Una't huli

Sa susunod na habang buhay

"Seungwan"

"Hmm?"

"Tungkol don sa sinabi mo---"

Oo,

Gusto din kita

"Wag muna Hyun, g-gusto kong pagisipan mo talaga muna ng mabuti yang isasagot mo. Handa naman ako maghintay kahit gaano pa katagal yan kahit abutin pa ng ilang libong taon basta sa ngayon hayaan mo muna ako na mahalin ka"

"Okay..."


----- + ----- +

 

"Anong balak mo? nasabi mo na ba sakanya na magkokolehiyo ka sa Canada?" tanong ni Seulgi sa matalik na kaibigan. Napatigil si Seungwan sa pag inom ng paborito niyang milktea dahil dito.

"Hindi pa pero balak ko naman sabihin"

"Seungwan, umamin ka nga sa akin may balak ka ba talagang sabihin o wala?" hindi makatingin ng diretso si Seungwan sa mga mata ni Seulgi

"Seulgi...hindi kasi madali yon--"

"Edi sana una palang hindi ka na umamin-- sana...sana hinayaan mo nalang" pinagsisihan agad ni Seulgi ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig

Siguro nga ay makasarili si Seungwan,

Parehas niyang nasaktan at masasaktan ang dalawang pinaka mahalagang tao sa buhay niya.

"Sorry..."

"Seungwan wala na sa akin yon nakaraan--"

"Sorry talaga Seul, dapat kasi hindi ko na pinairal pa tong nararamdaman ko...dapat hinayaan ko nalang edi sana kayo ni Joohyun yung magkasama ngayon"

mga ilang minuto na balot ng katahimikan ang presensya nilang dalawa bago nagsalita ulit si Seungwan "Alam ko na kahit sabihin mong okay lang hindi magiging okay yon...dapat naman talaga ikaw yung magugustuhan ni Joohyun e kundi lang ako umepal..."

"Seungwan ano ba?!"

"Sawakas nasigawan mo din ako, antagal kong hinintay yung pagkakataon na to Seul, na makita yung emosyon mo"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"Magalit ka sa akin! sigawan mo ko! Ipakita mo sa akin yung saloobin mo Seul! kasi hindi ko na kayang nakikita ka  nagtatago sa mga ngiti mo! Akala ko ba magkaibigan tayo? pero bakit ganto..."

Huminga ng malalim si Seulgi "Seungwan...kung dapat talaga ako yung magustuhan ni Joohyun edi matagal ng nangyari yon pero hindi, kasi ikaw talaga ang gusto niya kaya itigil na natin tong away na to please? wala na akong saloobin sayo matagal na yon. Masaya ako sa kung anong meron sainyong dalawa."

 

----- + ----- +

 

"Aalis ka?"

"Mga ilang taon din ako mawawala...hindi ko alam kung kailan ako babalik, Hyun"

"Pero pwede naman natin ituloy to diba? kung anong meron sa atin...ikaw at ako" 

"Hindi mawawala yon pangako."

"Seungwan..."

"Hmm?"

"Pagbalik mo...gusto kong marinig mo na yung sagot ko."

 

----- + ----- + 


 
"Joohyun!? Anong ginagawa mo dito? Paano---"

"Bakit parang hindi ka masaya na makita ako dito? may babae ka bang tinatago dito ha?"

"Wala no! Hindi ko kayang gawin sayo yon, Hyun!"

Tumawa nalang si Joohyun "Aba dapat lang! pero bago yon pwede hug mo muna ako anlamig kasi dito sa Canada"

Agad agad naman yinakap ni Seungwan si Joohyun sabay halik sa noo nito "Sobrang miss na miss kita... parang di ko na kakayanin pag wala ka sa tabi ko. Ang hirap naiingit ako sa screen"

"Ako din...kaya nga hindi na kita natiis kailangan kita makita no eh hindi ka naman pwede umuwi sa bansa natin, ako nalang pupunta sayo"

"Grabe...Hyun..mahal na mahal kita"

 

----- + ----- +

 

Sawakas.

Andito na ulit ako,

Maririnig ko na din yung sagot niya.

"Seungwan"

"Joohyun, naalala mo ba kung saan ko linagay yung libro na binabasa ko kanina dito?"

Ayoko.

"Seungwan."

Hindi pa ako handa.

"Ah! Oo nga andon pala sa kusina"

"Seungwan!"

Napatigil ako sa sigaw niya..

"Bakit ganto?...bakit hindi ko na maramdaman?" 

"Hyun naman e..." sabi ni Seungwan habang pinipilit na lumapit kay Joohyun ngunit lumayo lamang ito lalo. 

"Nawawala na Seungwan, hindi ko alam bakit! dapat masaya ako na nakabalik ka na pero---hindi."

"Wag naman ganyan Hyun, okay pa naman tayo last month ah? Anong nangyayari bakit ganto?"

"Seungwan, Hindi ka na din masaya. "

"Joohyun, anong pinagsasabi mo diyan siyempre masaya ako kasama na ulit kita diba nga sabi ko sayo noon---"

"Sorry..pero eto na yung sagot ko Seungwan, eto na yon."

 

----- + ----- +

 

"Kanina ka pa tulala diyan. Wan, ano balak mong gawin sa buhay ha? tumunganga dahil iniwan ka ni Joohyun? Hindi lang naman sakanya naikot ang mundo!" sermon ni Joy saka inalog ang mga balikat ni Seungwan pero parang wala epekto dahil tulala pa din ito, nakatitig sa kawalan.

"Joy...hayaan mo na muna siya" sabi ni Seulgi habang pinipilit na pakalmahin ito

Huminga ng malalim si Joy "Hayaan? Seul, mag dadalawang linggo ng ganto si Seungwan! Oo alam ko gaano kaimportante sakanya si Joohyun pero alagaan naman sana niya sarili niya. Hindi yung ganto..mas mabuti pa nga atang nasa Canada nalang siya"

"Sorry..." Nagulat sila ng magsalita si Seungwan, halos dalawang linggo na din niya kasi hindi sila kinakausap

"Wan..."

"Babalik nalang ako sa Canada, sorry sa abala."

"Joy tignan mo yung ginawa mo!"

"Edi bumalik ka na don kaysa ganto ka dito."

"Joy!"

"Sorry ..ulit"

 

----- + ----- +

 

Apat na taon.

Hindi ko akalain na ganon lang pala lilipas 
ang mga gabi at araw...

Kahit anong alis at balik ang gawin ko dito pa din pala talaga ako dadalhin pabalik...sayo.

"Hoy Seungwan! welcome back!" sigaw ni Joy na may hawak lang tarpulin na may nakalagay na "WELCOME BACK, WAN ! APAT NA TAON NA NASAAN NA PASALUBONG NAMIN" 

"Wala manlang bang payakap sa akin? Antagal ko nawala tapos hinahanap mo agad mga pasalubong na dala ko imbis na ako dapat!" asar ko sakanya kaya agad niya akong binigyan ng mahigpit na yakap

"Baka magselos tong kasama mo" asar ni Joy sabay turo kay Rosé

"Nga pala si Rosé, siya yung--"

"Girlfriend mo diba?" singit ni Joy at tumingin kay Rosé 

"Hi..." bati ni Rosé

"Hilig mo talaga ako pangunahan!" sabi ni Seungwan 

"Okay lang yon tignan mo naman masaya ka na ngayon!" kindat ni Joy

"Saan pala sila Seulgi?"

"Kitakits nalang daw tayo don sa nireserbahan niya na resturant mamaya, medyo busy kasi sa work yon e pero gusto niya talaga sumama sa pagsundo kaso sabi ko ako nalang"

"Kamusta naman kayo? Ha? yiiieee!"

"Siraulo ka talaga! eh kayo ni Rosé? Kwento niyo naman" Sabay nalang kaming tumawa at nagkulitan habang papunta sa sasakyan.

 

----- + ----- +

 

"Aba lakas nito ni Seungwan ah dinala girlfriend niya dito!" asar ni Yeri at tumawa naman silang lahat

"Eh lagi niyo ko kinukulit na ipakilala kayo kay Rosé kapag nakabalik na ko dito e edi sinama ko na siya para magbakasyon"

"Salamat nga pala sa pag welcome sa akin...nakakahiya kasi siyempre reunion niyo to magkakaibigan tapos andito ako" sabi ni Rosé

"Okay lang yon, mas masaya nga na makitang hindi na single tong si Wan" asar ni Seulgi 

"Grabe ka ha! Kayo nga ni Joy walang usad"

"Luh? Nanahimik ako dito ah!"

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang gabi na yon hanggang sa hinatid na muna ni Seungwan si Rosé pabalik sa hotel na tinutuluyan nila upang makapagpahinga na ito

"Hindi ka na babalik sa kanila?"

"Hindi na, ayoko maiwan ka mag isa dito"

"Wan, alam kong gusto mo bumalik pa don. Okay lang naman ako maiwan mag isa dito ano ba haha hindi na ako bata no! Sige na mag enjoy ka muna kasam mga kaibigan mo."

"Sigurado ka?"

"Yup, basta paggising ko andito ka na sa tabi ko"

"Okay, I love you"

"I love you more"

 

----- + ----- +

 

Sana hindi nalang pala bumalik si Seungwan sa resturant na kinain nila...

Sana nga.

 

Pagkapasok ni Seungwan ay nakita niya si Yeri at Joy sa may hallway kaya agad niyang linapitan ang dalawa 

"Siraulo ka talaga Yeri! bakit mo inimbita si Joohyun?! magagalit nito si Seungwan sa atin" sabi ni Joy 

"Kaibigan pa din naman natin si Joohyun ah! tsaka may girlfriend na si Seungwan ngayon at naka move on na siya duh? nakaraan na naman sila pareho"

"Pero kahit na! Malalagot tayo nito"

"Andito si Joohyun?" 

Halos mapatalon si Yeri at Joy ng marinig ang boses ni Seungwan "A-Ah eh ganun na nga...inimbita ko kasi siya..."

"Okay"

"Ha?! Tama ba pagkarinig ko?" tanong ni Joy kay Seungwan at tumango naman ito

"Matagal na din tayo hindi na kompleto dahil sa nangyari sa amin...pero sabi mo nga Yeri, nakaraan na naman pareho yon."

"O-Okay sige"  

----- + ----- +

Napapalibutan ng tensyon ang lamesa nilang lima. pinipilit ni Yeri na pagaanin ang namumuong tensyon ngunit hindi pa din ito sapat lalo na magkaharap pa si Joohyun at Seungwan

"Oo nga pala! Hyun, diba malapit na ilabas yung bagong libro na sinulat mo? grabe! big time ka na talaga" sabi ni Yeri

"Nagsusulat ka?" biglang tanong ni Seungwan kaya nananihimik ulit lalo na ng bigyan siya ni Joohyun ng isang matamis na ngiti 

"Oo, matagal tagal na din"

"Ah. Congrats"

"Thank you"

"Parang dati lang inaasar ka nila Yeri tuwing nahuhuli ka ng teacher natin" singit ni Seulgi upang gumaan ang paligid

"Oo tapos pagpinapalabas siya ng teacher natin susunod si Seungwan sakanya para hindi siya nagiisa tapos gagaya na din tayo" tumawa si Joy. Mga ilang oras pa ay nawala na ang nakakatakot na tensyon sa groupo nila at hinayaan nalang na kalimutan muna lahat ng problema na nangyari sakanila.

Nauwi sila sa paboritong tambayan nila noon "Aw. Sarado na nga talaga" sabi ni Yeri

"Malamang tagal na e" sabi ni Joy na napaupo nalang din sa kalsada katabi ni Seulgi

"Paano na yan?" tanong ni Joohyun

"Sayang naman punta natin .."sabi ni Seulgi

"Bibili nalang ako nga inumin sa 7eleven diyan. Sino gustong sumama?" tanong ni Seungwan

"Ayoko gusto ko nalang mahiga dito"sabi ni Yeri habang nakahiga sa simento kaya naman sinaway siya nina Seulgi

"Tara?" nagulat si Seungwan sa sinabi ni Joohyun 

"A-Ah okay"

Tahimik lang sila naglalakad patungo sa 7eleven. Mas maingay pa nga ang mga insekto na lumilipad 

"Kumusta ka naman?" panimula ni Joohyun

"Mabuti naman. Ikaw?"

"Ganon din. Eto busy sa pagsusulat.."

"Oh..."

"Balita ko kaya ka bumalik dito para magbakasyon"

"Oo...kasama ko yung girlfriend ko"

"Oh..."

"Ikaw?"

"Wala, wala akong time sa ganon..."

Nabalot ulit ng katahimikan hanggang sa nakarating na sila sa 7eleven at namili ng mga inumin saka onting mga chichirya paalis na dapat sila pagkatapos magbayad sa cashier ng biglang bumuhos ang ulan 

"Wrong timing na naman" sabi ni Joohyun, 

"Sana nakasilong naman yung tatlo sa kung saan" pag aalala na sabi ni Seungwan habang sinusubukan tawagan sila Seulgi nagulat siya ng biglang tumawa si Joohyun

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala, naalala ko lang dati kasi parang nangyari na din to"

Napangiti si Seungwan.

"Nasaan kayo ni Joohyun?!"

"Biglang bumuhos yung ulan e! Andito kami sa may gym hindi kami makalabas kundi maliligo kami sa ulan nito" sagot ni seungwan sa kabilang linya

"Buti nga kayo nakasilong e! tumatakbo kami ngayon nila Joy at Yeri naghahanap masisilungan kainis naman kasi" sagot ni Seulgi kaya natawa naman si Seungwan dahil naiimagine kung paano natataranta ang mga kaibigan niya sa ulan hehe pero siyempre nag aalala pa din siya.

"Bakit ka tumatawa?!" rinig niyang sigaw ni Joy 

"Hindi ah!"

"Tse! Magsama kayo ni Joohyun!" sabi ng mga kaibigan niya bago tinatapos ang tawag

"Ano na daw balita sakanila?" tanong ni Joohyun pero bago sagutin ni Seungwan ay natawa muna siya

"Wala daw sila masilungan kaya tumatakbo sila kung saan saan" pagkasabi niya non ay tumawa nalang din si Joohyun

"Karma nila yan sa pang iiwan sa atin dito"

"Pero sana makahanap na masilungan yung mga yon baka magkasakit pa"

"Nga pala Wan...si Seulgi"

"Ano meron kay Seul?" 

"Umamin siya sa akin na gusto niya daw ako."

Nanlaki ang mga mata ni Seungwan sa sinabi ni Joohyun.

"Weh? Totoo ba?" 

"Oo..."

"A-Anong sinagot mo?" tanong ni Seungwan 

"Hindi ko alam. Seungwan, ano ba dapat ang isagot ko?" Pabalik na tanong ni Joohyun

"S-Siyempre kung ano yung nararamdaman mo...gusto mo ba si Seulgi?"

"Sa tingin mo ba?"

"Hindi ko alam..."

"Ikaw? Gusto mo ba ako Seungwan?"

----- + ----- +

"Salamat naman at tumila na yung ulan! Paabot nga niyang beer Yeri" utos ni Joy

Andito silang lahat sa sasakyan hinihintay na tumila yung ulan mabuti nga at sinundo kami nila Joy sa 7eleven. Nasa harap si Seulgi at Joy tapos nasa likod naman sila Joohyun at Seungwan na napapagitnaan sila ni Yeri

"Anong oras na?"

"Mag 3:30 am na"

"Hindi pa ba tayo uuwi? may meeting pa kasi ako mamayang 8 am" sabi ni Joohyun

"Lah minsan lang ulit tayo nakompleto ...enjoy muna natin to~ cheers!" sabi ni Yeri, wala naman sila nagawa kundi sulitin na ang bihirang pagkakataon na ito. Mag 5 am na pero andito pa din sila nakatambay sa sasakyan nainom ng mga beer tapos puro kwentuhan at tawanan, si Seulgi hindi uminom kasi siya magmamaneho kaya pachichirya nalang 

"Grabe pwede ba ganto nalang ulit tayo palagi" malungkot na sabi ni Yeri saka sumandal sa balikat ni Seungwan 

"Malabo na yon Yeri, lumilipas na yung panahon e"

"Alam ko pero nakakamiss kasi yung ganto tayo. Sana may time machine no?"

----- + ----- +

"Good morning, love"

"Good morning din, musta yung ganap niyo kagabi?" tanong ni Rosé habang yakap yakap si Seungwan

"Okay naman...ayon parang bumalik sa pagkahighschool" natatawang sagot ni Seungwan sabay hinalikan sa pisngi si Rosé

"Nagpicture ba kayo?"

"Hm? Oo naman eto oh"

"Ang cute niyo naman pero wait sino to?" turo ni Rosé kay Joohyun, hindi nga pala niya nakilala si Joohyun kagabi

"Isa pa naming kaibigan, dumating siya after kita ihatid dito"

"Siya ba si Joohyun?"

"Oo"

----- + ----- +

"Scam ka talaga kahit kelan Yeri! sabi mo emergency kaya pumunta agad ako dito!" sermon ni Seungwan

"Importante naman to ah? Book event to ni Joohyun kaya dapat andito tayo bilang kaibigan!"

"Pero okay lang ba sakanya yon?" tanong ko

"At bakit naman hindi magiging okay? susuportahan nga natin siya e tsaka babalik ka na namn sa Canada bukas bakit di mo na lubusin oras mo dito kasama kami"

"Si Rosé kasi may date dapat kami ngayo--"

"Okay lang yan! Siya naman kasama mo palagi e"

"Fine..."

Madami tao sa book event ni Joohyun. Matagumpay na talaga ito sa career niya. Bumili si Seungwan ng libro ni Joohyun at binasa ito habang naghihintay sa paglabas nito sa stage

"Oh ayan na! Ready mo na banner natin" 

"Bakit ako kailangan maghawak nito!?"

"Aba bakit hindi?"

"Seryoso ka ba ha?"

"Oo nga! Ayan na palabas na siya! Itaas mo na"

Wala ng nagawa si Seungwan kundi itaas ang banner na may nakalagay na "I love you Joohyun"

Nakakahiya pa kasi agad nakita ni Joohyun yon at ngumiti siya...

Kasalanan mo to Yeri.

" Congrats hyun~ " sabi ni Yeri na agad yinakap si Joohyun

"Congrats..."nahihiyang sabi ni Seungwan 

"Thank you, nagulat ako andito kayo"

"Siyempre naman susuportahan ka namin no! buti nga na scam ko to si Seungwan na sumama dito"

"Bukas na alis niyo diba?" tanong ni Joohyun

"Oo bukas madaling araw"

"Nako talaga Kim Yeri! Inabala mo pa si Seungwan!"

"Okay lang naman" nagulat si Yeri sa sagot ni Seungwan 

"Sigurado ka ba? treat ko kayo lunch para naman pa thank you ko na sa pagpunta niyo"

----- + ----- +

"Seungwan, salamat nga pala sa paghatid loko talaga yon si Yeri biglang tumakas ayan tuloy naistorbo ka pa imbis na naghahanda ka na ng bagahe mo"

"Ayos lang naman."

Katahimikan na naman ang bumalot sakanila

"Joohyun"

"Andito na pala tayo."

"Hyun..."

Napatigil si Joohyun sa paglalakad dahil sa pagtawag ni Seungwan..halos ilang taon din niya hindi narinig yon "Hyun"


"Bakit?"

"Ingat ka palagi. Kumain ka sa tamang oras...alagaan mo yung sarili mo..."

"Ikaw din, Seungwan"

"Joohyun"

"Hmm?"

"Pwede ba kitang yakapin?"

---

Dalawang taon.

Hindi na aalis si Seungwan, mananatili na siya dito. 

"Sosyal ah? Ganda ng condo mo" sabi ni Joy

"Malaki din nagastos"

"Eh worth it naman pero sayang pa din kasi naghiwalay na kayo ni Rosé. Ano ba talaga nangyari? Sweet niyo pa naman dati"

"Ganun talaga..."

"Sad naman anlaki ng condo mo tas magisa ka lang dito.."

"Sino ba nagsabi na magisa lang ako dito?"

"Huh!?"

---

"Kakauwi mo lang? Naghanda nga pala ako hapunan natin dapat oorder ako online kaso---" hindi na naituloy ni Joohyun ang sasabihin ng yakapin siya ni Seungwan

"Ayan fully charged na ulit ako"

Tumawa nama si Joohyun "So charging station ako?"

"Sabi ni google we need 8 hugs a day for maintenance tapos we need 12 hugs naman for growth"

"Eh nakailan ka na ngayong araw?"

"Ito palang"

"Weh?"

"Oo, hug mo lang naman need ko"

"Ang cheesy mo! Daig mo pa yung mac n cheese na ginawa ko for dessert!" tumawa nalang sila pareho habang magkayakap 

"Grabe namiss ko to"

"Ano namiss mo?"

"Ikaw"

"At bakit naman?"

"Wala na kakapagod yung work...buti nalang andito ka sa tabi ko as charging station"

"Wow ha! charging station talaga?"

---

"Ready na ba ang lahat diyan?" tanong ni Seungwan kay Yeri sa kabilang linya

"Oo kayo nalang ni Joohyun hinihintay dito"

"Sige, dadalhin ko na si Hyun diyan mukhang nadistract naman siya dahil dinala ko siya dito sa favorite tambayan namin dalawa"

"Okay okay! bilisan niyo ah bye~"

"Hyun, tara"

"Saan?" tanong ni Joohyun na nakataas ang kilay, kanina pa kasi siya dinadala kung saan saan ni Seungwan

"Basta secret muna suot mo to" binigyan ni Seungwan si Joohyun ng panyo

"Bakit may pasuprise ha?"

"Secret" Tumawa lang si Seungwan at siya na ang naglagay ng panyo sa mga mata ni Joohyun upang takpan ito

"Saan ba tayo pupunta?"

"Magtiwala ka lang sa akin Hyun, dahan dahan sa paglalakad hindi naman kita bibitawan" Sabi ni Seungwan habang hawak hawak ang kamay ni Joohyun

Hindi naman kita bibitawan hanggang sa makarating tayo don...

"Seungwan?"

"Joohyun, andito lang ako"

Malapit na tayo. Sa pagbukas ko ng pinto na to...wala na.

Wala na.

Dito na nagtatapos ang storya nating dalawa.

"Joohyun..." 

"Hmm?"

"Pwede ko ba marinig?"

"Ano yon?"

"Yung sagot mo nung araw na yon. Gusto kong marinig kahit ngayon lang. Please Hyun, k-kahit isang beses lang gusto kong marinig mula sayo yon."

"Seungwan"

"Hmm?"

"Oo, gusto din kita"

---

"Uy"

"Bakit ka andito?"

"Masama ba na damayan ko tong best friend ko na heart broken?" asar ni Seulgi at tumawa nalang si Seungwan

"Baliw, ayos lang ako"

"Luh? Sa akin ka pa talaga nagsinungaling ha?"

"Masaya ako. nakita mo ba yung ngiti niya kanina?"

"Oo naman...sayo nga siya agad unang tumingin e parang ikaw tuloy yung nagpropose daig mo pa fiance niya" biro ni Seulgi napatigil kami sa usapan ng biglang bumukas yung pinto 

"Seungwan at Seulgi. Bakit kayo andyan?"

"Nagpapahangin lang Hyun, balik ka na sa loob araw mo niyo to"

"Hmppp daya baka may secret na naman kayo!"

"Wala no, hay nako papasok na nga ako baka hinahanap na ako ni Joy" sabi ni Seulgi kaya naiwan sina Joohyun at Seungwan

"Congrats..."

"Thank you"

"Muntikan na nga kita itakas kanina e kaso sayang naman effort nila mag ayos para sa proposal"

"Ha?"

"De biro lang, pero sa totoo lang masaya ako para sayo"

"Bakit hindi mo ko tinakas?"

Nagulat si Seungwan sa sinabi ni Joohyun sasagot na sana siya ng unahan siya nito "De biro lang din"

"Sige na...pumasok ka na don sa loob baka hinahanap ka na niya baka magselos pa yon" sabi ni Seungwan, biglang hinawakan ni Joohyun ang kamay niya

"Seungwan"

"Bakit?"

"Sana sa susunod na habang buhay mabigyan na tayo ng pagkakataon na matapos yung storya natin na magkasama" pagkasabi ni Joohyun non ay pumasok na siya loob at naiwan na naman si Seungwan magisa

"Sana nga"

Dahil sigurado ako na ikaw pa din ang pipiliin kong mamahalin sa susunod na habang buhay

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
134340_R
Hi~~ First time ko lang magsulat dito tagalog hshhshs pasensya na kung madami error hehe pero ayonnn na-lss kasi ako sa susunod na habang buhay tas eto bunga hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
revelnc #1
Chapter 1: umasa ako sis,,, pero bakit masakit
ash_pomu
#2
Chapter 1: sakit :D
ash_pomu
#3
Chapter 1: kala ko naman...hmp
LockLoyalist
#4
Chapter 1: ayy akala ko magkakaroon din sila ng happy ending T____T
Paparapakyaw #5
Chapter 1: MAPANAKET TALAGA NGA WR AUTHORS HUHUHU
nicella #6
Chapter 1: ANGST NA NAMAN HUHUHHU
Yoooon
#7
Chapter 1: Anong meron bakit puro angst? T.T