TEASER

PBB Twice Edition
Please Subscribe to read the full chapter

"Welcome housemates! Upang makapagpahinga kayo at kasabay nun ay ang pagpapanatili ng inyong mga disiplina sa inyong mga sarili ay nakipagkasundo sa akin ang inyong CEO na si Park Jinyoung na pagbakasyunin kayo sa loob ng aking bahay. Simula ngayon ay mananatili kayo sa aking bahay sa loob ng isang daang araw. Ang confession room ay bukas lagi para sa inyo kung kayo ay mayroong mga kumpliskasyong nararanasan. Muli, manatili kayong masunurin at mabuti sa lahat ng pagkakataon. Maari na ninyong tanggalin ang inyong mga blindfolds."

"Salamat po kuya." 

Isa isa nang tinanggal ng mga housemates ang kanilang blindfolds at iminulat ang kanilang mga nasisilaw na mata. 

"Wow! Ang laki naman nito, mas malaki pa sa dorm natin!" Agad na isinigaw ni Jungyeon.

Inikot naman ng ibang miyembro ang kanilang mga mata sa kanilang paligid at kitang kita ang kanilang pagkamangha. 

"Mas malaki pa din mata ni Jihyo." Buntod ni Nayeon.

Pinalo siya nang malakas ni Jihyo sa kanyang braso habang nanlilisik ang kanyang mga malalaking mata. 

"Mas malaki ngipin mo! Kaya huwag kang ano diyan!" 

Patuloy na nagbangayan sina Nayeon at Jihyo habang pinipigilan sila ng mahinhing si Mina.

Tumigil naman si Nayeon nang napagtanto niyang si Mina pala ang umaawat sa kanilang dalawa.

"Mamimiss ko pa din yung dorm." Paiyak na sabi ni Sana. 

Tumango si Dahyun. "Oo nga eh. Mabuti na lang at nandito ka."

"Huh?"

"Ang hirap kaya nun kung wala ka dito, dalawa na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hbicbae #1
abs cbn found dead in a ditch
tintin8381
#2
Bet ko to maygahd
A_Deewaggie
#3
Chapter 1: Hahahaha jusko po
softiecyel
#4
Chapter 1: omg HAHAHAHAHA