Chapter 1

Mr.Player Meets Ms.Boyish Chick

*poke*

*poke*

*poke*

"Hnnnn, ano ba 'yan, ang aga aga pa eh.."

"ANONG MAAGA! TRISHA NAYEL VENTURANZA! BUMANGON KA DIYAN AT NGAYON ANG UNANG ARAW MO SA SHOP!"

 

Nagulantang at nagising ang buong diwa ko sa lakas ng boses ng kuya ko. Yup, I have a Kuya, my one and only Kuya, Russel Venturanza.

Tumingin naman ako sa orasan at mas lalo akong nagulantang at napatayo ako sa kama dahil 8:45 am na!!!


 

"WAAAAAAAAHHHHHH!!!! BAKIT HINDI MO AKO GINISING NA MAAGA! 15 MINUTES NALANG! LATE NA AKO!!!" Sigaw ko sa kuya ko habang tumatakbo sa loob ng kwarto dahil hinahanap ko yung twalya ko. Nung nakuha ko ng 'yung twalya, dumeretso agad ako sa banyo at naligo na. Habang naliligo ako eh narinig ko naman si Kuya na sumigaw...


 

"KANINA PA KAYA KITA GINIGISING! TSK TSK TSK, MASIYADO KASING TULOG MANTIKA!"


 

Naku, pasalamat siya nasa loob ako ng banyo kundi isang malakas na batok ang aabutin niya sakin. Tulog mantika daw? Hindi ah, napuyat lang ako kabagi at nakalimutan i-set yung alarm clock ko.


 

Teka nga, nagtataka ba kayo kung bakit ganun nalang ang reaksyon ko nung nalaman kong 8:45 na? Ganito kasi 'yun, my mom told me na kailangan ko daw siyang tulungan sa mini clothes shop namin. Bakit? Para daw hindi ako laging nakabilad sa araw o kaya naman nakakulong sa bahay. Tss, kahit ayaw ko, wala akong choice dahil kung hindi ko siya tutulungan, wala akong allowance sa unang dalawang buwan ng klase.


 

After ko namang maligo, rush agad akong mag-bihis dahil 5 minutes nalang at iiwan na ako nila mama. Kung ma-late kasi ako, no allowance agad. Naaalala ko pa nga yung sinabi ni mama eh...

 

"You have to be responsible Yel, pag na-late ka, cut ang allowance mo."

Syempre, I dressed up with my casual clothes. Loose shirt, loose pants, and my favorite red cap na isusuot ko pag natuyo na ang buhok ko.

"Good morning mom." Bati ko sa kanya habang papasakay sa kotse.

"Ano 'yang suot mo? Didn't I tell you t----"

Ang mama ko talaga, hindi pa nasanay sakin.

"What do you expect? Walang ibang laman yung closet ko kundi puro ganito."

"Aba't-" Tumingin naman siya sa wristwatch niya. "Pasalamat ka at wala kang oras para makapag-palit. I want you to dress properly next time. O siya, pasok na sa sasakyan."

At ayun nga, pumasok naman kami sa sasakyan at nag drive na yung manong driver papunta sa aming workplace. Laking pasasalamat ko talaga at hindi ako pinag-palit ng damit ni mama. Pink sleeveless and all those so-called kulang sa tela fashiony stuffs? Ewww.

Nakarating kami sa shop at syempre, work agad. Kung anu-anong stack ng damit yung pinabuhat sakin ni mama. Dahil sa patong patong yung dala ko eh may nabangga ako at nabitawan ko yung mga hawak ko.

"Uhh, sorry."

Tinulungan naman niya akong magpulot nung mga gamit. Humarap ako sa kanya at parang nagulat naman siya sa nakita niya.

"Miss ka pala."

Tss, sanay na ako sa ganyan guys. Ako ba naman eh nakasuot ng loose shirt and pants with matching cap effect? Sinong hindi mag-aakala na lalake ako?

"Yeah?"

Tatalikod sa sana ako pero nagtanong siya ulit...
 

"Pwede bang magpatulong pumili ng damit sayo? Ireregalo ko kasi sa---"

"O sige, pero don't expect me to choose good ones okay? I don't have fasion sense."

Nagsimula naman kaming umikot sa shop at kung anu-ano yung tinuturo ko na alam ko naman na hindi niya nagugustuhan. Sinabi ko naman diba? Wala akong alam sa fashion. Napatingin naman ako kay mama at nag thumbs up lang siya sakin. Eh?! Anong ibig sabihin nun?

After 45 years, nakapili na siya ng damit for his girlfriend probably. Bigla namang may pumasok na maingay sa shop naming at inakbayan yung costumer na bumili ng damit.
 

"Hey! Kanina ka pa naming hinahanap ah. Dito ka lang pala pupunta."

Teka, I think that voice's familiar. San ko nga ba narinig 'yun? Bago ko pa ma-realize eh mukhang naunahan ako nung maingay na nilalang.
 

"Uyyyyy! Andito pala si Miss T!!! What are you doing here?"

O_O

@_@

T^T

><"
 

Ugh, sa lahat naman ng makikita dito eh bakit siya pa?

 

Siya lang naman ang pinaka-mahangin na nilalang sa school namin. Jacob Andrew Aguilar, the school's heartbreaker. Tss, naloko na ata niya lahat ng babae sa school eh. Hayyy, isa na naman sa mga lalakeng may sungay at buntot.

"At ano naman sayo kung nandito ako? Umalis ka nga dito at baka kung ano ang magawa ko sayo."

"Ang tapang mo ah... Pasalamat ka nagmamadali ako." Ang dami ko namang dapat pasalamatan ngayon. Si mama tapos ikaw... Hmmm, kung ikaw lang eh huwag na!!!
 

"Oi, tara na, huwag kang mag-eskandalo dito." Singit naman nung guy na namili ng damit at
hinila palabas yung mayabang na 'yun.

Hmmmm, concerened siya? Hahaha, NOT!!! AND LIKE I CARE!!!

Palabas na sila nun at narinig ko pang nag-mumble yung mayabang na nilalang.







 

"Halikan ko siya dun eh..." ABA ABA!!! ANG KAPAL NG MUKHA!!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet