— chapter one

Proven & Tested

Flashback

 

"Baby? A-ano? Iiwan mo na ako?" paulit ulit kong tanong sakaniya.

 

"Star naman! Ang kulit! Oo, hiwalay na tayo! Pagod na ako, may gusto na akong iba! Hindi naman kita minahal eh!" isang malakas na sampal ang ibinigay ko sakaniya.

 

"Oh ano, Jiro? Akala ko seryoso ka! Akala ko ako lang! Pero tangina! Katulad mo lang rin pala yung mga lalaking nang gago sakin! Sabi mo saakin iba ka?! Eh ano 'to?!? Ano 'to, Jiro!?!" Sigaw ko nang bigla nang tumulo ang mga luha ko.

 

Aalis na sana siya nang bumalik siya ulit saakin.

 

"A-ano, n-narealize mo na ba na mali ka? Babalikan mo na ba ulit ako? Jiro please, ako nalang please?" sabi ko. Nakita ko naman siyang bumuntong hininga.

 

"The necklace, give me the necklace..." sabi niya.

 

"Necklace?" Napahawak naman ako sa kwintas na ibinigay niya sakin nung first anniversary namin.

 

"No, binigay mo saakin 'to! Bakit mo babawiin?!" sabi ko habang hawak hawak ko ang kwintas na iyon.

 

"Sa lola ko 'yan, diba? And my lola told me to give that necklace to the one I love. At hindi ikaw yun..." Ouch, ang sakit nanaman. Bakit ka ba ganyan Jiro? Bakit mo ginaggawa sakin 'to?

 

Lalo akong umiyak nang kunin niya ang kwintas saakin at umalis na siya ng field.

 

End of Flashback

 

"And that's the story of me and Jiro!" sabi ko sakanila habang nakapatong ang aking baba saaking palad.

 

"Oh siya, enough with the Drama! Cheers!!!!" sabi nalang ng kaibigan kong si Janina. Nandito kami sa bar at nagkakwentuhan ng mga exes. 

 

"Pero, Star! Kamusta naman kayo ni Van??" pang aasar na tono ni Chelsea.

 

"Si Van? Ayun, diba dapat kasama natin dito, pero ewan ko, hindi daw pwede! Busy daw sa project..." I said as I heaved a sigh.

 

"Busy nga ba? O, busybusyhan?" sabi ni Alexa nang inumin niya ang cocktail drink habang nakatingin sa likod ko at pinopoint out ang isang bagay gamit ang bibig niya.

 

"Huh??" pagtataka ko habang nakatingin sakaniya

 

"Tumingin ka nalang sa likod mo, Star! Nagpakatanga ka nanaman!" galit na sabi ni Alexa habang nagtitimpi sa gigil.

 

Dahan dahan naman akong tumingin sa likod at nakita siya, si Van may kasamang babae at kung makahawak pa sa bewang!!! Ugh! Umiinit dugo ko.

 

"WHAT ARE YOU WAITING FOR?! CALL THAT SON OF A !" pasigaw na sabi ni Alexa dahil lalong lumakas ang music sa Club.

 

"JAMES! CLEO! Halikayo dito!" sabi ni Alexa. Ugh! Iba talaga siya magalit.

 

"Yo??" Tanong nila

 

 

  Tinawagan ko naman si Van, at nakita kong dumiretso siya sa Comfort Room sa Second Floor kaya naman sinundan ko siya. Sinagot niya naman agad ang phone niya.

 

 

"Sundan niyo 'yang si Star sa taas, nag pakatanga nanaman eh! Sundan niyo ang boyfriend niyang ugok!"

 

"Baby, yes po?" sagot niya.

 

"Hi! Nasan ka today? Miss na miss na kita.." sabi ko kunwari.

 

"Grabe, sobrang pagod nga baby eh, daming paper works ngayon sa school!" sagot niya. Sinungaling! Sinenyasan ko naman na sila James at Cleo na pumasok sa CR.

 

"Hmmm? Talaga?" medyo napasmirk ako.

 

"Teka Baby ah, Pare anong problema niyo?!" nadinig ko nang sabi ni Van. At di na ako nagulat nang hawak na nila Cleo at James ang Braso ng  gago. Well, what can I say? These guys are from an All Boys School slash Bad Assed School.

 

"Nasa bahay? Pagod? Wow! What a nice coincidence, Van! Nag pa-party ka rin pala!" natatawang sabi ko.

 

Nagulat nalang ako nung dumating na ang babae niya.

 

"What the? Bitawan niyo nga ang Boyfriend ko!! Who the are you?!" tanong nung babae.

 

Napatingin naman ako sakaniya while smiling like an angelic .

 

"Oh, so siya? Hmmm, not bad! Pero sana naman pumili ka ng babaeng hindi mukhang bavarian, katulad niya." natatawa kong sabi habang nakatingin sa mukha ng babae niya na pra bang nilublob sa isang damakmak na pulbos.

 

"What the-" Titingin palang siya sakin pero nanlaki na ang mata niya.

 

"Yes dear?" tanong ko.

 

"S-star.." sabi niya.

 

"Wow, fan ba ako ng Girlfriend mo, Van?" natatawang sabi ko.

 

"Well who doesn't know the y singer who dates tons of guys and end up na naloloko lang? Boba kasi." sabi niya.

 

"Excuse me, what?" tanong ko.

 

"BOBA, BOBA SA PAG IBIG!" tatakbo sana siya papunta sakin pero nahawakan na siya ng mga body guards ko.

 

"Kick them out of this Club and make sure na ilagay niyo sila sa Black list." sabi ko sa Manager ng Club. Nagkamali sila ng pinuntahan! Dito pa sila pumunta sa Club na pagmamayari ng kuya ko.

 

"Star, okay ka lang ba?" tanong nila James at Cleo ng sabay. I sighed and smiled slightly.

 

"I'm fine.. Thanks for asking." at sabay sabay na kaming bumaba sa usual seat namin.

 

"Girl what happened?!" tanong ni Aleyna.

 

"For sure, si Star nanaman ang laman ng News Feed ko tomorrow morning!" sabi ni Janina habang napailing.

 

"Let's all just enjoy this night! Okay guys? Cheers" sabi ni Alexa.

 

"Cheers" sigaw namin.

 

Maya maya pa ay tinawag na ang first band na mag peperform.

 

"Let's all welcome, JINX!" sabi ng host at nagsisigawan naman ang mga audience.

 

Nasa may Mezzanine kami kaya napatingin naman ako sa stage. And I saw them, hmm not bad! I see Vince tho and James.

 

"Cleo, Clarence!" tawag ko sa kambal naming magkaibigan.

 

"What?" sagot nila sabay haha cute nila!

 

"Who's the Vocalist? Ang Cute niya ha!" sabi ko.

 

Napatingin naman silang lahat sakin.

 

"HINDI MO KILALA SI KIEFER?!" sigaw nilang sabay sabay. Nanlaki naman ang mata ko.

 

"Sorry ah! Alam niyo namang minsan lang ako makasama sainyo and super busy because of the Schedules, daming shoot sa Commercials and Music Videos at Upcoming Drama!" sabi ko.

 

"Hirap talaga ng may kaibigan na STAR! Talagang STAR!" sabi ni Aleyna habang natatawa.

 

"Well, That's Kiefer! Kasama siya sa tropa! Ikaw kasi, sobrang busy mo! Don't worry pakalat kalat lang yan sa Hammington High! Taga Hammington High din yan! Don't tell me di mo din kilala band nila?" sabi ni Cleo.

 

"No! Kilala ko si James at Vince! Pero ngayon ko lang nalaman na nasa banda pala sila. Wala, ang cool!" sabi ko.

 

"Minsan kasi, Star! Sumama ka samin ha? Lalo na pag 'di ka busy! Sinasakop na ng show business yang buhay mo! Miss na miss na namin ang makulit na Elouise!" sabi ni Cleo.

 

"Sweet mo bro! Don't worry! Pag 'di ako busy, I'll catch up with y'all again!"

 

"Oo nga, Star! Basta ah? Pag di ka na busy? Miss na miss ka na namin!" sabi ng mga girls.

 

"Miss na miss ko rin naman kayo eh!!" sabi ko.

 

"Group hug nga!!" I said as they screamed "GROUP HUG!!!!"

 

"O-oy!! SAMA AKO DIYAN! WOW SI STAR NANDITO!!!" pahabol ni Trent na as usual, late nanaman!

 

"Yay! Group Hug!!!" sabi ko habang nakangiti ng todo.

 

"Thank you so much for this night, Guys! Sobrang saya! Regards niyo nalang ako kay James at Vince ha?! Mukhang di pa sila tapos sa isang song number nila." sabi ko ng natawa.

 

"Sigaw ka na kasi star! Magpaalam ka na!" sabi nila

 

I shrugged and smiled nang maglakad ako sa may Bars ng Mezzanine.

 

"JAMES VINCE!!!! WE LOVE YOU!!!!" sigaw ko para makuha ang attensyon nila. Tumingin naman ang tatlo sakin kasama nadin dun ang bokalista nila na si "Kiefer" daw.

 

Sumenyas naman ako and I mouthed "I gotta go! Bye bye!" as I waved my hand. Nag thumbs up naman sila James at Vince, napatingin naman ako sa Bokalista nila and I just waved and smiled. Nagulat naman ako when he smiled back.

 

"Bye guys!!!" sabi ko and bumeso ako sakanila isa isa.

 

"Hoy, Star! Laging mag iingat! And wag magpapakastress." sabi nila I nodded and smiled as I went out of the Club with my Body Guards. 

 

Pagsakay ko ng kotse, napabuntong hininga nanaman ako. I missed my old life with my friends. I miss my life behind the Camera.

 

---

 

"STAR!!!! OH MY GOD!!! GUMISING KAAAAAA!!!! STARRRRRRR!!!!" napagising naman ako agad agad nang kuskusin ko ang mga mata ko.

 

"Mhmmmm??"' tanong ko.

 

"IKAW BATA KA!!!!!!! MAY HEADLINE NANAMAN TUNGKOL SAYO!!!!!!!!" sabi ng Manager ko habang paikot ikot sa kwarto ko.

 

"Ms Dee, What's new? Lagi naman ako ang topic nila..." sabi ko at napabuntong hininga.

 

"This is a Scandal about last night? You were with your friends right? And Van? He's cheating on you?" sabi ni Ms Dee. I simply nodded and smiled slightly.

 

"Obviously, he's dating my fan... Siguro he wants to ruin my Career..." sabi ko and smiled slightly once again.

 

"Hay nako!! Tigilan mo na muna 'yang kakadate mo!!!" sabi ni Ms Dee.

 

I nodded again one last time as I stood up and went out of my room.

 

"Morning, Elouise!" sabi ni Manang napangiti naman ako.

 

"Good Morning mamang!!" sabi ko habang nakangiti ng malapad. Si Mamang ang nagsilbing Mommy slash Lola slash Yaya ko simula nung lumipat ang mga Parents namin sa Maldives. They own a resort and other businesses there kaya kailangan nilang mag stay.

 

"Where's kuya??" tanong ko.

 

"Alam mo naman ang kuya mo, Hija! Deretso trabaho yun!" sabi niya. I pouted di nanaman ako hinintay.

 

My Kuya is 3 Years older than me, meron din akong ate which is 2 years older pero nasa Australia siya. Kaya I'm left here with my kuya.

 

"Sige na, anak. Na prepare ko na ang meal mo. Hay! Ikaw ba eh nabubusog sa ganto?! Napakakonti ng kanin!" sabi ni Mamang natawa naman ako kasi kailangan ko mag diet para sa upcoming new song ko.

 

"Sorry na, Mamang! Hayaan mo, after ng release ng song ko, kakain na po ulit ako ng madami!" sabi ko nang i kiss ko siya sa cheek. "Sige po mamang mag aayos na po ako! Salamat po dito!"

 

Madali naman akong umakyat at nag ayos matapos kong mag ayos, dinala ko na ang back pack ko at sumakay sa Van papunta sa Music Company namin.

 

Nang makarating naman ako duon agad akong dumiretso sa Conference Room at kumain ng Breakfast ko. Maya maya pa ay dumating na ang Management Team ko.

 

"Good Morning po!" bati ko ng nakangiti at sabay binigay ang mga Morning Prepared meals ni Mamang. Nag thank you naman sila.

 

"Star.." sabi ni Ms Dee.

 

"Yes po?" Tanong ko habang napatingin ako sakaniya.

 

"You'll be working on a reality show with this guys named Moon Lee." sabi ni Ms Dee.

 

"Hmm? What kind of Reality show??" tanong ko.

 

"It's a reality show but you'll act as couples" sabi ni Ms Dee.

 

"Ha?? Reality nga eh- bakit scripted padin??" sabi ko.

 

"It's somehow scripted pero the rest kayo na bahala!" sabi niya.

 

"But How-" di ko naituloy ang sinabi ko nang biglang may pumasok na isang Management Team sa kabilang pinto kasama ang isang lalaking naka shades.

 

"Is he the one??" I asked.

 

"Yes, Star, meet Moon Lee." Tumingin naman ako sakaniya at parang nag slow motion ang lahat at nanlaki ang aking mga mata.

 

"IKAW?!?!" tanong ko in shock.

 

"Oo, ako nga, Nice to meet you, Star."

 

AY JUSKO BAKIT SIYA PA?!?!?!!

 

 

All Rights Reserved

Bae

Proven & Tested

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet