Chapter 2

Sapphire Blue
Please Subscribe to read the full chapter

Sa isang bahay from the East, 2018.

Nagising si Rose dahil nagambala siya sa ingay ng kanyang alagang Shih Tsu. Medyo nairita siya sa biglaan paggising sa kanya ni Noona. Binabawi pa naman niya ang mga kulang na tulog niya dahil sa trabaho niya. May nalalapit kasi na malaking event na kasama ang kanyang department na magaganap pagkatapos ng ilang mga linggo. Napansin niya na pipinilit na naman ng alaga niya na makalabas ng kwarto niya kaya ito ay tumatahol kahit napaka-aga, at kinakaloskos pa nito ang pintuan para may pumansin sa kanya. Here we go again with Noona, what a nice way to start the morning!

Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa bedside table niya, at tiningnan ang oras. Alas otso pa lang ng umaga, masyadong napaaga ang gising niya kahit Sabado ngayon. Napatingala lang siya nang sandali sa mga berdeng pader ng kwarto para siya magising. Sadyang bumabalik sa kanya ang mga pinag-usapan niya kasama ng team leader ng division nila sa office kahapon. Akala nga niya siya ay papagalitan nito, minsan kasi nanood siya nga mga crack vids ng mga idols niya, o kaya nag-da-da-download ng mga series kapag siya ang naka-schedule. Thank God, it’s not about that. Something better pa nga.

"Good morning, little diva", sambit niya kay Noona at binuksan niya ang pintuan para simulan ang kanyang araw.

Pagkatapos ng kanyang morning routine, bumaba siya at dumiretso sa kusina habang sinusudan siya ng kanyang puting alaga. Pagkatapos ng paghahanap sa bawat cabinet sa kusina, natagpuan na niya sa wakas ang dog food at nilagyan niya ng kainan ni Noona. Ni-refill din niya ang inuman nito. Dahil siya ang naunang nagising sa kanila, nag-check siya ng mga ingredients at pinag-isipan niya kung ano ang pwede iluto para sa agahan.

Hindi niya talaga forte ang pagluluto pero nang tumira siya sa dormitory noong college days pa niya, kailangan niya matuto para maging independent niya. Kaysa kumain siya sa labas, makatitipid pa siya para kanyang mga fangirl adventures, and more time to spend time with her oppas virtually. More like physically, nakatulong din ang ROTC training kaya nakakatiis siya na tumayo nang matagal pero mas pinipili na niya makabili ng pwesto na may mga upuan. There’s no way out in the K-pop world. Once you are in, you can never get out.

Nag-decide siya mag-dorm sa second year niya sa DLSU dahil nakakapagod ang biyahe from the East hanggang sa Manila. Nahirapan siya na i-convince ang nanay niya kasi siya ang unica hija sa pamilya nila. Ito din ang unang na maninirahan siya sa Manila, a sign of independence nga ayun sa kanyang paniniwala. Gusto din niya na makapag-concentrate sa pag-a-aral, at maging aktibo sa mga organization na sinalihan niya noong freshman pa siya. Ayaw niya na magsisi na hindi niya tuparin ang mga goals niya, at magkaroon ng mga maraming oportunidad sa kanyang university life.

Sa unang buwan niya sa tinutuluyang niyang dorm na malapit sa U-belt. Napansin niya na mas kalmado siya kapag pumapasok sa school. Lumipas na nga ang mga araw na hinahabol niya ang huling tren sa MRT para makauwi siya agad, at ang mga sandaling nakakatulog siya sa sinasakyan niya dahil sa tagal ng biyahe na minsan lumapas siya binababaan niya. Siniswerte naman siya dahil hindi naman siya umaabot sa lugar nina Selene, at Mira. Kaya sobrang bihira na siya pumpili ng evening class para maging normal ang tulog niya. Todo check siya sa mga schedule ng mga klase na pinilpila niya para sa major niya, at mas lalo sa mga professor nito.

Masaya naman ang dorm life niya, marami siyang na siyang mga bagong nakilala at naranasan dito. Hindi niya makalilimutan sa dorm experience niya ang nakasama niyang roommate na si Nicole. Natatawa pa rin siya kapag naaalala niya ang unang beses na nag-usap sila, at itong ang dahilan para matutong magluto.

Nagkakahiya pa sila nang unang silang magkita, at introvert din siya. Hindi talaga siya masyadong nakikihalubilo sa mga hindi niya kilala hanggang sa eventful na gabi na iyun. Abala sa pag-re-re-research si Rose para sa kanyang paper, habang abala si Nicole sa pagpapainit ng ulam niya. Hindi nga napansin ni Rose na pumasok sa banyo ang roommate niya pagkatapos buksan ang kalan. Nag-i-isip siya ng mai-da-dagdag sa conclusion nang bigla niya marinig ang pamilyar na kanta na hina-hum ng roommate niya. Mas lalong pang lumakas ang ingay na kinantay nito ang pre-chorus, at pagdating ng chorus sinisigaw na si Rose ang fan chant ng Mirotic habang all out sa pagkanta si Nicole ng legendary na kanta ng DBSK.

Naamoy bigla ni Rose ang nasusunog na ulam ni Nicole, “Hoy, Nicole! Tutong na yung ulam mo!”

Hindi narinig agad ng roommate niya yung sinagaw niya kasi kumakanta pa rin ito. Kaya tumabok siya papuntang kusina at pinatay ang kalan. Buti na lang hindi kumalat hanggang sa counter, at hindi malala ang usok na baka mapagalitan sila ng tagpamahala ng dorm nila. Dito na nagsimula tinatawag niyang “U-know Yunho” si Nicole. Sinasabi din niya ito na tigilan ang pagkanta habang nagluluto baka mawala na naman ang sense ng reality ito. Dahil sa pangyayari na ito, naging close silang roommates. Minsan sabay pa silang nagpupuyat sa mga comeback ng mga paborito nilang grupo. Natutuan din nila ang pagluluto mula sa mga recipes sa Youtube dahil takot na sila masunugan ng ulam sa kusina nila.  

Naisip niya bigla na magugulat sa bagong niyang talento ang mga kaibigan niya. Tuwing nagkakaroon ng sleepover sa bahay niya noon, sina Mira at Selene ang mga madalas magluto ng kanilang kakainin. Siya naman ang naghahanda ng mga plato at mga utensils sa lamesa habang si Leah ay abala sa kanilang inumin. Kinuha niya ang kaldero na kanyang gagamitin mula sa kinalalagyan nito sa kusina, at saka niya sinimulan ihanda ang mga ingredients para sa kanyang lulutuin. "I'm not your maknae anymore char".

Pagkaluto niya ng kanilang almusal, tinawagan niya ang kanyang nanay at kapatid para kumain. Nagustuhan naman nila ang kanyang niluto, medyo naalatan lang sa ulam nila pero okay lang naman daw. Kailangan lang ng improvements, at least nag-effort naman gumising nang maaga para magluto. Si Mico naman ang nagligpit, at naglinis pakakain nila.

Napag-usapan nila ng nanay niya ang offer ng manager ni Rose na mag-trabaho siya sa branch nila sa South Korea. Nag-da-dalawang isip pa rin si Rose na umalis ng Pilipinas. Naintindihan naman ng boss niya na malaking pagbabago ito para sa kanya kaya binigyan naman siya ng pagkakataon na pag-isipan nang maigi ang desisyon niya, bago i-offer sa ibang empleyado sa pinagtratrabahuan niya. Maganda naman ang offer pero malalayo siya pamilya niya, at lalo na sa mga kaibigan niya kapag pumayag siya.

"Ate, kung ano man ang desisyon mo para yan sa career path mo. Nandito lang kami para suportahan ka. Di ba dream mo ang makapagtrabaho sa South Korea? Nag-aral ka pa nga ng Korean since college para diyan. Nag-invest ka din para sa diyan. Hindi nga lang madali sa una pero marami ka din matutunan in the end. I know it’s cheesy, sabi nga nila is that you should follow your heart", tugon ng kanyang nanay.

Biglang tumambad sa kanyang isipan ang fangirl dream niya makapagtrabaho sa South Korea. Ginagawa nilang biro dati na kahit janitor, back-up dancer o kaya maging coordi sila sa SM Entertainment. Masaya na sila doon basta malapitan ang mga iniidolo nila. Isa pa sa mga dapat gawin nila doon ang lumuhod sa harap gusali ng SM Entertainment pero walang tatalo sa tinuturing nila na #1 goal na maging trainee doon. Madalas kasi sila noon mag-practice ng mga sayaw ng Super Junior at Girls' Generation tuwing bakasyon nila. Sina Kimmy, Christine, at Ann ang nagtuturo ng mga sikat na dance moves kahit karamihan sa kanila ay hindi magaling sumayaw. Todo suporta naman sila sa isa’t isa sa pag-abot ng kanilang mga fangirl dreams.  "Grabe ang mga usapan at mga nagagawa namin noon kapag tungkol sa Super Junior. Sa lakas ng boses naming na parang na-broadcast na iyun sa canteen".

Sa ngayon, nag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Wufaaan
Hello everyone! Took me months to edit the first draft of this story, and dealing with my EP#5 PCD. Kinda back to updating Sapphire Blue. Anyways, enjoy reading this one!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet