peace out yow

Don't
Please Subscribe to read the full chapter

 

Nagising si Hyewon dahil sa mga sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Panibagong araw na naman para harapin ang buhay...ang mundo.

Kaya humarap siya sa kaliwa at napangiti, dahil katabi lang naman niya ang kanyang mundo, ang nagbibigay sigla sa buhay niya, si Eunbi.

"Good morning love" bati ni Eunbi

"Good morning sol" ganting bati ni Hyewon at nagsumiksik sa may leeg ni Eunbi.

Eunbi let out a hearty chuckle and pulled Hyewon closer, "Mukhang maganda gising natin ah, sabagay ako ba naman unang makikita mo sa umaga paanong hindi gaganda"

"Medyo may kahanginan ka sa part na 'yon, sol" natatawang sagot ni Hyewon, "pero kahit ganon, mahal pa rin kita"

Napairap na lang si Eunbi habang pinipigilan ang sarili na ngumiti pero siyempre bigo sya sa part na 'yon. Kasi never nag-fail si Hyewon na ilagay 'yon sa labi niya. Be it a random one or a silly one.

"Tara kain na tayo ng breakfast, nagluto si Minju" aya ni Eunbi at akmang tatayo na pero idinantay ni Hyewon ang right leg niya sa binti ni Eunbi.

"Nah, dito muna tayo.......hug please"

"Fine, wag kang magrereklamo mamaya na nagugutom ka" tumango si Hyewon at yumakap kay Eunbi nang mahanap na nito ang tamang pwesto, "Ang aga mong clingy, love."

"Ayaw mo?"

"Gusto, pero may extra ngayon eh. Wala ka naman sigurong ginawang kalokohan sa panaginip mo noh?"

"Ha ha, wala ah ikaw lang kaya kinalolokohan ko" banat ni Hyewon, "At wala naman bago dito sol, we do this everyday, clinging to each other"

"I know, pero iba ngayon"

Hyewon raised her upper body and look at Eunbi, "I'm just happy that you're here with me Eunbi. Natatakot lang ako na baka pag gising ko wala ka na dito

 

Hindi ka naman aalis, diba?"

Eunbi cupped Hyewon's face, "Love, anong sabi ko sayo dati?"

"That you're not going anywhere"

"At hindi pa rin ako aalis. Dito lang ako, Hyewon. Dito lang" and Eunbi decreased the distance between her and Hyewon's lips.

It only lasted for a second pero sapat na para kay Hyewon 'yon. Sapat na para mawala ang pangamba niya. Sapat na.

-

"Ang tagal naman ni Ate bumaba, lalamig na pagkain" asik ni Minju na kanina pa nag-aantay kay Hyewon.

Kaya nagdesisyon siyang katukin na ito sa kwarto niya at habang papalapit siya ay naririnig niya ang mga tawa ni Hyewon.

"Eto na naman tayo"

She brace herself para sa kung ano man ang makikita niya, well, sanay naman siya kasi simula nung lumipat siya tatlong buwan na ang nakakalipas ay palaging ganito ang eksena

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
for9275
dropping my twit acc: @paintitcoral ;) ;)

Comments

You must be logged in to comment
Kangbisupreme
#1
Chapter 1: AYOOOOWWWNNNN~~ mas dama pala ang angst pag tagalog