Pare wag ganyan!

Sembreak

 

Ika-labing-siyam ng Oktubre, taong dalawang libo at sampu.

Nagkayayaan ang mga magbabarkadang sina Hyukjae, Donghae, Shindong, Youngwoon, Kyuhyun at Ryeowook na pumunta sa bahay ng ka-tropa nilang si Sungmin. Lahat sila ay magkakaklase ngayon sa unang taon nila ng kolehiyo.

Sembreak palang naman kasi, kaya ang tropa, gala dito, gala dyan! Inisa-isa nilang dinadalaw lahat ang bahay ng ka-tropa nila. Kaya ngayong araw naman ay sa bahay nina Sungmin sila pupunta. Medyo sabik silang lahat na pumunta dito dahil alam nilang maraming masasarap na pagkain roon. Nanggaling kasi si Sungmin sa mayamang pamilya, kaya pag nasa school sila, puro pang-mayamang pagkain ang baon ni Sungmin! Puro latest din ang mga gadget nito!

 Pero di naman laging pa-cool si Sungmin eh, member din sya ng choir sa school nila, at hindi rin nya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral. Dito nya nakilala ang mga kabarkada, ang katabi nya sa kanan na si Hyukjae, palangiti ito at laging kumukopya sa kanya tuwing oras na ng biology. Ang makulit at kasundo ng teacher na si Donghae, sobrang bait na bata sya lagi ang pinapag-xerox ng mga prof nila. Ang class clown na si Shindong na katabi nya sa kaliwa, mahilig syang mag-joke, yung tipong sobrang magu-good vibes ang prof at mauuwi nanaman ung lecture sa kwentuhan. Ang matapang at siga sa klase na si Youngwoon, sya rin ang sergeant of arms ng klase. Ang mabait na si Ryeowook na kanta ng kanta ng who run the world na nakaupo sa likuran niya, lagi syang kasabay ni Sungmin during lunchbreak o di kaya pag may practice ng choir sa school. At ang tahimik na si Kyuhyun. Naging partner nya kasi si Kyu nung reporting nila sa Filipino subject kaya naging mag-friends din sila at tsaka kasama rin sya sa choir kaya minsan sabay silang tatlo mag-practice.

 

6:30PM. Madilim na at malamig ang simoy ng hangin. Pagkatapos mag-bus ng mahigit isang oras ay narating din nila ang bahay nina Sungmin.

Ding-dong. Pindot ni Ryeowook sa doorbell ng bahay nina Sungmin.

Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto at sumilip si Sungmin. “Oh, ayan na pala kayo, tara pasok kayo,” sabi nito sa mga kabarkada. “Hindi pa umuuwi sina mommy at daddy eh, si sungjin nasa taas nagco-computer”. Binuksan pa lalo ni Sungmin ang pintuan upang makapasok ang barkada.

“Wow, ang ganda naman ng bahay nyo Sungmin.” Paghangang sabi ni Hyukjae.

“Salamat Hyuk,” ngiting sagot ni Sungmin.

“Kaya lang masyado namang malaki ng konti, parang haunted house” sabi ni Donghae.

“Ang dami mong alam Donghae,” sagot ni Kyuhyun

“Talaga naman eh!” sigaw na sagot ni Donghae.

“Wag mo takutin sarili mo Donghae, baka maihi ka,” pang-aasar ni Youngwoon kay Donghae.

“Hali kayo dito,” tawag ni Sungmin sa anim niyang kaibigan.

 Sinundan nila si Sungmin patungo sa kanyang silid. Nang makarating ang lahat sa silid, nilapag ni Ryeowook at Hyukjae ay kanilang mga gamit sa lapag at naupo sa gilid ng kama, Si Donghae, Youngwoon at Shindong naman ay nahiga agad dahil sa sobrang pagod. Si Kyuhyun naman ay nakatayo sa may pintuan ng kwarto at pinagmamasdan ang mga kaibigan.

“So ano, matutulog lang tayo dito?” tanong ni Kyuhyun.

“Sandali. Kita mong napagod kami eh”, sigang sagot ni Youngwoon.

“Bus tapos mga 34 steps lang yun, ano ba kayo” pa-iling na sabi ni Kyuhyun.

“Malayo rin yun tanga” sagot ni Youngwoon.

“Mahina lang talaga resistensya mo,” sagot ni Kyuhyun.

“Gago tigilan mo ko ah,” sagot ni Youngwoon.

“Hoy wag kayo dito mag-away”, sabi ni Sungmin sa dalawa.

“May mga dala akong mga DVD, gusto mo ikaw mamili ng papanuorin natin”, alok ni Ryeowook kay Kyuhyun.

“Ako! Ako! Ako nalang pipili!!!!” biglang tayo ni Donghae sa pagkakahiga sabay kuha ng mga DVD mula sa kamay ni Ryeowook.

“Si Donghae nalang, nasi-cr ako, Sungmin, san yung cr nyo?” tanong ni Kyuhyun sa kaibigan habang nakatingin ito sa labas ng silid.

“May pintuan diyan sa kanan, dun ung cr”, sagot ni Sungmin.

“Sige, salamat” sagot ni Kyuhyun. At nagtungo na siya patungong comfort room.

“Ayiee susundan na nya yan,” pang-aasar ni Shindong kay Sungmin.

“ayiiiiiiiiew”

“naks naman ang gwapo”

“Mga gago kayo,” sagot ni Sungmin. Eto kasing si Sungmin, may lihim na pagtingin ka Kyuhyun, eh na-kwento kay Youngwoon, ayun, si Kyuhyun nalang ang hindi nakakaalam.

Nagtawanan ang lahat.

“Oh ano, may napili ka na?” tanong ni Shindong kay Donghae.

“Maganda ba tong Pa-Siyam?” tanong ni Donghae.

“Tangina wag yan! Gabi na nga tas nakakatakot! Pumili ka ng iba!” sigaw ni Hyukjae Kay Donghae.

“Eh Ouija lang to tsaka Malikmata eh,”sagot ni Donghae.

“Bakit naman puro nakakatakot yung mga dala mo Ryeowook?” tanong ni Shindong

“Ayaw nyo nun? Para may thrill?” ngiting sagot ni Ryeowook. “Sige na ito nalang!” hawak hawak ang DVD ng Ouija.

“Ay sige! Yan nalang! Favorite ko yan eh!!!” sagot ni Ryeowook.

“Eeeeeeeh ayoko nyan!” sagot ni Donghae.

“Ay ewan ko sa inyo,” sagot ni Ryeowook. Inabot ni Ryeowook ang DVD kay Sungmin.”Isalang mo na oh”.

“Sungmiiiiiiin!” sigaw ni Hyukjae. “Wag yan sabi!”

Tumawa si Youngwoon. “Mga duwag! Kaya ka napagkakamalang bakla eh!” pang-aasar ni Youngwoon kay Hyukjae. Nakitawa rin si Shindong.

“Baka hindi ako makatulog nyan!” pag-aalala ni Donghae habang yakap yakap ang unan sa kanyang dibdib.

“Basta manood nalang kayo!” sagot ni Sungmin habang papalapit sya kina Hyukjae upang maupo at manood.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumukas ang pinto ng kanilang silid. “Ahh!!” sigaw ni Hyukjae. Lahat ay napatingin. Nakita nilang si Kyuhyun lang pala. Natawa ang lahat. “Kala ko multo na,” tawang sabi ni Shindong. “Kayo naman eh, matatakutin kayo agad,” pang-aasar ni Youngwoon. Si Kyuhyun naman ay napatawa rin. Tumingin sya sa TV at nakita nya ang nagpe-play na movie. “Ay Ouija? Maganda yan!” ngiting sabi ni Kyuhyun sabay upo nito sa kama at tumabi kay Sungmin.

Patuloy naman sila sa panonood, si Donghae, apat na unan na ang kanyang hawak. Si Hyukjae naman, takot na takot at di maiwasang sumigaw every 8 minutes. Si Sungmin, naghahalong inis at kilig naman ang nararamdaman. Inis, kasi si Hyukjae, kanina pa sya nababangga sa sobrang likot nito, Kilig naman, eh pano katabi si Kyuhyun, kung ano ang maibangga ni Hyukjae, yun ang naidikit kay Kyuhyun kaya keri lang, banggain mo pa ako hyukjae.

 

Medyo nangangalahati na sila sa movie nang magsalita si Shindong. “Guys nagugutom ako, wala bang makakakain dyan?” tanong nito.

“Nasa baba yung pagkain, kunin mo,” sagot ni Sungmin.

“Ikaw na tinatamad ako,” sabi ni Shindong.

“Ayoko nanonood ako,” reklamo ni Sungmin.

“Ryeowook, kunin mo yung pagkain” request ni Shindong.

“Ayoko nanonood din ako,” sagot ni Ryeowook nang di tinatanggal ang angmga mata sa telebisyion.

“Kangin..”

“Magsi-cr ako, ikaw na, tutal ikaw nagugutom dito eh,”sagot ni Youngwoon habang patungo ito sa c r.

“Kayo Donghae? Hyukjae? Gutom ba kayo?” Tanong ni Shindong.

“HInde,” sagot ni Hyukjae.

“Pagkatapos nalang ako kakain,” sagot ni Donghae yakap yakap ang ngayo’y limang unan.

“Sige na nga, ako na kukuha sa baba,” Sagot ni Shindong habang naglalakad ito palabas ng silid.

“Mag-ingat ka,” sabi ni Kyuhyun.

“Ulol” sagot ni Shindong.

Nakaka-one third na rin sila sa palabas nang makabalik si Youngwoon sa kwarto, muli syang naupo sa kama at pagkatapos ay sumunod na tumayo at nagpaalam din sina Hyukjae at Donghae na mag-cr kasama ang naiinis na si Sungmin “Ang lapit lang ng cr natatakot pa kayo” “Sige na samahan mo na kamiiiii”. Kaya pi-nause muna ni Kyuhyun ang palabas para hintayin silang makabalik.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik rin ang tatlo. Kinuha ulit ni Kyuhyun ang remote at muling pi-nlay ang palabas.

“Ang tagal naman ni Shindong,” sabi ni Sungmin.

“Baka kinain na sya dun,” sagot ni Donghae.

“Gago baka kumakain lang yun,” sabi ni Youngwoon.

“Babalik din yun mamaya,”dagdag ni Sungmin.

Habang pinagpapatuloy nila ang palabas, si Kyuhyun at si Sungmin, absorb na absorb sa panonood. Nakasandal na ang ulo ni Sungmin sa balikat ni Kyuhyun habang ang kanang kamay naman ni Kyuhyun ay nakapaligid sa baywang ni Sungmin. Tangina ang bango ni Kyuhyun.Shet. Napahinga nalang ng malalim si Sungmin. Heaven pare . Si Hyukjae naman, sigaw parin ng sigaw, si Youngwoon, napapailing nalang, si Donghae, nakagawa na ng shield na yari sa mga unan..

Ilang sandal pa ay bumukas uli ang pintuan.

“AHHH!!” sigaw muli ni Hyukjae. Lahat uli ay napatingin.

“Busog na ako,” ngiting sagot ni Shindong.

“Ang daya mo naman! Di ka nagdala ng pagkain dito!,” reklamo ni Hyukjae.

“Eh nagmamadali na ako baka kasi diko matapos yung palabas, tsaka sabi naman ng Yaya sa baba magluluto nalang siya ulit!” pagtatanggol ni Shindong sa sarilo.

“Inubusan mo kami, ang takaw mo.” Sabi ni Youngwoon.
“Oo nga.” Dagdag ni Donghae.

“Hindi mo kami inaalala,” dagdag pa ni Kyuhyun.

“Sabi ko magluluto naman ulit yung Yaya nina Sungmin! Sorry na!!!” sigaw ni Shindong.

Patuloy pa rin ang pagrereklamo ng apat nilang kaibigan habang si Sungmin naman ay nakatitig kay Shindong.

“Ano…pakiulit ng sinabi mo?” tanong ni Sungmin.

“Umm…S-sorry na?”sagot ni Shindong.

“H-hindi, yung mas nauna pa,” kabang pagtatanong ni Sungmin.

“Yung matakaw ako?” sagot ni Shindong.

“Hindi. Yung isa pa! “ sigaw ni Sungmin habang nanlalaki ang mga mata nito.

Biglang nagbago ang atmosphere sa kwarto. Hindi naman ganto ang ugali ni Sungmin, mahinahon syang nagtatanong lagi, pero bakit ganito?

“Huy Sungmin okay ka lang?” Tanong ni Youngwoon.

“Wag ka naman manakot!” pag-aalala ni Donghae.

“Ano bang meron ha Sungmin?” tanong ni Kyuhyun

Hindi sila lahat pinansin ni Sungmin. Nakatitig parin sya kay Shindong at hinihintay ang sagot nito.

 

“Yung sa Yaya nyo?” sagot ni Shindong.

Tumango lang si Sungmin.

“Oh bakit? Sabi nya ipagluluto nya tayo ng pagkain kasi nga naubos ko kanina,” sagot muli ni Shindong. “Baket? May masama ba?” kinakabahang tanong ni Shindong sa kaibigan.

 

 

 

 

 

 

 

“Pero shindong……”

 

“….wala kaming Yaya,” sagot ni Sungmin.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
spreadloveyeah
#1
♥️ Remember you are loved, please always be happy♥️
pialovesSJ
#2
Chapter 1: Hahahah ano to sungmin. Ang landee lang. Sige tulak pa more hyukjae . Nag eenjoy naman si sungmin eh . Hahahahahahahh

Ps: ang bakla ni Hyuk
Angelic_Maknae #3
Chapter 1: PITING INI SEQUELLL. HAHAHA. ENG LENDE NE SENGMENNN. SHET. HAHAHAHA.
kyuhyunmyheart
#4
Chapter 1: HALAAAAAAAA SEQUEL PO PLSSSSSS HAHAHAHA
heartykyu
#5
Chapter 1: SEQUEL SEQUEL SEQUEL! HAHAHAHAHHAHA di ako sanay mag basa ng nagmmura sila ng tagalog ang laughtrip. Tapos si ryeowook na kanta ng kanta ng who run the world. HAHAHAHHAHHAHA PROMISE ANG LAUGHTRIP NITO =)))))))))))))))
simbasheart #6
Chapter 1: Haha omg!!!! More pa please!!! Haha
mydelusionalworld
#7
Chapter 1: anu na kasunod??? pakilala mo samin si yaya.
pasandal sandal lng si sungmin kay kyu? bitin sa landian..MORE! :)))))
LynSushi
#8
Chapter 1: Bitin! SEQUEL ANG LANDI NI SONGMEN OMYGASH
ayeengie
#9
Chapter 1: REREYPIN KO SI KANGIN PAG WALANG SEQUEL TO
jinkibumed
#10
sequel! sequel!