START

His Pain

"I miss you already, Fae.." Napangiti ako sa narinig kong sinabi ni Creo.

Nilagay ko ang phone sa kabilang tainga saka nagpatuloy sa pagsusuklay. "You what? 32nd mo ng sinabi yan, Creo!" Tumawa ako. "3days palang akong nawawala." Sabi ko habang napapailing dahil sa sinabi niya.

"Ts. Kahit 100 pa, umuwi kana kasi.." I can Imagine his facial expression already. "I wanna kiss you so bad, Fae.." I heard him sigh. Shet. Parang gusto ko na lang takbuhin bigla yung Condo niya from here.

"Just wait."

Creo didn't know that I'm home already. Isusurprise ko sana siya, and I have a news.

Maaga akong pumunta sa Unit ni Creo. Malaki agad ang ngiti ko ng nasa tapat na ako ng pinto ng Condo unit niya. I'm sure he's still asleep. Sabado kasi at walang klase.

I unconsciously rubbed my tummy. I am curious on how he'll react when he finds out that I'm pregnant. Lalong lumapad ang ngiti ko. I am positive he'll be glad. Baby.. We're going to tell Dad today.. Are you ready?

I took out my duplicate and open his unit.

Dumiretso ako sa kwarto niya para icheck siya. It's still 6 in the morning, dim padin ang lights at mahimbing pa ang Hari. Nagdesisyon akong magluto muna. Breakfast in bed for my Highness. Nag humm nalang ako ng kung ano habang nagluluto.

Sanay sanay na ako dito sa Unit niya. We've been in a relationship for more than a year now. Wala na atang mas sasaya pa sa isang taon na pagiging girlfriend ni Creo Angelo Concepcion. I smiled. He's soon to perfection. Lahat ng hihilingin mo nasakanya na.

I am 2 months pregnant. Naconfirm ko 'yon sa OB ko 2weeks ago. Noong una ay natakot ako, pero dahil andyan si Creo at alam kong di niya ako pababayaan oras na sabihin ko 'to ay napanatag ako. He's responsible enough, kaya mahal na mahal ko.

Nang maluto na ang breakfast na inihanda ko ay nagtungo na ako sa kwarto niya bitbit ang tray. Nagtaka pa ako ng wala na siya sa kama.

"Where is tha-"

"You're here." Malamig na mga braso na mukhang galing pang shower ang pumulupot sa beywang ko.

"Creo.." Hinapit pa niya lalo ang beywang ko saka ako hinalikan sa pisngi.

"Namiss kita." Bulong niya sa tainga ko. I bit my lower lip. Paano ba kumalma? Paturo.

"Uh.. I prepared your breakfast?" Hinarap ko siya. He's smiling mischevously. Creo naman!Ayoko talaga pag ngumingiti siya ng ganyan e!

"Pwedeng ikaw nalang 'yong breakfast?" I felt hot on my cheeks. God! Pumikit ako ng mariin.

"Shet! Layo! Sasapakin kita kapag nahulog 'tong tray Angelo!" Sigaw ko sakanya pero tumawa lang siya. Bwisit!

"Your face is priceless, Fae!" Tumatawa padin siya ng pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Sarap mong ikiss!" Sabi niyang pinang gigilan ang pisngi ko bago lumayo

"Gago!" Padabog kong nilapag ang tray sa table habang nakangiti. Leche. Kinikilig ako.

Hindi maalis alis ang ngisi sa mukha niya kahit pagkatapos kumain. Di ko rin tuloy maiwasang hindi ngumisi. Nakakahawa talaga lahat ng gestures niya. Sa tagal siguro naming magkakilala halos lahat na alam namin sa isa't isa. Ayaw at Hilig. Lahat.

"Fae.." Tawag niya saakin. Bahagya akong gumalaw sa pagkakaupo sa pagitan ng mga hita niya. Napangiti ako ng maramdaman kong humigpit ang yakap niya saakin, sinasamyo ang buhok ko. Kung siguro ay hindi sikreto ang relasyon namin sobrang PDA niya.

"I want us to be official.. Our relationship." Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. "Fae.. Gusto kong malaman nila na-"

"How about Rona?" Putol ko sakanya.

Bestfriend ko si Rona at kababata niya naman si Creo. She loved him dearly ever since. Vocal rin siya sa nararamdaman niya at halos alam 'yon ng lahat. Pero sadyang matalik na kaibigan lang ang tingin ni Creo sakanya.

"We'll face her together, Fae.." I look at him. Hawak niya na ngayon ang mga kamay ko at masuyong hinalikan. "Please? Tayong dalawa.. Hindi kita pababayaan." His words made me feel secure, yet still not enough.

Natatakot ako.

"Creo, Hindi ko kaya.." Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Rona. "Ayokong masaktan siya.. Mahal na mahal ka niya."

"Pero mahal na mahal din kita.." Alam kong nahihirapan na si Creo sa sitwasyon namin pero hindi ko pa talaga kaya. "Masaktan na lahat, Fae.. Wag lang ikaw."

Baby? Narinig mo ba 'yon? Mahal na mahal ni Daddy si Mommy.. Ibig sabihin ikaw rin.

"Best!" Sigaw ni Rona, pagpasok ko sunod na umaga sa school. "You're back! I thought you'll be out for a week?" Tanong niya saka inangkla ang braso nya sa braso ko. "4days palang, a?"

"Namiss kita e." Tumawa ako habang naglalakad kami sa Campus.

"Uh-huh? Ako nga ba?"

"Ofcourse! Sino pa ba?" Tumawa ako ulit saka siya hinatak papuntang field.

"Wala naman." Hinawi niya ang buhok saka nagpatianod sa akin. Minsan talaga ang weird niya.

Nagkwento lang siya ng nagkwento tungkol di umano sa nangyari sakanila ni Creo sa loob ng apat na araw na wala ako.

"Nagdinner kami last time!" Kinikilig siya habang idinedescribe kung gaano daw kagentle man si Creo. I knew about that dinner. Magkatext kami that time at nagpaalam siya saakin. I just pretended I didn't know anything and that I was excited with her news. Ganito lagi.

"Sobrang inlove talaga ako sakanya, best.."

I cleard my troath. Hindi na 'ko nagsalita.

"Simula palang pagkabata.." Tumingin siya saakin. "Alam mo yun, diba?"

Nagiwas ako ng tingin saka tumango. Nagi-guilty ako. Nagsisinungaling ako kay Rona. Ayoko lang naman siyang masaktan.

"Akala ko nakalimutan mo." Tumawa siya.

Umiling lang ako.

"Good. Kalimutan mo na lahat wag lang 'yon." napatingin ako sakanya sa sinabi niya. Ewan ko pero kinabahan ako. "Ngayon ko lang narealize, Fae.. Kaya ko palang gawin lahat para sakanya.."

"G-gaya ng?" Nagkibit balikat siya.

"Ewan." Tumawa siya. "Bakit? Natatakot kaba?"

"H-huh? Bakit naman ako matatakot?"

Doble na ang kaba ko sa tanong niya. May alam na ba siya?

"Syempre bestfriends kaya tayo! Ikaw pa! Overprotective kapa kay Daddy e!" Inakbayan niya ako saka tumayo."Takot kang gumagawa ako ng mga bagay na di maganda diba?"

Ngumiti siya. Nakahinga ako ng maluwag. Masyado na yata akong nagiguilty. Anobayan.

"Sabi mo kasi ayaw mong masaktan ako." Kumunot ang noo niya. "Masyado ka namang seryoso, best! Sira!"

Nasa bahay ako habang kumakain ng Manggang hilaw na sinawsaw sa toyo. Ang sarap e! Tinitingnan kong mabuti ang kalendaryo. Ika-22 ngayon, dalawang araw nalang at labing apat na buwan na kami ni Creo. Ngumiti ako. Ano kayang pwedeng iregalo sakanya?

Naisipan kong tawagan ang mga kaibigan niya. Bukod saamin ni Creo silang apat lang ang natatangin may alam tungkol saaming dalawa. Pasalamat narin ako dahil malaki ang naitutulong nila sa tuwing nagigipit kami ni Creo. Magaling kasi dumiskarte ang mga 'yon.

Nauna kon nakita ang pangalan ni Lavy sa screen kaya't siya na ang una kong tinawagan at tinanong.

"Gift? I'm not good with gifts, Fae. Kung ako sayo, hintayin mo nalang siya sa kama!" Tumawa siya. "Don't bother wearin-"

Agad ko ng pinutol ang tawag.

Wala talagang maasahan kapag sa gago ka nagtanong. Puro kalokohan!

"Ts. Balutin mo nalang ang sarili mo." Sabi ni Eiji na sunod kong tinawagan. "Ji, I'm ser-"

Nice! Ako naman ang binabaan! Suplado! Goodness! Now I'm just left with the last option.

Ayoko sanang tawagan ang kambal dahil last time na tumawag ako puro tunog ng nababasag na gamit ang narinig ko. Baka mamaya pagtawag ko nagaaway nanaman sila.

Unang ring palang sa Phone ni Riyan ay sumagot na siya.

"Hel- Ano ba Riyan! Mamaya ka sa'kin!"

Kakasabi ko palang, e! Wala bang matinong kaibigan 'to si Creo?

"O, Fae? Sorry- ! Riyan stop!"

"Rion!" I shouted.

"Yes?" Mas kalmado na siya ngayon.

"Si Rion 'to diba?"

"This is Riyan, Fae."

"Damn you, Rion! Itutulak kita sa pool-"

"Chill! Chill!"

Tumawa pa siya. "Rion, speaking. Okay? What is it?" Umirap ako. Masyado nilang ineenjoy ang pagiging unidentical nila.

"I need help-"

"Oh, Riyan! Tulong daw!"

"Bwisit ka Rion!"

"Hello, Fae?" Kumukulo ang dugo ko sakanilang dalawa, sige pagpasahan pa.

"Riyan? Si Riyan na ba 'to?" Damn this twins! Kung di ko lang kaylangan ng tulong.

"Yes, Fae. Why? Umalis na si Rion." Compare sa dalawa si Riyan nga naman ang mas matino.

"Ah. You see.. It's 22 today. Malapit na yung.."

"Okay. I get it. You need help?"

Tumunog ang doorbell kaya't tumayo ako at nagtungo sa pintuan. "Oo sana.." Wala namang tao ng binuksan ko ang pinto. Tumingin ako sa paligid pero wala talaga. Isang box na may puting ribbon ang nasa lapag lang na nakita ko. Kinuha ko 'yon at sinipat.

"May plano ba kayo? Sa sabado 'yon, a?" Tanong niya. Bumalik ako sa loob at naupo muli sa sofa.

"Dinner?" I said. "Usually naman na nagdidinner kami kapag ganoon." Maganda ang pakakabalot sa box kaya't hinatak ko na ang puting laso.

"I can accompany you-" Naputol si Riyan sa matinding sigaw ko.

"F-fae? Fae? Fae!-"

Nanghina ang kamay ko kaya't nabitawan ko ang phone. Tumaas lahat ng balahibo ko at hindi makapagsalita. Sa loob ng box ay isang maliit na boteng may laman na Fetus. Oh God!

Muntik na akong masuka sa itsura nitong may kalat pang dugo sa loob ng box. Naisip ko agad ang baby sa tiyan ko. No.. Nanginginig ang kamay ko ng abutin ang phone.

"Tangina! Bilisan mo Rion! Call Creo now! Fae! Fu-"

"R-Riyan.."

"We're on our way, Fae."

Hawak hawak ni Creo ang kamay ko. Ramdam ko ang tensyon sa sofa ng aming bahay. Nakapalibot silang lima sa akin. Nakatayo si Eiji sa gilid habang may kino-contact samantalang sila Lavy at ang kambal ay nakamasid. Humigpit ang hawak ni Creo sa kamay ko.

I know he's so worried. Ni ayaw na nga niyang bitiwan ang kamay ko simula pagdating niya and he looked so pre occupied.

"Creo.." Tawag ko sa atensyon niyang hindi ko alam kung nasaan nagtungo. Hinaplos ko ang braso niya kaya napatingin siya sakin.Sobrang amo ng ekspresyon niya habang nakatingin sa akin.

"I'm fine.. Wag ka nang magalala." I assured him.

He sighed. "You, sure? You look pale." He bit his lowerlip as he pulled me closer and hugged me tightly. Pinikit ko ang aking mga mata.

Eto ang isa sa mga pagkakataong pakiramdam ko wala akong dapat na alalahanin. Wala akong dapat ikabahala dahil nandito siya.

"We don't even know who the hell did this!" Kahit si Lavy na bihirang magseryoso ay tunog frustrated na sa isang tabi. God..

"And why a fetus?" Bumaling si Rion sa kambal niyang tahimik na nakatingin lang saakin. "Seriously, Bro? This is.." Hindi rin niya maituloy ang sasabihin kaya't umiling na lamang siya. "Tsk."

Napapikit ako ng mariin. Oo.. Sobrang kinakabahan ako dahil sa natanggap ko. Sa dinami rami ng pwedeng ipanakot ay bakit Fetus pa? Kung sino mang may gawa nito sigurado akong alam niya ang kalagayan ko.

Damn it! ni hindi ko pa ito nasasabi kay Creo.

"BEST!" Agad ang pagkalas ko sa pagkakahawak ni Creo. Dumistansya rin siya ng bahagya ng narinig ang boses ni Rona sa aming sala.

"R-Rona.."

"Oh my god! Are you alright?" Dumalo siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Bakas sa kanya ang pagkabalisa.

Tumayo si Creo at sumenyas na lalabas muna sila. Tumango lang ako.

"A-Ayos na 'ko, Rona.." Bumuntong hininga siya.

"Riyan, Let's go." Anyaya ni Rion sa kambal na mukhang walang balak na umalis sa kinatatayuan nito.

"No. I'll stay." Ani Riyan na nakatingin parin saakin? Kay Rona? "Go ahead, Ri." Nagkibit balikat si Rion at sumunod na kila Creo na nasa labas.

"The hell, Riyan! I won't do anything! Shoo away will you?" Rona spat. Tinataboy niya si Riyan? They're close?

Bumaling muli si Rona saakin. "Fae, Okay ka lang talaga? Do you need anything?" Hinaplos niya ang buhok ko. "Water?"

"Tss." I heard Riyan somewhere. Wala sa sarili akong tumango kaya't nagtungo si Rona sa kitchen.

Kelan pa sila naging malapit dalawa? All I know is that they're my common friends because of Creo.

"Don't you have any idea who's behind this, Fae?" Riyan asked pagalis ni Rona.

Umiling lang ako. "Close pala kayo ni.. Rona?" Hindi niya iyon sinagot.

Nagiwas lang siya ng tingin sa direksyon ng Kitchen kung saan lumabas ng muli si Rona dala ang isang basong tubig. I smiled at her, tumabi siya muli saakin.

"Don't drink that.." Napatingin ako kay Riyan. "Malamig. Masama para sa'yo."

Nahuli ko silang nagpapalitan ng masasamang tingin. Inirapan siya ni Rona saka umismid.

"Fae, Let's go upstairs. You need rest." Awtomatiko kong nilingon si Rona na blangko ang ekspresyon. Balak ko sanang umapila ngunit hinila na ako ni Creo patayo.

I followed him, he's right. I need rest. My baby too. Our baby.. Pagkahiga sa kama ay agad kong naramdaman ang pagod. Creo caressed my hair gently pagkatapos niyang hilahin ang kumot pataas hanggang sa aking dibdib.

"God knows.. I can even kill if you'll get hurt.." Hinilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Frustrated parin siya.

"I love you Creo Angelo." I closed my eyes when I felt his lips on my temple.

"And I love you more Fae Luisa.. More than anything else."

It feels so good, knowing someone loves you unconditionally. Creo's here.. Willing to do anything for me, wala akong dapat ipagalala.

Tawag ni Rona ang gumising saakin kinaumagahan.

"Hello?" She sounded serious. Napabangon ako ng wala sa oras na agad ko ring pinagsisihan.

My head is aching big time. "It's early, Best. Why?" I asked as I stood up, guiding myself. I just felt dizzy out of a sudden. Ugh. Baby.. Not now, Please?

"I need to tell you something. Let's talk." I frowned with her weird tone. Pero mas pinili kong pagtuonan ng pansin ang pagkahilo ko.

"Alright. Where?" Dahan dahan kong minulat uli ang mata ko. Steady na ulit ang paligid. Guess, I'm fine already.

"I'll be there within hour." then she hung up. Pinili ko nalang na ipaghanda ang sarili ko ng breakfast. Hmmm. Pancakes.. Inihahanda ko ang pancake ng nagvibrate ang phone ko. Got 2 messages from Creo and Riyan. Riyan don't usually send me one.

Creo Angelo:

Goodmorning, Misis! Sorry awhile ago. Don't wanna wake you up, I might choose to just ditch my class just to be with you all day. I'll be there later, Fae. Iloveyou.

Malaki ang ngiting nakaplaster sa pisngi ko sa message niya. Can't even remember when was the time he started calling me Misis. Tho, thru text lang dahil na rin sa nagiingat kami sa mga tao sa paligid. Hindi ko pa rin maiwasang di kiligin. All I can think about is wedding, marriage, whenever he's calling me that way

I know, it's still too early for that. But you can't blame me, specially ngayong may buhay sa sinapupunan ko. Hindi ko kaylangang magalala.. I know he'll gladly accept it. We made this life out of love and affection.

Di na yata maalis ang ngiti sa labi ko kahit ng matapos tumipa ng mensahe para kay Creo. He's probably on one of his classes right now. I checked Riyan's message after.

Riyan Ezekiel:

Fae, Are you at home? I'll be there in a min.

Iisipin ko sigurong na wrongsend si Riyan kung di lang nakalagay ang pangalan ko doon. Hindi na ako nagabalang mag reply papunta rin naman siya dito e. Nagulat pa ako ng paglingon ko ay nakita ko si Rona sa hamba ng pinto. Seryoso lang siyang nakatingin.

"Oh, Best!" Ngingiti ngiti parin ako. The effect of Creo's message, huh. "Pancakes?" Iminuwestra ko sakanya ang table kung nasaan ang Pancakes. Napakunot noo ako sa expressionless niyang mukha na nakatingin saakin. "Hey, Anong problema?"

Lalapitan ko sana siya ng bigla niyang ibato saakin ang isang brown envelop. Nabigla pa ako kaya't nahulog iyon sa sahig. Pinulot ko 'yon saka tiningnan ang laman. And right there and then, I was dumbfounded.. Was caught of guard.

Picturess.. Different pictures of Creo.. Kasama ako. Sa kotse, Sa campus, Papasok sa Condo, Palabas ng Condo, Sa Cafeteria at kung saan saan pa! Oh my god! I didn't saw this coming.. Yet

No.. I'm not yet prepared. Hindi ngayon, Hindi bukas!

"B-best.. "

"What, BEST?" Nanunuya ang tono niya. Hindi ako makapagsalita sa galit na ipinapakita niya. Napaatras nalang ako ng lumapit siya saakin. "And you still have the guts to call me BEST." She laughed bitterly.

"R-Rona.. H-hear me-"

Isang malutong na sampal ang nagpatahimik saakin. Namanhid yata ang kaliwang pisngi ko sa sobrang lakas 'non.

"Isang taon.. " I bit my lower lip. Nanginginig ang boses niya. "Isang taon, Fae.." Paguulit niya. "Niloko niyo 'ko for a year! Damn you!"

Pumikit ako ng mariin, masakit.. No, not just the slap, but the fact that she's hurting now.. Tanga mo Fae! You know this time will come! Now I regret everything.. Sana pala nakinig na lang ako kay Creo! Sana sinabi nalang namin ng maaga. Sana..

Sunod sunod ang pagbagsak ng mga luha ko. Magkahalong kaba, lungkot at takot.

"R-rona.. I'm afraid! Ayokong masaktan ka! Alam kong mahal na mahal-"

"BULL! So sa tingin mo hindi ako nasasaktan ngayon?!" Sigaw niya. Pumikit ako ng mariin. Damn. "Right. Mahal na mahal ko siya." Mariin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "Simula pagkabata, Fae! Wala ka pa! Kami palang! MAHAL NA MAHAL KO NA SIYA!" Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Ni hindi ko siya makilala..

My sweet and loving bestfriend... Vanished in the thin air, just like that. At dahil 'yon sa'kin sa pagiging makasarili ko, sa pagsisinungaling ko, sa paglilihim ko. You're so ed up now, Fae!

"Alam mo.. Sana wala ka na lang, e.." Lalo akong naiyak. "Baka mas masaya ako.. Kahit hindi kami.. Atleast hindi niya kaylangang magtago. Hindi ko kaylangang maloko." Umiling iling siya na parang disappointed ng sobra.

No.. You're not saying that.. "Rona.. I'm so-"

"You're pregnant." Nanlaki ang mata ko. "Seriously, I'm not here for the confrontation, Fae." Umayos siya ng pagkakatayo. "Let's have a deal." Tumingin ako sakanya.

Don't tell me she'll ask me to.. "N-no!" I shooked my head with disbelief. "R-rona.. I won't avoid him. Hindi ako lalayo.. NO.."

"Sigurado ka?" pain crossed her eyes for a second, agad din 'yong napalitan ng galit. "I'm going to ruin him, Fae." What? "Everything he have.. Even his future. SISIRAIN KO LAHAT."

"No Rona! Hindi ka despe-"

"Believe me, I AM." Nanlumo ako sa sinabi niya.

No.. She loves him.. Hindi niya 'yon magagawa. Sisirain niya ang taong mahal niya?

Is someone really capable of doing such things to the one he loves?

"Rona.. Please.." I begged. Lumapit ako pero umatras siya. God! What should I do?!

"FAE!" Napatingin ako sa pinto. Agad akong nilapitan ni Riyan na nagaalala. ". Okay kalang ba?" I saw Rona's jaw clenched. "Ganito kaba ka desperada, Rona?" Tumulo ang luha sa mga mata niya. Now there's no anger.. But PURE PAIN.

"You'll go all through this just to get him?!" Sigaw ni Riyan saka nilapitan si Rona. "I did every-" Napatakip ako sa bibig ko ng sampalin din siya ni Rona. Pakiramdam ko ay mas malakas 'yon kesa sa sampal niya kanina.

"Y-you.." She sobbed. "You d-don't go near me.. Mother ing liars!" Sigaw niya. "Wala kang pakealam, Riyan! Simula palang.." Matalim niyang sabi,

Pinunasan niya ang luha niya at bumaling muli saakin. "I am not your typical WEAK TYPE of antagonist on other stories, Fae." she faked a smile. "I won't let you have your happy ending.. This is it. Now you choose.. You break him? Or I'll do it for you."

Then she left me with no choice. No other options.. But to cause him pain.

Tulala lang ako sa sasakyan ni Riyan habang nagmamaneho siya sa kung saan man naroon si Creo para sa dinner namin.

24.. Supposedly one of the most memorable days of my life.. It is. Because tonight, I'm going to break him. Tatatak 'yon sa isip at puso niya

I am not sure if he'll be able to forget me after this.

"Fae.. You know you don't have to do this.." Sumulyap si Riyan saakin. He sighed. "This is my fault."

Hindi ko na siya tinanong kung anong nangyari sa kanila ni Rona. Hindi ko na kayang magisip pa. Ni hindi na ako nakatulog kagabi sa sobrang pagiisip. Kahit alam ko naman na sa sarili ko kung anong magiging desisyon ko. Well, It's not like I have any other choices.

Inihinto niya ang sasakyan sa tabi ng isang boardwalk. It's already past 7pm. Pinagbuksan ako ni Riyan ng pinto saka lumabas. "Fae.."

"I can do this, Ri." Nakakatawang isipin na hindi na ako nalilito sakanila ni Rion after what happened.

"Andito lang ako." He ruffled my hair like I'm some sort of a little kid begging for an icecream. Nginitian ko siya saka tinahak ang daan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sinundan ko ang mga makukulay na lanterns na nagsisilbing ilaw sa gilid ng boardwalk.

Every after 7 lanterns ay may isang mataas na Coconut tree. I looked at the stars and the dark blue clouds. Everything's perfect.. Everything is set. Even the plan of breaking him is well prepared.. I bit my lowerlip.

Nasa kalagitnaan na ako ng mapansin kong sa Red Carpet na ako umaapak. Tumingin ako ng diretso at nakita ko si Eiji na may daladalang isang boquet. Nginitian niya ako saka 'yon iniabot. Rare. Hindi siya nagsuplado ngayon. I forced to smile back.

"Finally.." Eiji uttered. Binigay niya saakin ang isang card saka iminuwestra na ipagpatuloy ang paglalakad

"Counting sleepless nights because you're sleeping beside me, Hearing your cute snore while you murmur my name on a deep slumber unconsciously. This is one of my biggest fantasy, To wake up every morning with you beside me." Napatakip ako sa bibig ko habang binabasa ang card. I gasped for air.

Sa kabilang dulo ay nakita ko si Rion na may daladalang Jacket.

"Isuot mo daw sabi ni Master." Tumawa siya saka 'yon isinuot sa akin. Unlike Eiji, sinabayan ako ni Rion maglakad papunta sa kabilang dulo. "Can't believe this day will come.. I don't even believe falling is real. I mean.. Posible pala talagang mabaliw at magmahal ng sobra sobra."

Umiling siya ngunit nakangiti parin. "Before I thought Love is just like business.. Nothing matters as long as you're going to benefit. You know.." humalakhak siya. Napailing nalang ako. "Until I saw one of my friends fell.. For real."

Ngumiti siya saakin. "Personal experience nalang, Fae.. Maniniwala na 'ko."

No.. Love is not that easy, Rion. You'll witness how I'm going to break your friend, you'll hate me after this. Nang narating namin si Lavy ay nagsalute si Rion saakin.

Lavy bowed like a prince. "I can hear wedding bells from here.. Ugh. It's irritating you know." He laughed hard. "Pahingi ng kopya ng hone-" Binatukan ko na.

I should be thankful. Nababawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko dahil sa kanila. After all.. I'm not going to leave him alone. He have these guys who'll surely help him get through..

Napalunok ako ng makita ang dulo ang boardwalk. Round table on a center of a platform, candlelit. May dalawang malaking puno sa gilid na may mga puting christmas lights na nakapalibot doon Nagsilbi yung liwanag na sapat para maging aware ako sa ganda ng paligid.

I should thank Rion's jacket, nanunuot saakin ngayon ang lamig.. Hindi dahil sa ihip ng hangin, kundi dahil sa takot sa susunod kong gagawin.

"Sht! Don't cry, yet!" Lavy exclaimed.

But who cares? Halo halong emosyon, Simula kagabi hanggang ngayon.. Buong buo na ang desisyon ko, pero hindi ko parin naihahanda yung sarili ko. How about our baby? Lalo akong napaiyak ng makita ko siya sa gitna. Still dashing as ever. My man.. My Love..

How can I cause you too much pain, Later? During the next days? How.. Tinitigan niya ko.. Love, Admiration and Bliss was visible on his eyes.

"My Queen?" Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko yun.

Can I ask God to please tap the 'Pause' button?

Ayoko ng tumuloy.. Ayoko na 'tong ipagpatuloy. Can I just be stuck here? With him? God, I swear.. I won't ask for too much.. Just him.. Just this. I cried again.

He just smiled. "Hush. Ayokong umiiyak ka pag may surprise ako. I want to see you smiling." He wiped my tears like he's bound to do that forever. I bit my lowerlip. "Fae, Finally.." God, Please? I'm still hoping. "I brought someone." Pumunta siya sa likod ko revealing that someone standing right infront. All the hope was gone..

 

"Best.."

And right on the spot I know.. This isn't my Happy ending.

"I already told her.." Ani Creo.

Rona smiled knowingly. I know that smile wasn't for acceptance. She's here to make sure that I'll do it.

"I prepared all of these.. I cooked all the food." He faced me. "All the decorations.. Everything, Fae.." He caressed my cheeks not minding Rona's just on our side. I gulped. "I want you to see that I can have all the things I want.. Basta paghihirapan ko. Parang ikaw.. Parang tayo.. I did my best to have you.."

He looked straight into my eyes. "And now I have another goal.. Gusto kong maabot lahat ng pangarap ko.. With you." Hindi na ako nabigla ng lumuhod siya sa harap ko. Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko.

I can't do this!

Hinawakan niya ang lefthand ko. "I know, I'm being selfish. Marami pang pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon. But I want to be assured na saakin ang bagsak mo. Na tayo na hanggang sa dulo. This is how serious I am.." Narinig ko ang mga hikbi ni Rona sa isang tabi.

Creo doesn't seem to mind anyone or anything. His full attention was on me. "Fae.. Let's get married after you graduate, Please?"

"C-Creo.." Basag na basag ang boses ko sa pagbanggit ng pangalan niya. "I-im sorry..." Umiling iling ako saka binawi ang kamay. "I'm sorry! I'm sorry!"

Tumalikod ako para sana iwan siya ngunit pinigilan niya ang kamay ko.

"W-what? F-fae.. Ano-"

"I CAN'T MARRY YOU!" I blurted out.

Ilang saglit ng atihimikan bago siya nagsalita. "Okay." Huminga siya ng malalim. "I get it.." Tumango tango siya. "Dudes! Where's the cam? I ing get this prank!" Luminga linga siya sa paligid saka bumaling uli sakin. "This isn't a good joke, Fae.."

Pigil ang aking paghinga. Do it Fae..

"I'm pregnant." He stopped. "Riyan's the father. I'm sorry." Sorry Riyan! Oh my god!

Tumakbo ako ng tumakbo pabalik sa dinaanan ko kanina. "Fae! What happened?"

Niyakap ko agad si Riyan at umiyak ng malakas. Nakalimutan ko na kung kaylan yung huling araw na umiyak ako ng ganito. What have I done to deserve this? Hindi ba pwedeng magising masaya na lang tayong lahat? Bakit kaylangan pang pumili? Magdesisyon? Bakit kaylangan na wala akong choice?

"Fae.."

"He pruposed.." Humikbi uli ako. "I told him that I'm pregnant and you're the father.. "

"You- What?" Nanlaki ang mga mata niya ng hinarap ako. "I'm sorry Riyan!"

"." Lalo niya akong hinigit at niyakap. "Shhh. It' fine. It'll be fine.. This is partly my fault.. Hinayaan ko si Rona.." Hinagod niya ang likod ko saka ako hinarap. "You need to be strong, Fae. As much as I wanted to help you.. But I'm flying to Japan 5days from now."

Tumingin ako sakanya. "I need time to rebuild myself.." Ngumiti siya ng malungkot.

Wala parin akong ideya sa buong storya pero alam kong may kinalaman ito sakanila ni Rona. Marahil ay may alam rin siya sa mga plano nito kaya't sinisisi niya ang sarili niya. "I am going to face his wrath first.."

Huminga siya ng malalim saka Ngumiti at inabot saakin ang susi ng sasakyan niya. "I can't drive you. Takecare, Fae.."

And with that final words, I turned my back. Wala ng atrasan.. Wala ng balikan.

Baby.. This is your mom.. Who cause your dad too much pain. And you're my one and only.. Without your dad knowing that you are his.

 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet