Final
White HorsePanibagong umaga na naman,
Bagong araw na 'di ka kasama.
Hindi ko na talaga maalala,
Yung huling araw na ika'y nakita.
Mananatili na lamang ba ako
Sa kastilyong iyong ginawa?
Patuloy na lang ba akong
maghihintay sa iyong pagbabalik?
Isang tanong sa aking isipan,
Babalik ka pa ba sa'king piling?
Matagal na panahon na rin,
Pero parang kahapon lamang.
Sobra-sobra parin yung sakit,
kahit ang tagal-tagal na.
Sino ba talaga ang nagkulang?
Ako ba o ikaw?
Baka naman tayong dalawa.
Paulit-ulit kang bumibisita,
ngunit umaalis ka din sa tuwina.
Kailan ba ko mapapagod
na umasang sa oras na magbalik
kang muli ay iyo na kong isasama?
Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam.
Sinabi mo noong kastilyo natin 'to.
Pero bakit parang ito'y para lamang sayo?
Para lamang pagtapunan mo ng isang katulad ko.
Katulad ko na hanggang ngayo'y umaasang babalikan mo.
Ang kastilyong inituring kong para sakin at sayo,
Naging kulungan ng isang katulad ko.
Nakakapagod rin palang maghintay.
Lalo pa't walang kasiguraduhang may hinihintay ka pa talaga.
Ang dating "ikaw at ako",
Ngayon ay naging "wala nang tayo"
Nakakapagtaka.
Inituring mo ba talagang merong "tayo"?
Kasi ako, oo. Sobra-sobra pa sa inaakala mo.
Akala ko tuloy-tuloy na ang kwento ng pagmamahalan nating 'to.
Hindi ko inakalang lilisan kang mag-isa,
Para lamang maiwan ako sa pahinang hindi maganda.
Sinubukan kong matunton kung saan ka napunta,
Nagulat ako kasi sa piling na pala ng iba.
Sa piling ng iba kung saan masaya ka.
Minsan nang may nakapagsabi sakin,
Hindi ka na raw babalik sakin.
Mahirap man, dapat kong tanggapin.
Sinubukan niya kong sunduin,
mula sa kastilyong pinagiwanan mo sakin.
Comments