16, ika-16 ng Hunyo.

Sweet Sixteen [One-Shot]

"Digital bounce! Digital sounds! Digital X! Welcome to the digital world!", mabisang alarm tone ang kanta ni Se7en na Digital Bounce. Buhay na buhay ang diwa ko nang narinig ko ito. Miyerkules nga pala ngayon. Movement lang ang klase ko. Kahit alas-diyes pa ito magsisimula, umaalis pa rin ako ng maaga. Mahaba na kasi ang pila sa sakayan ng FX pagsapit ng 7:00 eh. Ayaw ko kasi sa lahat ay ang naghihintay at nata-traffic. Sadyang mainipin lang talaga ako.

 

"Hala! 6:20 na!", ako'y nagmadaling tumakbo palabas ng aking kwarto pababa sa kusina at banyo upang kumain ng almusal at maligo. Champorado ang biniling almusal ni Papa, mas madaling kainin kaysa sa Palabok. Wala pang dalawang minuto at tapos na akong kumain. Dali-dali akong nag-toothbrush at pumasok sa banyo. Kuskos dito, banlaw doon. Natapos ako sa loob ng labinlimang minuto. Mabilis akong pumanik pabalik sa kwarto ko upang magbihis.

 

Tinignan ko ang aking cellphone para malaman ang oras. Pero bago iyon, sumalubong sa akin ang 52 unread text messages. Hindi pa rin pala ako nagbabasa ng mga text mula pa nung lunes. Okay, oras kasi yung titignan eh. Isinara ko muna yung messages para makita ang oras. 6:40 na. Sakto. Nagpaalam na ako kay Papa kasabay ng pag-aabot niya ng baon ko at tulad ng aking nakasanayang gawain, iiwan ko ang 100 pesos para sa aking araw-araw na ipon. "Pa, alis na po ako!", sabay ng pagsuot ng aking step-in. "Mag-ingat ka.", sabi ni Papa.

 

Ako'y naglakad palabas ng bahay. Tulad ng dati, nagpara ng tricycle at bumaba sa sakayan ng FX. Wala nanamang panukli si manong tricycle driver sa bente pesos kaya nagpapalit nanaman siya kay kuyang barker ng apat na limang piso. "Sa susunod, barya lang ah. Ang aga-aga e.", sabay abot ni manong driver sa'kin ng limang piso. Sumakay na ako sa FX na may karatulang 'Landmark Dela Rosa' na dadaan sa gate ng SanLo. Naglakad na ako papasok ng AC at nanatili sa silid-aklatan. Pagsapit ng 9:40, ako'y nagtungo na sa aking klase sa Movement.

 

Pagsapit ng alas-dose ng tanghali, natapos ang aking paghihirap. Medyo sumakit ang katawan ko. Tinignan ko muna ang aking cellphone kung ilang texts na ang aking natanggap. Wow, 62 messages na. Dali-dali kong binuksan ang pinakabagong text message na galing kay Tita Neng:

 

"Jodie, nakabili na ako ng CD niyo.

Nandito rin pala si Karl.

Tapos yung kaibigan niyo pang isa, si Hase.

Nasa loob na sila ng Activity Center. Magkita tayo sa Foodcourt."

 

"Ay anak ng, B2ST Fansign Event nga pala ngayon sa SM Megamall!", dali-dali akong umuwi sa bahay para maligo at magbihis.. at siyempre, magpaganda. "Makikita ko na rin sila, sa wakas." Buti na lang at 'inutusan' ako ni Issa na bilhan siya ng CD at papirmahan ito. Yehey! Makikita ko sila ng libre! 

 

Sobrang dinumog ang SM Megamall. Ang daming tao eh. Pinuntahan ko muna si Tita sa Foodcourt upang kuhanin ang CD ko, pati na rin ang kila CC at Michang. Kamusta naman yun, pang-200+ pa ako. Nagpasalamat ako kay Tita tapos pumasok na ako sa loob ng Activity Center.

 

Naging mabilis lang ang 5:00 ng hapon sa amin. Puro tilian at hiyawan ang aking naririnig galing sa mga fangirls. Siyempre, KJ ka pag hindi ka nakipagsabayan. Edi tumili rin ang lola niyo nang ipakita si Junhyung. Siya ang paborito kong miyembro ng KPOP Group na B2ST, ang galing niya kasing sumayaw at siya ang nagsulat ng mga rap lines niya sa mga kanta ng B2ST.

 

Heto na, dumating na ang B2ST! Naghihiyawan na ang mga katabi ko at marami na ring tao na nakapalibot sa Activity Center para masilayan at salubungin sila. Grabe lang ang tili ko nang makakita ako ng lalaking kulay pula ang buhok. Bakit? Bakit nga ba? Siya lang naman si Junhyung, Yong Junhyung. Ang aking idolo. Sila'y tumayo sa stage para magpakilala. Ilang saglit lang ay nagsimula na ang Fansigning. Siksikan nanaman 'to, panigurado! Naging mabilis lang ang daloy ng pagpapapirma. Ang alam ko na lang ay nasa harap na ako ni Dongwoon at nakangiti siya sa'kin. Hindi ako nakapagsalita kaya nginitian ko na lang siya. Pinag-iisipan ko kung kakamayan ko siya pero parang may pumipigil sa akin para gawin ito.

 

Isang hakbang pa at si Junhyung naman ang bumungad sa akin. Grabe. Ang gwapo niya talaga. Ang ganda ng labi niya. Oo, ako na ang na-starstruck. Totoo pala yung 'starstruck' na tinatawag, ano? Napatigil yata ako ng isang segundo at bigla akong napa-"Oppa, saranghaeyo!". Ngumiti naman siya. Matapos niyang pirmahan ang CD ko ay dali-dali kong inabot ang kamay ko sa kanya, nagbabaka-sakaling hahawakan niya ito kahit bawal silang makipagkamay sa mga fans. Ako na ang makulit, bow. Medyo naramdaman ko ang kaba nang makita ko siyang napataas ang kilay na parang nagtataka. Ilang sandali'y ngumiti siya, hinawakan ang kamay ko upang makipagkamay. Naman! Abot tenga ang ngiti ko buong gabi. Wala na akong pakialam sa mga sumunod pang miyembro na aking napuntahan, nakahalata na rin si kuyang bantay na duma-damoobs ako eh. Hinayaan ko na lang siyang bantayan ako hanggang matapos ako sa pagpapapirma, nakuha ko naman na ang gusto ko eh.

 

PS: Hindi ako naghugas ng kaliwang kamay ko buong gabi. Joke!

 

"Hanggang sa muli nating pagkikita, Junhyung.", ito ang mga katagang binitiwan ko bago ako umuwi. Naging masaya ang araw na ito. Salamat, Junhyung. Salamat at kinamayan mo ako. Hinding-hindi kita makakalimutan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
xlmrclnsmnpk 24 streak #1
I hope you get a lot of subscribers, readers, and commentators! I would love to read this but too bad I cannot read tagalog.
perspephone #2
When the skies and the grounds were one, the legends, through their twelve forces, nurtured the tree of life. An eye of red force created the evil which coveted the heart of tree of life, and the heart slowly grew dry. To tend and embrace the heart of tree of life, the legends hereby divide the tree in half and hide each side. Hence, time is over-turned and space turns askew. The twelve forces divide into two and create two suns that look alike into two worlds that seem alike. The legends travel apart. The legends shall now see the same sky but shall stand on different grounds, shall stand on the same ground but shall see different skies. The day the grounds be kept a single file before one sky in two worlds that seem alike, the legends will greet each other. The day the red force is purified, the twelve forces will reunite into one perfect root, a new world shall open up.
JeonJiyoon_
#3
ew hahahahahaah
shinybananamilk
#4
Chapter 1: Pumunta sa SM Megamall ang b2st datiiii??????????
hyungg
#5
Chapter 1: shet parang yung mga binabasa namin na nobela sa klase =)) ang lalim LOLOLOL
galing <3
JJforever96 #6
Chapter 1: D: DAMMIT.. I can't understand some words.. especially the numbers. but lol first time seeing a filipino fanfic here <3 it's really well written if i say so myself.
ilovekhj #7
Chapter 1: nicely written :)
GraceHlui
#8
Chapter 1: What I saw Hindi somewhere... my cousins speak Tagalog so I was just checking it out!
I read Hindi somewhere... I speak Hindi!
_hotlegz89_
#9
Chapter 1: OhMaiJae!!!! Pareho tau ng naexperience... Anuvaey, BIAS ko din si JunHyungie!!!
Sobrang natuwa lng ako at naalala ko ung time na nandito cla!!!
aysah_15
#10
Chapter 1: WAAAAAAAAAAAAA~ amazing! ^^

n-starstruck ako habang bumabasa! :DDD