Chapter 3

If You Were Mine

Nandito ako sa may kusina at nag luluto ng agahan, pagbaba ko nga ng kwarto kanina nadatnan kong nasa sala si Drei at nanunuod ng T.V. Oo nga pala alam nito ang passcode ng unit ko, bukod sakin siya lang ang nakaka alam nito.

Kahit na parating siyang nandito eh masaya na rin ako dahil kahit na papaano meron akong kasama, sana’y naman na ko sa pang- aasar niya kahit nung mga bata pa lang kami at isa pa binilin ako ng parents ko sa kanya.

Tinext ko si Thea kung anong ginawa ni Drei nung iniwan namin sila, sabi nito na hinatid lang siya sa bahay nila. Tinanong ko rin kung may sinabi ba si Drei sa kanya sabi nito wala naman daw, eh bakit ko ba kasi inaalam? Wala lang concern lang ako sa kaibigan ko, tama yun lang yun.

“tulungan mo na kasi akong ligawan si Thea.” Sabi ni mongols habang hinihintay ang niluluto ko.

“ayoko nga.” Kala niya ah.

“pano kung gusto ko.” Bigla akong natigilan sa ginagawa ko ng maramdaman kong nasa likod ko na pala siya. At bigla na lang nag react ang katawan ko ng sundutin ako nito sa tagiliran.

“Drei!” saway ko sa kanya.

“ang sungit nito, meron ka ba?” bigla namang uninit ang mukha ko sa tanong niya.

“tumabi ka nga nagluluto ako diba? Di kita pakainin diyan eh!” pag tataray ko sa kanya, medyo naiilang kasi ako.

“sungit talaga.. ano bayang niluluto mo? Ang bango ah.” bigla itong yumuko, automatikong napatingin ako sa kanya. Seeing him this close I suddenly felt this familiar feeling again, bigla akong kinabahan ng lumingon ‘to sakin, agad naman akong nag iwas ng tingin.

“ah-umupo ka na don drei, kakain na tayo.” umalis na to sa likod ko at umupo.

Bacon, omelette at fried rice lang naman ang niluto ko nag timpla rin ako ng kape para saming dalawa, Pagkatapos maluto lahat, nilagay ko na ‘to sa mesa kasunod ng kape na agad naman nitong sinunggaban PG lang.

“hoy Drei mag dahan dahan ka nga.” Suway ko rito. Akala mo hindi pinapakain sa kanila.

“ang sarap kasi ng luto mo, alam mo namang ginaganahan ako kapag ikaw ang nagluluto.” hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya.

“tunaw na ko Shayne.” Biglang sabi nito.

“h—huh?” bigla akong natauhan sa sinabi niya, nahuli ba ko nitong naka titig este nakatingin sa kanya? Na amaze lang naman ako sa pagkain nito ah.. tama yun lang din yun, err.. >//< pero ngumisi lang ‘to at bumalik naman ako sa pagkain ko.

Natapos kaming kumain ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan, asa naman akong tutulungan ako ng mokong na yan. Habang inaayos ko ang kusina bumalik naman ito sa sala at nakita ko itong pangiti ngiti habang may tinitignan sa cellphone niya nasisiraan na ata ng ulo, pinuntahan ko siya at tumabi sa kanya sa sofa.

“hoy senyorito Drei hindi ba may practice kayo ngayon?” pero di man lang ako nito sinagot ni tinapunan ng tingin, nasa cellphone niya parin ang atensyon nito na curious naman ako dahil hindi parin mawala ang ngiti nito sa labi.

“hoy mongols kinakausap kita.”

“huh?” tumingin ito sakin

“ah.. wala di ako pupunta.” Sagot nito. Ano na namang pumasok sa isip nito?

“bakit? Eh alam mo namang kailangan ka don.”

“hayaan mo sila may mas importante tayong gagawin ngayon.” Sabi nito at nginitian ako. Pinagsasabi nito?

“anong gagawin? Mang ti trip ka na naman?”

“hindi muna ngayon haha.” Inirapan ko lang siya.

“eh ano nga?”

“papatulong ako sayo, sasabihin mo sakin yung mga gusto at di gusto ni Thea.” Sabi nito. Mukhang seryoso nga ang loko.

“ayoko! Wala kong panahon para diyan.”

“ayaw mo? Edi sige, I po post ko na lang ‘to sa FB.” Sabi niya bigla naman akong na curious.

“a-anong I po post mo?!”

“hindi ko sasabihin hanggat di ka pumapayag.” Aba talaga.

“ano nga yan kasi!” sinubukan kong kunin ang cellphone nito sa kamay niya pero nilalayo niya to sakin.

“ipakita mo muna sakin!”

“gusto mong Makita? Tara lapit ka.” utos nito agad naman akong sumunod at pinakita niya sakin kung ano man yon.

O//O !

“hindi mo naman sinabi na may pagnanasa ka pala sakin Shayne.” Sabi nito hindi ako makapag react agad, sobrang nakakahiya at feeling ko ang pula pula na ng mukha ko.

Pinakita nito yung picture na naka yakap ako dun sa unan na nilagyan ko ng mukha niya, oh no! nakita niya ko?! baka kung anong isipin ng mokong na ‘to, at ang malala pinicturan niya pa.  >//<

“D—Drei! Akin na yan!”

“ayoko nga!”

“isa burahin mo yan!”

“sa isang kondisyon.” Sabi nito habang tinataas baba ang kilay niya. Baklang lorenang ‘to, nakuha pa kong i black mail kasi naman ang tanga tanga mo Shayne! >o<

“O—oo na! alam ko na.” pagpayag ko, ang laki ng ngiti niya sa mukha.

“buwisit.” Bulong ko.

“may sinasabi ka Shayne?” tanong nito, inirapan ko lang siya  may araw din sakin ‘tong mongols na to.

“burahin mo yan lorena sinasabi ko sayo!”

“stop calling me that.”

“alin dun? Ikaw naman Lorena di ka na mabiro.” Pang- aasar ko sa kanya.

“I said stop. At pag di ka pa tumugil hahalikan kita.” Seryosong nitong sabi. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya

“alam mo kasi Drei, tutulungan naman kita basta burahin mo lang yan.” Natakot bigla >//<

“good.” Sabi nito. Inirapan ko lang siya.

5 minutes later..

“favorite color?”

“pink.”

Bawat sagot ko ay tini take down notes niya pa. Tss -.-

“favorite food?”

“Fish.”

“favorite movie?”

“horror.” Pagsisinungaling ko.

“horror?!” tanong nito.

“eh.. sa ayun ang gusto niya eh.”

“siguraduhin mo lang Shayne ah, malaman ko lang na mali mali tong binibigay mo sakin.”

“whatever.”

Pero ikinagulat ko ang bigla nitong pag higa sa lap ko, hindi naman ako nakapag react agad.

“ah..nakaka ngawit.. next question, ano ang gusto ni Thea sa lalaki?”

“huy Shayne!”

“h—huh?” ano na naman ba tong nangyayari sakin? Di ko namalayang nakatingin na naman ako sa kanya.

“ang sabi ko anong type niya sa lalaki?”

“e—ewan ko! Ako ba si Thea?! Find it for yourself! ”

“ok.”

“Drei burahi—.”

“ang lambot pala ng kamay mo no?”

*dug. dug. dug. dug.” gaaahd.

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nitong hawakan ang kaliwang kamay ko, ramdam ko ang pagwawala ng sistema ko. He even intertwined our hands, mas nag hurementado ang puso ko hindi ko alam bakit ganito ang epekto niya sakin. >///<

“Shayne, kamote ka ba?” tanong nito?

“tigilan mo ko sa mga kalokohan mo Drei.”

“sabihin mo lang kasi bakit.”

“o bakit?”

“kasi pag nakikita kita nauutot ako eh. HAHAHA.” Aba gagong ‘to sinabunutan ko nga, pero isang kamay lang hawak niya parin kasi yung isa >//<

“a—aray!” reklamo nito.

“eh ikaw pimples ka ba?” it’s my turn.

“bakit naman?”

“kung saan saan ka kasi sumusulpot tirisin kita eh!” tumawa lang to ng mahina.

“eh ikaw pimples ka ba?”

“bakit na naman?!”

“kasi pag pinipilit kitang alisin nasasaktan ako.” Yun lang, bigla naman akong natahimik. Kalokohan niya lang yan Shayne wag mong seryosohin.

“Shayne..” Bigla siyang tumingin sakin hawak parin nito ang kamay ko habang hina haplos ko ang buhok niya gamit ang kabila kong kamay. Our eyes met, nakita kong seryoso siya at feeling ko namumula ako.

“ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo..” my heart skips a beat.

“sabihin mo kapag may nanligaw sayo ah.. kailangan niya munang dumaan sakin.”

“at sabihin mo rin kapag sinaktan ka niya, babasagin ko ang pag mumukha niya para sayo.”

Ramdam ko na parang may tumusok sa puso ko, hindi ko alam kung magiging masaya ba ko sa mga katagang binitawan niya, pero isa lang ang alam ko sa nararamdaman ko ngayon, nasasaktan ako.

Nag paalam na ‘to na aalis na siya kailangan niya parin daw kasing humabol sa practice game nila.

“thanks dude, susundin ko ang mga sinabi mo, hayaan mo pag naging kami ni Thea ikaw ang unang makaka alam.” Sabi nito. At parang mas lalong sumakit ang dibdib ko.

tipid ko siyang nginitian I don’t know if it was fake, sinundan ko ng tingin ang sasakyan nito hanggang sa mawala na to sa paningin ko.

Bumalik ako sa loob at sinara ko ang pinto, I find myself leaning on the wall then I close my eyes.. I heaved a deep sigh. I don’t know why am I feeling like this, I want to know, I want to find the answer.

But my mind said one thing.. kung ano man yang nararamdaman mo, pigilan mo na habang maaga pa.

 ***

Don't forget to Comment, Votes or Subscribe :)

Share me your thoughts.. ^^

Follow me on Twitter: @FictiousGlamour

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet