Arranged Marriage ♥ (HyunMin One Shot)

Arranged Marriage ♥ (HyunMin One Shot)

ArrangedMarriage

 

 

“And now, you may now kiss the bride…” Sabi ni father at iniangat ko na ang telang nakatabon sa kanyang makinis, maputi, at magandang mukha.

 

Tiningnan ko muna ang kanyang mapupungay na mga mata. Kitang-kita ko ang inosente niyang pagtingin sa akin, na tila wala siyang kamalay-malay sa paligid  niya. Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya. Habang papalapit ako, kasabay din ang pagpikit ng kanyang mga mata. At di rin magtagal ay ipinikit ko na rin ang aking mga mata. Di nagtagal at nagdikit na ang kanyang malambot na labi sa aking labi. Rinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid namin. Nang matapos iyon, nag-bow kami sa isa’t isa. Medyo nahihiya pang ngumiti siya sa akin, medyo namumula rin ang kanyang mga pisngi. Ngumiti rin ako sa kanya.

 

 

Ito na siguro ang simula ng totoong love story namin. Ako si Kim Jong Hyuk, at ngayon ay kasal na ako, at matatawag ko ng asawa si Yang Ha Na, ang first love ko. Naging magkakilala kami noong nasa Senior High na ako at siya naman ay nasa 10th grade. At sa hindi inaasahang pangyayari, ikinasal kami dahil sa isang ARRANGED MARRIAGE na ginawa ng mga parents namin. Alam kong sa panahon ngayon ay di na uso ang ganito. Pero sa isang banda, ipinagpapasalamat ko na rin ang pagiging makaluma nila. Dahil sa kanila, napakasalan ko ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko, ang babaeng pinakamamahal ko. At matatawag ko na siyang “akin…”

 

 

 

 

 

 

 

 

“Kuya! Nandito na ‘ko!” Rinig kong sigaw ni Hana mula sa pintuan. Narinig ko ang papalapit niyang mga yabag papasok sa loob ng bahay.

 

“Hana, baka ipinasok mo na naman ‘yang sapatos mo sa loob…” Bilin ko habang naghahanda ng pagkain sa kainan sa kusina suot ang pink na may ruffles pa sa gilid  na apron na regalo pa sa akin ni Hana nung first monthsary namin bilang mag-asawa. Samantala, ang ibinigay ko naman sa kanya n’on ay may black stripes na medyas na pamasok sa school, na suot niya rin sa araw na ito. Mahilig siya sa medyas kaya yun ang iniregalo ko sa kanya. Mas pipiliin at mas magugustuhan pa niya ang mga simpleng bagay—tulad na nga ng medyas; kaysa ang mga mamahaling kwintas o singsing at kung anu-ano pang maluluhong gamit. Isa yun sa nagustuhan ko sa kanya.

 

“Ahh!! Hehe… Buti ipinaalala mo!”

 

 

Maya-maya ay naramdaman ko na lang na may mga brasong nakayakap mula sa likod ko. Tumigil muna ako sa paghahanda at inilapag ang platong may lamang kanin sa lamesa. Tuwing pagkagaling niya sa school, palagi niya ‘tong ginagawa. Naglalambing na parang bata. Ngumiti ako ng palihim.

 

“Kuya… Nakakapagod sa school… Ang daming pinagawang activities niMr. Lee tapos may iniwan pang mga tambak na assignments! Palibhasa matanda na kasi at hindi nakapag-asawa kaya topakin at sa amin ibinubunton na estudyante niya ang galit at stress niya! Daig pa ang nagme-menopause na matandang dalaga! Aish!!” Himutok niya at kahit hindi ako nakatingin ay alam kong naka-pout siya. Sayang, sobrang cute pa naman niya pag ganun… :3 ♥

 

Tumawa ako ng bahagya. Parang siyang batang nagmamaktol at nagsusumbong sa magulang dahil hindi siya nakabili ng paborito niyang candy.

“Ikaw talaga… Ganyan talaga kapag nag-aaral. Kapag nag-college ka pa, mas doble o triple pa diyan ang hirap,” Paliwanag ko sa kanya.

 

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Humarap ako sa kanya.

 

“Katulad mo, kuya? ‘Diba college ka na rin? Kawawa ka naman… Siguro stress na stress ka na sa pagod at pagsisikap sa pag-aaral mo, tapos… Ako pa ‘tong pandagdag pahirap sa’yo. Sorry…” Sabi niya na halatang nag-aalala sa akin. Nakayuko siya na parang humihingi ng tawad kaya hindi ko makita ang cute niyang medyo bilugan na mukha.

 

“Ano ka ba, Hana. Hindi ka naman pabigat sa akin eh. Ikaw pa nga ‘tong nagbibigay energy sa akin kaya nawawala ang pagod ko. Okay lang ako… Totoo ‘yon. At masaya ako at ikaw ang naging asawa ko. Napaka-sweet mo sa’kin. Araw-araw mong binibigyan ng kulay ang boring kong buhay. You’re the reason to my happiness. That’s why I love you,” Ngumiti ako sa kanya at ti-nap ang ulo niya. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti rin.

 

Sa simpleng mga paglalambing niya ay nararamdaman ko ang pagmamahal niya.

 

“Oh, sige na, kumain na tayo!” At yun na nga at nagsimula na kaming kumain.

 

Habang kumakain kami ay kasabay din ng pagkukwento niya sa nangyari kanina sa school. Hindi siya nauubusan ng kwento. Daig pa niya ang kindergarten sa pagkukwento dahil lang sa nakakuha o natatakan ng star ng teacher at nasabihang very good. Sabayan pa ng mga actions sa bawat pangyayari. Laging ganito ang eksena namin tuwing kumakain, sobrang ingay dahil sa kanya. Ako naman ay nakikinig lang sa bawat kwento niya. Isa na rin siguro sa trabaho ko bilang isang asawa, at masasabi kong nakaka-enjoy din ang ganito.

 

Nang matapos kaming kumain, nagsimula na kaming magligpit ng mga pinagkainan namin.

 

“Kuya! Ako na ang magliligpit at maghuhugas ng mga plato!” Pagvo-volunteer niya.

Mukhang sinisipag yata siya ngayon at sobrang active pa. Hindi kaya, may sakit siya? Naku, huwag naman sana.

Hindi ko namalayan na nasobrahan pala ako sa pag-iisip at nakatitig lang ako sa kanya. Bumalik lang ako sa dati nung ikinaway-kaway niya ang kamay niya sa mukha kong nakatulala sa mukha niya.

 

 

“Kuya, may problema ba? May sakit ka ba?” Tanong niya sa akin. Ako pa tuloy ‘tong napagkamalan na may sakit.

 

“A-ah..H-Ha? Ah, wala. Bakit yata naisipan mong maghugas ng plato ngayon?” Pagtataka ko. Dahil kung hindi ako nagkakamali, ito ang first time niya sa pagvolunteer at kung sakali first time niya maghugas ng plato sa bahay namin. Nasanay na ako sa ganitong sitwasyon namin. Halos isang taon na kaming ganito…

 

 

 

Teka…

 

 

 

Isang taon?! Naku, bukas na pala ang 1st anniversary namin, hindi ko man lang napaghandaan. Nasobrahan na yata ako sa pag-aaral kaya pati mismo anniversary namin, at ito pa naman ang kauna-unahan, ay nakalimutan ko. Napaka-walang kwenta ko… Haayyss..!!

 

Sandali, hindi kaya ang biglang pagbabago niya ay dahil… Naku! Baka isipin niya nakalimutan ko ang anniversary namin (na nakalimutan ko naman talaga >__<), baka magtampo siya, ayoko mangyari yun.

 

“Ah… Eh… Wala lang naman. Gusto ko lang naman maghugas. At saka nahihiya na rin ako sayo. Dapat ako ‘tong gumagawa sa bahay at hindi ikaw. Trabaho ko yun bilang babaeng asawa. Aminado akong medyo spoiled ako sa amin, at sana hindi ganito ang inaasta ko pagdating dito. Promise! Ako na ang gagawa simula ngayon! \(^_____^)/” Paliwanag niya na itinaas pa ang dalawang kamay sa ere na may malawak na ngiti, at sa sobrang ngiti, hindi na makita ang singkit niyang mga mata. Her eyesmile… So nakakamatay~

 

“Oo na. Buti na lang cute ka. Ingat ha. Baka mamalay na lang ako ubos na ang plato natin dahil nabasag mo nang lahat,” Biro ko kasabay ng mapang-asar na tawa.

 

Nagpout siya sa akin, “Nang-aasar ka na naman! I hate you! >3<” Naaasar niyang sabi sa akin habang nakanguso. Medyo masama rin ang tingin niya sa akin na parang gusto niya akong katayin anumang oras.

Ayaw na ayaw niya kasing inaasar siya, pikunin. Pero kahit ganun ang tingin niya, para sa akin, mas lalo siyang naging cute. Everything to her for me was cute. Eh sa ganun ang nakikita ko kapag tinitingnan ko siya eh :”>

 

“Sorry na po, bata!” Sabi ko na idiniin pa ang pagkakasabi sa ‘bata’ bilang panibagong pang-asar.

Ganito lang ako minsan sa kanya. Alam ko naman kung kailan ako titigil sa pang-aasar. Sigurado pag pinagpatuloy ko ng pinagpatuloy ang pang-aasar sa kanya, kung hindi niya ako papansinin ng ilang araw, iiyak naman siya ng parang bata. Mahirap siyang patahanin.Kahit bigyan mo siya ng ice cream ay wa-epek pa rin.Hanggang ngayon ganun pa rin siya. Kaya kung ako sa inyo, mag-ingat na rin kayo! Baka makasuhan pa niya tayo ng child abuse, mahirap na :/

 

“Hindi na ako bata!!! Nakakainis ka, Kim Jonghyuk!!!! Babo!” Sigaw niya yan sa akin. Alingawngaw sa buong bahay.

Okay… It’s now time to stop ^^V

 

“Babe, sshhh!Baka marinig tayo ng kapitbahay niyan. Sorry na po, ganda. Hindi na kita aasarin, promise! Okay ka na ba?” I tried my best para hindi na siya magalit sa’kin. Ito talagang baby ko, di na mabiro ;”D

 

“Ok! Maghuhugas na ako~! (^u^)/” Cheerful niya na ulit na pagkakasabi.

 

Hooh! *sighs* Problem solved!

 

Tomorrow is a special day. Kailangan na akong mag-isip ng ipangsu-surprise.

Mukhang nakalimutan niya na rin, ang bata-bata pa makakalimutin na..tsk tsk.. Pero ok lang, siya na ang makalimot, wag lang ako :)

 

 

 

 

 

 

 

“Hmmm… Ano naman kaya ang maiisip ko dito sa loob ng library?” Sabi ko sa sarili ko habang nasa loob ng mini library ng bahay namin. Dito ako madalas lalo na kapag kailangan ko mag-review o mag-aral ng leksyon.

Naisip ko kasi, na baka sa pag-stay ko dito, may makita akong magandang ipang-regalo kay Hana. Pero magte-ten minutes na ako dito pero wala pa rin akong maisip. Ano naman kaya ang ireregalo ko sa kanya? Kung mag-date na lang kaya kami?

 

Umupo muna ako sa swivel chair at isinubsob ang mukha ko sa study table doon.

 

Jonghyuk… Isip.Isip. Isip!!!!!!!!!!!!

 

Ilang sandali at di ko namalayang nakatulog na pala ako…

 

 

 

***

“Jonghyuk!! Kim Jonghyuk!!! Kaya mo ‘yan!Whooooo~!!!!!!!” Sigaw ng mga babaeng nagchi-cheer habang nagpapractice ako ng basketball kasama ng teammates ko.

 

“Jonghyuk, ang dami mo talagang fangirls, bigyan mo naman ako ng isa oh,” Napalingon ako mula sa likod ko. Si Il Beom, isa sa mga ka-team ko, at best friend ko rin.

 

“Kung gusto mo, sa’yo na lahat,” Sabi ko naman at saka ishi-noot ang bolang kanina ko pa idini-dribble. Pumasok yun sa ring at dahil dun mas lumakas ang sigawan ng mga “fangirls” ko. Pagkatapos n’on, umupo na kami sa upuan doon. Inabutan ako ni Il Beom ng puting towel saka ipinunas ko yun sa tumutulong pawis sa noo ko. Kinuha ko ang boteng may lamang malamig na tubig sa may gilid ng upuan at nilagok ang laman nun.

 

“Alam mo, Jonghyuk, may bago akong nagugustuhan…” Pagsisimula niya ng usapan namin. Nakangiti siya na tila kinikilig pa sa pagkukwento.

 

“Oh, talaga? Pinalitan mo na pala yung taga-theater club. Ang bilis mo talaga magsawa,” Medyo natatawa akong napailing-iling.Kahit kailan talaga ang lalaking ‘to, babaero.

 

“Yung taga-theater club? Pang-free time ko lang yun. Pero itong bago, kakaiba siya. At seryoso ako sa kanya,” Pagpapaliwanag niya sa akin.

 

“Talaga lang, ha? Sige, kunwari naniniwala ako.       Sino ba ‘yang babaeng ‘yan at mukhang magseseryoso na sa buhay ang playboy best friend ko?” Baka naman talaga seryoso siya dun sa ‘babae’ na sinasabi niya. Lahat naman ng tao nagbabago.

 

“Hmm..Malalaman mo rin. Pero sa ngayon, sasabihin ko muna ang pangalan niya. Siya si… Yang Hana…”

 

***

 

Kuya! Kuya! Jonghyuk!”

 

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Hana na tinatawag ang pangalan ko at kumakatok sa pinto.

 

“Sandali lang! Lalabas na ako!” Sigaw ko para marinig niya ako. Napatingin ako sa relo ko. 8:00 PM… Magi-isang oras na pala ako dito sa loob. Tapos… Nanaginip pa ako.

 

 

“Kumusta na kaya si Il Beom?” Naitanong ko sa sarili ko.

 

 

 

 

 

Nung nasa kwarto na kami, humiga na kami sa mga higaan namin. Tama.“Mga higaan nga namin.” Kahit nasa iisang kwarto lang kami, magkahiwalay ang kamang tinutulugan namin. Suggestion ito ng parents ni Hana, at bilang isang mabait at masunuring manugang, syempre sinunod ko yun.

 

“Kuya…” Tawag ni Hana sa akin sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng libro.

 

“Bakit baby, may kailangan ka ba?” Tanong ko at saka ibinaba ang librong hawak ko at tiningnan siya.

 

“Mmm… Namiss ko bigla sina Eunhae at Il Beom. Simula kasi nung ikasal tayo, di ko na sila nakita. Si Eunhae bilang best friend ko nakakausap ko pa. Pero si Il Beom…” Nang banggitin niya ang huli ay biglang lumungkot ang mukha niya. Sa isang banda ng puso ko, medyo nakaramdam ako ng selos..

 

“Hindi ko na rin siya nakita pa o nakausap. Siguro… Bumalik na siya ng America for good..” Naisip ko bigla. Doon na kasi nakatira ang buong pamilya ni Il Beom kahit noong nag-aaral pa siya  dito sa Korea. Kahit sinusundo na siya ng parents niya ay hindi siya sumunod.. Ayaw niyang iwan si Hana…

 

“Hindi man lang siya nagpasabi. Nagtatampo ako sa kanya.. Ay hindi..Galit ako sa kanya!” Sabi ni Hana na parang maiiyak at saka tumalikod sa akin at nagtalukbong ng kumot.

 

Masyado silang malapit sa isa’t isa. Childish man kung titingnan, naiinggit ako sa pinagsamahan nila. Noon, kapag magkasama sila, parang silang na-glue dahil hindi sila mapaghiwalay. Kapag magkakasama kaming apat (ako, si Hana, si Il Beom, at Eunhae) ay sila ang palaging magkadikit at kami ni Eunhae ay pinapanood lang ang  dalawang magkulitan.

 

 

“Hana…” Tawag ko sa kanya.

 

“Bakit?”Tanong niya habang nakatalukbong pa rin.

 

 

 

“Nagseselos ako…”

 

 

 

Dahil sa sinabi ko naging tahimik ang buong kwarto.

 

 

 

 

Hindi ako nakatulog sa kakaisip kay Il Beom. Dahil sa sinabi ni Hana, hindi na napakali at natahimik ang utak ko.

Mas mahaba ang pinagsamahan nina Hana at Il Beom kaysa sa’min ni Hana. Unang nakilala ni Il Beom si Hana kaysa sa’kin. Mas una silang naging close kaysa sa’min. At sabi nila, mas bagay silang dalawa kaysa sa’min ni Hana. Pero swerte ko na lang at kami ang nagkatuluyan. Dahil sa isang arranged marriage ay nakuha ko siya. Pero dahil din dun ay nasira ang pagkakaibigan namin ni Il Beom. Para sa kanya, isa akong mang-aagaw. Mas nauna niyang nakilala si Hana pero nauwilang sa ako ang nakatuluyan ni Hana.

 

Sana tanggap na ni Il Beom ang lahat. Miss ko na ang bro ko.

 

 

 

***

“Ngayon mo na ipapakilala sa’kin yung new girl mo?” Tanong ko habang nakatayo kami sa harap ng isang malaking bahay.Napipinturahan ito ng pink at ang gate ay kulay yellow.Di kaya day care center ito?Baka naman ang tinutukoy niyang new girl niya ay isang sanggol?! :O

Magli-limang minutona kami ditong nakatayo pero ‘di pa rin siya nagdo-doorbell. Sobra siyang kinakabahan.

Seryoso nga talaga yata.First time niya magkaganito.

 

“O-Oo.. S-Sandali lang talaga, bro. Kinakabahan talaga ako eh! Hooh!” Sabi niya na pinahid ang butil-butil na pawis sa noo niya.

 

Oo nga pala. Pinakiusapan din niya akong tulungan siyang manligaw. Ako pa talaga ang inasahan niya. Ano naman ang alam ko diyan? =__= Pero no choice na ako. Ang dahilan niya kasi, habulin ako ng chicks. (Parang siya naman hindi. Psh.)

 

Habang nakatalikod siya at nagkukuskos ng mga palad, pasimple kong pinindot ang doorbell. Kung hindi ko pa ‘to gagawin, siguradong aabutin kami ng gabi.

 

*ding dong*

 

“WAAAAAAHHHHHH!!!!!!! Bro! Are you out of your mind?! Why did you do that?! Argh!!!!”Parang nag-iinarteng babae niyang angal.

 

“Naku Il Beom, tama lang ang ginawa ko. Kapag umabot talaga tayo dito ng kinabukasan, iiwanan talaga kita, hindi ako nagbibiro.” Pa-cool kong sinabi habang nakapamulsa pa.

 

“Ay! Ewan ko sa’yo!” Pagsuko niya. Haha XD

 

“Sino ‘yan?”Tanong ng isang tinig ng babae mula sa speaker sa may gate.

 

“Bro! ‘Ayan na siya!” Bulong niya sa’kin na parang naiihi na sa sobrang nerbiyos.

 

‘Di ko na pinatulan ang kaartehan ng lalaking ‘to at sumagot na ako dun sa babae.

“Sina Il Beom ‘to pati ang kaibigan niya, si Jonghyuk!” Sagot ko.

 

“Ahh.. Sandali lang!”

 

Maya-maya ay bumukasna ang gate kasama ng isang…

 

Maganda at cute…

 

Na anghel na inihulog mula sa kalangitan~

 

Mukha rin siyang dyosa~

 

She’s an angel goddess~ (A/N: Hanudaw? -_-)

 

Eehh!!!! Basta nakaka-inlove siya—W-Wait..!! W-What did I just said?! >////<

Na-‘Love at First Sight’ yata ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

 

DugeunDugeun~DugeunDugeun~

 

“Bro!Bro!” Rinig kong tawag sakin ni Il Beom na nagpabalik sa akin sa huwisyo.

“B-Bro!B-Bakit?” Tanong kokay Il Beom. Nautal pa ako. Bawas pogi points..

 

POGI POINTS?!?! Hindi naman ako ang manliligaw eh! Si Il Beom!

At ang masaklap…

Nagpapatulong pa siya sa akin. Awtsu bebe~

 

 

“Ipapakilala ko muna sa’yo si Hana. Hana, si Jonghyuk, bestfriend ko. Jonghyuk, si Hana.” Pagpapakilala niya sa aming dalawa.

“H-hi!” Bati kokay Hana saka nag-bow.

“Hello sa iyo! Kuya Jonghyuk!” Bati niya rin sa’kin saka nag-bow din habang naka-ngiti.. Oh My Goddess~! Hart Hart.. ♥♥

 

WHATDA?!?!KUYA????!!!!Mukha ba akong brother material?!TTToTTT

 

“Ahh!! Oo nga pala, Jonghyuk, dahil ‘ikaw ang nagplano’ ng ‘pamamasyal’ natin ngayon…” At diniinan niya pa ang pagkakasabi ng ‘ikaw ang nagplano’ at ‘pamamasyal’ haayy.. Kung alam niyo lang, kinaladkad niya lang ako dito at hindi lang pamamasyal ang pakay niya kay Hana, kundi ‘date’ :P

“Saan na pala tayo pupunta? ^_^” Pagpapatuloy niya na may kasamang pa-cute. Siguro kung babae ako bigla na lang ako dito nahimatay, pero dahil lalaki ako, at kilala ko ng lubos ang kumag na ‘to, nadidiri ako. Eeww!

 

Tiningnan ko muna si Hana, nakatingin lang siya sa akin na tila hinihintay ang isasagot ko. Haay! Bahala na nga! Saan nga ba pwede? Hmm… :/

 

“Ahh..Sa… School…?”

 

 

*silence*

 

Spell A-W-K-W-A-R-D

 

PAGPASENSYAHAN! Wala akong maisip eh! >___

 

 

“M-Mukhang maganda nga dun mamasyal!” Sabi bigla ni Hana na lalong nagpabigla sa’min.

“Sigurado ka?” – Ako

“Uhh.. Napipilitan ka lang ba?” – Kumag.. E-este..Il Beom

“Hindi naman ako napipilitan. Kahit saan go ako! Hehe! ^^V Pero, ano bang gagawin natin pala d’on?” Tanong naman niya nanakapagpa-panic hindi lang sa akin pero pati na rinkay Il Beom. Ano nga ba ang magandang pwedeng i-dahilan namin? Please help us~ Jebal~!! (>/\<)

“Ahh.. Ano.. Ah!” Parang nagkaroon ng bright idea ang kumag. Marunong pala siya mag-isip noh? ^^

“Ano yun?” Tanong namin pareho ni Hana.

“Ha? Hindi mo alam ang gagawin dun? Akala ko ba—“ Medyo gulat na tanong ni Hana.

Ano ba naman ‘yan! Hindi ako makapag-isip at makakilos ng tama kapag nasa harap ko ‘tong babaeng ‘to. Parang lagi akong naiihi tuwing nagsasalita siya!

Sinamaan ako ng tingin ni Il Beom dahil sa pagiging clumsy ko. Hehe. Churi naman!

“Ano kasi, Hana.. Si Eunhae dumating na from States. At magkita raw tayo sa school. Miss ka na daw niya eh.” – Il Beom

EunHae?Pinagsamang Eunhyuk at Donghae? Yung sa Super Junior? :O Omo! Fanboy ako nila and another thing OTP ko sila!! I can’t breathe! I can’t breathe! I can’t breathe! I can’t breathe! I’m gonna die! I’m gonna die!

Okay. OA na Jonghyuk. Nababakla na naman ako.

Pero ha! Straight ako! Joke lang yun!

“Oh? Talaga?! Nandito na ang yeobo ko! Yehey! \(^o^)/”  Si Hana habang tumatalon-talon pa sa sobrang tuwa. Sino ba yang Eunhae na yan? Di kaya boyfriend niya?/////////3

“Sino yung Eunhae?” Bulong ko kay Il Beom, nacu-curious ako eh.

“Bestfriend niya.  Kinakapatid ko rin,” Sagot ni Il Beom na nagpa-‘oh’ lang sa’kin.

“So pa’no? Tara na?!” Sabi ni Il Beom at pumunta na nga kaming school.

 

---

Nang makarating kaming school, hinanda ko na ang sarili ko sa hitsura ng ‘Eunhae’ na ‘yon. Sana gwapo para kahit papano bagay sa angel goddess ko.

“Eunhae~~~!!!!!”Sigaw ni Hana patakbo sa..

 

 

 

BABAE?!?!

 

 

At di ko maitatanggi na maganda siya…

Mukha siyang artista.

 

“Babae pala si Eunhae..” Sambit ko kay Il Beom.

“Oo. Mukha lang lalaki,” Sabi naman ni Il Beom na tumatango-tango pa.

“Ano?” Tanong ko na naguguluhan sa sinabi niya. Ahh.. Maybe she hates this girl. May hine-hate pa pala siyang babae? Himala.

 

“My Queen~ Na-miss kita!Kailan ka pa nakabalik?” Tanong ni Hana dun sa Eunhae.

“Little Princess~ I miss you a lot, too! Kanina lang ako nakabalik. Bumalik ako for you, so kumusta ka na?” Sabi naman ng babae. Mukha siyang mataray kung titingnan, pero mabait naman pala siya kay Hana. Paano kaya siya makitungo sa iba?

“Okay lang ako. At medyo malungkot dahil wala ka. Eh ikaw? Kumusta ka naman? Miss ka na naming lahat lalo namin ni Il Beom.” – Hana

“I’m okay as always. That Il Beom the jerk? I wander kung na-miss niya talaga ako…” Sabi nito na parang nasira ang mood. Oh. They really hate each other.

Napatingin sa direksyon namin si Eunhae – Or maybe sa akin. Tinuro niya ako at saka nagtanong kay Hana.

“Sis, who’s that hot guy with Il Beom?”

Ano daw?Hot guy? Wow lang. Another fangirl.

Napatingin naman sa akin si Hana, “Ahh… Si Kuya Jonghyuk, best friend ni Il Beom,” Sagot naman ni Hana.

“Kuya? You mean, he’s your brother? Akala ko ba only child ka lang?” Pagtataka ni Eunhae. Kung pwede lang sumagot ginawa ko na. Sino ba kasi ang nagpauso ng KUYA na yan?! Pero at least naalala pa niya yung pangalan ko.

Tumawa siya ng bahagya bago nagsalita, “Ani. Pero I see him as my brother,” Sagot ni Hana at ngumiti sa akin. Pero ouch lang ha. Tingin niya talaga sakin ay kapatid.Masakit yun babe.

“Jonghyuk!” Nagulat na lang ako ng tinawag ako ni Eunhae. Lumapit siya sa akin.

“I like you,” Deretsahan niyang pag-confess sa akin at ang mas nakapagpagulat sa aming lahat ay nung.. Hinalikan niya ako sa lips. Matatawag lang naman yung smack pero.. Bukod sa kinuha niya na ang first kiss ko, nakita pa yun ng best friend ko, at ang pinakamasaklap ay… Nakita yun ng babaeng gusto ko, si Hana.

 

----

 

Matapos naming magkakilalang apat, naging parang “mag-barkada” kami. Si Il Beom at Hana ay sobrang close, si Eunhae na habol ng habol sakin at layo naman ako ng layo, at ako ‘tong nagseselos sa pagiging sweet ng dalawa. Kulang na lang langgamin.

“Jellyfish!” Nagulat ako sa sinabi ni Eunhae. Nasa playground kami malapit sa school. Pareho kaming naka-upo sa dalawang bakanteng swing doon, magkatabi kami. Sina Hana at Il Beom naman ay kanina pang parang mga batang naghahabulan. Hindi ba napapagod ‘tong dalawang ‘to? Kainis.

“Ano?” Saglit akong napatingin sa direksyon niya at nanood ako ulit sa dalawa.

“You. You’re a jellyfish. Halata naman kasing kanina ka pa nagseselos,” Sabi niya na tumawa ng bahagya.

“At sinong nagseselos?” Pagtanggi ko. Ako?Nagseselos? Hindi kaya!

“I know that you like Hana. Tama ako ‘di ba?” – Tanong niya na parang ini-interrogate ako.

Tatanggi pa sana ako nang magsalita siya.

“Don’t deny it. Huli ka na,” Sabi niya na nakapagpatingin ulit sa akin sa kanya. Nakatingin naman siya ngayon doon kina Il Beom.

“How did you—“Hindi ko ulit natapos yung sasabihin ko.

“Unang beses pa lang kitang makilala, alam ko na. Ako pa? I’m Go Eunhae. I’m a queen,” Pagmamayabang niya na nameywang pa kaya medyo natawa ako.

“Kahit gusto ko siya, hindi ko maamin. Gustong-gusto rin kasi siya ni Il Beom,” Napabuntong hininga ako. Kahit kating-kati na akong sabihin kay Hana, hindi ko pwedeng gawin dahil may masasaktan.

“Oh. I feel you, honey.” – Eunhae

“Don’t call me honey.” – Ako

“But I want to.” – Eunhae

“I don’t care.” – Ako

“Sungit.” – Eunhae

“I know right.” – Ako

“Hana likes you, too.” – Eunhae

“What– W-what?!” Na-shock ako sa sinabi niya. Di kaya pinagtitrip-an lang ako ng babaeng ‘to?

“She does like you. I’m not lying. Kung gusto mo, tanungin mo siya,” Paniniguro niya pa.

“Hey! Love birds!” Tinawag niya yung dalawa, lumapit naman sila sa’min.

“Ano na naman ba yun ha?” Naiinis na tanong ni Il Beom sa naantalang paghaharutan nila ni Hana.

“Hana,” Hindi pinansin ni Eunhae ang naghihimutok na Il Beom, “You like Jonghyuk, right?”

Nagulat ako sa ginawa niya. Kaya pala tinawag niya sina Hana dahil ito ang balak niya. Nang tingnan ko si Hana, bigla siyang namula.

“And you, Kim Jonghyuk..” Bumaling naman siya sa akin, “You also like Hana, right?”

Dahil sa sinabi niya, napatingin sa akin sina Hana at Il Beom. Tiningnan ko ang reaksyon ni Il Beom. Hindi siya makapaniwala.Siguradong gulo ‘to.

“T-Totoo yun..” Sagot ko habang nakayuko. Namalayan ko na lang na umalis na si Il Beom.

 

Pagkatapos ng mga pangyayaring yun, lumamig na ang pakikitungo sa akin ni Il Beom at lumayo na siya sa akin. Maski kay Hana. Sila naman ni Eunhae at Il Beom ay lagi ng magkasama.

Nung una, nagka-ilangan kaming dalawa ni Hana. Pero habang tumatagal ay naging close na rin kami.

At ang nakapagpabago sa buhay namin ay noong isang beses na bumisita kami ng parents ko sa ‘kakilala’ raw nila. Nagulat ako nang malaman na ang pinuntahan namin ay bahay nina Hana.

Hindi na ako nagtanong at pumasok na sa loob. Nagulat din si Hana nang makita ako kasama ang mga magulang ko. Nagtipon-tipon kami sa isang kwarto kasama si Hana at ang mga magulang niya. Nung una ay hindi namin maintindihan nina Hana ang pinag-uusapan ng mga magulang namin, pero di nagtagal ay nakuha rin namin ang pakay nila. At yun na nga ang ipakasal kaming dalawa… Ipinakasal kami 17 palang si Hana, at ako naman ay 19 years old. Ito ay dahil sa family business namin na mga sapatos, ay makikisosyo ang pamilya Yang (ang pamilya nina Hana).

 

 

At dito na nga nagsimula ang lahat…

***

 

Para sa first anniversary namin, naisipan ko na lang na kumain kami sa labas. Walang saktong destinasyon dahil mag-iikot-ikot lang kami kung saan man namin gusto pumunta. Sigurado namang mag-eejoy kaming dalawa.

 

“Gusto ko ng cotton candy, kuya! *O*” Turo niya dun sa nagtitinda ng cotton candy.

Natawa ako dahil nagkikilos bata na naman siya, “Haha, sige,” Sabi ko at pumunta kami dun sa nagtitinda at binilhan ko siya. Bumili na rin ako ng para sa akin. Sa kanya ay color pink, at sa akin ay blue.

 

“Ang sarap~!” Tuwang-tuwa niyang sambit habang ngumunguya ng cotton candy, “Gusto ko sa susunod, ice cream naman ha!”

“Puro ka na lang matatamis, baka bukas hindi ka na niyan makasalita dahil masakit ang lalamunan mo ha,” Sabi ko sa kanya na parang nanenermon na magulang sa makulit na anak.

“Hindi ah! Basta ha! Kapag binilhan mo ako, may kiss ka mula sa akin,” Sabi niya sabay kindat. Kiss ba kamo kapalit ng pagbili ng ice cream? Payag ako diyan! >:D Pero kahit hindi niya naman yun gawin, bibilhan ko siya. Kung spoiled siya sa kanila, mas spoiled siya sa akin O:)

“Dahil iki-kiss mo ako, bibilhan kita, Pero bakit hindi pa ngayon?Gusto ko na ng kiss eh,” Nagpout pa ako, baka sakaling makalusot.

“Eh!! Mamaya na! Ice cream muna bago kiss!”

Mautak talaga ‘to. Akala ko one point na eh.

“Oo na po. Buti na lang love kita,” Sabi ko while smiling tapos pinisil ang dalawang chubby cheeks niya.

“Uy! Ono bo! (Ano ba!)>3<” Haha! Ang cute niya talaga!

 

Napatingin si Hana mula sa malayo. Nanlaki pa nga ang mga mata niya.

“Eunhae!Il Beom!” Sigaw niya sabay turo sa may likod ko kaya napabitaw ako sa pisngi niya.

“Ha? Nasaan?” Tanong ko. Nalaman ko ang sagot sa tanong ko nang makita nga ang dalawang papalapit sa amin.

 

Nang makalapit silang dalawa, automatic na nagyakapan sina Hana at Eunhae.

“Eunhae, my queen~!!!! (/TTuTT)/” – Hana

“Hana, my little princess~!!!!\(TTuTT\)” – Eunhae

 

Kami naman ni Il Beom…

“Bro…” – Il Beom

“Il Beom…” – Ako, “Long time no see, ha. Saan kayo galing? Na-miss namin kayo ni Hana,” I added. Medyo awkward man, nagkaroon pa rin ako ng lakas magbukas ng topic. After all, he’s still my bestfriend.

“Galing kaming States, at kakadadating lang namin last week,” Sagot naman niya. Mukhang medyo nagkapalagayan na ulit kami ng loob.

“Last week pa pala. Eh bakit hindi mo man lang kami sinabihan? What are friends are for?” Biro niya kaya nagkatawanan kami.

“Inayos pa kasi namin ni Eunhae yung nalalapit naming..kasal,” Sagot nito habang nakayuko at nakapamulsa.

Narinig ito ni Hana kaya napabalikwas siya ng yakap sa kaibigan.

“A-ano ulit yun?Kasal? Ikakasal na kayong dalawa ng queen ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Maski nga ako hindi makapaniwala. Akalain mo yun, ang dalawang taong kinamumuhian ang isa’t isa ay ikakasal na pala? Totoo yata ang kasabihang, ‘The more you hate, the more you love.’

“Uhh.. Oo,” Napakamot sa batok si Il Beom, “Long story eh. Oo nga pala, invited kayong dalawa.Ikaw Hana ang bride’s maid at ikaw bro ang best man. Okay lang ba sa inyo?” Tanong niya na medyo nahihiya pa.

“Sure! Hihi.Excited na ako!” Sabi ni Hana na tumalon-talon pa. Natawa na lang kaming tatlo sa kanya. Kahit kailan talaga ‘to, isip bata.

 

“So, paano? Samahan niyo kami ni Il Beom bumili ng susuotin namin for wedding. Come on!” Yaya ni Eunhae.

“Tara, mauna na muna tayo, ihahanda ko lang yung car,” Sabi ni Il Beom kay Eunhae.

“Sige, susunod na lang kami,” Sabi ko naman at nauna na nga sila.

 

“So babe, how about the kiss?” I asked her while still eating her cotton candy.

“How about the ice cream?”Sabi niya without looking at me focusing on her food.

“Kiss muna!” I said while pouting.

“Ewan ko sa’yo!” Sabi niya saka lumakad na palayo.

 

 

Isang kiss lang ayaw niya pa ako pagbigyan :’(

 

 

Susunod na lang sana ako sa kanya nang bigla siyang tumakbo papalapit sa akin, and then…

 

 

 

We kissed…

 

 

 

♥♥♥~THE END~♥♥♥

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ParkSeoMai23
11 subs~ OMO~!! *O* I can't believe it (/TTuTT)/ Again, mianhaeyo because I'm really busy and I think I can't make an English translation anymore :(

Comments

You must be logged in to comment
Pitu-kris #1
Please English sub story .
Ohhani2
28 streak #2
Chapter 2: English sub please find your way to me;-)
Keshari
#3
Chapter 2: Thanks author
syazza #4
Chapter 2: Thanks in advance author-nim. Will waiting for the translation. Keep up the good work. Fighting !
Amks04
#5
Ahahahaha i can't read it..would u like to translate it in english?plz
Clairebsj4evet #6
Chapter 1: Plzzzz translate immediately i beg u i really wanna read this stoy
Ohhani2
28 streak #7
I'm completely confused!...plz,plz,plz, can you write the english translation
kyle_16
#8
Chapter 1: i'll translate it for you.. HAHAHA CHOS LANG! congrats!