Uno

Little and Big Devil

 Tilaok ng manok, huni ng mga ibon at tirik na araw na tila ba sinasampal ang iyong pisngi upang ika’y magising sa katotohanang hindi ka na niya mahal charot! Pero yun na nga dahil umaga na ay nag simula ng tumunog ang selpon ng ating bida na si Yerim Kalbee at dahil dito ay na alintana ang panaginip nito na nakikipag shake hands kay Ariana Venti ng matagal ng idolo ni Yerim. Walang kiber naman ang lola niyo kahit na late na siya ng 10 mins. Bagkus ay nag stretching pa si bakla bago naligo.

 

Pagkaraan ng 30 minutos na pagcoconcert este paliligo sa banyo ay lumabas na ang ating bida sa kanyang kwarto upang makakain na ito ng almusal na hinanda ni mader.

 

Todo lafang ang lola niyo at di alintana na patapos na ang first sub nito. Pagkatapos kumain ay sa wakas, finally! Tumayo na ito at kinuha ang bag sabay kiss sa pisngi ni mother earth at lumabas na nga si Yeri sa kanilang magarbong bahay na parang masyon na ata(?) nag tungo ito sa garahe at binuksan ang pintuan ng kaniyang pinaka mamahal na kulay pulang Audi R8. And gumora na nga po ang ating kapikapitagang bida.

 

 Habang nagmamaneho ay sumasabay ito sa kanta ng kaniyang idolo na ulit ulitin ko pa ba siyempre walang iba kundi ikaw lang crush charingt! Well sino pa nga ba edi  si Ariana Venti. 

Step up the two of us, nobody knows us
Get in the car like, "Skrrt"
Stayin' up all night, order me pad thai
Then we gon' sleep 'til noon
Me with no makeup, you in the bathtub
Bubbles and bubbly, ooh
This is a pleasure, feel like we never
Act this regular

May pa head bang pa si bakla na akala mo rock yung pinapakinggan niya.

Click, click, click and post
Drip-drip-dripped in gold
Quick, quick, quick, let's go
Kiss me and take off your clothes

Imagine a world like that
Imagine a world like that
We go like up 'til I'm 'sleep on your chest
Love how my face fits so good in your neck
Why can't you imagine a world like that?
Imagine a world

To the max ang pagbirit ng lola mo yung feeling na magpapasalamat ka na lang na medyo sound proof yung kotse ni bakla dahil kung hindi basag ang ear drums mo sa sobrang lakas ng boses niya. 

At nakarating na nga si ate mong Yeri sa iskul, well hindi na kataka taka na second sub na ang naabutan niya, sa totoo lang medyo maaga pa si Yeri dahil palaging third sub na pumapasok ang lola niyo pero na break ito dahil second sub nga nakapasok si bakla. Nang pumasok ito sa kanilang classroom ay napasinghap ang lahit pati na rin ang kanilang guro dahil por da pers tyme and poreber ay pinasukan niya ang kaniyang klase, naging emosyal pa nga ito dahil medyo naiyak pa siya pero siyempre OA na yun hahahaha.

 

“Anong himala ang nagdala sa iyo dito sa akin klaseng Ms. Kalbee?” medyo exaggerated na tanong ng kanilang guro kaya na pa tawa ang kaniyang mga kaklaseng.

 

“Huwag mo na pong alamin Ms. Pikachu este Ms. Pistayu.” Attitude na sagot ni Yeri. Natawa naman ulit ang mga kaklase nito.

 

“Mabuti pa nga.” Bulong ng Guro na dinig na dinig naman ng lahat (ano kaya yun? Parang tanga HAHAHAHAHA) at nagpatuloy na ito sa pagtuturo. 

 

Umupo na si Yeri sa kaniyang upuan malapit sa bintana at nag muni muni, feeling nasa kdrama ang si bakla with matching buntong hininga pa.

 

 Natapos ang klase na walang natutunan si Yeri dahil hindi naman ito nakinig. Ang nasa isip ng dalaga buong klase ay isang sub na lang at vacant na nila at makikita na nito si Saeron bebeloves niya. At dumating na nga ang pinaka hihintay ng ating bida. Dali dali itong tumayo kasama ang bag nito ang lumabas na sa classroom.

 

Malapit na siya sa canteen ay napakabilis ng pangyayari at ngayon naka upo na si Yeri sa sahig dahil san aka banggaan niyang higante na parang ngayon niya lang nakita. Nag init naman ang ulo ng lola niyo dahil hindi man lang nag pa sorry si higante sa kaniya, mabilis na tumayo si Yeri at nag clear muna ng throat bago niya sabihin(?) ang dialogue nito. 

 

“HOY HIGANTENG ULIKBA! BUMALIK KA DITO!!!” parang mega phone na sigaw ni Yeri. Na patingin ang lahat sa kanya pati si higante ay napatigil sa paglalakad at hinarap ang dalaga kahit medyo malayo ang distansya nila sa isa't isa. 

 

“AKO BA TINATAWAG MONG HIGANTE ULIKBA KUTONG SOIL!?” sigaw din pabalik ni higante. Aba palaban ang lola niyo.

 

“GAGO KA! LUMAPIT KA DITO PARA MAKITA MO KUNG SINONG TINATAWAG MONG KUTONG SOIL” parang war freak na sigaw nito. Well nagsisigawan lang ang dalawa for 10 mins straight kahit hindi sila parehong straight. Natigil lang ang pagsisigawan ng dalawa nang dumating ang Principal na si Mrs. Dimakulangan. Tila bang para itong si Moses dahil nahati ang dagat ng estudyante sa dalawa at nag give way sa nasabing Pricinpal.

 

“ANONG KAGULUHAN ITO!?” Galit na tanong nito. Hindi naman nakapagsalita ang dalawa.

 

“BOTH OF YOU IN. MY. OFFICE. NOW.” Ani ng Principal na para bang naka Super Saiyan 3 ito at anytime ay papasabugin niya ang dalawa sa kaniya kamehame wave.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: hahahahahaha go joyri! 😭😂
madam_mac #2
Hoy! Joyri! Ituloy mo to otor please...