Caramel Macchiato [1]

Caramel Macchiato

Caramel Macchiato [1]

(Taste of Love)

 

Keira's POV

Madaling sabihin pero mahirap gawin, pero hindi naman ako nahihirapan, sya lang tong tatanga-tanga at hindi magets ang sinasabi ko. "Jin..."

 

"Yes, Keira my princess?" hindi ako kinikilig kasi yan na talaga ang tawagan namin since then. Ganyan talaga yang si Jin, maloko, mapagbiro kagaya ng mga kabarkada nya.

 

"Princess mo mukha mo, ikaw nga tong bakla dyan." tinuro ko yung pink nyang disney princess na pamaypay na kanina pa nya pinaglalaruan.

 

Niyakap nya ako, "Kapag ba hinalikan kita di mo na ako aasaring bakla?"

 

"YUCK!" sabay alis ko sa pagkakayakap nya. "Nakakailang kaya..." pero in some ways kinikilig ako. Hehe.

 

Ilang araw na mula nung nagtapat ako sa kanya. Oo, gusto ko siya, pero bakit ganun? Bestfriend pa rin ang tingin nya sa akin? Ano bang problema sa mukha ko? Maganda naman ako ah!

 

"Hahaha! Hanggang ngayon ba naman e dala mo pa rin yang joke mo? Hahaha! Incharacter ka ngayon ah. May balak siguro mag-artista ang princess ko." sabay pisil nya sa pisngi ko.

 

"Ouch!" hinipo ko yung pisngi kong pinisil nya, "Hindi naman kasi talaga ako nagjojoke."

 

Pero walanjo, umalis na pala siya sa tabi ko at inentertain na naman nya ang barkada nya. "OY!" nanakbo papunta sa akin si J-Hope. Isa sa pinakamakulit sa grupo nila.

 

"Hi J-Hope." sagot ko sa kanya. Wala ako sa mood makipag-usap kasi ginagago lang ako ng bestfriend kong manhid.

 

"Bakit malungkot si Keira bebe? Anong ginawa mo Jimin?" tanong ni J-Hope.

 

Tinuro ni Jimin ang sarili nya, isa sa mga barkada ni Jin, "Ako? Anong ako? E di ko pa nga siya nilalapitan eh. Hoy Jin, anong drama ng bestfriend mo?"

 

"Wala, nasaktan kasi siya sa pagpisil ko sa cheeks nya. Parang ganto." pinisil ni Jin ang pisngi ng nananahimik na si Suga.

 

"AAAARRAAY NAMAAAAN!" reklamo ni Suga.

 

"Tsk.tsk. Kaya naman pala nagalit, kasakit mo naman kasing mamisil ng pisngi eh." sabi ni JHope.

 

Sakto naman at dumating sina Namjoon, V at Jungkook. Heto na naman ako't magsasoundtrip na lang. Nakakainis kasi ang presence ni Jungkook, never siyang nagsasalita, lagi nya akong iniirapan tapos akala mo kung sinong pogi! E napakapogi naman nya. Pero hindi ko talaga siya feel. Isa pang dahilan kung baki mas pipiliin ko na lang makinig ng music kasi ang dakilang bestfriend kong si Jin, aasarin na naman ako.

 

And speaking of the devil, "Keiraaaaa! My pricessitaa! Si bebe Jungkook mo nandito naaaa!" sigaw nya. Umupo siya sa chair sa tapat ng table ko. Pabaliktad yung upo nya, nakapatong yung ulo at braso nya sa sandalan tas nakabukaka siya't nakaharap sakin. Tss. Naiimagine nyo ba?

 

"Problema mo?"

 

"Ay ang sungit! Bagay talaga kayo ni Jungkook!" eto na naman siya, pinagpipilitan ako sa lalaking hindi ko naman gusto, e siya yung gusto ko eh. Bakit ba ayaw nya kasing maniwala?

 

"Jungkook!" sigaw nya. Nanlaki ang mga mata ko't tumaas ang presyon. Anong binabalak nitong lalaking 'to?

 

Tumingin ako sa direksyon kung saan nakaupo si Jungkook at nakita ko siyang tumingin sa akin. Ay amfuu talaga ni Jin oh!

 

"Jin naman!" reklamo ko. Pero havey na havey ang reaksyon nya. Sobrang lakas ng tawa nya, "Ayan, napansin ka na ng ultimate crush mo! Ang pogi nya no?"

 

Oo. Alam kong pogi siya pero mas pogi ka Jin sa paningin ko. Sa puso't isipan ko, bow.

 

"Biruin mo yun, kung magiging boyfriend mo si Jungkook, sikat ka na rin. Wala namang mali sa'yo eh. Maganda ka naman." tapos tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, "y..."

 

Tae ka talaga Jin!

 

"At matalino! Maalindog ba. Hahahahaha!" napatakip siya ng bibig pero kitang-kita sa pagkachinito ng mata nya ang hagikhik at ligaya. Pansamantala lang yan Jin, baliw ka talaga!

 

"Bastos ka talagang panget ka!" inagaw ko sa kanya ang pamaypay nyang disney princess at hinampas-hampas ko sa ulo nya.

 

"Aww!" tinakpan nya ng kamay nya ang buhok nya, "Keira naman! Isang oras~Aww!~ kong inayos tong buhok~aray naman! ~buhok ko, wag mo sirain!"

 

"Ahh ganon? E pano kung sabihin ko sayong ang pasensya ko'y matagal ko nang ginagamit sayo at patuloy nang naubos? May magagawa ka ha?!" pinaghahampas ko lang siya ng pamaypay. Asar talaga tong lalaking 'to.

 

"AWW. Ang brutal na bestfriend." sabi ni Namjoon. Tumango sina Jimin, Suga, at JHope at si V. Samantalang deadma to the max ang lalaking si Jungkook. Tss! Hindi ko talaga siya type!

 

"Tama na! Uy masakit!" nagulat ako nang hawakan nya ang dalawa kong braso. Magkatapat na magkatapat kami ngayon. "Sabi ko naman kasi tama na eh. Ang kulit mo." namumula ang mukha nya marahil sa paghampas ko sa kanya pero yung itsura nya napakaseryoso. Lubdub~~lubdub.~ bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

 

"Sorry~" sagot ko. Tapos ay bumitaw na siya.

 

Tinignan nya yung pamaypay nya, "Ayan tuloy nasira na. Kasi naman eh.."

 

Imbes na sarili nya ang intindihin, sa pamaypay pa siya talaga nag-alala ah? Kakaiba talaga 'tong bestfriend ko. Kaya mahal ko siya eh...

 

"Sinabi ko naman kasi tama na eh! Ang kulit mo." habang inaalala ko yung mga sinasabi nya, napapangiti na lang ako sa ere. Hindi ko napapansin ang pagdaldal ng prof namin dahil boring naman ang klase nya at mas worth it pa na magdaydream ako kesa sa makinig sa paulit-ulit nyang "noh" at "di ba?" saka mga lumang storya nya noong panahon pa ng Hapon, yung mga kwentong chingchong-chingchang...

 

Tumingin ako sa right side ko. Nakaupo banda doon si Jin, malapit sa book shelf. Nakatalikod siya sa akin, kasi third row siya nakaupo at kami sa fourth row. Kasama ko sa fourth row itong tigang na heartthrob na si Jungkook. Pwe!

 

Background about him? Wala akong masyadong alam kasi masyado siyang tahimik. Number one isnabero, number one magpakilig at number one mambasted ng babae yan. Naalala ko yung pinakasikat ng heartthrob na babae, basta yung counter part nyang girl e nagtapat sa kanya nung V-Day. Well, hindi V as in Taehyung pero V as in Valentines day. Tapos ang balita ko raw e nireject nya. Hindi lang basta rejected. Nakatanggap pa ata ng masakit na salita yung babae, ganto pa nga raw pagkakasabi, "Hindi bagay sa babae ang manligaw. Kung sa inyo umuubra yan, sa akin hindi. Sinayang mo lang yang chocolates. Sana pinambili mo na lang ng gatas ng baby mo." sabay walk-out.

 

Ganun, bitter nga raw si ateng kasi wala pa naman daw siyang anak e, sinabihan siya ng ganun. Buti nga siya sinabihan ng ganon, e ako? Sa clinic pa lang dito sa school magpapacheck-up , tanungin ba naman ako nung doktor, "May allergy ka ba? Kailan huling menstruation mo? Nanganak ka na ba?"

Oha? Tanungin ba naman kung kelan ako nanganak? Nahiya naman flat stomach at birheng maria ko sa kanya?!

 

Muli akong tumingin kay Jin, ang pogi talaga ng likod nya. Kahit likod lang nya nakikita ko ngayon, pati ang batok nya, kinikilig ako. Tapos yung shoulder length pa nya, grabe ang broad. Tas ang hot pa tignan sa kanya nung medyo fitted na whitr school uniform na long sleeves na may kurbata. Ihhhhh! Ang pogi lang talaga!

 

Well, punta na tayo sa realidad... Noong matapos ang sermon ng pari, ay, ng prof namin pala, syempre break muna. "Jin." tawag ko.

Lumingon siya sa akin, "Bakit?"

"I love you." sabi ko sa kanya.

"EH?!" gulat na gulat si J-Hope pati na rin si V.

 

Alam kong babale-walain lang ni Jin ang mga sinabi kong ito. Lagi naman siyang ganyan. Ang akala nya, lagi akong nagjojoke. Hindi ba pwedeng maging seryoso naman ako minsan?

 

"I love you too my princess! Nako, ang bestfriend ko, masyado kinareer. Hahaha! Dapat hindi mo sa akin sinasabi yan. Kay mister pogi mo dapat sinasabi yan di ba?" lumingon si Jin kay Jungkook pero dala na nito ang gamit nito't naglalakad na palabas ng room.

 

Tumigil ito sandali, "Hindi dapat sinasayang ang oras sa mga walang kwentang bagay." cold na sabi nya.

Napalunok naman si J-Hope at Jimin.

 

"Nako! Tinopak na naman si Jungkook." napakamot ng ulo si V.

 

"Lagi namang may topak yun eh. Ano? Practice na tayo?" tanong ni Namjoon.

 

"Ah, Keira!" tawag ni Jin.

 

"O?"

"Magpapractice lang kami. Di ako makakasabay sayo. Nagtopak yung boyfriend mo eh." Sabi sa akin ni Jin at lumabas na rin siya ng room dala-dala yung mga gamit nya, ganun na rin sina J-Hope at V na nagflying kiss pa sa akin kunwari kasama sina Suga, Jimin at Namjoon.

 

Mag-isa na naman akong kakain, may practice practice pa kasi sila para sa performance nila sa arts appreciation. Leader nila si Namjoon tas isa sa lead dancer nila si Jungkook. Pero isa rin sa pinakabilib ako sumayaw e si J-Hope, kahit pa medyo may sayad yun sa utak. Haha.

 

--------------------------------

Dismissal time, eto nga-nga pa rin. Di raw sasabay sa akin si Jin kasi may practice pa sila. Sinabi kong hihintayin ko na lang siyang umuwi pero ayaw nya, mababagot lang daw ako. Pero ako, si tigas ang ulo, hinintay pa rin siya dito sa may gate ng school. Mabuti na lang at may mga upuan dito.

"O? Keira bebe, you're here!" bati ni V sa akin.

"Maaga kayo natapos ata?" tanong ko.

"Ahhmmm~~" napahawak siya sa batok nya, "Actually, hindi ako aattend ng practice kasi may appointment family namin."

Ohh, akala ko pa naman makakauwi na kami ng maaga ni Jin.

"Si Seokjin?" tanong ko.

"Nako, mamaya pa yon! Hinihintay mo ba siya?"

"Oo eh, sabay sana kami. Sana~"

"Text ko na ba?" at kinapa sa bulsa nya ang cellphone nya.

"Naku wag-wag! Magagalit kasi yun."

"Ahh~" napangiti si V ng kaunti, "Alam ko na! Hinihintay mo siya kahit isnabi nyang wag mo na siyang hintayin?" tumango ako, "how sweet?!" asar nya sa akin.

"Baliw 'to."

"Hahaha! Ay oo nga pala, si Jungkook nga pala type mo di ba?" tanong nya.

"Hindi no! Si Jin lang nagsabi non!" pagtatanggi ko.

"Ay ganun?" gulat nya, "E di nga? Pogi naman si Jungkook pero mas pogi ako dun eh."

"May sayad ka rin eh no?" biro ko sa kanya.

"Hahaha. Di naman, sinasabi ko lang ang totoo. Pero .. Aissh! Nevermind. Hinahanap na ako sa bahay. Sige na! Bye! Goodluck sa date nyo ni Seokjin!" sigaw nya habang nanakbo papalabas ng gate.

"Baliw! Hindi kami magdedate nung bugok na yun!" sagot ko naman. Hindi kaya nakahalata na siya? Sabagay, wala naman akong dapat ilihim kasi gusto ko naman talaga si Jin eh. Si Jin lang itong hindi ko maintindihan.

 

After few hours...

 

"Nakakapagod talaga."

"Kain kaya muna tayo. Hoy Park Jimin!" nung marinig ko yung pangalan ni Park Jimin, napabangon amg ulo ko. Inantok na kasi ako sa kahihintay eh.

 

"Uy pare." siniko ni Suga si Jin at nginuso ang direksyon ko. Tumingin si Jin sa akin at nanlaki ang mata. Lumapit siya sa akin.

 

"Hello." bati ko.

"Di ba sinabi ko sayong umuwi ka na?" Malamig nyang sabi sa akin. Wait, anong nangyayari kay Jin? Di naman siya ganto sa akin ah! Baka dahil pagod lang siya? Ganun na nga siguro.

 

"Pre, easy, babae kausap, si Keira pa yan." sabi ni Namjoon.

"Ahh, kasi hinintay talaga kita eh, sorry." sagot ko.

 

 

"Yun naman pala, hinintay ka, edi may kasabay ka na Jin." sabi ni Jimin.

 

"Sinabi ko di ba na wag mo akong hintayin dahil late na ako uuwi? Bakit naghintay ka pa?" muling tanong nya sa akin. Te-teka. Nabibigla ako sa mga binibitiwan nyang salita. Bakit ang sungit nya ata?

 

"Kasi~~"

 

"Pagod lang yan Jin, itulog mo pag-uwi ng bahay. Wag mo ibuhos sa bestfriend mo." sabi ni J-Hope.

 

"Oo tama, di ako dapat magalit sa BESTFRIEND ko." AWW.

 

Tama ba yung narinig ko? Bestfriend? Bestfriend? Oo, alam ko bestfriend nya ako pero bakit ganun kasakit? Dahil ba one-sided love lang ang nararamdaman ko? Ganto ba ang feeling ng ma-Bestfriendzone?

 

Napayuko ako, hindi ko alam na may tumulo nang luha sa bag ko. Shems. Yung mga mata ko. Bakit ganto? Automatic na lumalabas ang tubig sa mata ko. Asar naman oh!

Napatingala ako nang may marinig akong kumalabog sa harapan ko. Si Jin...

 

"JIN!" sigaw nina Suga at J-Hope.

Hawak-hawak naman ni Namjoon sa braso si Jungkook. Naging tagapamagtinan naman si Jimin sa dalawa.

Napahiga si Jin sa sahig at nagdurugo ang labi nito. Medyo napaupo siya at pinunasan ang dugo sa labi nya, "aww!" mahina nyang sigaw.

 

"Ano bang problema mo?" tanong ni Jin kay Jungkook.

"Ikaw ang may problema. Di mo ba nakitang umiiyak na yung kaibigan mo? Kung importante sya sayo wag mo syang paiyakin. Nakakainis! Minsan magpaka-lalaki ka nga!" sigaw ni Jungkook.

 

Tumingin sa akin si Jin pero iniwas ko ang mga mata ko't yumuko. Sakbit-sakbit sng bag ko'y nagmadali akong lumabas ng gate pauwi. Bakit ganto? Bakit ganun ang nangyari? Naguguluhan ako. Ganto ba ang storya ng isang babaeng nagkagusto sa bestfriend nyang hindi sya pinapansin instead, inaasar pa siya sa lalaking hindi naman nya kilala at ngayon ay parang pinagtanggol siya dahil sa katangahan ng bestfriend nya? Ganun ba yun? Ang gulo eh.

 

Pumunta ako saglit sa may puno ng cherry blossom malapit sa ilog. Umupo ako ako sa bench sa ilalim nun saka nagmuni-muni. Hindi ako pwedeng umuwi ng mga ang mata, baka kantsawan lang ako sa bahay na iyakin.

 

----------------------------

 

Third Person POV

 

Kapwa mainit pa rin ang ulo ng dalawa. Maski ang madadaldal na sina J-Hope at Jimin ay hindi makapagsalita.

 

"Kapag pinagpatuloy mo pa yan, baka hindi lang yang abutin mo sa'kin." sabi ni Jungkook. Nakatanggap siya ng batok mula kay Namjoon. "AISSH!"

 

"Wag ka na kasing magsalita. Gusto mo bang magkawatak-watak tayo? Bukas na kaya ang performance." sabi ni Namjoon sa kanya.

 

Hawak ni Jin ang pisngi nya. Gustuhin man nyang gumanti ay hindi na lang nya ginawa. "Bakit? Kapag ba inulit ko yon? Anong gagawin mo?"

 

Lumingon si Jungkook kay Jin at tinitigan ito mata sa mata, "Baka agawin ko sa'yo ang bestfriend mo."

"Aba loko to ah!" napatayo bigla si Jin at nakatikom na ang kamao nito. Mabuti na lamang at nayakap siya nina J-Hope at Jimin kaya napigilan nila.

 

"Tss. Magagalit ka ngayon? E ikaw nga tong pinagpipilitan siya sa akin." natahimik bigla si Jin. Tama ang sinabi ni Jungkook, lagi na lang kasing inaasar ni Jin si Keira kay Jungkook. "Saka cute siya, maganda, matalino at mabait. Lahat ng characteristics siguro sa isang babae e nasa kanya. Kaso mas trip ko yung mga babaeng 2D. Kaso 4D siya eh, pero mapagtatyagaan na. Yun naman yung naging charm nya."

 

Umupo si Jin habang pinapaypayan siya nina J-Hope.

 

"Alam nyo, itulog nyo na lang yang dalawa, kasi ako gutom na gutom na." tinapik sila ni Suga sa balikat. "Bukas ang sayaw at kanta, ayusin nyo."

 

Kapwa tumango naman ang dalawa.

 

-----------------------------------------

 

Keira's POV

 

Since grade six gusto ko na si Jin. Yung mga happy thoughts namin nung bata pa kami. Yung nagsheshare kami ng mga pangarap namin. Ang sabi nya gusto nya pumunta ng ibang bansa tas magtraining daw don para gumaling siyang kumanta at sumayaw. Tapos ako naman pangarap kong maging journalist. Pero malabo yun dahil ibang course ang kinuha ko. Hahaha!

 

"Caramel Macchiato for my princess Keira!" may tumambad na cold Caramel Macchiato sa harap ko. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng 'my princess' alam kong siya yun.

Kinuha ko yung caramel macchiato at tumingin sa kanya, "Sorry kanina." sabi nya saka umupo sa tabi ko.

 

"Sabi nila sweets raw dapat ang ibigay sa babae kapag galit siya." sabi nya sa akin.

 

"Hindi naman lahat ng babae ganun ang gusto." sagot ko. "Sya nga pala, ang sugat mo." itinuro ko yung gilid ng labi nyang may sugat. Tapos ay tinikman ko na yung sinasabi nyang Caramel Macchiato. Pangalan pa lang mukhang matamis na.

 

"Ahh. Ito ba? Di ko pa nga nagamot eh. Teka!" inilabas nya sa bag nya ang isang plastic na may lamang medical supplies. "Dumaan muna ako sa botika kanina bago bilhin yan. Ano masarap ba?"

 

"Ito?" tanong ko. "Hmm.." humigop ako ng kaunti, "Oo. Medyo, pwede na."

 

"Hala grabe! Parang sinabi mo ring mapagtatyagaan na!" disappointed ang itsura nya na parang naasar. Hahaha! Ang kulit lang.

 

"Ako na gagamot dyan." pagvovolunteer ko saka ko inagaw ang plastic sa kanya. Binitawan ko muna yung caramel macchiato.

 

"Wait."

 

"AWWWW!" sigaw nya pagdampi ko ng betadine sa sugat nya.

 

"Hindi mahapdi yan, wag-OA!" sabi ko.

 

Nagulat ako nang abutin nya yung caramel macchiato at humigop dito, "Hmmm... Masarap!"

"Huy, bakit mo ininuman?" tanong ko.

 

"Titikman ko lang, ako kaya bumili." tapos inabot nya sakin.

 

"Ewww!"

 

"Ayaw mo nun, indirect kiss?" dapat ba akong kiligin? Pero oo kinikilig ako kahit malaki atraso nya sa akin kanina.

 

"Oo nga pala, paano mo ako nahanap?" tanong ko.

 

"Tinatanong pa ba yan? Hindi ba obvious na sa tuwing malungkot ka at kailangan mo ng kausap lagi mo akong tinatawagan noon at pinapapunta mo ako rito? Hahaha! Naging saksi na nga itong punong 'to sa mga kwento mo eh." Oo nga pala...~ tss. Bakit ba automatic na pumupunta ako dito kapag malungkot ako?

 

"Kabisado na kita. Hahaha!" tawa nya. Kung kabisado mo nga ako Jin, bakit hindi mo alam kung totoo nga ba ang sinasabi ko sa'yo o hindi? Bakit hindi mo ramdam na mahal kita?

 

Noong matapos kong gamutin yung sugat nya, "Keira...."

"Bakit?"

 

"Aalis ako ng bansa." sabi nya.

 

"Anong klaseng joke yan?" imposibleng umalis siya no. E takot sa eroplano yan eh.

 

"Hindi ako nagbibiro." may hinalungkat siya sa bag nya saka may inilabas na papeles.

 

"VISA pa -US?" tanong ko. Totoo ba itong nakikita ko? Teka, masyado naman atang mabilis?

 

"After a week aalis na ako."

 

"Pero bakit?" tanong ko. Bakit nya kailangang umalis? Bakit biglaan? "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" Papaiyakin ba na naman nya ko? Lagi na lang ganto? Ano bang araw ngayon? Bakit napaka-fail ng araw na ito? Friday the thirteenth ba? Pero Tuesday ngayon eh. Imposible.

 

"Keira, kasi ayokong malungkot ka. Babawasan ko yung kalungkutan mo sa ilang taong pagkawala ko sa bansang ito."

 

"Para namang walang facebook or twitter, or kahit anong social networking sites dyan." pagdadahilan ko.

 

"Baka hindi rin ako makagamit nun." sabi nya.

"Eh?"

"Magtetraining ako for five years sa US. Matutupad ko na ang pangarap ko. Mahigpit dun eh." ngumiti siya ng kaunti. Alam kong malungkot siya para sa akin. Syempre, kakaamin ko lang sa kanya na gustong gusto ko sya tapos biglang sasabihin nyang malapit na pala siyang umalis. Tanga lang di ba?

 

"Ganun ba?"

 

"Sorry sa mga sinabi ko kanina, kaya ko nagawa yon kasi... Gusto ko mapalayo ka sa akin. Pero hindi ko kaya."

 

"Wait! Bakit mapalayo?"

 

"Sinusubukan ko lang naman, para incase na aalis ako e hindi ka na affected. Kapag nataboy na kita edi hindi na tayo close, wala ka nang pakialam sa akin. Ganun, pero hindi ko kaya." tinignan nya ako sa mata pero agad kong iniwas mata ko sa kanya saka ko kinuha yung caramel macchiato at humigop nun sa straw. ERRK! Ininuman nga nya pala 'to! Whooo~ bakit ang init?!

 

"Keira.."

 

"O bakit?"

 

"Hahahaha! Baliw ka talaga." ginulo nya yung buhok ko.

 

"Anu ba?!" reklamo ko saka inayos ito ng kaunti.

"Hahaha! Hindi ko pala kayang itaboy ka. Saka di ba sinabi mo na mahal mo ako?" halos mabilaukan ako sa tanong nya.

 

"UHEM~~EHEM!" pukpok ko sa dibdib ko.

 

"Okay ka lang?" pag-aalala nya.

 

"Oo okay lang ako, may pumasok atang ice cube sa lalamunan ko. Hehe" sagot ko naman.

 

"Hahaha! Ice cube? Kasya ba yun sa straw?" tanong nya.

 

"Pagbigyan mo na ako, minsan lang." sagot ko saka humigop muli ng konti.

"Kasi.. Keira..."

 

"Ano ka ba, wag mo na sabihin yon baka mabilaukan ulit ako. Saka hindi ka naman naniniwala dun di ba?" sige ikukumbinsi kitang joke lang yon kahit hindi.

 

"Naniniwala ako no. Di ba sabi ko sayo kilala kita. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at kung kailan hindi. Matagal na tayong magbestfriends eh." tama, tama siya. Bestfriends nga di ba? Beeeesssstttfffrrrieeenddssss...

 

"Natakot ako." matipid nyang sabi.

 

"Natakot saan?"

 

"Paano kasi kung maging tayo? Tapos kapag nagbreak magiging awkward na. Edi hindi na tayo magiging friends? Or kahit bestfriend? Yun yung problema ko eh... Kaya rin pinipilit kita dun sa lokong Jungkook na yun. Para mabaling atensyon mo sa kanya pero wala eh."

 

"Anong ibig mong sabihin?" may tamang hinala kaya ako?

 

"Hmmm. Gusto rin kita. Mahal kita kaso yun nga... Ewan ko... Hehehe. Saka umiwas ka dun sa lalaking yun ah! Kapag pinormahan ka, wag mong sasagutin. Tas kapg tinanong ka kung pwede ba siyang manligaw, sabihin mo hindi pwede. Sabihin mo, "mahal ko si Jin, bawal manligaw ang epal." Ganun dapat ha? Promise mo yan?!"

 

Matatawa na ba ako o hindi? Kikiligin na ba ako o hindi? Hahahaha! Nagseselos ba siya? Wala naman siyang dapat ipagselos kasi siya lang naman talaga ang mahal ko eh. "Hoy nakikinig ka ba sa mga bilin ko?" tanong nya ulit.

 

"Opo. Ang kulit-kulit!" sagot ko naman.

 

"Okay. At least may panghahawakan ako pagbalik ko dito." sabi nya.

 

Gusto nya ako at gusto ko rin siya. Ganto pala feeling kapag mutual kayo sa isa't isa. Ang sarap naman marinig yung mga sinabi nya kanina ng paulit-ulit...

 

"Jin.. Ulitin mo nga."

 

"Yung ano?" tanong nya.

 

"Yung gusto mo ako... Dali na!" request ko. Minsan lang ito kaya sinusulit ko na.

 

"Sa ibang araw na lang kasi inaantok na ako saka gabi na, umuwi na tayo..." sabay ayos nya ng gamit nya at sukbit ng bag nya.

 

"Madaya!"

 

Tumayo siya ng bench at naglakad na..

 

"Sandali naman!" sigaw ko. "Uulitin mo lang yung sinabi mo di mo pa magawa?" habol ko sa kanya.

 

"Next time na lang kasi.."sagot nya.

 

"Baliw. Sige na!!"

 

"AISHHHH! Oo na!" humarap siya sa ilog tapos tumingin sa kanan at kaliwa, "I LOVE YOU KEIRAAAAA! WAG KA MAGPALIGAW KAY JUNGKOOK! BABALIK AKO! HINTAYIN MO AKOOOO! I LOVE YOU, I LOVE YOU, I LOOOVEEE YOUUUU!!!"

 

Kinabukasan, nagperform na sila...

 

 

[Baby baby geudaeneun caramel macchiato

Yeojeonhi nae ipgaen geudae hyanggi dalkomhae

Baby baby tonight]

 

Baby baby, you're a caramel macchiato

Your scent is still sweet on my lips

Baby baby tonight......

 

Nagtilian sa klase dahil part ni Jungkook yan. Syempre, konting pacute na ewan. Napangiti rin ako sa ginagawa nila pero nakita kong matalas tingin sa akin ni Jin kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kanya tas nag heart sign ako. Ngumiti naman siya sa akin pabalik.

 

Matapos ang mahabang rap at slow dance nila... Dumating na rin sa wakas ang part ni Jin..

 

[Baby baby geudaeneun café latte hyangboda

Pogeunhaetdeon geu neukkim gieokhago innayo

Baby baby tonight]

 

Baby baby, you were warmer than the scent of a cafe latte

Do you remember that feeling?

Baby baby tonight

 

Ang cute cute ng boses nya~ hahahaha! Pati yung pisngi nya ang tambok. Sarap pisilin. Yung mga ngiti nyang tinetreasure ko for how many years... Tanggap ko naman na aalis siya eh, ang importante, sinabi nyang mahal nya ako.

~~~~~

Nakakamiss na nga eh... Sakto ilang taon na rin.. Exactly five years after nyang sabihin yun. "Hello?" sagot ko sa cellphone ko.

 

"Nasaan ka ngayon?"

 

"Coffee Shop, tinatapos yung work ko bakit?" tanong ko kay Jungkook. Naging close na kami after ng performance nila. Hindi naman pala siya ganun kasungit. Medyo nafifeel ko ngang may gusto sya sa akin.

 

"Ahh, settled na pala yung lugar, gusto ko lang malaman mo.." sabi nya.

 

"Okay, what time?" tanong ko.

 

"Sige lilinawin ko ah, 7pm tomorrow night okay ba?" tanong nya.

 

"Oo, sige malinaw na. Haha."

 

"Sige, kailangan nandun ka na kasi minsan lang lumitaw yun sa appointment eh. May topak yung iinterviewhin natin." sagot nya.

 

"Haha. Halata naman kasi gabi sya kung lumabas, baka habulin ng paparazzi." sagot ko naman.

 

"Sikat raw kasi. Hahahaha!" napangiti ako sa pinag-uusapan namin. May iinterviewhin kasi kaming theater actress, para sa documentary namin ni Jungkook. Partners in crime kasi kami. "Sige na, busy ka ata. Bye!"

 

Tapos ay ibinaba ko na yung phone.

 

 

"Caramel Macchiato for Jin!" nabaling ang tingin ko sa may cashier ng coffee shop. Ako na ata yung tinatawag nya. Three times a week kasi ako tambay rito at yan ang inoorder ko. Ang caramel macchiato. And speaking of Jin, yun yung name na ginagamit ko kunwari kapag tatawagin ka para kunin yung order mo. Hahaha! Syempre introduced by Jin yun eh.

 

Lumapit ako sa cashier at hinawakan na yung kamay, wait. Kamay? Oo may nakahawak kasi sa baso ng caramel macchiato ko. Kumulo ang dugo ko kayatinitigan ko siya ng masama, mang-aagaw!

 

Pero hindi...

Si... Ano..... "Jin? Ikaw ba yan?"

"Long time no see my princess!" bati nya sabay ngiti sa akin. Binitawan nya yung caramel macchiato. "Jin ka pala ah..."

Oh no! Mamumula na ata ako sa kahihiyan nito... "Ano kasi...." sabi ko.

 

 

"I miss you." narinig kong bulong nya.

Tapos ay niyakap nya ako ng mahigpit....

 

 

"One Cafe Latte for V."

 

the end.

--------------

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_jeonchi #1
Chapter 1: Ok~ Natanga ko dun sa JinKook~ LOL.

JIN I HATE YOU~ BIAS LIST WRECKER^^

Gawa ka pa murrr~
_jeonchi #2
OMG JINKOOK~??? OMGE ~ tapusin natin to~ PUYATAAANN~