@@@
RejoiceKahit malayo pa ko sa aking classroom ay tanaw na tanaw ko na ang mga kaklase kong nakatayo sa labas, may mga hawak na rosas. Ano na naman kaya ang pakulo ng bebe ko? Araw-araw na lang akong naeexcite sa mga sorpresa ng boypren ko. Kakakilig. Kaya mahal na mahal ko yun eh.
“Nandyan na si Sungmin. Umayos na kayo.” sigaw ng isang kong kaklase. Agad-agad namang pumila by height ang mga naroroon. Ako’y tumigil sa paglalakad at ngumiti sa lalaking nasa aking harapan na nagkataon ay ang bestfriend kong si Ryeowook.
“Hay nako Min, ikaw na talaga. Sa susunod sasabihan ko si Yesung babes ko na gawan din ako nito.” sabi niya habang inaabot sa akin ang isang pulang rosas. Napangiti na lamang ako ulit at pabebeng sumagot, “Di naman Wook. Sadyang mahilig ako sorpresahin ng bebe ko.” At siya tumili ng tumili habang itinutulak ako upang kolektahin ang iba pang mga rosas sa aking mga kaklase. At nang matapos kong makuha ang 17 na rosas, binuksan ni Ryeowook ang pintuan at dali-daling isinara ito. Natakot ako nung una kasi ang dilim. Dumagdag pa sa takot ko nang may biglang nagtakip ng aking mga mata.
“Hulaan mo kung sino to.”
“Alam kong ikaw yan bebe ko.” Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa aking mga mata. “Kilalang kilala mo na talaga ako bebe.”
“Pano naman kita hindi makikilala Kyu bebe, eh lahat ng classmate natin nasa labas?” sambit ko habang tumatawa. Binuksan niya ang mga ilaw at ako’y nagulat sa aking nakita. Punong-puno ng mga rose petals ang classroom! At kulay pink pa!
Comments