Final

Letter
Please Subscribe to read the full chapter

Hi, kamusta kana?


Di ko alam kung mababasa mo ito o hindi pero umaasa ako na sana…sana mabasa mo.


Simula nang nakilala kita nagbago ang takbo ng buhay ko. Mula sa pagiging troublemaker ng school ay napatino mo ako. 


Pero bago ka dumating sa buhay ko, walang araw ang hindi ako nakikipagbasag-ulo sa kung kani-kaninong tao.

 Halos di pumapasok sa school at kung pumasok man natutulog lang. Mortal enemy ako ng mga teacher. Hindi nila ako magawang ibagsak dahil pamilya naming ang may-ari ng school kaya naman kahit labag sa puso nila ang ipasa ako, ay ginagawa nila. 


Walang may gustong makipagkaibigan o lumapit man lang sa akin dahil takot sila sakin o ayaw nila sa akin. And I’m glad naman na walang lumalapit sa akin. 


Hanggang sa dumating ka.

Ang “Cutie Probinsyana” kung tawagin ng mga estudyante. Galing ka kasi sa probinsya at lumipat sa syudad dahil sa trabaho ng magulang mo. Narinig ko lahat ng sinabi mo nung first day mo dahil hindi naman ako natutulog nun. Paano ba naman ako makakatulog kung ang iingay ng klase dahil sayo? Wala akong ibang narinig kundi,


“Wow, ang ganda nya.”
“Ang y at ganda nya.”
“Artista ba sya?”


At kung ano-ano pang papuri.


 Sa unang araw mo palang sa school ay sinurpresa mo ang klase dahil sa taglay mong ganda pero mas sinurpresa mo sila nung umupo ka sa tabi ko.

 

Nabigla ang lahat pati ako sa pagtabi mo sa akin, ikaw ang kauna-unahang nilalang ang nagtangkang tumabi sa akin. Kahit ata langgam ayaw tumabi sa akin. 


Sisigawan sana kita at sisipain papalayo sa akin pero nung nakita kita ng malapitan at nakatingin sa akin, parang umatras ang dila ko at parang na-, hindi ako magalaw.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sayo at bumalik lang ako sa katinuan ko nung nagpakilala ka sa akin. Pero hindi kita pinansin at nagkunwaring matutulog.

 

Alam mo bang ito ang unang beses na nakaramdam ako ng pagkahiya? At ang unang beses na tumitig ako sa isang to. Pero isinantabi ko lang yun, may first time naman sa lahat ng bagay.


Madali kang nakilala at sumikat sa school. Hindi na naman ako magtataka dito dahil bukod sa taglay mong ganda na papasa na 100 beautiful faces in the world, ay matalino’t talented ka rin at ubod pa ng bait. Napaka-friendly mo kaya ang daming may gusto sayo, mapababae man o lalake. Naging paborito ka rin ng mga teachers dahil nga matalino ka. Sino ba namang teacher ang hindi ka magugustuhan?


Samantalang ako? Patuloy parin sa dating gawain. Papasok ng school ng may pasa o sugat sa mukha at tutulog. Minsan nahuhuli kitang nakatingin sa akin pero may something sa tingin mo. Para bang gusto mo akong tanungin kung ok lang ba ako. Kung masakit ba yung mga sugat at pasa. At kung bakit ako ganito. Pero patay malisya lang ako. 

 


Hanngang isang araw habang naglalakad ako pauwi ay may humarang na grupo ng mga kalalakihan sa akin. Sampu silang lahat at pinalibutan nila ako. Natatandaan ko ang ilan sa kanila. Nakalaban ko yung iba sa kanila at bumalik sila para gumanti sakin at nagsama pa ng ilan.

Nakipaglaban ako sa kanila pero marami sila. Pinagtlungan nila ako hanggang sa napahiga na ako sa kalsada pero hindi parin sila tumigil at wala akong magawa kundi ang tanggapin ang malalakas na sipa at tadyak nila. Tumigil lang sila at umalis nung nawalan na ako ng malay.

 


Nagulat na lang ako paggising ko nung nakita kitang natutulog sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Umupo ako sa kama at pinagmasdan yung kwarto. Dinala mo ako sa kwaro mo. Nagising ka naman at agad na tinanong kung may kailangan ako. Pero sinabi ko lang na gusto ko nang umuwi pero di ko inaasahang iiyak ka habang pinapagalitan ako. Kahit hirap na hirap kang magsalita dahil umiiyak ka ay patuloy mo parin akong pinapagalitan. 


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong nakita kita umiiyak sa harapan ko dahil sa akin. Nagalit ako sa sarili ko noon dahil pinaiyak kita at parang may kumukurot sa puso ko.

At tila may sariling isip ang mga kamay ko at hinatak kita papalapit sa akin para yakapin ka. Mahigpit kitang niyakap habang patuloy kang umiiyak samantalang ako hinimas-himas ko ang buhok mo habang ibinubulong ang salitang “sorry.” 


Hanggang sa nakatulog ka habang yakap-yakap ko. At nung naihiga na kita sa kama mo ay pinunasan ko ang mga luha sa pisngi mo at pinagmasdan ang napakaganda mong mukha.

At bigla ko na lang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin nito o kung ano ba ang nararamdaman ko sayo noon pero isang bagay lang ang sigurado ko, hindi-hindi ko na  hahayaang umiyak ka ng dahil sa akin. Kung kailangan kung umiwas sa pakikipag-away, gagawin ko. Kung kailangan kung magtino ay gagawin ko,  para lang hindi ka malungkot o masakta.

 


Pagkatapos ng pangyayaring yun masasabi kong naging malapit tayo sa isa’t isa. Nag-uusap na tayo. Naikwento ko na rin sayo yung about sa family ko na nagpakamatay ang mommy ko dahil sa nagdivorce sila ni Daddy at yun yung dahilan kung bakit ako naging rebelde. Pero pinagalitan mo lang ako noon kasi sabi mo, hindi tama ang ginawa kong pagrerebelde. Kung galit ako sa Daddy ko dapat sinabi ko sakanya at hindi yung bigla-bigla na lang ako magrerebelde. At siguradong ayaw din ng Mommy ko ang ginagawa ko dahil walang magulang ang ayaw mapariwala ang anak. Kaya pinilit mo akong makipag-usap at makipag-ayos kay Daddy. Noong una ayaw ko pero pinilit mo ako hanggang sa mapapayag  mo ako. Kaya ayun naging ok na kami ni Daddy.


Sa sobrang saya ni Dadd dahil nagkaayos na kami at nung nalaman nyang ikaw ang nagpumilit sakin na magkipag-usap sa kanya ay inimbitahan ka niyang mag-dinner sa bahay noon para magpasalamat at napatino mo raw ako.

Siyempre nung una nahiya ka pa at ayaw pumunta. Pulang-pula pa ang mukha mo noong sa hiya kaya niloloko kita kaya naman lagi mong hinahampas sa braso. Pero dahil mapilit si Dad sa huli napa-oo ka na rin.


Isinasabay mo na rin ako sa pagkain kasama ang mga kaibigan mo. Nakakatawa lang yung reaksyon nila nung una mo akong ipinakilala sa kanila. Parang nakakita sila ng multo, nakanganga sila tapos may tumulong layaw pa sa bibig nung isa mong kaibigan. Sa tuwing naaalala ko yun natatawa na lang ako.

Sabay na rin tayo lagi umuwi at minsan kumakain pa tayo sa labas. Nagpresinta ka rin na i-tutor ako dahil ang bababa ng grades ko at pumayag naman ako sa lahat ng sabihin mo. 


At tuwing Friday at Saturday ng gabi sa inyo ako natutulog. Kilala na ako ng magulang mo kaya ok lang na sa inyo ako matulog. Sa totoo lang para na rin nila akong anak kung ituring.

Magkatabi tayong natutulog, noong una medyo awkward sa akin dahil first time kong matulog na may katabi tapos idagdag pa yung pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing ngumingiti ka sa akin. Mas maganda at maliwanag pa kasi ang ngiti mo kaysa sa sinag ng araw. Kapag magkakadikit ang mga braso o kahit na anong bahagi ng ating katawan at kapag hinahawakan mo ang kamay ko sa tuwing naglalakad tayo pauwi, ewan ko, nag-iinit ang buong mukha ko.


Wala nang sugat at pasa sa mukha o katawan ko. Tumaas na rin ang mga grades ko. Nagawa ko na ring makipagkaibigan at makipag-usap sa iba. Sa madaling sabi nagbago ako ng dahil sayo. 


Ang daming nagulat sa pagbabago kong iyon. Ang mga kaklase natin, mga teachers natin, si Dad pati na rin ako. Pero masaya naman silang lahat sa pagbabago ko. 


Hindi ko kasi inaasahan na may darating ka sa buhay ko at magagawa mong wasakin ang pader na ginawa ko para hindi ako lapitan ng mga tao. At higit sa lahat nagawa mong pumasok sa buhay ko at nagawa mong palambutin ang puso kong akala ko’y tumigas na katulad ng bato.

 


Lumipas ang mga araw na magkasama tayo at palakas nang palakas ang nararamdaman ko para sa iyo. Noong una akala ko simpleng crush lang pero naging like hanggang sa hindi na namalayan mahal na pala kita. 


Noong unang natakot ako kasi alam kong hindi tama ang nararamdaman ko. Na nasa mata ng mga tao mali ito. Natatakot ako. Ito yung unang beses akong nakaramdam ng takot sa buong buhay ko. 


Naisip ko na baka sa oras na lumayo ako sayo mawala yung pagmamahal ko sayo kaya umiwas ako sayo. Sa tuwing inaakit mo akong kumain lumabas o sumabay sapag-uwi ay lagi akong may dahilan.


“sabay daw kaming kakainan ni Dad.”
“Kailangan kong tapusing assignment ko.”
“Kailangan kong umuwi ng maaga.”
“Pinasundo ako ni Dad s driver naming e.”
Ginawa ko ang lahat para maiwasan ka.

Hindi na rin ako nag-oovernight sa inyo. 

Dalawang linggo rin kitang iniwasan noon at sa loob ng dalawang linggong iyon ay wala akong ibang naramdaman kundi sakit at lungkot.

Kita ko rin sa mukha na malungkot at gusto mo nang umiyak tuwing nakatingin ka sa akin. Ilang beses kong inihampas ang ulo ko sa pader noon.


At mukang hindi mo na natiis ang pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
poomwarrior #1
Chapter 1: Akala ko pov ni Seulgi HAHAAHA tenks otor napakilig mo ako
iamSoshiLover #2
akala ko si seulgi yung gumawa ng sulat. We need Seulgi’s pov otor-nim pleeaassee.
kang_ddeul
#3
Chapter 1: kala ko rin si seul yung sumulat HAHAHA sequel plsss!! huhuhu pov naman ni seulgii plsss huhu
howdoyouknowmee
538 streak #4
Chapter 2: Hindi ko makita yung sequel
soouislove
#5
Chapter 2: akala ko si seulgi, si irene pa lol. its nice
_awesomeanj #6
Chapter 1: lol akala ko si seulgi yung sumulat amu hahahaha
howdoyouknowmee
538 streak #7
Chapter 1: A petition for making this a chaptered fic
howdoyouknowmee
538 streak #8
Chapter 1: Wow bat ngayon ko lang nabasa to
Highseul
#9
Chapter 1: All this time akala ko si Seulgi yung sumulat kay Joohyun until nireveal mo na yung names hahahaha