Chapter 1 : Kurai Town

Uncanny Town

| Chapter 1 : Kurai Town |

 

'Mr

'Mr. Kenji Watanabe ililipat ka na daw sa Kurai University pwede ka na magsimula bukas na 

 

Kasalukuyan akong naglalakad at hinahanap ang Kurai University , wala naman kasi akong ka ide ideya kung saan yun makikita ,tinanong ko naman yung driver ng taxi , ang sabi lang sa akin

Kasalukuyan akong naglalakad at hinahanap ang Kurai University , wala naman kasi akong ka ide ideya kung saan yun makikita ,tinanong ko naman yung driver ng taxi , ang sabi lang sa akin     

" Sir , magdasal lang ho kayo kahit anong mangyari " sa totoo lang medyo kinilabutan ako sa sinabi nya. Ibang iba ang klima dito sa bayan na ito , malamig at tahimik .

Hindi ko alam kung tama ba yung pinrint kong mapa na nakita ko sa google , para kasing wala namang mga nakatira dito . Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong babae na naglalakad.

"Miss?" tawag ko , agad naman syang lumingon at ngumiti. Maganda sya at maamo ang mukha.

"Ano yon?" sambit nya.

"Ahh ,malapit na ba dito yung Kurai University?" tanong ko , sumeryoso agad ang mukha nya at bahagyang yumuko.

"Miss? okay ka lang ba? "tanong ko na may halong pagtataka. Maya maya pa'y unti unti nyang ini angat yung ulo nya habang mahinang tumatawa.

Kinilabutan ako.

Akmang aalis na ako para iwan sya at mag back out sa trabaho ko. Ayoko na , may kakaiba talaga dito sa lugar na to.

Pero bigla nya akong tinawag... sa buong pangalan ko.

Mr.Kenji Watanabe? " napahinto ako sa paglalakad ko, paano nya nalaman ang pangalan ko? sino sya?

"Sir , magdasal lang ho kayo kahit anong mangyari " bigla kong naalala ang sinabi ng taxi driver kanina. Tinaas ko ang longsleeve ko para hawakan ang rosary bracelet ko, pero mukhang hindi nakikiayon sa akin ang araw na to.Hindi ko naisuot ang bracelet ko.

Sa isip ko, nagdasal ako ng Ama Namin, at lumingon ako sa kanya habang nagdadasal, nakangiti lang sya sa akin , wala naman akong napapansin na kakaiba sa kanya habang nagdadasal ako.Ang weird talaga.

Tinigil ko na ang pagdadasal dahil sa totoo lang hindi talaga ako madasalin na tao, nadadala lang ako ng takot.

" Sorry nga pala kaninaikaw ba yung bagong professor sa Kurai University? I'm Mariko nga pala , English Professor sa Kurai University " nakahinga ako ng maayos, kaya naman pala alam nya ang pangalan ko , natural lang naman na malaman nya, kasi nauna ko nang naipadala sa Kurai yung mga papeles para sa trabaho ko, kaya malamang talaga hinihintay na nila ang bagong professor.

     

" Ah wala yun , ok lang , sorry din kanina , tama ka ako si Kenji yung bagong Art Professor sa Kurai " sabi ko at nginitian sya, sinabay nya na rin ako papunta sa Kurai University.

Habang papalapit kami ng papalapit sa University , parami na rin ng parami yung mga tao na nakikita ko, parang isang normal na bayan na, siguro masyado lang akong kabado kanina kaya kung ano anong naiisip ko , nasanay na rin siguro ako sa sobrang dami ng tao sa siyudad.

Madaming estudyante ang nakakasabay namin, meron ding bumabati kay Mariko , pati sa akin tango lang ako ng tango.

Ganyan talaga yang mga estudyante na yan haha , pag nakakita ng gwapong prof , grabe kung kiligin , paano kasi bihira lang sila makakita ng lalaki sa University, tsaka sobrang layo din kasi dito ng Akimitsu (All Boys University )." napapangiti lang ako sa mga sinasabi nya.

Pagdating namin sa tapat ng gate ng Kurai sakto naman na tumunog na ang bell , hudyat na magsisimula na ang klase.

Nginitian ako ni Mariko , sabay sabing Goodluck sa unang araw mo dito sa Kurai University".

Salamat " nginitian ko sya , at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Medyo nauuna si Mariko , sya narin ang nagbukas ng napakalaking pinto , sumunod ako sa kanya , at bumungad sa akin ang isang napakalaking lobby ng University , namangha ako.

Pero nabigla ako sa sumunod kong nakita.

Mga babaeng nakahilera sa di kalayuan at papalapit ng papalapit sa kinaroroonan ko , at ang mas nakakabigla pa , totoong tao pero mukha silang manika.

At muli kong naramdaman ang panlalamig sa paligid ko , pagkulimlim ng langit sa labas at ang nakabibinging katahimikan sa lugar na ito.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet