Ang Tagpuan

Ang Kahapon

“Irene! Nagkakagulo sa SBO (Student Body Organization) office! May nagsusuntukan!!” Hinihingal na sumbong ng secretary ng org.

 

Dali dali kong tinakbo ang office mula sa NatSci Lab. Busy kami ng group mates ko sa paghahanap ng thesis adviser, pero dahil sa pangyayare, nag excuse na lang ako sa kanila. Last year ko na rin to sa pre-med course ko na BS BIO.  I need to do well in academics kahit busy ako sa presidency ko sa SBO,and besides I am a candidate for Magna Laude.

 

“I swear Park! Magbabayad ka sa ginawa mo!” pasigaw na pagbabanta ng kung sino mang kasuntukan yata ni Bogum

 

“Talaga? Kwon?! I’m sure after this, you will be forcedly ejected from this school!”

 

“Tama na Bogum, you’re part of this Student Body, maging mabuting ehemplo ka naman sa kanila. ” mahinahon kong pag-aawat

 

 

“Yang creep na yan ang sabihan mo, sya nag-umpisa nito!”

 

 

“Stoooppppp!”

 

Akma na namang susuntok ang kaaway ni Bogum pero natigilan sya sa lakas ng sigaw ko.

 

“Both of you! Get ouuuuuuuuuuut!”

 

 

I am infuriated to say the least but somehow nakonsensya din ako. Di ko alam ang totoong nangyare pero I acted prematurely and reprimanded both of them. Sa position ni Bogum sa council and having a father as one of the board directors, di sya maeexpel for sure.

I am worried with the other guy though, mukha naman syang mabait, najudge lang sya siguro because of how he looks. Spiky colored hair, tattoos all over his arms, piercings, etc etc.

 

Nalaman ko ang pangalan nya sa record nya sa SBO, Kwon Jiyong. I felt like I needed to talk to him, I am not the SBO president for nothing.

--

Naabutan ko syang natutulog sa bench sa may ilalim ng punong manga.

“Hi” bati ko

Di nya yata narinig kasi di man lang sya gumalaw sa pagkakahiga

 

“Hi, I’m Irene” ulit ko

 

Impatient din talaga ako kaya nagdecide akong umalis na lang at magpunta ng library, mas maging productive pa ang breaktime ko.

 

“Teka lang, saglit.”

 

Gising naman pala eh

 

“Ako nga pala si Irene, president ng SBO”

Editor in chief ng Highlights, reigning Ms. BS Bio, TOYM nominee, candidate for Magna Laude

 

“Oh tapos?”

Ang arrogant ng lalakekng ito. I need my dose of patience and understanding

 

“About what happened last week, that , you know, commotion inside the SBO office.” Umpisa ko

 

“What about that?”

 

“I want to apologize for shouting”

God, Irene Bae bakit ka nag-aapologize? Akala ko ba pagsasabihan mo syang hwag ng manggulo ulit.

 

“Well that’s new. SBO apologizing?” sabay ng nakakalokong smirk nya

 

May hitsura din tong lalakeng ito, ayusin lang nya pananamit nya.Kasi ang jologs nya.

 

 

“I just want you to know na hindi kaaway ang SBO, we are student’s advocate, ang welfare ng mga estudyante ang priority namin. So if you feel like talking to us, you can visit us sa office or you can give me, I mean us a call.”

 

What am I saying?

 

 

KRIIIIINNNGGGGGGGG

 

I guess break time is over.

 

“I gotta go. Salamat sa time.”

 

Suplado ang bruho. Wala man lang sinabe.

 

__

 

Napag alaman kong di sya naexpel. I heard that he belongs to an influencial family dito sa La Union.At ayon sa tsismosang ka-org ko sa Highlights, he is living alone in a mansion , that his parents are abroad. No wonder, nagrerebelde din sya, walang proper guidance.

Naging curious ako sa kanya bigla. It must be hard living alone. He just needs someone to understand him to stop his disruptive behavior. Ewan, ko pero feeling ko parang mabait syang tao.

 

--

 

Hinihintay ko ang sundo ko nang may nakita akong nagrarambulan sa may paradahan ng jeep. Kitang kita ko sa kinatatayuan ko ang pagkuyog ng mga grupo ng kalalakihan sa isang lalaki. I am about to intercept (yes, ganyan katapang si Irene Bae) kasi natakot ako para dun sa lalaking pinagkaisahan, pero after few minutes, lahat ng miyembro ng grupo ay nakahiga sa lupa at namimilipit sa sakit.

 

Napansin yata ng lalake ang presensya ko kaya unti unti nya akong nilalapitan. Sa paglapit nya sa akin, nagiging mas pamilyar ang mukha nya. Si Jiyong the loner and gangster pala ito.

 

Tinignan ko lang sya habang papalapit sya sa akin. I know, I should run or scream. Pero may tiwala ako sa kanya na wala syang gagawing masama sa akin.

 

“Delikado sa lugar na to kapag gabi Ms. President, lalo na sa mga kagaya mo…”

 

“You’re bleeding”

 

“Wala lang toh. Umuwi ka na.”

 

“Let me take you to our office, may first aid kit doon.”

 

“Gasgas lan…”

 

Hinila ko sya papasok ulit sa school para magamot yung sugat nya.

Hawak hawak ko ang kamay na habang binabagtas naming ang daan pabalik sa office. Gabi na din, nagsiuwian na ang karamihan, pero may mangilan ngilan pa rin naman sa paligid gawa ng mga late night classes.

May mga matang sumunod sa amin, kagaya ni manong guard, nagulat yata sa sitwasyon na kaholding hands ko ang isang gangster na duguan.

 

 

“Aissshh, anong ginagawa mo miss?”

 

“It’s Irene, ilang beses ko ba sasabihin sayo?”

 

Pinaupo ko sya sa at agad kong hinanap ang first aid kit.

Nahanap ko naman agad ito sa kabutihang palad.

 

“I told you, gasgas lang ito”

 

“Stay still, this will only take few seconds.”

Lininisan ko ng betadine yung sugat sa may noo, hindi naman ito malalim, di kailangan ng suturing. Hindi ko maiwasang di tumingin sa mata nya habang pinapahid ko ang naturang solution, mahahabang pilikmata, mapungay na mata, matangos na ilong, maninipis na labi.

 

Irene umayos ka!

 

Naramdaman ko din na nakatitig sya sa akin. Naconscious ako bigla.

 

“Stop looking.” Sabi ko

 

“You are the one ogling.” Balik nya

 

“I was not, tinitignan ko lang yung sugat.”

 

 

“Done.”

 

Natapos ang paglagay ko ng ointment sa mga sugat nya.

 

Bigla sya tumayo at naglakad palayo.

 

“Salamat ha?” sarkastiko kong sigaw mula sa hallway.

 

--

Ilang araw na rin nakakalipas mula noong engkwentro namin. Paulit ulit na ginugulo ng alaalang yun ang isip ko. Madalas akong makitang tulala at nagzozone out ng mga ka-org ko. I am not attracted to him right? Tanong ko sa sarili ko. I don’t have a thing for bad boys naman siguro.

 

“Irene, pumayag ka nang maging date ko sa Foundation Day. Last year na natin to, di mo ba ako pagbibigyan?” pangungulit ni Bogum

 

“Ilang beses ko ba sasabihin sayo, ayoko ng ka-date, busy ako sa araw na yan. Tsaka ang daming naghahabol na babae sayo dyan. Sila na lang i-date mo.”

 

“Eh ikaw nga gusto ko.”

 

“Hwag ka nga makulit, you’re not my type, okay?” I just said that to his face, I hope tumigil na sya.

 

“At sino ang type mo? Yung gangster na repeater na yun?! Hindi ganyang mga lalake ang nababagay sayo Irene.”

 

“Ano ngayon pala if type ko sya? That does not concern you!”

Napalakas yata sigaw ko at lahat ng tao sa SBO office ay napatingin sa amin.

 

Kalat na pala sa school din yung nakita kaming magkaholding hands. Sana di sya naapektuhan sa nangyare.

 

 

--

 

It was weekend, katatapos lang naming magsimba. Nagdecide akong maglalakad lakad sa subdivision, safe naman kasi dito.

 

Gustong gusto kong maupo sa damuhan at magmuni muni sa mga bagay bagay. Yung mag-isa lang ako habang linalanghap ang sariwang hangin.

 

Huli na ang lahat nang makita ko syang nakahiga sa damuhan. Aatras sana ako pero napansin nya akong parating.

 

“Hi” bati ko na lang sa kanya

 

As usual wala syang sagot. Suplado

 

Pero di ako sumuko.

 

“I didn’t know that we live in the same neighborhood?” Nagtataka kong tanong

“I don’t live here” matipid na sagot nya

 

“Bawal ang hindi taga subdivision dito ah.”

Lumaki ang mga mata nya, nagsisi sya siguro sa kanyang sinabi.

 

“I need to tell the security.” Sabi ko habang tumatayo sa pagkakaupo sa damuhan

 

“Teka lang, wait.” Hinawakan nya ako braso

 

“Please don’t tell.”

 

“Okay.

 

In one condition.”

 

 

“What?” iritable nyang tanong

 

“Talk to me.”

 

“What the fck.”

 

“Ooops no cursing.”

 

“What do you want?”

 

“Gusto ko lang ng kausap Jiyong.”

 

“You can have half of this city’s male population in your palm, sila ang kausapin mo, I am sure, they will come running into your feet.”

Wow, ang haba ng sinabi nya ngayon. Napa smile ako

 

“What now? Ano nakakatawa doon sa sinabe ko?”

 

“Wala. Nagsasalita ka din pala.”

“Where do you live then?”

 

“None of your business.”

 

“Okay, I’ll go to the security guard then.”

 

“Aisshhhh! This woman!”

 

“Where do you live?” pag-uulit kong tanong

 

“Malapit sa plaza.”

 

“Anong plaza? Ang daming plaza. It’s not as if pupuntahan kita doon.”

 

“Tsk. Sa plaza ng San Juan.”

 

“Nakakatakot, magmotor you know, lalo na sa gabi, ang dami naaaksidente.”

Nakita ko kasi yung motor nya sa may tabi ng puno. Almost a million daw ang presyo ng motor nya sabi ng classmate kong mahilig sa mga automotive, narinig ko minsan noong pinakukuwentuhan nila ang modelo ng motor.

 

“Leave my bike alone.”

 

Napaka-apathetic talaga kausap. Nag-aalala lang naman ako. Wait.. Bakit ako nag aalala?

 

“What about your family. Kasama mo ba sila sa inyo? May mga kapatid ka ba?” Sunod sunod na tanong ko

 

“You know what, screw you and your questions. You think you can fish information from me? Well hindi pangsocial experiment ang buhay ko. Wala kang karapatang tanungin ako tungkol sa pamilya ko. And why the hell are you interested with my life?!”

 

“ I just want to help. I was just curious kung bakit ka rebellious. Maybe I can help you with…”

“Well, I don’t need your curiosity miss, at lalong di ko kailangan ang awa mo!”

 

That was hard. Napaluha ako sa sinabe nya. Siguro dahil na rin sa lakas ng kanyang boses. I really just want to help. Iba pala ang dating sa kanya ng intensiyon ko.

 

--

 

Lumipas ang ilang araw. Di na ako nag attempt na kausapin sya. Masakit din yung mga binitawang salita nya. Di ko sya masisi, daig ko pa ang reporter sa mga tanong ko eh

 

“Wow Irene! Sino na naman ang nabingwit ng kagandahan mo? Sa laki ng bouquet na to, mukhang patay na patay sayo!.” Bungad ng baklang News Editor ng publication.

 

Sigawan sila sa office. Sino naman kaya magbibigay nito? Matagal nang tapos ang Valentine’s Day.

Ah may card

 

 

 

“To: Irene

 

I am sorry..

I know I said a lot of hurtful things. Please forgive me.”

 

From: Ji”

 

Hindi ko first time makareceive ng flowers, pero first time kong kiligin ng ganito pagkabasa ko kung kanino nanggaling. Napatawad ko na sya bago pa sya magsorry. At fault din naman ako kasi naging insensitive ako sa nararamdaman nya.

 

15:04                     +63927637***:                                 I am sorry… I hope you like the flowers

 

“+63927637*** Calling”

 

“Hi” bati ng kabilang linya

“Hello, Jiyong?”

“Ye….ee..a…a..h its me.”

“Salamat sa flowers, pero mas okay kung ikaw nag abot.”

 

“I can’t face you right now, unacceptable ang inasal ko that day.”

 

“Buy me a meal then para makabawi ka.”

Am I flirting already? Way to go Irene Bae. Bakit kaba ganyan sa kanya?

 

--

 

“Are you sure dito sa school canteen mo gustong kumain?” alanganing tanong nya

Halatang di rin sya komportable sa atensyong natatanggap nya sa loob ng kainan

“Why, what’s wrong? Masarap adobong sitaw dito”

 

Napangiti sya sa sinabi ko.

 

“Mas gwapo ka kapag ngumingiti.”

Oh Irene ang mga banat mo.

 

Kumain kami  na nakamasid ang lahat ng mata ng mga nasa canteen.

 

--

After ng lunch namin na yun,  naging close kami. Every Sunday andun kami sa tambayan naming dalawa para pag-usapan ang mga nangyaresa buong linggo namin. Well, almost ako lang nagkukuwento madalas. Tahimik pa din sya halos eh, kung di ko sya kulitin, di sya sasagot.

Naikwento na rin nya sa akin na nasa abroad nga ang parents nya. Di rin kami nagkakalayo ng sitwasyon, ang kaibahan lang, andyan ang parents ko pero pareho rin lang kaming naneneglect.

 

“Ji, wala ka bang balak ipagupit itong buhok mo?” tanong ko sa kanya habang sinusuklay ito ng mga daliri ko. Kasalukuyan syang nakahiga sa lap ko. Isang payapang Linggo ng umaga na naman ang ini spend namin sa isa’t isa sa aming tagpuan.

 

“Hmm, gusto mo bang ipagupit ko?”

“Suggestion ko lang naman, ikaw pa rin masusunod syempre, buhok mo yan eh.”

 

 

“Jiyong, alam kong kalabisan ito. Pero pwede ka bang mangako sa akin? Ipangako mo sa akin na di ka na makikipagbasag ulo?”

 

--

Nasorpresa ako sa pakana nya sa office ng Highlights. Kinuntsaba nya pa ang mgaka-org ko sa paglagay ng petals ng white roses sa daanan ko papunta sa regalo mong pagkalaki laking stuffed toy, feeling ko tuloy prinsesa ako.

 

Ano ba ang okasyon?

 

Hindi rin natapos ang sorpresa nya. Maya’t maya, may pumasok na naggigitara sa room…

At sumunod na ding syang pumasok… na nakaclean cut. Di nga ako nagkamali, mas gwapo sya tignan sa ganyang gupit..

 

 

“Binibini sa aking pagtulog

Ika'y panaginip ko

Panaganip ng kathang dakila

Nitong pag-iisip ko

Ang katulad mo raw ay birhen

Sa abang altar ng punong pag-ibig

O kay ganda

O kay gandang mag-alay sa 'yo

 

Alaala, at isip at pagod

Sa yo'y binigay ko raw

Binibini, ang aking dalangi't dasal

Dininig mo raw

Wika mo raw ay iingatan ka

Magpakailanman ang purong pag-ibig

O kay ganda

O kay ganda mag-alay sa 'yo

Hooh...

 

 

Sa 'king tanong magkatutoo

Kaya

Sagot mo para nang sinadya

Hooh...

 

Pagsapit ng magandang umaga

Ako'y bumalikwas din

Panaginip naglaho't natunaw

Nguni't nar'yan ka pa rin

Paraluman, ikaw ay akin

Sa bisang lakas ng purong pag-ibig

O kay ganda

O kay gandang mag-alay sa 'yo

O kay ganda

O kay gandang mag-alay sa 'yo”

 

“Irene Bae, I know it’s only been few months. You deserve a whole lifetime of courting. Pero nandito ako ngayon sa harap mo. Magtatanong kung pwede ba. Pwede bang maging girlfriend ng gangster na katulad ko ang isang prinsesang kagaya mo?”

 

Maluha luha ako habang pinapankinggan yung panghaharana nya sa akin. At umiyak na ako ng tuluyan noong tinanong nyana ako.

 

“Oo Kwon Jiyong! Sinasagot na kita.”

 

--

 

Kumalat din sa school agad ang balitang kami na ni Jiyong. Marami ang nagtaas ng kilay, marami ang kumontra. Ano daw ba ang iniisip ko bakit ang isang Kwon Jiyong ang sinagot ko, eh ang daming nanliligaw saken na mas deserving, kagaya na lang ni Bogum.

 

Bakit nga ba sya?

Hindi ko rin alam kung bakit. Mahirap ipaliwanag. Basta isang araw, naramdaman ko mahal ko na siya.
Hindi na kailangan pa ng reason para masabi ko na mahal ko siya.

 

Ipinakilala ko na din sya sa parents ko. I thought magagalit sila. Pasalamat na lang din ako kasi tanggap nila agad. Basta daw hwag ko lang pabayaan pag-aaral ko

They are too much busy with their own lives na, they will not pay attention sa mga ganitong pangyayare sa buhay ko.

 

--

Our relationship went well. Okay din ang standing ko. Finally, sya naman after 7 years makakatapos na rin yata ng kurso. Nagtino sya in short. Madalas ko syang imbitahin sa library para mag-aral kahit ayaw na ayaw nya. Natawa nga ako noong first time ko syang hilahin doon. Anong lugar daw ba yun.

 

I am waiting for him tonight, kasi sabi ko sa kanya gusto kong magnight market, Sunday rin naman kasi bukas. Gusto ko ring kumain ng street foods at magrelax dahil stressed ako sa pagrereview for midterms.

Pero mag 7 pm na, wala pa rin sya. 6pm ang usapan, never sya na-late sa mga lakad namin, 30 minutes early pa nga sya madalas. Ring lang din ng ring ang phone nya. Ano nangyayare Jiyong?

 

Sa pang 20 na tawag ko sa wakas may sumagot din.

 

“Ji, nasaan ka?”

 

“I....I’m co….ming princess… sor….ry”

 

“Ji?”

 

Pagtingin ko sa kaliwa ko, nakita ko sya na susuray suray sa paglalakad.

Oh my God!

 

Bugbog sarado sya at puro pasa.

 

“Jiyonggggg!!!!! Somebody heeeeeeeeeeelp!”

 

 

I am literally a crying mess sa ER.Okay ka naman pero the thought na binugbog ka, di ko kayang i-digest.

 

“Ano ba kasing nangyare?! Di ba magaling ka sa martial arts?!”

 

“Please don’t cry princess, wala lang to, gagaling din ako. Wala nga akong fracture sabi ng doctor eh. I can be discharged immediately.”

 

“Eh bakit ka nga nabugbog? Sino gumawa sayo nyan?”

 

“Mga gusto lang mangtrip siguro.

Hayaan mo na sila na bugbugin ako.

Nangako ako sayo diba?

Di na ako makikipagbasag ulo.”

 

“Kaya di ka lumaban?! Ano ka ba naman Jiyong! Iisipin mo pa ba yun kahit binubugbog ka na?!” galit kong usal

 

“Relax princess. Ganyan kasi ang boyfriend mo kapag nangako, tinutupad”

 

“Nabugbog ka na, nagagawa mo pang magbiro.”

 

--

 

Hindi naman na nasundan ang insidenteng iyon. Di na rin ako nangulit kung sino mga bumugbog sa kanya. Ayaw din nya sabihin eh.

 

Lagi nya ako sinusurprise sa mga monthsaries namin. Meron yung nagyakag sya ng mga estudyante para i-spell out ang happy monthsary sa gymn, yung pumasok sya in one of my class in Barong Tagalog habang kumakanta ng kundiman at marami pang out of this world creative surprises nya.

 

Nagkaroon na rin ng fansclub ang loveteam kuno namin. At first marami ang may ayaw talaga sa kanya pero noong nakita nila ang pagbabago nya at kung gaano nya iparamdam saken kung gaano ako kahalaga, dumami ang humanga sa kanya. Kinilig din si mama sa kanya  noong niregaluhan  sya ng isang set ng pearl jewelries noong birthday nya. Iba na talaga ang mayaman.

 

This monthsary is different. Inaya nya ako for dinner sa mansion. This is the first time. Sabi nya simple lang, pero iba ang sitwasyon pagpasok ko sa may garden nila na isang ektarya yata ang lawak. Biglang naglight up ang fountain, pumasok ang 3-piece band (2 violins and a cello). In short, sobrang romantic

 

“You make me fall in love with you everyday Ji.”

“Sobra na ba princess?Sabihin mo kung sobra na, babawasan ko. Hindi ko kasi kayang kontrolin ang nararamdaman ko sayo. I want to give the world to you.”

 

 

Nagkwentuhan lang kami at nagkwentuhan, yan naman ang enjoy naming ginagawa. We can just talk about so many things without getting bored.

“I like this song” sabi ko, habang tinutugtog ang “Binibini” . Ito kasi yung kinanta nya noong sinagot ko sya.

 

“Well, Irene Bae, pwede ba kitang maisayaw?”

 

“Sayaw? No!” mariing tanggi ko dahil hindi ako marunong sumayaw

 

Pero bago pa ako manlaban, hinila na nya ako sa pagkakaupo.

 

Nakatingin lang sya sa mga mata ko habang sumasayaw kami in place.

“You’re really beautiful” sabay halik nya sa kamay ko

“Ilang beses mo na yang sinabe sa akin, di na ako kinikilig”

Pero deep inside kilig na kilig pa din ako.

 

Ngumiti lang sya sa tinugon ko.

Nagtama ang mga mata namin, hanggang sa bumaba ang tingin nya sa mga labi ko. Alam ko na ang susunod na mangyayare.

 

Dahan dahan nyang nilapat ang labi nya sa akin. Mabagal, marespeto at buong puso nya akong hinalikan.

 

“I have a surprise for you.”

 

Just when I thought na wala nang ipeperfect pa ang monthsary celebration na to.

 

“Close your eyes.”

 

Nagcomply naman ako sa request nya.

 

Naramdaman ko ang malamig na metal chain na dumudikit sa leeg ko. At hindi nga ako nagkamali, it’s a necklace. A very expensive looking necklace.

Magkano kaya kung isanla ko ang diamond studded kwintas na ito?”

 

“That is our family’s heirloom. Sabi ng lola ko, ibigay ko daw sa babaeng pinakamamahal ko.”

 

“Ji… I don’t think I deserve this, this is…”

 

“You deserve it princess. You deserve every beautiful thing in this world.”

 

God. This man is one in a million.

 

 

--

 

Palapit na ang graduation. At hindi nga ako nabigo na makamit ang Magna Laude.

I was beyond happy and contented dahil gagraduate din sya. Ang plano, iti-take over nya ang pagmamanage ng mga resorts na owned ng family nya dito sa pinas at para hindi daw sya lumayo na, magpropropose daw sya ng magandang project na itatayodito sa La Union.

Ako naman, I’m gonna advance to Med. School. Ultimate dream ko to become a doctor, bata pa lang ako, ito na ang naimagine kong future ko.

 

 

--

Graduation day. Ang araw na pinakihihintay hintay ko.

This emotion is overwhelming. In a few minutes I will be delivering my graduation speech.

Kumakabog kabog ang dibdib ko habang inaakyat ang entablado

 

“Good evening graduates, all parents, friends, faculty and staff.  

Welcome to Lorma Colleges Graduation ceremonies. I am proud to say that WE did it graduates, we were able to overcome some tough times and were able to enjoy some really great ones as well. This is a very special moment for me. My name is Irene Bae……

……….

 

I want to thank my whole family for not giving up on me. I know it wasn’t easy and still may not be, but to know that all of you love me and support me means so much, maybe words can’t describe it. 

 

And to my special someone Kwon Jiyong

 

*crowd cheers*

 

Every relationship has its fair share of problems, and ours hasn’t been immune. But love has made ours, my life’s most melodious tune.

There are so many things my heart wants to say to you, all of which can be summed up in just 3 words.. Thanks for everything. I love you.”

 

Natapos ang speech ko in tears

 

Pababa na ako sa hagdan mula sa entablado, nang nakita ko si Jiyong offering me his hand. He pull me back into the back stage. I have no idea sa nangyayare. Maybe one of his suprises.

Pero I guess not.

He suddenly kneels to the ground while pulling out a velvety box from his pocket.

Oh God no..

 

“Irene Bae, will you marry me?”

 

Walang sagot na lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam. I am just not ready for this. Oo mahal ko sya, pero marriage? Hindi pa ako handa. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Isa na nga dun ang pagmemedisina.

Hindi nakaligtas saken ang lungkot sa mga mata nya. Sabi nya okay lang daw, na-overwhelm lang siguro sya and maybe this is really not the good time to ask. He apologized.

 

--

Ilang araw na rin syang hindi nagpaparamdam saken mula noong araw ng graduation. Nasaktan ko siguro sya ng sobra.

Ilang tawag at messages na rin ang si-nend ko sa kanya. Kaso wala talagang reply. I decided to visit him sa mansion nila.

 

 

 

“House and Lot 4 Sale, Please contact 0917-*******”

 

Kumirot bigla ang puso ko. No please! Please Ji, don’t do this…

 

Napudpod siguro yung doorbell nila kakapindot ko.

 

“Oh Irene ikaw pala” bati ng caretaker, buti nakilala ako

 

“Andyan po ba si Jiyong?”

 

“Hindi ba nagsabi sayo si senyorito, noong isang araw pa po sya umalis. Bumalik na sya sa ibang bansa, kasama ang mga magulang nya. Binibenta na nga nila itong……”

 

Di ko na tinapos ang sinasabi ng caretaker, dali dali na akong lumakad palayo. Di ko namamalayan ang pagdaloy ng luha ko. Sabay ng bigat at sakit ng nararamdaman ko.

 

Jiyong…. Bakit? Bakit hindi ka nakapaghintay?

 

....

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rosiebeau
#1
BAKIT NGAYON KO LANG TOH NAKITA SHET
rosiebeau
#2
IM SCREAMING