The Pig

THE SIREN (Completed)
EXT. MANSION’S GARDENS - EARLY MORNING

Lena is out early sitting by the garden with Don Ignacio’s
book on hand. Sun is peeking through the clouds. The early
morning light slowly envelopes the entire garden area
creating an ambient feel to the early island morning.

DON IGNACIO
O kamusta ang pagbabasa? Nagustuhan
mo ba ang libro ko?

LENA
Medyo mahirap ho basahin lolo,
malalim ho ang ingles na ginagamit.
Pero interesting ho ang mga characters!

DON IGNACIO
Naku, matutuwa ka sa kabuuan sa
librong iyan. Magaling ang
manunulat niyan!

LENA
Ang galing nga ho, eh. Parang
kahit ako nakaka-relate ako sa
pinagdadaanan ng mga bida.

DON IGNACIO
Talaga? Di ba parang pamilyar sa
atin ang mga values at pag-uugali
ng mga characters? Very relative
siya sa culture nating mga Pinoy.
Although fantasy o fiction siya,
madami siyang cultural undertones.

LENA
Medyo nga po. Ganyan din ang
naisip ko nang nag-uumpisa pa lang
ako sa pagbabasa nito. Pinoy na
pinoy ho ang dating kahit ho ingles
ang pagkakasulat. Kilala ho ba
ninyo kung sino ho itong si
Constancio Madrid?

DON IGNACIO
Naku iha, wala pang nakakaalam kung
ano ang tunay na pagkatao ng
Constancio Madrid na iyan. Isang
malaking misteryo ang kanyang
identity. Pero magaling siyang
awtor ano?

LENA
Opo Lolo. Napakagaling!

DON IGNACIO
Si Enzo ang nagbigay sa akin ng
librong iyan!

The mere mention of Enzo’s name sends shivers to Lena’s
heart. She could not understand why this person, in such a
short period of time, has profoundly affected her.

LENA
Ah, ganon ho ba?

DON IGNACIO
Sana naman at ipagpatuloy mo ang
pagbabasa, Lena. Infinite ang
knowledge na makukuha mo sa mga
libro. Alam mo ba ang tatay ko ay
hindi nakapag-aral ng highschool at
kolehiyo. Ang ginawa niya ay
nagbasa siya at nagbasa ng libro.
Ayun at naging sikat na makata,
playwright at manunulat.

LENA
Kayo ho Lolo, nagsusulat din ba
kayo? Malamang minana niyo ang
talent niya.

DON IGNACIO
Paminsan-minsan, I try. Hindi ako
ganoon ka prolific Lena. Hayaan mo
pag natapos ko na ang aking obra
maestra eh ipapabasa ko sa iyo!

LENA
Talaga ho, tungkol ho saan?

DON IGNACIO
Tungkol sa buhay ko, autobiography.

LENA
Naku, gusto ko po isa ako sa unang
makakabasa nito. Siguro sinulat
niyo ito para kay Lola ano?

DON IGNACIO
Partly, isa siya sa mga dahilan.
Pero alam mo ba ang tunay na dahilan?

LENA
Ano po?

DON IGNACIO
Takot akong magkasakit ng
Alzheimer’s! Yung nauubos ang
memorya mo!

LENA
Katakot nga po iyon.

DON IGNACIO
Kaya habang may alaala pa ako,
sinusulat ko na. Para kahit wala na
akong maalala eh di may record na
ako kung paano ko isinabuhay ang
buhay ko. To preserve my memories.

LENA
Ang galing mo naman, Lolo. Sana
ginawa ko rin yan para nang sa
ganoon di na ako mahirapang magalaala
ng aking nakaraan ngayon.

DON IGNACIO
Di bale Lena, di maglalaon ay
maaalala mo rin ang lahat na mga
nangyari sa iyo.

EXT. MANSION GARDENS - CONTINUOUS

Enzo wakes up from his disturbed sleep. All night long, his
confrontation with Lena has been playing and replaying in
his mind all night.

As he steps out into the gardens, he stretches his arms up
into the air. As he turns, he sees his Lolo in conversation
with Lena. He decides to join in.

ENZO
O, Lolo ang aga naman po ninyong
magising.

DON IGNACIO
Ang batang ito parang di pa sanay
sa pagiging matanda ko.
(shifts to Lena)
Alam mo Lena, pag ang tao ay
tumatanda, nagiging tulog manok na ito.

ENZO
Magandang umaga sa iyo, Lena. Sana
masarap ang naging tulog mo.

Lena felt Enzo’s jibe that she was about to counter but she
did not want to read more into what Enzo said. She remains mum.

DON IGNACIO
Alam mo Enzo, pinahiram ko siya ng
libro mo. Nagustuhan niya...

ENZO
Talaga? Sino ang paborito mong
character?

LENA
Marami...siguro si Isigani...kasi
di siya epal.

ENZO
Talaga? Eh yung bidang si Ivo,
ayaw mo?

LENA
Ayaw ko sa kanya, masyado siyang
cynical!

ENZO
Cynic? Talaga? Pero may reason.
Bakit naging ganun siya, ay dahil
niloko siya ni Isabel!

LENA
Kasalanan pa ngayon ni Isabel? Hay
naku, kayong mga lalake, ayaw niyo
kasing tanggapin na ang mga babae
ay may sariling mga mundo na hindi
umiikot sa inyo. Kapag kayo’y
nasaktan, ang mga babae pa ang may
kasalanan.

ENZO
Huh? You mean to say, dapat
naghintay si Ivo kahit alam niyang
ikakasal na si Isabel kay Isagani.

LENA
Hay naku, dapat lang! Dapat
marunong siyang ipaglaban ang
kanyang pag-ibig! In as much na
gusto ko ang librong ito, I think
ang author na ito, bagamat magaling,
ay isang chauvinist.

ENZO
Chauvinist? Hah! Wow Lena, I
didn’t know you have a talent in
critiquing books? May malawak ka
rin palang nalalaman tungkol sa mga
libro...

DON IGNACIO
Hey stop it, Enzo. That was
uncalled for.

LENA
What did you mean by that? Na wala
akong alam? Hoy mister, kahit
hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo,
masipag akong magbasa...

ENZO
Sorry, that was unfair of me.

LENA
Napaka-typical mo...

ENZO
Typical na ano?

LENA
Typical na lalake. Aminin mo man at
hindi, chauvinist ka din.

ENZO
No way!

DON IGNACIO
She has a point, iho!

ENZO
Lolo naman, ako ang apo ninyo,
dapat ako ang kampihan niyo.

DON IGNACIO
Ha ha ha, parang apo ko na rin
itong si Lena! And besides I like
her, kasi palaban pala itong batang
ito. You surprise me more everyday,
Lena.

LENA
Hindi naman ho, Lolo. Ayaw ko lang
hong naaagrabyado. At ang pinakaayaw
ko po sa lahat ay iyong pinagiisipan
ako ng masama ng mga taong
madudumi ang utak!

ENZO
Besides being a fabulous book
critic, what other talents do you
have up your sleeve, Lena? Maybe
isang araw, magugulat na lang kami
at marunong ka palang tumulay sa
alambre o kaya bumuga ng apoy...

LENA
O kaya mag castrate ng mga
chauvinist pigs?

Lena raises an eyebrow to Enzo. Enzo was more amazed than
angry. Lolo Ignacio meanwhile is in fits of laughter.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description Will read soon
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
hyojungx
#4
Greaaaaaat