Portin-ey.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya“Yana,” tawag sakin ni Jungkook nang nakabungisngis, sabay upo sa tabi ko.
Tinanguhan ko siya bago ko binalik ang atensyon ko sa bag ko. “Uy, aga ah.” Comment ko na din.
Ang aga pa talaga, aatakihin na agad ako sa puso. Umagang-umaga ba naman kasi babatiin ka niya nang bagong ligo at bagong toothbrush, tapos halatang fresh pa yung wax na nilagay niya sa buhok niya at saka yung amoy ng uniform niya na parang kakaahon lang sa batya ng diluted na Downy.
Tapos, unang-una ka niyang papansinin at tatabi pa siya sayo kahit hindi naman sa tabi mo ang pwesto niya. Tapos, wala. Nakangiti lang siya sayo habang pinapanood ka niyang mag-ayos ng gamit.
Yung tipong nakakapraning kasi parang mape-pressure ka na mag-isip ng magandang topic kasi kung hindi baka isipin niyang hindi ka interesado o na boring ka.
Yana, ano ba talagang gusto mong mangyari? Umayos ka nga!
Nako, binubulyawan nanaman ako ng defense mechanism ko. Nagsa-slideshow pa sa utak ko yung Facebook post niya nung Biyernes at yung mga supportive comments ng mga barkada nila. Kung bakit ba naman kasi binasa ko pa.
“O, anong atin?” Mala-mayor kong tanong. Casual kunyari, kahit medyo rattled na ko deep inside.
Nakakaloko yung bumungisngis lang muna uli siya nang ilang segundo bago niya sinagot yung tanong. “Nag-survey ako kung sinong may crush sa’yo.”
Napahinto ako sa ginagawa ko, saka ako napailing. “Talaga ‘to, o. Nang-aasar nanaman.”
“Uy, hindi ah! Legit ‘tong information gathering ko.” Pilit pa niya habang nakangiti pa rin nang wagas. Tapos, pumangalumbaba pa siya sa desk ko habang nakatingin sakin.
Parang hindi ko alam ang mararamdaman ko.
May habagat, Monday nung nakaraan. At dahil habagat lang, naging malabo ang terms para sa suspension of classes. Kaya naman walang choice kundi pumasok. Inisip ko na lang bilang pampalubag ng loob na swerte na lang din ako dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin sa school kung sakali.
Eh nung bandang 10AM, malakas na talaga yung ulan kaya minabuti na nilang i-suspend ang klase. Kaya lang, sabi ko sayang naman kung hindi ko pa tatapusin yung long seatwork sa Math. Alam ko kasing tatamarin na ko pag inuwi ko pa yun at baka hindi ko na magawa. Kaya napagpasyahan kong mag-stay kahit nag-uuwian na sila. Naisip ko ring magpatila nang konti para hindi naman ako susugod sa ulan. Eh ang kaso, mas lalo pang lumakas ang ulan kaya na-stranded ako sa classroom.
Nalaman kong ganun din pala si Jungkook nang mapadaan siya galing sa ballet room. Sumulyap siya sa classroom namin at huminto nang makita niya ko sa loob. Nagulat pa nga ako nang mapansin ko na may nakatayo sa may bintana. Tapos, nang hindi siya nagsalita at tumitig lang siya sakin nang nakangiti nang slight, saka ko na-realize. Yun nga pala yung araw na magsisimula yung deal namin. Dahil nga naka-oo ako do’n, sinakyan ko na lang at tinitigan ko rin siya pabalik.
Awa ng Diyos natagalan ko. Mga twenty seconds din yun, ha! (Panis.) Pero habang nakatingin ako sa kanya, hindi ako naka-focus sa kaba ko. I was thinking of just how considerate he is, for him to play out of character for some classmate of his. On the one hand, ang cool lang niya, pero on the other, something about it kind of unsettled me.
Hindi ko na naisip nang mabuti kung bakit nang ngumiti na siya nang todo at tinapos yung staring battle namin. Pagkatapos no’n, pumasok na siya sa classroom at nakipag-apir sakin. “Libre kitang ice cream kasi nanalo ka,” sabi niya. Umupo na siya sa tabi ko at nagtanungan kami pareho kung bakit pa kami nasa school.
Nagpaiwan pala siya para magtraining pa nang konti. Ang akala ko naman hindi siya pumasok talaga kaya namin siya nakita buong umaga. Maski nga si Jimin at si Tae nagsi-uwian na.
Sabi niya, sabay na lan
Comments