Final (?)

Somebody Else

Ang saya niya. Ang saya saya niya. Parang kami lang dati, nung kami pa. Eh ang kaso, dati pa yun at hindi na maibabalik pa. Ang tanga ko kasi eh! Hindi ko siya nagawang ipaglaban. Sabagay, bat ko naman ipaglalaban kung alam ko namang sa huli, talo pa rin naman ako? Siya yung unang sumuko samin. Siya yung nang-iwan at hindi ako. Pero dapat, ipinaglaban ko siya. Kaso, sinubukan ko pero, wala na talaga. Nakahanap na siya ng iba.

Ganun lang ba talaga ako kadaling palitan? Ganun ba kadaling itapon yung tatlong taon naming pinagsamahan? Ano yun, isang iglap lang, hindi na niya ako mahal? Minahal ko naman siya ng totoo ah. Binigay ko nga lahat lahat, nakuha pa niyang mag-hanap ng iba. 

At eto ako ngayon, nagdudusang nakikita na masaya siya, sa piling ng iba. Well, that should be me tho. Nasa isang coffee shop ako ngayon, kung saan kami dati ay palging nagd-date dito. At para mas maging tanga ako, nandito ako sa table namin. Umaasang babalik siya dito at iiwan niya yung mahal niya ngayon. Pupunta at uupo sa harapan ko, hihigop ng mainit na kape at naglalambingan. 

Kaso ano? Nganga. Andun siya, sa kabilang table. Kasama yung future kuno niya. Balita ko nga, engage na sila eh. Sus, kung binigyan niya sana ako ng pagkakataon, nasa akin siya ngayon at hindi ikaw yung kalandian niya, ulol ka. 

 

"Hoy Mina, ano ba? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" Napaharap ako kay Sana, ang babaeng mahal na mahal ko at katabi ko ngayon.

"Sorry? Ano yun?" Nag-pout siya. Ang cute niya! 

"Sabi ko, anong papanoorin natin? Nandyan ka nga, lumilipad naman isip mo! May iba ka ba, Myoui Mina?!" Natawa nalang ako. Kinurot ko pisngi niya at nginitian siya ng pagkatamis tamis. 

"Sorry na, baby ko. Ang ganda mo naman kasi to the point na matutulala na ako eh. You're just too good to be true, my princess." Nginitian ko ulit siya. Namula naman siya. "Bolahin mo yung shokla sa kanto, wag ako! Maganda daw. Psh." Namumula pa rin siya. Takte naman, bat ang cute cute ng girlfriend ko? 

Inakbayan ko nga siya at hinalikan ang noo niya, "I love you." Saad ko, pinalo niya lang ako sa dibdib at, "Nakakainis ka, bat ang sweet mo." Rinig kong sabi niya. Hinarapan niya ako at nilagay ang mga kamay niya sa likod ng leeg ko, "I love you too, baby ko." Pwede na akong mamatay? 

Sabihan ka ng, 'I love you' ni Minatozaki Sana at ngitian ng sobrang tamis, hindi ka mahuhulog ng todo? 

Hinalikan ko siya sa labi niya. Medyo matagal pero, puno ng pagmamahal na halik ang aming pinagsaluhan sa loob ng limang segundo. 

 

Oh kay sarap balikan ng mga ala-alang katulad non. Hahaha. Parang kelan lang, kami yung nagbabangayan na ganun. Tulad ng ginagawa niya ngayon sa bago niya. Pero ang masasabi ko lang, walang makakatalo sa pangaasar ko kay Sana. 

 

"Mina naman! Amin na nga yan! Arghhh! Ibalik mo nga yan!" Inaagaw niya saakin ang letrato na hawak hawak ko. Tinaas ko to at tinitigang mabuti habang tumatawa. 

"So, crush mo na pala ako dati pa? Bat hindi mo sinabi sa akin? Ikaw ah. May pa-sulat sulat ka pang nalalaman sa likod ng letrato kong maganda." Asar ko sakanya. Kasi naman, may letrato pala siya nung naglaro kami ng softball at saktong nakaharap ako sa camera. Tapos, may sulat siya sa likod nun. Syempre, akin nalang yung nakasulat, bleh! Hahaha

"Ang kapal mo! Kay Momo yan, noh! Napunta lang sa bag ko! Crush ka nun eh!" Habang inaagaw niya pa rin. Kahit magkasing tangkad lang kami, hindi niya pa rin maabot. Liit kasi eh. Hahaha

"Momo? Alam ko kasi, may crush kay Jeongyeon yun eh." Habang tumatawa ako. Tumalon siya para agawin ang letrato kaso, natapakan niya ang paa ko at natulak kaya natumba ako pero may naramdaman ang mabigat sa katawan ko. Pagkadilat ko, isang anghel ang bumungad sakin. Namumula pa ang mga pisngi niya at nanlalaki ang mga mata.

"Walang crush pala ah. Eh bat namumula ka ngayon? Hmm?" Ngisi ko sakanya. Pinalo niya naman ang dibdib ko at tumayo na tsaka inayos ang sarili. 

"Ang kapal kapal mo! Kahit kailan, hinding hindi ako magkakagusto sayo! Itaga mo yan sa bato!" Sabay alis niya. Pero di pa siya nakakalayo, humirit na naman ako, "Oo, hindi mo ako magugustuhan kasi mamahalin mo ako! Wag kang mag-alala, itataga ko pa yan sa acacia tree!" Sigaw ko pero hindi na siya muling lumingon pa. 

Minatozaki Sana, ang cute mo sana, aware ka. 

 

Napangiti nalang ako. That day is one of the bestest day in my life. Kasi, nahalata ko na may gusto rin siya sakin. Oh how I wish, I can turn back time. Para masulit ko pa yung mga araw na kasama ko siya at para mapaghandaan na rin yung panahon na maiiwan din pala ako sa huli. Tulad ngayon.

 

"Sana..." Tawag ko sakanya habang kami ay nasa rooftop. Eto kasi yung favorite place naming dalawa kaya, buti nalang at nagtugma ang sched namin ngayon at nakapagtambay na naman kaming dalawa dito.

"Hmm?" Hindi niya inalis yung tingin niya sa binabasa niyang libro. 

"May sasabihin sana ako." Yumuko ako. Eto na, aamin na ako. Sana, hindi ako ma-reject.

"Ano yun?" Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. "Uhm, pwede bang tumingin ka sa akin?" Nahihiyang tanong ko, "Ay sorry. Oh sige, ano yung sasabihin mo?" Tumingin na siya sa akin pero iniiwas niya na magtugma ang mga tingin namin sa isa't isa. 

"May sasabihin ka ba?" Tanong niya. Hindi ko na-kontrol yung mga kamay ko at kusa nalang hinawakan ang mukha niya para tignan ako sa mga mata ko. 

"Mahal kita." Tanging saad ko habang nakatingin ng diretso sakanyang mga mata. Nakita ko ang pagkabigla at pagkagulat niya, "Mahal kita, Sana. Mahal na mahal kita. Hindi na importante kung pano ako nahulog sayo at isang umaga nalang ay mahal na kita. Yun yon eh. Mahal na mahal kita, pagdilat ko ng isang umaga." Habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. 

"Tanggap ko na hindi mo ako mahal o gusto. Hindi kita pinipilit na gawin mo rin pabalik yung ginagawa ko sayo. Pero sana, hayaan mo akong mahalin ka. Hindi ko pa kasi naramdaman ang ganitong katinding pagmamahal towards sa isang tao." Sabi ko. Siya? Tulala lang. Eto nga, reject na ako. 

"Per--" Naputol ang sinasabi ko ng hinigit niya ang collar ng uniporme ko at dinampi ang labi niya sa labi ko. Ginalaw galaw niya yun kaya, napasunod ako. That kiss was full of love and longingness. I can feel na, parang matagal na niya itong hinahangad base sa halik na ginagawa niya sakin ngayon.

And you know what I feel? I feel like I'm in heaven already. Ang halik niya ay parang dinadala ka sa alapaap at langit sa sobrang sarap.

Ilang segundo pa ay humiwalay na siya at tinitigan ako sa mata, "Hahayaan kitang mahalin ako kung hahayaan mo rin akong mahalin ka ng buong buo." Ngumiti siya sakin. And I swear, pagkangiting pagkangiti niya, nahulog na naman ako sakanya. I can't help but to hug her so tight and, "Thank you, Sana. I promise, I may never be a perfect girlfriend but I will try my best to be perfect for you." Sabi ko habang nakayakp sakanya.

"You don't have to be perfect. Because, you are already perfect for me." Sabi niya naman. Kinilig naman ako dun pero, "Sana, uhmm, tayo na ba?" Humiwalay ako sa yakap namin at kinamot ang batok ko habang nakaharap sakanya. 

Natawa naman siya at kinurot yung pisngi ko, "Relasyon naman ang pinapatagal eh." And for the second time, nginitian na naman niya ako. Ngumiti din ako pabalik. 

"I love you, baby ko." Sabi ko habang naka-akbay ako sakanya at nakaside hug siya sakin. " I love you too, baby ko." At sabay naming pinanood ang paglubog ng araw sa rooftop.

 

Shoot! Isang ala ala nanaman ang nahagilap ko. I'm sure, that day na we are a thing na, I'm the most happiest person in the world. It is the bestest moment happened in my entire life. Pero hindi talaga ako tatantanan ng past ko. Pano ako tatantanan eh, patuloy ko silang binabalik balikan. Yun lag naman kasi ang paraan para maramdaman ko siya eh. Para maramdaman ko rin na kahit papano, minahal niya rin ako. Ang kaso, hanggang doon lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin. Hanggang doon lang.

 

"Baby? Where are you na?" Tanong ko sakanya sa kabilang linya. 3rd anniversary kasi namin ngayon. At etong araw na to, sakanya ako magp-propose. 

"Wait lang, medyo marami pa kasi itong papers na ginagawa ko eh. Matatagalan ata ako." Sagot naman niya, medyo nalungkot naman ako. Pero di bale na, it's better late than never naman, diba? 

"Oh, okay baby. Sige, tapusin mo muna yan. See you baby! I love you! Happy 3rd anniversary!" Masiglang bati ko. 

"Okay, bye." At pinatay na niya yung tawag. Ang cold niya these past few days, pati ba naman ngayon? Hinahayaan ko na nga lang siyang hindi mag-I love you too eh. Pero pati ba naman ngayon na anibersaryo namin, ganito siya? Ano bang nangyayari sakanya? May problema ba kami na hindi ko alam? 

"Okay, think positive Mina! Baka pagod lang yun." Sabi ko naman sa sarili ko. Baka nga pagod lang siya. Pano kayo kung puntahan ko nalang siya sa office niya? Tama! Isosorpresa ko nalang siya! Talino mo talaga, Myoui. *clap clap clap*

Nagbihis nga ako at nag-ayos at iniwan muna ang inihanda kong table for two para samin ni Sana na ginawa ko sa kusina namin. Pero syempre, inayos ko ang kusina. Nagpatulong ako kina Chaey, Jeong at Dubu. Mga barkada ko. 

Sumakay nako sa kotse ko at pinaandar papunta sa building na tinatrabauhan ni Sana. Pinark ko ang kotse at lumabas na at tumuloy sa building. Pumasok ako sa elevator at nakasabay ko pa si Momo, ang girlfriend ni Jeongyeon na umamin sakin na may gusto siya. Pero dati na yun. At awkward silence ang pumagitan samin. 

"Uhmm, dinadalaw mo ata si Sana?" tumango ako, "Spesyal na araw namin kasi ngayon." Nginitian ko siya. Nanlaki ang mga mata niya, "Omg, happy 3rd sainyo!" Tumawa ako at niyakap niya ako. "Thank you, Mo! Andyan ba siya sa office niya?" Tanong ko. "Ewan, kararating ko lang kasi galing kay Jeong. May dinner kasi kami ng family niya. Humabol nalang ako sa trabaho." Tumango nalang ako. Katahimikan na naman ang pumagilid sa amin.

"Pero Mina, i'm happr for the both of you. Alagaan niyo ang isa't isa ah?" Ngumiti naman ako, "Sure yan. Syempre, siya pa. Eh prinsesa ko yun eh." Ngumiti naman siya. Saktong bumukas naman ang elevator at lumabas na kami.

"Sige, una na ako ah? Bye!" kumaway siya sakin at, "Bye!" kinawayan ko rin siya. Magkaibang destinasyon kasi kami ng tatahakin.

Papunta na ako sa office niya pero bakit parang kinakabahan ako? Bakit iba yung pakiramdam ko? Bakit ganito yung feeling ko? Aish! Inalis ko nalang yun at kinuha ang white rose na nasa likod ko lang. Buti di ako natusok. Hahaha white rose kasi, bagay sakanya. Pareho silang pure at maganda, malinis sa paningin ko. 

Di nagtagal, narating ko na ang opisina niya. Nasa harapan na ako ng kanyang opisina at huminga muan ng malalim. "Kaya mo to, Mina. Fighting!" Hindi na ako kumatok dahil ayos lang kahit pumasok ako ng walang paalam. Ang kaso, biglang gumuho ang mundo ko ng madatnan ko siya, may kahalikang iba.

"Sa-sana?" Napatigil sila at napatingin siya sakin, gulat at malaki ang kanyang mga mata, "Si-sino siya?" Ang tanga lang, tatanungin mo pa ba, Mina? Pero hindi niya ako sinagot. "Who the hell is he, Sana?" Matigas kong tanong. Ngayon, nag-sink in na ang mga nakita ko at nangyayari. Hindi siya makatingin sa akin at umiiwas ang tingin niya.

"Who the is he, Sana? Sino siya? Bat mo hinahalikan?" Tanong ko habang papalapit ako sakanila. Mukha silang nag-you know. Dahil sa nakatopless at pants lang ang lalaking kasama niya habang siya naman, nakasuot yung long sleeves nung lalaki. Hindi kaya... "Pinatulan mo to, Sana?" Tanong ko habang nagpipigil ng galit. Ayaw kong paniwalaan ang nakikita ko pero, yun ang parang nagsasabi ng totoo eh.

"Sana, may nangyari na ba sainyo?!" Hindi ko na napigilan at hinawakan ang braso niya at hinarap sakin. Galit na galit ang nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry.." Yun lang nasabi niya. Napapikit nalang ako. Sorry? Yun lang? 

"Sorry? Sorry?! Bakit?! Saan ba ako nagkulang?! Ha?! Sabihin mo!" Inawat ako nung lalaki pero dinuro ko siya, "Wag kang mangielam dito. Girlfriend ko ang tinirahan mo." tinignan ko siya ng masama pero nginisian lang ako. Sinusubukan ba ako neto?!

"Sa pagkakaalam ko, ako yung may girlfriend at siya yun, diba babe?" Sabay lapit kay Sana at hinigit ang bewang papalapit sa katawan niya. Traydor kayo. 

"Sana, bakit? Bakit?" Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong lumuha sa harapan nila. Umiiyak na din si Sana at ako, nakaluhod sa harapan niya, "I'm sorry sa inasta ko kanina. Pero hindi naman totoo, diba? Diba baby ko? Mahal mo ako, diba? Ako lang diba? Biro lang yung sinabi niya? Please, say yes... I'm begging you." Nagmamaakawa ako sakanya habang umiiyak. Narinig ko ang mga paghikbi niya. Bakit? Bakit niya nagawa ito?

"I'm sorry but, you deserve someone better than me, Mina. And yes, kami na ni Hanbin. I'm sorry pero mahal ko siya, Mina. Mahal na mahal ko siya." Parang sinaksak ng napakaraming kutsilyo na matutulis ang puso ko. Ang sakit. Ang sakit sakit, sobrang sakit. 

"Sana, hindi. Wala akong pakealam sa iba. Ikaw lang ang mahal ko, bat mo ako nirereto? Please comeback to me. May mali ba sa akin? Tell me. Babaguhin ko yun just please... comeback to me.." Niyakap ko na ang mga tuhod niya. 

"Mina, let me go. Walang mali sayo. Perpekto ka nga eh, diba? Kaso, mukhang sa sobrang ganun mo, hindi mo ako deserve. You don't deserve someone like me. Kaya please, let me go. Hayaan mo na ako, pakawalan mo na ako." Sabi niya

"Nasasakal ka na ba? Anong kailangan mo? Sabihin mo, Sana. Kasi hindi ko kakayanin na mawala ka eh..." Pilit niya akong tinatayo pero ayaw ko. 

"Mina, I don't love you anymore. Just please, let me go. That is what I need." At doon na ako tuluyang kumawala sa mga tuhod niya. 

She's pushing me away because, she don't love me anymore. 

"Sana..." Tinignan ko siya sa mata niya at wala akong nakitang emosyon at spark na dati ay meron. Wala na talaga. Walang wala na. 

"Let me go, Mina. Please..." Sabi niya. Tumango nalang ako. "Okay, fine. Thank you for loving me, for everything. Kahit papaano naman, minahal mo din ako eh. Pero tandaan mo, pinakawalan man kita, hinding hindi ako titigil na mahalin ka. Iataga mo yan sa bato." Sabi ko, lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. "Can I hug you for the last time? And happy 3rd anniversary, baby ko. Always remember that I love you. I'm giving you what you need and that is freedom. So I guess, this is goodbye. I love you, Minatozaki Sana. Goodbye." Humiwalay ako sa yakap, kinuha ang rose at binigay sakanya tsaka pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pagpatak galing sa mga mata ko.

Tinignan ko yung lalaking kasama niya, "Kapag nabalitaan kong sinaktan mo ang prinsesa ko. Ililibing kita ng buhay, tandaan mo yan. Mahalin mo siya ng buong buo because that is what she deserves." Tinignan ko for the last time ang babaeng nagpasaya sa akin pero, siya rin ang nagpaiyak sa akin.

Lumabas na ako ng opisina niya ng nakababa ang ulo at bagsak ang mga balikat. 

God, sana hindi ako nagmahal ng sobra sobra.

 

At hanggang ngayon, hindi pa rin ako makamove on. Ayaw ko eh. Ayokong mapalitan ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko. First love never dies, ika nga. Naalala ko pa, ilang gabi o buwan akong wasted dahil sakanya. Muntik pa akong malulong sa droga, para malimutan ko ang sakit. Pero hanggang alak lang talaga ako. Buti pa yung alak, nasasandalan ko kahit kelan. Eh siya? Hanggang doon lang.

 

Tumayo na ako sa table ko at pinahid ang mga luhang hindi ko namalayan na pumatak pala. Grabe ang epekto niya sa akin. Ang lakas, sobra. Hindi ako makabangon bangon sa pagkakahulog sakanya. 

 

Tumingin ako sa dulo nila at eto na. Last na talaga, eto na ang huling pagkakataon ko para matitigan siya ng matagal. Napagdesisyonan ko na. Magmo-move ako, pero hindi ko siya kakalimutan. Lumabas na ako ng shop. Naglakad lakad na ako at bigla namang umulan. Great, wala akong payong. Binilisan ko ang pagtakbo papunta sa waiting shed at doon na hihintaying tumila ang ulan. 

 

"Mina?" Napaharap ako sa nagsalita, "Momo?" Ngumiti siya sa akin. "Anong ginagawa mo sa labas? Wala ka pang payong." Sabi niya habang inaayos yung payong niya. 

"Napadaan lang sa coffee shop. Ikaw? Anong pinunta mo?" Tanong ko naman, "Pinatanggal ko na kasi yung tattoo ko. Yung kapareha ng kay Jeong." Napatingin ako sa may pulso niya, medyo namamaga nga. Ibig sabihin ba nito... "Wala na kami, three months ago." Ngumiti siya ng malungkot. Pareho pala kaming sawi. 

"Talaga? Bat hindi ko alam?" Nakakabigla naman talaga kasi. Biruin mo, five years sila tapos break-up lang uwi nun. "Busy ka kasi sa pagpapakatanga mo kay Sana eh." Tumawa siya kaya napatawa na rin ako. Totoo naman kasi. "So, anong plano mo niyan?" 

"Wala. Gusto ko munang maging single. Namiss ko eh." Muli nanaman siyang tumawa kaya hindi ko mapigilang mapatitig sakanya. Ganda niya rin pala eh bat to pinakawalan ni Jeongyeon. "Kung ice cream lang ako, tunaw na ako. Ano ba yan, Mina! Ayusin mo namang tumitig! Hahahaha" Hindi talaga siya tumigil sa pagtawa. Buti pa siya, moved-on na. Eh ako?

"Buti ka pa, move on na. Ako, on the process pa lang." Sabi ko, napatingin naman siya sakin. "Akala mo lang yun," Tumahimik ang paligid.

"Maybe we can help each other's hearts, you know." Napatingin ako sakanya at sa ulan lang siya nakatingin. "What do you mean?" 

"I will help you, you will do the same thing also. Move forward, alam mo yun? Nakakaloka na kasi kapag sa past ka nalang palagi nabubuhay eh, alam mo naman ending. Why don't we try something new? Pakawalan na natin ang mga sarili natin sa nakaraan." Malalim niyang sabi. Natahimik ako, handang handa na ba talaga ako? 

"I will not force you yet I want to help you, Mina. Kasi kaibigan kita, yun lang yun." Napabuntong hininga nalang ako, "So, when we will start?" Tanong ko, napangiti siya ng malapad sakin ng tumingin siya sa akin. "Now! Tara, lumusong na tayo sa ulaaaan!" At lumusong nga kami sa ulan, with holding hands. 

"Teka, teka. Bakit kailangan magkahawak kamay muna?" Ano kasi eh, parang mabilis? Tinaasan niya ako ng kilay. "Duh, because wala namang malisya. As if naman na, porke hinawakan ko na kamay mo, feeling mo may something pa?" Nag-roll eyes siya. Hahaha! Ang cute niya.

"Sabi ko nga," Wala naman din akong magagawa eh, "Tsaka, nagmomove on nga eh. Wala naman sigurong mali kung yun nga, diba? Pareho naman tayong single." Ngumisi siya. "Hoy, hindi pa ako nakakamove on, paalala lang." 

"Kaya nga tinutulangan ka eh, diba?" Napakamot nalang ako ng ulo. "Oo na, dami pang satsat, tara na nga!" 

 

At naglaro nga muna kami sa ilalim ng ulan. Ngayon ko lang kasi siya nakasama, ng matagal. Kahit magkatropa kami, we never had a chance to spend time with each other. Kaya, mabuti na siguro kung magtutulungan nga kami. Pareho kaming lagay, at naiintindihan ang isa't isa. Makikilala pa namin ang isa't isa. Okay na rin siguro yun. 

 

Pero paano kapag nahulog na naman ako ulit, sasaluhin niya kaya ako? Mahuhulog din ba kaya siya sa akin? Kasi sa tingin ko, I'm not yet ready for another heart break kung mangyari man na mahalin ko siya, higit pa sa isang kaibigan. Well, who knows naman diba. Aish bahala na nga! 

 

Basta ang alam ko ngayon, masaya akong kasama si Momo, ang babaeng nagkagusto sa akin nung mga panahong mahal na mahal ko si Sana. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

=======

Hi, guys. =) bitin ba? Sorry kung yan nasulat ko. Bored eh. Hahahaha anyway, thank you for reading! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
May sequel na po pala, incase na gusto niyong basahin. Robbers ang title, thank you! =)

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 1: ang ganda nito bat ngayon ko lng nbasa haha
Maysoshi #2
Chapter 1: 2na bes. Ang sakit huhu
sicachu1552
#3
Chapter 1: Umasa akong 2na yung magkakatuluyan ;_; lagi nalang akong umaasa