Chanyeol para mag shower dahil sa tapos na din ang praktis nila.

 

Nagulat si Baekhyun kasi hindi nya talaga inexpect na ibibigay ni Chanyeol ang number nya.

 

Sa wakas TEXTMATE na kami – wari ng isipan ni Baekhyun. Mission Accompished.

 

After makuha ni Baekhyun ang number ni Chanyeol ay lagi na nya itong tenext lalo pag may game. Naalala nya pa ang yung unang beses syang nag message kay Chanyeol para ipa alam na nakuha na nya ang phone number nito at nag reply naman si Chanyeol sa mga text nito.

 

Isang simpleng “Thank you, Baekhyun” ang lagi nitong natatanggap pero yung kilig ni Baekhyun ay abot hanggang langit.

 

Isang buwan bago ulit sila nag kita ni Jongdae para manood ng game nila Chanyeol. As usual na pa aga ang  dating niya dahil usapan nila ni Jongdae na antayin si Chanyeol sa South Gate bago ito pumasok sa loob ng dug out. Minsan na ka park lang ang sasakyan nito sa labas ng venue kaya alam na alam nilang dumating naba ito o hindi pa.

 

Nagsi datingan na ang ibang player at kabado naman si Baekhyun kasi malapit na magstart ang first game at wala pa din si Chanyeol pero 2nd game pa naman ang schedule ng game nila. Dumating na din sila Soo at iba nilang kasama na manood ng game. 1st game din ng araw na yun ang kuponan ni Jongin kaya si Soo hindi na naghintay kay Chanyeol at sabi after game na lang nya ito aabangan. Inabot na din ni Soo ang tickets ni Baekhyun at Jongdae para agad itong makapasok pagkatapos nila antayin si Chanyeol.

 

Nababagot na si Baekhyun sa kaka antay kaya na upo na lang ito sa gilid at hinayaan nya si Jongdae na tumingin kung dumating na ang kotse ni Chanyeol. Hindi nagtagal ay isang puting Hyundai Santa Fe ang pumasok sa parking lot ng Big Dome at agad naman itong nakita ni Jongdae at agad nyang tinawag si Baekhyun.

 

Jongdae: “Baek andito na sya. “

 

Napatayo naman si Baekhyun sa kina-uupoan nito at napangiti sya ng makita ang puting kotse na nagpark at nang bumukas ang pinto nakita nya si Chanyeol na fresh na fresh na bumaba sa kotse nito at dala ang gamit. Agad naman nilang nilapitan si Chanyeol at sa sobrang init ng panahon ng araw na yun ay binuksan ni Baekhyun ang payong nya para sana payongan nito si Chanyeol at kung sa anong kamalasan ba naman ang nangyari ng masira ang payong nito at ayaw bumukas. Tinawanan na lang sya ni Chanyeol habang naglalakad sila papalapit sa gate. Hindi nag text si Baekhyun ng araw na yun kasi alam naman nyang makaka usap nya si Chanyeol ng personal at makakapag goodluck sya nito at nangyari nga.

 

Natapos ang game ng gabing yun at panalo ulit sila Chanyeol kaya naman nasa mood itong makipag kulitan. Nang turn naman ni Baekhyun  na magpa pirma ng autograph kay Chanyeol ay kina-usap sya nito na bigla naman nyang ikinagulat.

 

Chanyeol: “Baek salamat pala sa pagpunta at sa panonood ng game.”

 

Baekhyun “Nako wala yun  Chan, masaya naman manood ng game at masaya din akong makita sila.”

 

Chanyeol: “Baek uuwi ka pa ba ng probinsya?”

 

Tanong na hindi agad nakasagot si Baekhyun. Uuwi pa ba sya or magstay sya sa Manila ng matagal. After ng ilang minuto ay sumagot na itong sa Baekhyun.

 

Baekhyun: “Hindi ko rin alam Chan pero siguro magtatagal pa ako dito.”

 

Tumango lamang si Chanyeol at patuloy na nakipag kulitan sa mga fans nitong nag-aantay din sa kanya.

 

Dumaan na naman ang mga araw at nababagot na si Baekhyun na palagi na lang itong nasa bahay o di kaya sa bakery ng tito nya. Wala pa din itong mahanap na trabaho kaya nahihiya na din ito sa Tita nya. Marami naman syang ina-applyan at natatawagan naman sya kaso ang trabaho lang ang hindi fit sa skills nito at yung location din ay hindi nya nagustuhan dahil sobrang layo nito.

 

Isang araw magkasama si Baekhyun at pinsan nito habang nag aapply sya ng trabaho. Nag kita ang dalawa sa Megamall kasama nito ang ka-klase. Inaya ni Baekhyun ang pinsan nya na manood ng practice nila Chanyeol at pumayag naman ito. Bago paman nya plinano na puntahan si Chanyeol ay nagpa alam na sya kay Soo para iwas issue at nag text sya kay Chanyeol na manonood sya.

 

Dumating sila sa Reyes gym at sa sobrang strikto ng guard doon ay hindi ka agad agad makakapasok lalo pag wala kang kilala sa loob. Kaya nong tinanong si Baekhyun kung sino pinunta nya sinabi nya lang ang pangalan ni Chanyeol at pinabuksan na sya nito ng gate. Buti na lang andun din si Kuya Tats ang close nya sa mga staff ng Aces. Nakita ni Kuya Tats si Baekhyun sa gate kaya inantay nya itong pumasok para sabay sila umakyat sa gym at manood ng practice. Alam ni Kuya Tats kung sino ang pinunta ni Baekhyun dun at since lage naman sya nakikita ng staff nakikipag biruan na din ito sa kanya.

 

Kuya Tats: “Oh Baek andito ka. Dinalaw mo ba sya?”

 

Kinilig naman ang betlog ni Baek dahil alam nya kung sino tinutukoy ni Kuya Tats

 

Baekhyun: “Opo. Napadaan lang po since nasa area na din naman po ako kaya nag decide ako manood ng practice nila. “

 

Kuya Tats: “Halika. Nagsisimula na sila magpractice sa taas.”

 

Agad naman sumama si Baek at ang pinsan nito pumasok sa gym at naupo sila sa bench habang nanonood ng practice ni Chanyeol. Pagkatapos ng practice ay tinawag ni Chanyeol si Baek.

 

Chanyeol: “Baek sino yang kasama mo?”

 

Hindi sumagot si Baek at agad naman itong tumayo at lumapit sa kanya.

 

Uupo na sana si Baekhyun pero napaling ang atensyon nito kay Ervin na teammate ni Chanyeol na panay tawag sa kanya. Siniguro muna ni Baek na sya tinatawag at tumatango lamang si Ervin sa kanya. Hindi napansin ni Chanyeol na wala pala sa tabi nito si Baekhyun at nakita na lang nito na nasa gitna ng basketball court si  Baekhyun. Tinawag nya ito at sinabihan si Ervin na mali ang taong tinatawag nya.

 

Napahinto sa gitna ng court si Baekhyun at halos hindi na ito gumalaw sa kahihiyang nangyari. Lahat ng players nakatingin sa kanya pati na din ang staff nito.

 

Biniro na lang siya ni Chanyeol para gumaan ang loob ni Baekhyun pero wala na sa mood si Baek sa sobrang kahihiyan. Hindi na inatay ni Baek matapos si Chanyeol at agad na itong nagpa alam at umuwi na sila ng pinsan nya. Tama nga yung kasabihan na sana bumuka na lang yung lupa at nilamon sya nito ng buo sa sobrang  kahihiyan na nangyari sa kanya.

 

Nalungkot si Baekhyun sa nangyari at agad naman nitong kuwento sa kaibigan na si Jongdae. Nagulat din si Jongdae sa nangyari kay Baekhyun sa practice ng Aces dahil alam nyang hindi naman nangingi alam ang mga players sa mga bisita nito.

 

Ilang games din nila Chanyeol na missing in action si Baekhyun kasi hindi pa rin ito maka get over sa  nangyari at ayaw nito makita ulit si Ervin  at nahihiya pa din ito sa nangyari.Tenext na lang nito si Chanyeol ng “Good luck sa game niyo today. Sana manalo kayo, Chan.” At nag re-reply naman agad itong si Chanyeol kay Baek ng “Thank you, Baekhyun. “

 

Sa kakapilit ni Jongdae na manood sila ng game ni Chanyeol ay napapayag nya ito.

 

Jongdae: “Grabe ilang araw ba tayong hinid nagkita, ay mali, buwan din pala.”

 

Baekhyun: “Alam mo naman kung bakit diba, nagtatanong ka pa eh.”

 

Jongdae: “Alam mo bang hinahanap ka ni Chanyeol after ng game? “

 

Baekhyun: “Nako wag ako Dae, ako na naman pinagti-tripan mo. Nag titext naman ako sa kanya pag may game. Hindi ko nga lang sinasabi an hindi ako manunood.”

 

Jongdae: “Adik ka! Kahit itanong mo pa kay Myeon, diba Myeon hinanap sya ni Chanyeol nong nakaraan?”

 

Myeon: “Oo Baek, sinabi na lang namin na busy ikaw kaya hindi ka naka punta”

 

Hindi napigilan ni Baekhyun na kiligin sa narinig nya sa mga kaibigan nito at hindi nya mapigilang mapangiti na lang.

 

Hindi na nila nakasama manood si Soo sa game ni Chanyeol dahil sa may lakad ito at si Myeon naman may trabaho kinabukasan. Nagpa iwan si Baekhyun at Jongdae para manood at suportahan si Chanyeol kaso sa kasamaang palad natalo sila ng gabing yun.

 

After ng game ay nag antay si Baekhyun at Jongdae malapit sa kotse ni Chanyeol para agad nila itong maka usap. Pa alis na sana si Chanyeol dahil wala din ito sa mood dahil sa natalo sila sa game. Pero pina andar lang pala nito ang engine ng kotse bago lumabas ulit para kausapin sila Baekhyun.

 

Baekhyun: “Ayos lang yan Chan, bawi na lang tayo next game.”

 

Chanyeol: “Oo nga e. Salamat pala sa pagpunta. “

 

Ngumiti lamang si Baek at napapansin nito ang babaeng nangugulit kay Chanyeol at hinihingian ito ng pera. Pilit na dinidistract ni Baek si Chanyeol pero makulit talaga ang babae kay pumasok ulit si Chanyeol sa kotse nito at kumuha ng bente at inabot sa babae at nagsara ng pinto ulit. Akala ni Baek aalis na si  Chanyeol na hindi man lang nagpapa alam kaya tinawag nito si Jongdae para magpa alam na din sa kanya pero nagulat sya ng biglang bumukas ang bintana ng kotse nito at tinawag si Baek.

 

Chanyeol: “Baek, Dae alis na ako. Salamat ulit sa panonood ng game. Kita tayo sa susunod. “

 

Ngumiti lamang si Baekhyun at pina andar na ni Chanyeol ang kotse at agad itong umalis.

 


 

Ilang buwan na din si Baekhyun sa Manila at hindi na maganda ang nangyayari dahil napapadalas ang away ng  tita at tito nito dahil sa nahihirapan din ito. Feeling tuloy ni Baek naging pabigat na sya sa tita niya kaya isang araw tumawag sya sa parents nito para kausapin. Hindi man madali ang desisyon niya pero ito lang ang na-iisip nyang solusyon. Napag desisyonan ni Baek na umuwi ng probinsya at kasama nito ang pinsan nyang na buntis ng boyfriend nito. Isa din ito sa dahilan kung bakit sya uuwi sa probinsya pero may hiniling ito bago sya maka-uwi at yun ay ang manood ulit ng game ni Chanyeol sa huling pagkakataon.

 

Nag message si Baekhyun kay Soo na manonood sya ng game at nagpa reserve sya ng ticket nito. May game sila Chanyeol ng Linggo na yun at huling schedule na nila yun bago matapos ang elimination round. Hindi pa pinapa alam ni Baek sa mga kaibigan nito ang plano nyang pag uwi at alam nyang malulungkot ang mga to lalo na ang best friend nyang si Jongdae.

 

Araw ng Linggo, nagpa alam si Baekhyun sa Tita niya at sinabi na hindi na rin sya sasama sa Olympus para maglinis ng bahay ng dating amo ng Tita nya.

 

Gaya ng nakagawian nila ni Jongdae, maagang dumating si Baekhyun sa Big Dome at habang nag aantay sya na dumating si Jongdae ay nag iisip sya kung paano nya sabihin sa mga kaibigan ang plano nyang pag uwi at lalo na paano nya sasabihin kay Chanyeol.

 

Di nagtagal magkasama na si Jongdae at Baekhyun at inaantay nilang dumating si Chanyeol. Naka tambay ang dalawa sa South Gate gaya pa rin ng ginagawa nila. Alam na ni Jongdae ang plano ni Baekhyun na pag uwi at nalungkot ito nag sobra. Hindi na rin ito umiimik pero pilit parin itong kinukulit si Baekhyun at pinipilit na hintayin na muna mag end ang season bago sya umuwi sa probinsya pero naka fix na ang ticket ni Baek pauwi. Final na din ang desisyon nyang umuwi sa kanila.

 

Gusto ni Baek e enjoy ang huling game na makikita nya si Chanyeol kaya naki usap ito sa mga kaibigan nya na hindi na lang muna pag usapan ito. Gusto nya makita si Chanyeol na naglalaro at sya naman ay nag che-cheer sa tabi. Nakita sya ni Chanyeol at agad itong kumaway sa kanya. Napangiti na lamang si Baekhyun pero ngiting alam nyang mamaya din ay mapapalitan ito ng lungkot.

 

Natapos ang game nila Chanyeol at panalo ang team nila kaya masaya masayang ang mga players at mga fans nila. After ng game ay dumiretso na sila ng south gate para antayin nila ang paglabas ni Chanyeol. Naka abang lamang sila sa malapit sa kotse nito at hindi nagtagal ay nakita ni Baekhyun si Chanyeol na papalapit sa kanila. Tuwang tuwa naman si Chanyeol at pinag high five nya lahat ng mga fans including si Baekhyun na tahimik lamang sa tabi pero nakangiti pa rin. Yung ngiti na may kirot sa dibdib dahil alam nyang huling gabi na  yun na makikita niya si Chanyeol.

 

Habang busy ang lahat ay lumapit si Baekhyun para e abot nito ang notebook nito para sa autograph ni Chanyeol. Attendance nga ang tawag nya didto kasi lagi nya pinapapirmahan kay Chanyeol sa bawat nanonood siya ng game or practie. Agad naman kinuha ni Chanyeol ang notebook nito at habang pumipirma si Chanyeol, bigla itong nagtanong kay Baek.

 

Chanyeol: “Baek, uuwi ka pa ba ng probinsya?”

 

Bagay na laging tinatanong ni Chanyeol sa bawat pagtatagpo nila na walang nakatingin or nakakarinig sa kanila. Hindi agad maka sagot si Baek na kung dati agad naman nya sinasabi kay Chanyeol na hindi sya aalis at hindi sya uuwi. Pero iba ng gabing yun, nahihirapan sya at iniisip na lang nya na deserve naman siguro malaman ni Chanyeol ang pag alis nya kahit ba alam nitong wala namang paki alam ang basketball player kasi nga fan lang sya. Tumingin si Baek sa kanya at sumagot ito.

 

Baekhyun: “Oo Chan, aalis na ako sa makalawa.”

 

Napahinto ng pagpirma si Chanyeol ng ilang segundo at nagpatuloy ito bago nya e abot kay Baekhyun ang notebook nito.

 

Chanyeol: “Mag ingat ka at sana magkikita pa tayo sa susunod. “

 

Agad syang shinake hands ni Chanyeol at nilingon ang mga kaibigan ni Baek at nakipagbiroan sya nito. Pilit na inaaliw ni Baek ang huling gabi na pagkikita nila ni Chanyeol kasi alam nya matatagalan pa bago ulit sila magkita. Natapos ang gabi na umiiyak si Baek dahil alam nitong mamimiss nya si Chanyeol.

 

After a week, naka uwi na si Baek sa probinsya nila kasama nito ang pinsan nya. At kahit malayo ito kay Chanyeol ay tinetext or pm nya ito sa sns ng player. Hindi naman nabibigo si Baekhyun kasi lagi itong may reply.

 

Nagkita na rin ulit si Kris at Baekhyun pero hindi pa sila nagkaka-usap after ng break nila at ayaw din ni Baek na kausapin ang ex nito.

 

Isang araw nakatanggap ng text si Baek galing sa best friend nito. Kinakamusta sya at tinatanong if nag tetext pa ba ito kay Chanyeol. Masaya ang naging palitan ng text nila pero nagulat sya sa huling sinabi ng kaibigan nito. Tinawagan nya si Jongdae para marinig nya mismo ang sinabi nito sa text.

 

Baekhyun: “Totoo ba na dumating sya?”

 

Jongdae: “Sabi ni Soo, nakita nya nong  huling game. “

 

Baekhyun: “Akalain mo yun, yung akala nating wala na ay nagbabalik pala.”

 

Jongdae: “Oo nga e. Kala ko talaga hiwalay na sila ni bestfriend. Kaya nga diba laging masaya si Chanyeol pag magka-usap kayo. Nakikita naman naming yun, dine-deny mo lang. “

 

Baekhyun: “Adik! Ayoko ko lagyan ng malisya yung mga ginagawa ni Chan sa akin. Fan nya parin ako at alam ko naman saan lang ako lulugar diba. Pero nagulat talaga ako. Bakit kaya sya nag balik?”

 

Jongdae: “Ang alam ko tapos na yung study nya sa US kaya sya umuwi. Hindi ko pa nga nakikita yun pero wala akong balak makita  yun. Ang suplada naman kasi non e. Hindi ko alam bakit yun pa ang napili ni Chanyeol. “

 

Napa bunting hininga na lang si Baek at natapos ang usapan nilang dalawa ng tawagin ito ng Mama nya.

 

 


 

Si Rose ang long time girlfriend ni Chanyeol at since their college day mag boyfriend-girlfriend na sila. Kapatid si Rose ng isa sa mga dating teammates ni Chanyeol sa Eagles. At ang akala nila hiwalay na ang dalawa dahil hindi na ito nakikita sa mga game ni Chanyeol at yun pala ay nasa America ito at tinatapos ang Masteral Degree.

 

Ilang buwan din na walang balita si Baekhyun kay Chanyeol at naka off season din sila kaya hindi sya pwede magtext dito gaya ng napag-usapan nila ni Soo. Pero isang araw nagulat na lang sya sa nabasang balita sa SNS.

 

“Chanyeol magpapakasal na sa long time girlfriend nitong si Rose sa darating na December.”

 

Hindi alam ni Baekhyun ang gagawin at buti na lang mabilis pa sa alas quarto ang bestfriend nito na at tinawagan sya.

 

Nasasaktan sya kahit alam naman ni Baekhyun na hindi naman dapat pero alam nya sa sarili nya, mahal na nya si Chanyeol. Napapa-isip sya if tama bang iniwanan nya si Chanyeol o nagkamali sya na iniwanan ito sa Manila.  Pero sa bandang huli tama pa rin ang desisyon nyang umuwi kasi nakatakda na itong mangyari before man lang nila nalaman.  Nagugulohan si Baekhyun kung anong ibig sabihin nang tanong ni Chanyeol sa kanya. Hindi nya alam bakit lagi na lang nya tinatanong kung Uuwi pa ba sya ng probinsya. Magulo ang isipan ni Baekhyun at alam nyang masakit ang naging balita sa kanya pero hindi na nya mababago pa ang naka tadhana.

 

Ang fairytale na happy ending na gusto nya ay hindi  na mangyayari dahil sa bandang huli sya pa din ang naging talonan sa laban na sa simula pa lang mag isa lang nya itong nilaro. Nalunod ang loob nya sa emosyon na pinaramdam at pinapakita ni Chanyeol sa kanya. Nakalimutan nya na may boundary sa pagitan nilang dalawa, as a Fan and as an idol pero matapang niya itong nilagpasan. .Naging bulag at bingi sya sa mga sinasabi ng mga kaibigan nito. Nakalimutan nya na hindi naman mangyayari ang mga iniisip nito dahil sa bandang huli sya pa din ang iniwanan.

 

It took years bago naka move is Baekhyun kay Chanyeol, hindi naman sya nag build ng galit sa lalaking minahal at pinahalagahan nya. Ang nagbago lang ay hindi na nya tenext si Chanyeol at hindi rin ito nanonood ng game nila. After a year nag retired na rin si Jongin at mas naging madali na lang dahil hindi na sya nakakanood ng game. Ayaw na ni Baekhyun makita si Chanyeol kasi masakit pa din pero pilit nya ibaon sa limot ang lahat.


 

**** 5 Years After ****

 

Nag switch ng sports na sinusuportahan si Baek , from Basketball naging fan na din ito ng larong Football. Lumuwas ng Manila si Baekhyun para manood ng World Cup Qualifiers kasama ang bagong mga kaibigan nito. Since mahaba naman ang bakasyon nya, na isip nitong kitain nya si Jongdae at Soo at nagbabakasakaling magkita ulit sila ni Chanyeol.

 

Affirmative, may schedule ng practice sila Chanyeol ng June 12 at walang pasok din si Jongdae kaya nagplano ang mga to na magkita at manood ng practice.

 

After how many years, sikat na din si Chanyeol, mas lalo itong naging kilala ng malipat ito sa Kings at naging part ng National team. 

 

Excited na si Baekhyun na makita ulit ang mga dating kasamahan at kaibigan. Bago nag punta sa gym ay dina-anan muna ni Baekhyun si Jongdae sa Cubao. Years din ang tinagal bago ulit sila nagkita ng kaibigan. Marami na ang nagbago pati na rin kay Baekhyun pero isa lang ang sigurado meron pa syang kaonting feelings para sa dating minahal.

 

Pagkapasok ng gym sa tulong ni Soo, nakita agad ni Baekhyun si Chanyeol na nagwa-warm up. Napa-isip si Baekhyun at tinanong ang sarili, Ano ba ang nagbago? Pero agad naman itong nasagot ang sarili. Naging malamig na ang pakikitungo sa kanya ni Chanyeol. Yung dating Chanyeol na palabiro at makulit ay binago na ng panahon. Noon nagtatagal si Chanyeol sa gym pero ngayon after practice at shower, umaalis din ito kaagad.  Yes, nagkita sila ni Baekhyun, nagkamustahan at maloko pa din ng bigla nitong tanongin si Soo.

 

Chanyeol: “Soo, may bago ka atang kasama?”

 

Nakangiting sabi ni Chanyeol at agad naman nyang kinamayan at kinagulat ng lahat ng bigla sya nitong yakapin ng saglit.

 

Chanyeol: “Baekhyun kamusta kana? Ano dala mo?”

 

Hindi  agad nakapagsalita si Baek sa gulat nito kaya sya tinisod ng kaibigan nito. Inabot ni Baekhyun ang dalawang malaking box ng Dried Mango at tinanggap naman ito agad ni Chanyeol pero binibiro pa rin sya nito.

 

Chanyeol: “Baek ito lang ba dala mo? Ang tagal natin hindi nagkita?”

 

Nagtawanan silang lahat dahil hindi na rin naka sagot si Baek kay Chanyeol. Magkasama silang lumabas ng gym ni Chanyeol pero hindi na rin ito nagtagal at tumakbo ito sa dala nitong kotse. Aba nagbago na pala, ang dating White Hyundai Santa Fe ay napalitan na nga Black Jeep.  Marami na nga ang nagbago, taon din naman ang nakalipas.

 

Hindi man naging happy ending pero masaya na ang dalawa sa tinatahak ng buhay nila.

 

The END!

 

 

For You 

 

Bilang isang fan, alam natin kung saan dapat tayo lumugar sa buhay ng taong ini-idolo natin. Hindi naman mawawala yung mapapamahal ka pero know your place dahil minsan na mi-misinterpret natin yung magandang pakikitungo ng tao sa atin. Kahit alam natin yung mangyayari pero matapang at mapangahas pa din tayo dahil ito yung tawag ng puso natin. Pero at the end of the day, tayo pa rin ang talo.

Yes, walang impossible nga naman pero yung clear na sa atin ang lahat, wag na lang natin pilitin. Kahit wala at wala talagang mangyayari. Instead of hating the person, just accept it and you’ll be in peace. Hindi  madali mag move on pero ito ako, masaya kung nasaan ako ngayon. It took years pero worth it ang healing moment at marami kang mare-realized sa buhay. .Believe me, a one sided love will harm you and worst will make your heart broken into pieces. Take care of your feelings habang kaya pa. Know your worth sa  mundong ibabaw. If hindi sila naka tadhanda for you, let it be. Walang mawawala sayo pati na din sa kanila. Kaya stay happy with your family and friends, they know you well at kahit hindi mo sabihin sa kanila alam nila ang nang yayari sayo. Once and for all, Take a break and breath.. Time will come, he or she will come , someone who will geniuenly take care  of you and love you unconditionally without asking or begging his or her feelings in return. You deserve it, You deserve to be loved.

 

Thank you for reading..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Cup_baek
#1
Chapter 1: I thought this was in English. I want to read it
fay_angel #2
It seems interesting,but i dont speak tagalog..i hope i can find translation to this