Episode One - Pera

One Day, Isang Araw (A Sequel)

 

Ilang years na lumipas nagttrabaho na ung mga Jujus kasi di tayo si Siwon kaya work-work rin.

Episode One - Pera

4:05pm Friday - di pa sweldo.
Somewhere sa may Baclaran, sa sakayan ng jeep papuntang MRT

 

Pagod na si Wookie. Pagod na pagod na siya maging isang ‘corporate slave’ (ayon kay Sungmin). Pero kelangan nia kumita ng pera kasi wala sya nito at kelangan niya mabuhay tulad nating lahat.

After college, nag-take sya ng luto luto na course na kasing presyo na ng buong kaluluwa nia so kelangan nia bayaran ung magulang niya in the future. Pero dahil wala pang opening sa hotel kitchen, dito muna sya sa concierge at admin papakabulok. Buti nalang bet na bet ng manager nia yung smile nia tsaka yung hair flip nia kaya hindi naman sya nahihirapan.

Napilit narin nia si manager na gawin syang pang-umaga na shift kasi pa-chaka na nang pa-chaka yung feslak niya pag nag-night shift pa sya. Edi sana nag-Call center nalang sya malaki pa sweldo pero gusto magluto ni Wookie kaya walang makakahadlang sa pangarap nia at sa panlasa nia. Yak feeling mature.

Uulan na, bilisan mo na gaga ka, umuwi ka na. Daydream daydream ka pa.

Ayan naaaaaa, yung mga tao ang dami na sa may abanagan ng jeep sa Baclaran. Alam mo yung bugssshhhhhhhh hahabol kayo sa jeep  kasi wala nang pila pila pag pagod kayong lahat. So kelangan magpapaka Darna!

3...2...1… DARNA!

OMG Nakasakay syaaa! Yus! At hindi sabit, wag na po natin balikan ung panahon na kelangan magbigay ni Wookie ng upuan sa isang ate kasi pota lalaki na daw sya… Alam mo yung kilay ni Wookie umabot hanggang tuktok ng building nung sabihan sya nun. Di ba nakita ni ate na umorder pa si Wookie ng BB cream at eyebrow kit sa Shopee tapos sasabihan sya na SUMABIT SA JEEP. Kalimutan na po natin ang mga bagay bagay na yun.

Pawis-pawis yung kuyang katabi nia tapos hindi pogi so nagbayad si Wookie, 8pesos kasi muka naman syang studyante *wink* tapos pumikit nalang sya habang nagdadasal sana hindi traffic, sana hindi traffic, sana magcheck in si Siwon sa hotel bukas.

YES PO! Alam ni Wookie, deep down inside him na si Siwon parin ang forever niya. Kaya hindi gumigive up in life si Wookie kahit pa magdusa sya araw araw kasi naniniwala sya sa silver lining or more likely- every cloud has a golden Siwon. :)

Hanggat nasa kay Wookie pa ang number ni Donghae, may pag-asa pa sya parati. Kaya nga nag apply sya sa 5-star hotel na yun kasi andun parati yung pamilya ni Siwon (thanks to Donghae) at one day mapagluluto rin nia si Siwon. >:)

Pleep...

OMG tumunog ung phone ni Wookie ayaw nia kasi mag-open ng phone sa jeep baka may snatcher OMG pero ano yung message!??!?! Di na naman sya mapapakali parang yung ateng kamot nang kamot ng ulo sa tapat niya.

Hindi na sya nakatiis binuksan ung bag niya tapos sinilip yung notification ng phone nia. Late ako, overtime, mauna ka na kumain.

Hindi makapaniwala si Wookie na after all these years friends parin sila ni Sungmin. Alam mo yung level ng pagka-responsable nila parang langit at lupa… or impyerno pero basta gets niyo na yun tapos friends parin sila at roomies pa sila ng gaga. hahahaha.

Wala kasing magagawa si Wookie kasi wala syang pera na magrent ng solong apartment or penthouse. Si Sungmin naman sobrang kuripot kaya pumayag na may ka-share. Actually si Wookie pa nga nagbabayad ng internet kasi sya yung madalas gumamit . Pano, nasa OT parati yung isa! >:( 

Pag sinagot na niya cguro si Siwon makakaalis na sya doon. Pero ngayon, tiis-tiis lang muna.

Di na sya nagreply kasi i-seen lang naman sya non. Buti nga nag text pero what’s new? 7days a week ata mag-overtime si Sungmin eh. Tapos may Masteral pa pag weekends.. Ano bang mina-master ng mga HR people?

Haaaay, konting tiis nalang, Wookie, magkikita na kayo muli ni Siwon… pero for now, sana wag magtaas ng kamay yung kuya katabi nia baka makiskis ung kili-kili kay Wookie.. Hindi naman yun kilikili ni Siwon huhuhuhuhu. 

Haaay, pipila pa nga pala sya sa MRT juskolord.

*

Same time. BGC area, sa may High street

Puta.

Puta talaga. Bakit ba kasi nagpautang si Jongwoon sa kasamahan niya sa trabaho napakahirap pala singilin nung hayup na yun. Tapos makita kita niya nasa Singapore pa pose pose sa Instagram kala mo ang daming pera nanghiram naman ng 10k kay Jongwoon. 

Bwiset talaga puta.

Kakatapos lang ng client meeting nila Jongwoon. Siya ung sinama kasi peborit sya nung boss nila na architect kasi pogi sya. Walang pakealam si Jongwoon kung bet sya kasi marami syang ‘perks’ sa office. Mwahahahahahaa. Tulad ngayon, pinayagan sya mag early out kasi tapos na naman yung meeting nila kaya pakape-kape nalang sya sa High Street habang minessage yung may utang sa kanya na nasa Singapore ngayon.

SEEN 4:06pm

Hayup ang gago, sineen lang sya!

Sana kainin ka nung merlion dyan puta ka. Pero magbayad ka muna, buwiset!

Napatingin ung nasa kabilang table kasi galit na galit naman si Jongwoon eh wala naman syang kasama mapagkakamalan pa syang aning aning dito. Tangina kasi naman talaga. Mas pipiliin pa ni Jongwoon si Heechul at least yung gagong yun marunong magbayad kasi naman yung pride nung  taong yun hanggang Mt. Everest.

Asan na ba si Kyuhyun? Nabobobo na si Jongwoon sa mga taong nakapaligid sa kanya samahan pa ng isang hayop.

“Hai, boss.”

Nagulat si Jongwoon, nasamid samid ng konti. Ano ba naman tong batang to bigla biglang sumusulpot puta.

“Tangina ang tagal mo.”

Alam mo yung pawis pawis si Kyuhyun na parang nakipaghabulan sa sampung multo tapos ngingitian ka niya na parang manyak? Bangugot. 

“Eh kasi ang haba ng pila sa Ayala eh. Hindi ako nakasakay agad ng bus.” Medyo tumaba pa uli si Kyuhyun since college. Alam niyo, tabi-tabi po sa mga shippers na tulad namin, break na kasi  sila ni Sungmin kaya nagpakababoy na si Kyuhyun. Pero in fairness sa batang to, ginalingan niya in life kasi mapride rin kahit konti. Di lang nagpunta ng Singapore para mag-OFW kasi natatakot umalis mag-isa. Akalain mong pinagpalit ni Kyuhyun ung internet sa SG? Pero siguro aalis rin to, nagpapataba lang muna ng ilang taon.

Anywaaaay, may mga araw kasi na bigla nalang napagttripan ni Jongwoon umalis at magpakagago kaya inaaya niya si Kyuhyun kumain sa labas. Usually, every weekend or every other weekend pag hindi kupal ung trabaho nila. Madalas kasi epal ung trabaho nila tapos minsan panggabi si Kyuhyun kasi IT sya. 

Sa mga hindi nakakaalala: magkumare ung nanay nilang dalawa kaya close sila. Kela Jongwoon pa nga sya nag Christmas once.. Or twice.. Or thrice or every Christmas ata.

“Lilibre mo ko diba? Wala pang sweldo eh.”

Puta, what’s new, Jongwoon? Si Kyuhyun na ata yung next kay Heechul na sandamakmak na gulang. Basta libreandyan sa tabi niya. Pero since si Jongwoon ung nag-aya, wala sya choice. May perks naman sya kay Kyuhyun minsan eh.

“Oo, leche. Halika na.”

Lakad sila sa parking. Opo, may sasakyan parin si Jongwoon wag kayong ano hindi naman siya humirap. Yumaman pa nga ata sila lalo. Buti pa sila.

“Jongwoons, may pa-USB nga pala sa event namin kanina. Pinapatest kasi nila yung bagong software samin kaya may palibre.”

Inabot ni Kyuhyun yung mukang susi na USB. See, perks of Kyuhyun.

Riiiiiiing…

Yung kamalasan ni Jongwoon sa kaibigan nung college, nadala niya hanggang ngayon. Ilang  taon na ung college ganun parin yung social life niya. Wala syang jowa at napapalibutan siya ng mga abnormal na kaibigan.

“Jongwoon!!!!!”

Haha, hayup puta. Minsan yung universe inaasar lang talaga siya.

“ANO?”

Halos mabasag-basag ung cellphone ni Jongwoon sa pagsagot.  

“NASAN KAAAAAA KAIN TAYO SA LABAS PUTA STRESSED NA STRESSED NA KO SA TRABAHO KO.”

Namiss niyo ba si Heechul? 

Pwes kayo hindi.

Hindi niya kayo na-miss kasi hanggang ngayon busy parin sya makipag-kumpitensiya kay Jongwoon.

At dahil Friday ngayon, sige na pagbibigyan na ni Jongwoon yung isa pa niang nakaka-bobo na kaibigan. Pag-stressed, mag unli-samgyup. Alam niyang bet na bet ni Kyuhyun doon kasi unli at alam rin nia na ayaw ni Heechul doon kasi mag-aamoy ulam sya paglabas pero since si Jongwoon ung nag aya at ipopost nia mamaya sa Instagram, di papatalo si Heechul kaya sasama siya. Mwahahahaha!

“Oo, hayup ka pumunta kasa Samgyup sa BGC bilisan mo may kasama kong baboy.”

Busy mag-Mobile Legends si Kyuhyun di narinig. Buti nalang. Sensitive na si Kyuhyun sa usaping mataba feeling nia kaya sya iniwan ni Sungmin kasi baboy na sya.

“MABAHO! Pero pupunta ko, gago kala mo hindi ako sasama no!?”

Mwahahaha kung alam lang ni Heechul. Naisahan na naman siya ni Jongwoon. Mabaho ka mamaya, hayup ka!

*

Friday, 7:35pm.
SM Megamall

Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuh

Hindi pa naman Friday-sweldo bakit ang hirap umuwi? Nasira yung MRT pinababa sila ng Guadalupe tapos yung mga tao parang sumabog nalang bigla-bigla sa sobrang dami. Nag bus na sya kahit standing at nakarating din ng megamall after almost 2hrs.

Kasi naman sabaw sabaw ka na nga sa trabaho tapos masisira pa yung MRT. Wala pang sweldo at wala na syang pera. Weekend pa naman hindi sya makakagala. Gusto nalang humilata ni Eunhyuk buong araw sa kama at matulog at kumain.Pero bago sya magpakasarap sa higaan, kakain muna sya at medyo afford pa naman niya mag-Sisig ngayong araw.

Gutom na gutom na sya. Iniisip niya kung Mang Inasal nalang para unli rice or food court sisig.

Sa Mang Inasal nalang sya kakain. Mukang madaming extra rice ang kelangan nia sa pagharap sa pagcocommute dahil shet! Umuulan na! T_T

Sandamakmak naman talagang malas ni Eunhyuk ngayon. Umulan pa! Baka bukas na sya makauwi ng bahay sa sobrang daming tao. Papalipas nalang sya ng oras sa mall. Wala naman syang ka-date. Wala narin syang pera. Cguro kelangan na nia pag-isipan ang future nia. Kelangan nia ng mayamang jowa para hihila-hilata nalang sya. Pero wala! Wala syang mayamang jowa at kelangan niya magtrabaho kasi wala syang pera. 

May utang pa sya kay Leeteuk kasi gustung gusto niya talaga yung sumbrero kaso wala syang pambili online at si Leeteuk lang ang kilala niyang may credit card. Di niya alam kung totoo ung card ni Donghae parang yung advantage card ata yun kala niya pwede pambayad.

Huhuhuhuhuhu ano nang gagawin ni Eunhyuk? Yung sweldo nia next wek may pupuntahan na hindi  man lang niya malalasap ang sarap na kumita ng pera. 

Dumating na sya sa Mang Inasal at himala, walang pila.

“Hi, sir, good evening.”

“PM2 nga po yung unli rice. Wag po leg”

“Sir hindi naman po leg ung PM2.”

“Okay po basta wag leg.”

Nagtitigan sila nung ate for a while. “Yung PM1 nalang po ung paa.”

“Sir, leg po un.”

“Kahit anong part po basta wag leg.”

Gutom na sya, please wag leg.

“Sir, sure ka po? PM1?”

“Opo, pa-unli ng rice.”

“Okay po.”

Nagbayad na sya ng last 500 pesos sa wallet niya. 

Habang inaantay yung order, nakabalik na sa table niya yung kuya sabaw twice. Gutom na si Eunhyuk talaga. 

Eunhyuk, pwede ka ba sa linggo? Day off ko.

OMG nagtext si Teukie hindi maaari maniningil to ng utang. O___________O

Ay kuya teuk ndi poh iih. My basketbol kmi sa ofce

Ah ocge, next week nalang.

Feeling ni eunhyuk nanggagalaiti na si Teukie sa kanya pero wala pang sweldo! Saan nia kukunin yung pera nia? Tinitipid na nga nia yung natitira niang pera maglalakad na naman sya pauwi mamaya. 

“Hi, sir. PM1.”

Dumating si Kuya Inasal. Yes! Makakakain na sya. Kinuha ni Eunhyuk yung chicken oil tapos pag tingin niya sa plato niya.

‘SABI KO WAG LEG EEEEEEEEEEEEEEE”

Itutuloy…

PS: Dahil ang Thomasian Jujus ay based on real life feels, di ko na kaya magsulat ng student blues kasi 8yrs na kong hindi studyante. Hahahahahahahahha! Bye.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
simbasheart #1
Chapter 1: hahaha omg sobrang relatable nito!! ang dami kong tawa!!!
anchovioushyukj
#2
OMGGGG SJXJSKSKW CRACKHEADS!JUJUS ARE BAAAAACK