Best Artist 2011

Kat-tun xXx Hey! Say! JUMP

               Naghahanda na ang mga miyembro para sa kanilang album launch na "BIRTH" sa darating na ika-30 ng Nobyembre 2011.  At sa araw din na yun ay magaganap ang prestihiyosong Best Artist 2011 na kung saan ang bawat artist ay nakatakdang magsagawa ng kanilang mga kinatawan awit. Ang mga artist na inihayag ay: EXILE, Hey! Say! JUMP, Arashi, Kanjani8, L’Arc~en~Ciel, sila (Kat-tun) at iba pa.

               Bago ang nasabing event ay nagkitakita ang mga miyembro sa isang restaurant ngunit tanging si Kame lang ang hindi nakapunta dahil may shooting pa ito para sa Yokai Ningen Bem. Ang natitirang miyembro lang ang nakapunta.

              “Excited na ako para bukas” sabi ni Maru na hanggang tainga ang ngiti.

              “Di naman halata sa mukha mo Maru” sabi naman ni Koki na sabay halakhak.

              Nagkakasiyahan ang lahat ngunit hindi naglaon ay naramdaman ng bawat isa na may kulang at ito nga ay di nila kasama si Kame. Wala silang naririnig na salita o tawa man lang nito.

             “Nakakalungkot naman na wala si Kame ngayon. Wala na nga si Jin, kahit ba naman sa maliit na salo-salong ito ay wala rin siya. Medyo nag-aalala din ako sa kanya dahil walang araw na hindi siya nagpapahinga. Baka sa sobrang busy ay makalimutan niya ang kanyang sarili. Sana naman hindi.” ang sabi ni Ta-chan na nag-aalala sa kanyang kaibigan.

             Nagsitahimik ang lahat na biglang tumunog ang cellphone ni Maru. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at si kame pala ang tumatawag.

               “Hello Maru, nandyan pa ba kayo sa restaurant?” tanong ni Kame.

              “Oo, nandito pa kami. Tapos na ba ang shooting mo? Punta ka naman dito.” Ang sabi naman ni Maru.

             “Pasensya na, di talaga ako makakapunta diyan. Hindi pa tapos ang shooting. Sa katunayan nga extended pa kami. Sige! bukas na lang. Kainan niyo nalang ako. Bye” sabi ni Kame na nagmamadali. Binaba na ni Maru ang tawag at sinabi sa mga kasamahan na may pag aalinlangan “Tara na. Kailangan pa natin magpahinga para bukas.”

 

            Sa sumunod na araw ay ang kanilang hinihintay. “This is it” sabi ni Junno na nakangiti. Ngunit di pa rin mawala sa kanila ang pag-aalala  kay Kame lalo na ng nakita nila ito. Nanghihina at inaapoy ng lagnat. Hindi nila inaasahan na mangyayari ito kay Kame sa araw na iyon. Marahil siguro sa sobrang busy nito kaya’t napabayaan niya ang kanyang kalusugan.

              Hindi nila tinago ang kalagayan ni Kame kaya naman ipinagpaalam nila ito kay President Johnny at kay Jin na nasa America na gumagawa ng kanyang sariling pangalan. Nang nalaman ito ni Jin ay tinawagan agad niya si Kame para kumustahin. Sa sobrang pag-aalala ay  ipinagpaliban muna niya ang kanyang gagawin sa araw na iyon. Nakapag-usap ang dalawa at nagkamustahan na biglang may tumawag sa grupo para magahanda dahil sila na ang susunod na magpiperfrom.

              “Kame, Chat tayo mamaya pagkatapos niyo. Sabihan mo rin ang iba.” Tugon ni Jin

              “Sige, sasabihan ko sila. Skype ba o YM?”  tanong ni Kame na natatawa

             “Kahit ano. Sige, goodluck” sabi ni Jin na sabay baba ng cellphone.

             Nagperform ang grupo ng Keep the Faith na sinundan ng BIRTH na new single nila. Mabuti na lang maganda ang takbo ng pangyayari. Walang nangyari kay Kame at nag-enjoy pa ang mga manunuod sa kanilang natunghayan. Pagkatapos nila ay bumalik na sa backstage at sinabihan ni Kame si Junno na mag-open ng Skype dahil tatawag si Jin.

             Dumiretso sila sa dressing room at nabigla sila sa kanilang nakita. Nasa loob sila Yama-chan, Chii, Yabu at si Hikaru

             “Oh! Anong ginagawa niyo rito?” gulat na nasabi ni Ta-chan.

             “Hello, wala kasi kami magawa sa room namin eh kaya pumunta muna kami dito.” na sabi naman ni Yabu

             “Ayaw niyo ba na nandito kami?” tumatawang sabi ni Hikaru.

             “Hindi naman noh. Mabuti nga na nandito kayo.” sagot naman ni Maru.

              Sa bandang gilid ay inaayos na pala ni Junno ang lahat para sa video call ni Jin. “Kame, Anong oras daw tatawag si Jin?” tanong ni Junno.

             “Ang sabi lang sa akin pagkatapos nating magperform ay tatawag siya” na sabi ni Kame.

              Habang hinihintay nila ang tawag ni Jin ay nakipagkwentuhan muna si Kame sa apat na miyembro ng Hey! Say! JUMP. Pinag-usapan nila ang mga nakakatawang pangyayari nang sumali sila sa entertainment. Napansin ng apat na may kakaiba kay Kame ngunit pinabayaan na lang nila ito. Si Koki, Ta-chan at Junno naman ay nasa sofa habang naghihintay ng tawag. Habang si Maru naman ay gumagawa ng tea. Tinanong ni Maru ang mga kagrupo kung gusto nila ng tea at gusto naman nila. Binigyan niya ang lahat. Nang inabot niya ang tea kay Kame…

              “Kame! Kame! Ubusin mo to. Kailangan mo yan” sabi ni Maru na nag-aalala

               Pabiro naman sabi ni Hikaru kay Yabu “Sana ganyan din si Yabu. Para may pakinabang naman sa grupo. Palagi lang kasi natutulog.”

              “Hindi naman noh. Grabe ka naman” sabi naman ni Yabu

              Nagsitawanan ang lahat pati si Maru ay natawa. Hindi naglaon ay tumawag na si Jin. Si Junno ang nakasagot at siya rin ang unang naka-usap nito. Sinundan nila Koki at Ta-chan. Hinanap agad ni Jin si Kame kaya naman tinawag ni Junno si Kame.

             “Kame! Si Jin! Hinahanap ka!” pasigaw na sinabi habang si Maru ay lumabas muna ng room

             “Ah! Ganun ba! Teka lang.” sabi ni Kame na sinundan niya “Sige, maiwan ko na kayo. Chii, huwag mong kalimutan…..” Habang papunta na si Kame sa tatlo ay napatigil ito. Biglang sumakit ang ulo at biglang nahilo. May narinig nalang na malakas na kalabog. Nagtaka ang lahat kung anong tunog yun.

              Kammeeee!!!!! ~Nabulantang ang lahat~

               Nakita nalang si Kame na nakahandusay sa sahig at humihinga ng malalim. “Oh! Damn! Kame!” sabi ni Junno na umalis agad sa sofa at pinuntahan si Kame, pati rin si Koki at Ta-chan. Nagtaka si Jin kung bakit nagsitakbuhan ang tatlo. Pagbalik ni Maru ay nagkakagulo ang lahat. “Anong nangyari?” tanong niya.

              “Maru! Si Kame! Si…!!!! Ka…” tarantang nasabi ni Koki

              “Ano bang nangyari sa kanya?” habang naglalakad at bigla na lang “! Kame! Oi! Gising!”

              Hinawakan ni Maru si Kame. “Oh Damn! Ang init ni Kame. Tulungan niyo akong ibuhat siya hanggang dun sa sofa.” Binuhat nila si Kame hanggang sa sofa. Ang hindi nila alam ay naka-ON pa rin ang video call ni Jin. Nakikita ni Jin ang nangyayari lalo’t na nag-aalala ito sa kanyang matalik na kaibigan na si Kame. Hindi rin siya mapakali kahit na nasa malayong lugar.

             “Koki, Kumuha ka ng towel. Taguchi, Kumuha ka ng mainit na tubig. Ta-chan, tawagan mo si president at ako naman hahanap ako ng gamot.” Nagsitakbuhan ang lahat at kinuha agad ang mga kinakailangan. Iniwan muna nila si Kame sa sofa na nahihirapan sa paghinga. Si Jin na hindi mahawakan ang kanyang kaibigan ay tinatawag na lamang ang pangalan nito ng malakas. “Kame! Kame! Gising! Gising! Ano ba! Gumising ka! Kame!!!”

              Talagang nakakaawa ang kondisyon ni Kame. Hindi lang ang mga miyembro ang nag-aalala kundi rin sina Yama-chan, Chii, Yabu at Hikaru na nasa tabi lang. Ngayon lang nila ito nasaksihan. Kahit gustihin ng apat na lapitan si Kame ay hindi puwede dahil wala naman silang maitutulong kaya’t nanatili na lang sila sa tabi.

               Unang bumalik ay si Junno na may dalang mainit na tubig na sinudan naman ni Koki na may dalang towel. Pinunasan muna nila si Kame hanggang dumating si Maru na may dalang gamot at damit. Pinalitan agad ang damit ni Kame ngunit hindi pa rin siya gumigising. Binabantayan ng mabuti ng tatlo si Kame hanggang dumating si Ta-chan na kasama si President Johnny.

               “Huwag kayong mag-alala. Magiging maayos lang siya.” kamapanteng sabi ng presidente

                Unti-unti ay nagigising na si Kame at unang sinabi nito na… “tu….bbbiiggg..” Madaling kumuha si Ta-chan ng tubig at ibinigay ito sa kanya. Ininom ang gamut at nagapalit ng damit.

                “Baka! Kame!” salitang kilala ng lahat. “Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo.”

                “Jin?” “Jin?” “Jin?” “Jin?” “Jin?” “Jin?”

                Tumingin silang lahat sa may laptop at dun ay nakita nilang umiiyak si Jin. Gustong-gusto ni Jin na puntahan si Kame ngunit hindi puwede.

                Napangiti si Kame at sabay sabi “Arigatou, ayos na ako ngayon kaya huwag na kayong mag-alala. Kailangan ko lang ng tamang pahinga”

                “Umuwi ka na muna Kame at dun magpahinga” sabi ni President Johnny

                Nakauwi na si Kame at dun ay nagpahinga. Pagka gabi ay tumawag si Jin. Nag-usap ang dalawa sa mga bagay-bagay at napagpasyahan….

                “Kame, uuwi ako diyan next week. Salubungin niyo ako.”

                “OO naman” nakangiting sinabi ni Kame. Lumalalim na ang gabi ngunit hindi pa rin sila tapos na mag-usap. Hindi ramdam ni Kame ang pagod kapag kausap niya si Jin. Namiss niya ito ng sobra at pati rin si Jin.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet