Final (?)

Robbers

Pagkatapos ng ilang taon, siya pa rin pala talaga. Siya at siya pa rin pala talaga, hanggang sa huli. Pero ano ako ngayon? Wala. Walang wala na ako ngayon. Iniwan niya na ako, nagpakasaya sa iba. Di bale na, kaslanan ko naman e. At nasa huli nga pala talaga ang pagsisisi. Sumama ako sa iba, nagpaalipin, nagpakatanga at nagpakaduwag sa isang lalaki na ikinasira ng buhay ko.

Pero ginawa ko lang naman ang sa tingin kong tama; sinakripisyo ko ang sarili ko para sa kanya. Dahil kung hindi, malalagay kami sa peligro hindi lang kami, kundi pati ang mga pamilya namin.

 

"Minatozaki Sana." Hindi ko pinansin ang tumawag sakin dahil naaasar talaga ako kay Mina. Nakita ang picture niya sa bag ko, pakielamera kasi bwisit talaga. Kaya ayun, inagaw agaw ko muna sakanya pero badtrip dahil nalaman niya na crush ko siya. Oo, matagal na. Pero bwiset, kinikilig ako kahit nagmukha akong stalker niya. Leche talaga arghhhh!

"Sana," isa pang tawag ang narinig ko, nakakainis na ha. Sino ba yung tawag ng tawag? Nilingon ko na nga at, "Hanbin?" Ano na naman ang kailangan neto sakin?

"Pwede ka ba mamaya?" Ang kulit kulit niya, isa nalang maiisip ko na may crush o gusto to sakin e. Kahit nasan ako, nandun din siya. Bigla nalang nasulpot, kabute lang ano? Marahan akong umiling at tumalikod na, pero naramdaman kong lumapit siya sakin at sinabayan ako sa paglakad,

"Kailan ka pwedeng makausap?" hindi ako sumagot, "Uhm Sana?" Hinarapan ko na siya kasi di rin naman niya ako titigilan e, "Kapag natapos na ang sem na to. Ang daming ginagawa e." bahagya siyang nagulat at tumango, "Sige, aasahan ko yan. Salamat." Ngumiti siya sakin at umalis na. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makauwi na.

 

Tandang tanda ko pa yan, pagkatapos ng insidenteng na nakakakilig samin ni Mina, ayan ang sumunod. Pakiramdam ko talaga na, may something sa lalakeng yun. Kaya, hanggat maaari ay iniiwasan ko siya. Pero parang hindi naman ata sumasangayon ang tadhana dahil sa nangyari sakin, at ito na ang hindi ko inaasahang mangyari. 

 

"Baby ko, sigurado ka bang hindi na kita ihahatid? Mag-gagabi na oh, delikado na sa daan." ngumiti ako sakanya at umiling, "I can manage it baby ko." Nakatingin pa rin siya hanggang ngayon sakin na para bang sinisgurado ang desisyon ko, "Or if you want, I will stay outside while you are talking to your friend." Ano pa ba ang kulang sakanya? Jusko, salamat po dahil biniyayaan niyo ako ng girlfriend na tulad ni Myoui Mina.

"Yeah, sure baby. Pero baka matagalan kami, okay lang ba?" ngumiti naman siya sakin at tumango, "As long as ikaw ang hinihintay, okay lang sakin kahit gaano katagal." Pakiramdam ko, namula ako roon.

"Oo na hihirit pa e, sige na I'll go inside na ha? Wait for me here, okay baby?" Ngumiti siya lalo at tumango tango siya sakin, "Yes baeby, I love you." Hinalikan niya ako sa noo at napangiti naman ako roon, hinalikan ko naman siya sa pisngi at bago ako umalis, "I love you too baby." At saka na pumasok sa loob, kung saan ay maguusap na kami ni Hanbin. Alam naman ni Mina ito kaya walang malisya sakanya ang paguusap naming dalawa.

Nakaupo na ako sa harapan niya at diniretsahan ko na siyang tinanong, "Ano bang paguusapan natin? Naghihintay ang girlfriend ko sa labas." diretsahan kong sabi, "Chill lang, Ms. Minatozaki." hinigop niya ang kanyang kape at tuminginm sakin, "Kayo na pala ni Myoui?" napataas ang kilay ko roon, "Ano naman kung kami na?" natawa siya ng bahagya, "Bat ba ang sungit sungit mo pgdating sa akin?" naningkit ang mga mata ko sa tanong niya.

"Sino ka ba para paglaanan ng oras ko?" Tanong ko pabalik, napangisi siya. "Oo nga pala, ang paguusapan natin ngayon ay tayo." Napatingin ako ng blangko sakanya, what in the world is he thinking? Kaming dalawa? "I'm sure that you are already sensing that I have something for you?" nilaro laro niya ang kanyang kape gamit ng kanyang kutsara at muling tumingin sakin, "I like you, oh wait. I love you, Sana." 

Nabigla ako pero hindi ko pinahalata. Savbi na nga ba, "And kapag sinabi kong, mahal kita. Sakin ka lang dapat." hindi ko na napigilan ang sarili ko, "I'm sorry but I love Mina. I really really love her. Tapusin na natin to, alam mo yan. Wala kang pagasa sakin." napangisi siya ulit, "Oh really? Tignan natin kung hindi kita mapapasakin. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko Sana. Lahat."

Tumayo ako para umalis pero, hinablot niya ang braso ko at hinarap sakanya, "Kapag hindi ka sumunod sa akin. Ang buhay ng mahal mo pati ang pamilya mo at pamilya niya ang kapalit." Nilabanan ko ang tingin niya, "Tingin mo matatakot mo ako? Wala dito ang mga magulang naming dalawa kaya hindi mo iyon magagawa." Natawa siya at tinignan sa labas ang kotse ni Mina, nakababa ang bintana at nakita namin na nakaheadphones din siya at naghe-headbang.

"May mga tao ako sa Japan, I have a lot of connections Sana, just to make you mine." nanatili akong tahimik, "Poor Mina, konti nalang ang oras mo para sakanya. Dahil simula bukas, akin ka na." tumingin siya sakin, "Stop this nonsense, Hanbin. hindi kita mahal, and I will never love you." napahinga siya at tinitigan ako ng mataman, "Well kung ganon, I guess sisimulan ko na ang plano ko para pahirapan yang nobya mo?"

Napayukom ang mga kamao ko, "Wag mo siyang idamay dito Hanbin." natahimik ako saglit, saktan na niya lahat wag lang ang mahal ko. Wag lang ang poamilya ko at pamilya niya, "Ano ba ang dapat kong gawin? Para naman matahimik ka na at yang malandi mong kaluluwa." nakita ko ang pag-ngiti niya at pag-ngisi niya, "So you mean pumapayag ka?" naparolyo ang aking mga mata at sinagot siya, "Just answer my question Hanbin." umayos naman siya, "Well kailangan mo lang naman akong pagsilbihan sa mga oras na hindi mo siya kasama. You will be my girlfriend," 

"Yun lang?" Natanong ko nalang sakanya, ang kapal ng mukha niyang itimer niya ang sarili niya sa taong mahal ko. "Oh, hindi lang yun. Sa mismong anniversary niyo, may sorpresa ako sainyong dalawa." 

"Pano kapag hindi sumunod?" tumingin siya sakin, "Ulit ulit? Goodbye Mina, goodbye family at mga manugang mo." Ngumisi siya ng napakalapad at wala nakong magawa. I have no choice. "I'll see you around." Ngumisi siya sa huling pagkakataon sakin at tuluyan na akong umalis saka lumabas na sa cafeteria. 

 

Yung gabig yun, napnsin din naman ni Mina na balisa ako pero mas pinili niyang manahimik. Sobrang naipit ako sa sitwasyon na iyon. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Ayokong mapahamak ang taong mahal ko, pati na rin ang ibang tao. Nagpanggap ako na mahal ko si Hanbin kaya napasaknya na rin ako. Nagsisisi ako dahil hindi ako gumawa ng posibleng paraan para makatakas ako sa kamay ni Hanbin. Sinubukan ko pero wala talaga e.

 

"Ano? Papunta na ba si Mina?" Tanong ni Hanbin habang inaalis ang kanyang suot na long sleeves polo, nandito siya sa office ko. Alam niya lahat at tinotoo niya talaga ang pagkuha niya sakin kay Mina. "By the way, Happy 3rd anniv pala sainyo. Happy nga kaya?" Malanagbibiro niyang sabi, "You know what Sana? I've been waiting for this moment. Na finally, makukuha na kita sakanya. You don't deserve her." Mariin niyang sabi habang papalapit sakin habang wala akong ganang nakikinig sakanya.

"Hindi naman ako mapapasayo, kahit kailan." mariin ko ring sabi, "Talaga? Anong tawag mo rito? Joke? Hahahaha funny you, Sana." Nangaasar niyang sabi sa akin, biglang nagring ang phone ko at nasiyahan ako pero tinignan ako ni Hanbin ng nkakamatay na tingin, "You know what to do, Sana." kaya kahit labag sa kaloob looban ko, pinarinig ko kay Mina na cold ako. Oo, at hindi lang ngayon kundi nitong mga nakaraang araw na rin.

"Baby? Where are you na?" Tawag niya sa kabilang linya, "Wait lang, medyo marami pa kasi itong papers na ginagawa ko e. Matatagalan ata ako," sagot ko naman sakanya, naramdaman ko naman na lumungkot siya pero sumagot pa rin siya, "Oh, okay baby. Sige, tapusin mo muna yan. See you baby! I love you! Happy 3rd anniversary!" Napangiti ako dahil ang saya saya niya pero naalala ko palang nandtio si Hanbin, kaya nagchnge aura ako.

"Okay, bye." at saka ko na binaba ang tawag. Inabot na sakin ni Hanbin ang polo sleeves niya, "Magbihis ka na dun. And yung gagawin mo mamaya ha." napabuntong hininga nalang ako at sinunod siya, kinuha ko ang sleeves niya saka pumasok sa banyo ng madalian. Lumabas ako ng nakapolo sleeves lang habang si Hanbin ay nakapantalon nalang.

"Ready?" Hindi ako sumagot dahil pagod na pagod na ako, pagod na akong magpanggap. At dahil sa alam namin na any moment ay dadating na si Mina, sinimulan ko na ang pag-acting. Hinayaan kong halikan ako ni Hanbin saka ako sumusunod sa galaw niya. At doon na nga, narinig kong bumukas na ang pintuan, "S-Sana?"

Tumigil kami at tinignan ko siya, nanlalaki ang mga mata, "Si-sino siya?" hindi ako sumagot kaya't nagtanong ulit siya, "Who the hell is he, Sana?" mariin na niyang tanong. At doon na nagsimula ang kanyang pagtatanong saming dalawa ni Hanbin, dumating pa sa punto na nangawat si Hanbin pero, "Wag kang mangielam dito. Girlfriend ko ang tinirahan mo." sagot ni Mina.

Doon naman lalong napangisi si Hanbin, "Sa pagkakaalam ko, ako yung may girlfriend at siya yun, diba babe?" saka hinigit niya ako papalapit sakanya. muli na namang nagkasagutan hanggang sa, 

"Mina, let me go. Walang mali sayo. Perpekto ka nga eh, diba? Kaso, mukhang sa sobrang ganun mo, hindi mo ako deserve. You don't deserve someone like me. Kaya please, let me go. Hayaan mo na ako, pakawalan mo na ako." Sinabi ko yun kahit labag sa kalooban ko. Mina, para sating naman to. Patawarin moko. "Nasasakal ka na ba? Anong kailangan mo? Sabihin mo, Sana. Kasi hindi ko kakayanin na mawala ka eh..." makaawa niya sa akin, muntik nakong bumigay. Mahal na mahal ko siya e.

"Mina, I don't love you anymore. Just please, let me go. That is what I need."  hanggang sa matapos ang aming usapan at lumabs si Mina ng luhaan.

 

Yan. Yan ang natatandaan kong sitwasyon na pinagsisisihan ko dahil hindi ako lumaban. Hindi ko sinabi kay Mina kaya tuluyan siyang nawala sa akin. Tandang tanda ko pa, pagkatapos niyang umalis sa opisina ko, umiyak ako ng todo todo nun at doon ko narealize na ang tanga tanga ko pala talaga. Pero anong magagawa ko? Natakot ako e. Naduwag ako at yun ang pinagsisisihan ko ngayon. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Habang siya, masaya na siya sa piling ng iba at ako, inakala niyang sumaya ako sa piling ni Hanbin na kahit kailan ay hindi nangyari. 

Yung paglabas naming dalawa? Peke lang yun. Yung pinalabas namin na engaged na kami?> Peke lang yun. At yung nararamdaman niya sa akin? Peke lang lahat. Kaya ngayon, walang wala ako. Pera lang ang habol sakin ni Hanbin dahil nalaman niya ngang isa sa pinakamayayamang kumpanya ang pamilya namin. Walang natira, ni isa sakin. Wala na, pati ang buhay ko. Para banmg wala na akong silbi dito sa mundong ito. Parang wala na akong kwenta. Saka ko na rin palang nabalitaan na, si Momo pati si Mina na. O diba? Ang cool kasi, nakamove on na siya habang ako, hindi. Eto siguro ang kabayaran sa katangan ko dati. Kung sanang hindi ako natakot, masaya pa rin kami hanggang ngayon.

Naririto ako ngayon sa playground, pinapanood ang mga batang masasayang naglalaro. At the same time, inaalala ang mga masasayang alaala namin ni Mina at kung pano ako naduwag noon. Pano kung agad kong sinabi sakanyan iyon? Pano kung hindi ako nagpakatanga? Maraming pano na pinagsisisihan ko ngayon. At kahit kailan, hinding hindi na iyon masasagot dahil nasa nakaraan na iyon. 

 

"Uhm Miss?" Napatingin ako sa isang babae na nagaabot ng panyo sa harapan ko, napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Walang hiya, naiiyak pala ako magbuhat kanina. "Uhm salamat." Kinuha ko ang panyo niya at pinagpunas yun. alam ko, wala akong hiya dahil basta basta ko lang kinuha ang panyo niya. "Pwede ba akong tumabi?" napatingin ako sakanya at tumango tango, "Ang bigat ata ng pinagdadaanan mo?" Tanong niya at tumingin din sa mga batang naglalaro, "Wala yun. May naalala lang." sagot ko naman.

Nanatili kaming tahimik sa loob ng ilang segundo at muli siyang nagsalita, "Ang saya saya nila noh? Walang pinoproblema." Oo nga e, di tulad ako. Malaking malaki ang problemang binubuhat ko hanggang ngayon, "Oo nga e," Nasabi ko na lamang.

"Pero alam mo, kahit gaano pa kabigat ang problemang dinadala mo ngayon, sigurado akong mareresolba yan." Tumingin siya sakin saka ngumiti, "Dapat sayo palaging nakangiti e." Natawa nalang ako ng bahagya at marahang umiling, "Hindi. deserve ko rin nman kasi to. Kaya, ayos lang." 

"Kung kailangan mo ng makikinig sayo, nandito lang ako." Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan at kahit ilang minuto pa lang kami magkasama ay magaan na ang loob ko sakanya, "Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong niya sakin. Ngumiti ako sakanya, "Sana. Minatozaki Sana," ngumiti naman siya pabalik saka inoffer niya ang kamay niya para mag-shake hands, "Anong pangalan mo?" 

"Tzuyu. Chou Tzuyu." 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

=======

sequel ng Somebody Else. Sana magustuhan niyo kahit sabaw, yun lang. Salamat sa pagbabasa! =)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Read Somebody Else first para maintindihan po ninyo. Thank you =)

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet