Final

Bato,bato pick!

"Bato, bato pick!"

 

Papel vs. Bato

 

1-0

 

"Bato, bato pick!"

 

Gunting vs. Papel

 

2-0

 

"Bato, bato pick!"

 

Papel vs. bato

 

Game over!

At sa pamamagitan nang peymus na larong bato bato pick ay nasentensiyahan ang gabing yun.

 

Malakas na hagalpakan nina Yeri at Joy ang mas lalong nakainisan ng talunang si Joohyun.

 

Oo isang himalang natalo siya, nino? nang mandarayang si Joy! okay hindi naman siya mandaraya hindi lang talaga matanggap ni Joohyun na natalo siya.

 

Lulugo lugo siyang pumunta sa kusina habang inaaway ang maliit na talunang kamao niya. Pilit na iniiwas ang tingin sa mga palabas na horror na kasalukuyang pinagpipilian nina Joy at Yeri.

 

'Multuhin sana kayo!'

 

Mabuti na lang at naabutan niya sina Seungwan at Seulgi na nagpeprepare ng popcorn at softdrinks para sa movie night nila. 

 

Kaso mukhang nagkamali ang kanyang irog sa pagpili ng apprentice na tutulong sa kanya sa pag aayos ng pagkain dahil sa ngayon ay busyng busy na vinavacuum ng bibig ni Seulgi ang pagkain. 

 

Matapos pa kaya ang mga ito?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Malapit nang matapos ang palabas pero halos wala naman siyang naintindihan.

 

Maliban sa pagsigaw ay busy din siya tsumansing kay Seungwan, na maagap na nakayakap sa kanya at paminsan minsan siyang hinahalikan sa noo para mawala ang takot niya.

 

'Humanda ka Joy! Lintik lang walang ganti!'

 

Pero syempre hindi matatapos ang gabi kung walang ganitong eksena:

 

"Hyun, masyado kang malapit baka mahalikan na kita", nakangiting landi ni Seungwan kay Joohyun.

 

Mas lalo namang lumapit si Joohyun at pabulong na sinabi "Ang weak mo naman Wan, galaw-galaw din pag may time", kasunod ang pagkabig nito kay Seungwan at madiin na nilapat ang kanyang labi sa kasintahan.

 

Ngunit kasabay ng paglapat ng kanilang labi ay ang pagkatapos ng palabas, pagbukas nang ilaw, pagkahulog ng remote at ang milgrong pagtigil ni Seulgi sa paglamon ng popcorn.

 

'my eyes'

 

'Kadiri!'

 

'Wan, Unnie!'

 

 

 

 

 

 

 

Forget the movie night and start the interrogation.

 

Naniningkit ang mga matang tumitig sina Joy,Yeri at Seulgi(na kasalukuyan ng kumakain ulit matapos mahimasmasan) kay Seungwan at Joohyun na hindi na mapaghiwalay ang mga kamay. O mas tamang sabihin na hindi na hinayaan ni Joohyun na bawiin ni Seungwan ang kamay niya.

 

"Akala ko ba unnie naglalandian pa lang kayo pero wala pang beyond kemerut?", simula ni Joy na sinundan naman agad ni Yeri nang "Nabagalan ka ba unnie kaya dinaan mo na sa santong laplapan si wendy unnie nang di madaan sa santong landian?",

 

 

Agad namang napayuko si Joohyun nang matumbok ni Yeri ang eksaktong nangyari. Napahagikhik naman si Seungwan sa reaksyon ni Joohyun.

 

Maya-maya pa ay naglabasan na nang pera sina Joohyun, Yeri at Joy. Nanatili namang nakatingin sina Seulgi at Seungwan na nagtataka sa nangyayari.

 

Nakapout pa si Joy habang binibigay niya ang pera niya kay Joohyun pero napangiti nang iabot din ni yeri ang pera niya.

 

 

Pustahan Joohyun vs.Joy:

      Hindi makakaiskor si joohyun kay Seungwan ngayong gabi.

panalo: joohyun. nakaiskor na siya, nagkapera pa siya.

 

"Hyun?!"

 

"Dont worry wan ganun talaga ko kaconfident sa love natin", *flips hair* *kiss kay wannie* para patawarin hahahaha

 

2nd pustahan : Joy vs. yeri

 

   Mananatiling disenteng mamamayan ang 'parents' niya at di gagawa ng kababalaghan.

 

winner :Joy

 

"Nagtiwala ako sayo Wendy unnie pero-", arte-artehan ni Yeri pero ang totoo masaya siya na sa wakas natapos na rin ang matagal na patintero nang feelings nang dalawa.

 

 

"Wala bang magbibigay nang pera sakin!!!!?"

 

Hulaan sino may sabi nyan hahaha

 

 

At sa ganun na nga natapos ang simpleng gabi lang sana nila.

 

"Ang mahuling tumayo siya magliligpit!"

 

sigaw ni yeri kay agad na nagtakbuhan tatlo maliban kay Seungwan at Joohyun na ibang kalat ang nililigpit.😂😂😂

 

 

 

 

💙❤️💙❤️💙❤️💙❤️💙❤️💙❤️

Goodnight bebeluvs 😂

Bato bato pick!!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ivywrites
Not edited!! Saya nang may barkada noh? hahahahaha

Comments

You must be logged in to comment
LockLoyalist
#1
Chapter 1: Ang kalat hahaha pero ang kulit XD
nicella #2
Chapter 1: Hahaha ang cute horror film lang pala ang solusyon