SOUL'S SEOUL SEARCHING

Description

Isa si Nicks sa maraming Pilipino na nahumaling sa K-pop at sa grupong TVXQ. BIlang isang fangirl, pangarap nya ang makapunta sa Korea at ma meet ang kanyang idol.

 

Paano kung mabigyan siya ng chance na makapunta sa Korea at mameet ang lahat ng Kpop idols na gustuhin nyang makita? Paano kung mabigyan sya ng pagkakataon na memeet ang ultimate bias nya na si Jung Yunho? Paano nya magagawang makalapit sa kanya at makausap gayong isa na lamang syang kaluluwa??

Foreword

One gloomy day, malakas ang ulan at hangin, sunud-sunod ang kulog at kidlat. Nakaupo lamang ako sa dilim habang nakatingin sa labas. Kapag ganito ang panahon, masarap sana uminom ng Soju habang kumakain ng paborito ni Onew na chicken habang nagde-day dream sa mga idol ng Korea. Pero naalala ko, nasa Pilipinas nga pala ako, di uso ang Soju, at mahal ang chicken joy sa Jollibee. Eto yung mga panahon na iniisip ko n asana sa Korea na lang ako pinanganak. Edi sana nahahabol habol ko si Yunho ng TVXQ.. Oo si yunho, ang first love, true love, at forever love ko. Baliw? Oo yan sabi ng mga friends ko.. naalala ko sabi sakin ng best friend ko na si Aya,

 

Aya: Alam mo friend, bagay na bagay sayo ang kantangI knew I loved You before I met you ng Savage garden!!

Ako: Gaga babanat ka lang mali pa, I knew I loved You yun!!

Aya: Pareho lang yun!, Kasi yang mga kabaliwan mo, iniiyakan mo, sinasamba mo, kahit birthday nila sine-celebrate mo, eh ako nga ni minsan di mo binilan ng cake kapag birthday ko dahil sa kakuriputan mo. TApos SILA, yang mga mukang bading na yan!!! Sasabihan mong mahal mo, eh di mo pa namimeeeeet? My gosh sooo crazy!

Ako: Alam mo walang basagan ng trip! Dyan ka sa boyfriend mong walang ginawa kundi mag dota!!

 

Ganyan lang kami ng bestfriend ko mag asaran. NAkakatawang isipin, magkaibang magkaiba kami, sa fashion, sa music, sa movies, sa type of dream guy, kahit sa itsura. Sya cute, maganda at maliit, high school pa lang kami marami na nanliligaw sa kanya. Ako, matangkad, medyo tsinita, average lang ang katawan, hindi payat, hindi mataba. Hindi ko naman masasabing pangit pero wala talagang nanliligaw sakin noong high school. Noong college naman, may mga nanliligaw pero doon na nagstart na mahumaling ako sa Korean Pop at binasted ko lahat ng nanliligaw sakin dahil sa kadahilanang, MALAYO SYA KAY BIAS! Alam ko sounds crazy pero mahirap i-explain. 'Yung feeling mo na kung di kamuka ni bias eh wag na lang, tatanda na lang ako dalaga.. haha!

Bilang napag-usapan natin si Bias, gaya ng sinabi ko kanina sya si Yunho, Jung Yunho. Sya ang BAE ng buhay ko. Haha! Nakilala ko sya 2007, sabi kasi ng college barkada ko na si Hannah i-search ko daw Dong Bang Shin Ki. Mga gwapo daw yun tska magagaling kumanta. Pagkasearch ko una kong napanuod ng MV nila ay 'yung "BALLOONS". Unang reaction ko, My God! Saang banda yung gwapo dito? Ang papangit, isa lang gwapo yung mukang anime. Apparently, ang bias ni Hannah eh yung sinasabi kong mukang anime, Jaejoong daw ang pangalan so hindi ko na daw pwede i-bias yun, hanap na lang daw ako iba. Bias daw ang tawag sa paborito mong myembro ng favorite group mo. At Cassiopeia daw itatawag samin, yun daw tawag sa fandom ng DBSK. Gusto kong tumawa at umiyak at the same time. Anong ka weirduhan to? Bakit ko sasayangin oras ko sa kanila? Sinasakyan ko lang si Hannah pero deep inside napapa WTF lang ako. Imagine ako Kekepop??? BAduuy!

 

March 2007, start na ng bakasyon namin, wala ako magawa, sobrang boring sa bahay. Hindi naman ako makalabas kasi hello vacation means no allowance. Ang meron lang ko laptop at internet connection (hindi pa to wifi pero don't worry hindi na ito dial-up haha). Sinearch ko ulit ang Dong Bang Shin Ki. Ang dami ko napanuod Banjun Drama, X-men variety show, Music videos, ang galling pala talaga nila kumanta. Mga lalaki nabirit, sanay kasi ako babae ang nabirit. At sobrang galling din sumayaw, ngayon lang ako nakakita na kumakanta at sumasayaw ng sabay na hindi hinihingal at sabay sabay sila (bukod kay Gary V.). Amaze na amaze ang katawang lupa ko noon. Haha! At what made me realize na maganda din pala personalities nila ay yung hidden camera ni Yunho. Doon ko narealize na sya ang bias ko. At simula noon minahal ko na sila na parang kapamilya, araw araw may DBSK time.

Teka, ang daldal ko kaagad, di pa ko nagpapakilala. Ako nga pala si Nicks, pero Nicole Olivares ang full name ko. Nag-aral ako sa UST pero taga Plaridel Bulacan ako. Kaya nag dorm ako habang nag-aaral. Public teacher ang parents ko. Hindi kami mayaman pero nakakaraos naman sa everyday life. Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Si ate Nerissa ang panganay sumunod si Kuya Noel na mortal kong kaaway at ako. 15 years ang agwat naming ni ate Neri, high school pa lang ako, graduate na sya at nag start ng mag work sa Dubai. Si kuya naman di din kami close kasi nga bugnutin, kaya palagi ko syang pinagtataguan. At ako, sabi nga nila lahat ng bunso Cute!! Wag ka umangal, story ko 'to! Haha! Madaldal ako, halata naman diba? Di nyo pa nga ako kakilala dami ko na nakwento. Friendly din, sa circle of friends ako yung tipo na kaclose ko lahat. Nursing ang course ko sa UST, yun kasi ang uso nung mga panahon na yun pero hindi talaga yun ang pangarap ko. Ang pangarap ko ay maging isang colorful na butterfly at maging makamandag na mariposa! Haha Kidding, ang pangarap ko maging isang lawyer, pero may pagka tamad kasi ako, kaya naisip ko pang 4 year course lang ako kaso I wasn't informed naman na mauubos muna ang kilay ko bago ako grumaduate ng Nursing, gosh ang hirap. Try mo kaya aralin ang Atherosclerosis at alamin ang Pathophysiology ng lahat ng sakit, meaning aralin mo san nagmula ang sakit at bakit magkaroon nun. Aba malay ko ba dun! Sino ba nagimbento nyan patayin ko... oooops patay na nga ata. Di lang yan, bwisit na Microbiology yan at ano ba yung lintek na Taenia Saginata na yan? minumura ba ko nun? Ano? Tae nya Saging yata? At di lang yan, ng mag duty kami sa mental hospital, sabi ng isang baliw sakin dun...

 

Iha, ikaw ba yung kasama ko sa bar kahapon, ang galling mo sumayaw..

WHHHAT?? Huhuhu! I haven't been in bar, and never will be!!!!!!!! Grrrr. Naging tuksuhan tuloy sa classroom na Bar girl ako! Grrrrrrrrr.

Napapabuntong hininga na lang ako kapag naaalala ko ang stress life as a Nursing student. Tipong buhay ka pa pinapatay ka na, ubos na lahat ng brain cells mo pero kailangan mo pa rin mag-isip kung hindi, bye tuition. Mahal pa naman ng tuition. Kaya don't small small nurses. Matatalino yang mga yan, magaganda pa. haha!

Pero mabalik tayo sa K-pop, malaki ang naitulong sakin ng K-pop. Yung tipong gusto ko ng sumuko sa hirap ng pag aaral, nandyan yung makikinig lang ako ng kanta nila Masaya na ko. Yung mga classmate ko, ang escape nila ay party! Kapag inaaya nila ako mag party every weekends, dinadahilan ko pinapauwi ako ni mama, pero ang totoo maunuod lang ako ng variety shows. At di lang yun, marami akong friends all over the world. Nag-uusap kami thru forums, kailangan ko mag online everyday kung hindi mapag-iiwanan ako ng topic. Na-uso din ang text clans. Imagine sa isang araw nasa 300 texts ang natatanggap ko. DAig ko pa may boyfriend diba? Habang ang iba kong classmates nung high school at college isa isang nabubuntis at ang iba ay hindi nakakapagtapos, ako ito, ilang beses din nabubuntis ni bias bawat sayaw nya na may hip . Yung allowance ko, instead for party is napupunta sa mga K-pop merchandises at mga gatherings. Sabi ng mga classmates at friends ko baliw daw ako. Well I admit totoo sya.

Napapangiti naman ako kapag naalala ko mga kabaliwan ko sa K-pop. Mga kaibigan ko sa fandom at mga kasayahan na nabibigay sa amin ng mga idols lalo na sa mga panahon na nakaka stress. Unti unting sumikat ang K-pop sa Pilipinas. Unang pumunta ang 4minute, naalala ko lahat ng mall shows nila pinuntahan ko. Hanggang nagsunud sunod na, U-KISS, B2ST, SHINEE, ISAK. Unang nag concert ang FT Island, kahit hindi ko kabisad ang members at si Hongki lang kilala ko, nanuod pa rin ako. Crazy right? Pero Masaya. J

2011 Gruamaduate ako, nag board exam ako kaagad, at pumasa ng 1 take lang. Napakasaya ko noon. Makakatulong na ko kay mama at papa. Si ate Neri makakapag focus na sa sarili nyang famiy( may 2 na akong cutie patooties na pamangkin), Si kuya Noel makakapag asawa na. Ako, ako naman ang tutulong...... pero

2007...2008...2009...2010.. 2011.............

Nagising ako sa kwarto ko, ang gaan ng pakiramdam ko. Pumayat ba ako? Bakit ang gaan ng katawan ko? Binubuksan ko ang pinto para lumabas pero hindi ko mahawakan ang door knob. Hindi ko alam kung bakit pero tumatagos ang mga daliri ko sa door knob. Makailang beses ko sinubukan, naiinis na ko. Sa inis ko tumakbo ako, at nagulat ako dahil tumagos ako sa pinto.

TEKA? PAANO? BAKIT?.... pa pa patay naba ako?

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet