HunHan (RealSituation)

Description

When my HunHan feels. <3

Foreword

“Noong araw na yun, alam kong siya na. Sigurado akong siya na talaga.” Hindi ako ang pinaka-matalino. Hindi ako ang pinaka-gwapo. Hindi ako ang pinaka-sikat. Isa lamang akong hamak na wala lang dito sa lupa. Pero lahat ay nagbago nang makilala ko siya. First day nun nang makita ko siya. Papunta na sana ako sa third floor nang madulas siya at halos lahat ng mga hawak niya ay lumipad sa ere. Agad akong lumapit at tinulungan siyang kunin ang mga gamit niya. “Salamat ha? Nagmamadali kasi ako e. Sige. Salamat ulit!” Ngumiti siya at dali-daling pumunta sa baba. Ako naman, pumunta na sa room namin. Pero nung sumunod na araw, nakita ko ulit yung babae sa Dean’s Office. Akala ko pinapagalitan siya pero nalaman kong anak pala siya ng dean namin. Pareho pala kaming graduating na. Ako sa kursong AB Political Science at siya, sa kursong BS Pharmacy. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko nalang pinansin. Isang hapon, gaya ng nakasanayan, sumakay ako ng bus papauwi. Pero nang pumasok na ako sa loob, nakita kong iisa nalang ang bakanteng upuan. Pumunta na ako dun at napansin kong pareho kami ng school na pinapasukan ng katabi kong babae dahil sa uniform niya. Nabigla nalang ako nang makita kong siya pala yung anak ng Dean namin. “Hi! Ikaw na naman?” Natulala ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? “Ay. Sorry. Ang ibig kong sabihin, ay nagkita na naman tayo. Uuwi ka na din ba? “Ah. Oo. Diba ikaw yung anak ng Dean namin? “Sus. Ako nga pala si Lu Han. Ikaw?” “Oh Sehun.” At dun. Nag-usap na kami tungkol sa ilang bagay hanggang sa bumaba na siya. “Sige! Una na ko! Ingat ka!” Ngumiti ako bilang sagot. Ang bait niya pala. Araw-araw, nagkikita kami sa school. Ngingitian niya ako. Ngingitian ko din siya. Pero hindi ko siya malapi-lapitan kasi nahihiya ako. Isa lamang akong “wala lang” kung itatabi sa kanya. Maganda siya. Matalino. Mabait. Mayaman. Magaling kumanta at sumayaw. Siya ang perfect girl ng lahat. At doon ako nalulungkot. Pero tuwing uwian, parang nabubuhay ang dugo ko dahil makikita ko ulit siya. Makakasama kahit sandali. Makikita ko ang mga ngiti niya. Maririnig ko ang boses niya. At kahit yun lang, sumasaya na ang araw ko. Pero isang hapon, “Alam mo, ang saya siguro kapag naging boyfriend ko ang pinakasikat na lalaki no? Yung ideal man ng lahat.” Tinignan ko siya. Ang saya niya nung sinabi niya yun. Anong ibig sabihin nun? Na wala na akong pagkakataon para makapasok sa mundo niya? Hindi. Kasi nga sabi nila, kung gusto mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Tsaka diba, kung may gusto, may paraan. Pero papaano nga bang maging ako ang ideal man ng lahat? Duon na ako nagpatulong sa kapatid kong babae. “Reina, tulungan mo naman ako. Paano bang maging ako ang ideal man ng isang babae?” “Kuya, you have to be the best. Dapat sa lahat ng bagay, ikaw ang nakaka-angat.” At yun, ginawa ko ang lahat. Una, maging pinaka-gwapo. Sumali ako sa Search for the Mr and Miss University sa campus namin. Kung tutuusin, may laban din naman ako. Nakapasok ako sa finals at sa Top 3. Pero sa kasamaang palad, hindi ako ang nanalo. Ikalawa, maging pinaka-sikat. Sumali ako sa Basketball team namin. Nakapasok ako pero hindi ako ang naging Captain Ball. At ang pinaka-huli, maging pinaka-matalino. Araw-araw, gabi-gabi ay lagi akong nag-aaral. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para lang makakuha ng mataas na grado sa lahat ng mga subjects ko. Bawat hapon ay nakakasama ko pa rin si Maricar pag-uwi. Kwentuhan, tawanan, biruan at kantsawan. Pero isang hapon, hindi ako nakasabay sa kanya papauwi. May ginawa kasi akong project kaya late na ako nakasakay ng bus. Kinabukasan, nakita ko siya sa harap ng Dean’s Office. Nakita niya ako at lumapit siya na nakangiti. “Sehun! Ba’t wala ka kahapon?” “Ah. Pasensiya na. May ginawa kasi ako kaya late na ako nakauwi.” “Ganun ba. Sige. Sabay ulit tayo mamayang hapon ha? Sige. Pasok na ako. Bye!” Hinidi ako nakapagsalita. Bakit niya ako hinanap? Na miss niya kaya ako? Hindi. Imposible. Pero, sana. Huminga ako ng malalim at pumasok na din sa klase ko na may ngiti sa labi. Sa mga sumunod na linggo, naging busy na kaming mga graduating students. Lalo na ako kasi diba, may misyon akong maging pinaka-matalino. Yun nalang kasi ang huling chance ko. Pero kahit na dugo at puyat na ang ibinuwis ko, hindi pa din ako nagtagumpay. Hindi ako ang naging Laude sa batch namin. Isang linggo nalang bago ang graduation. Pero dahil bigo ako, wala akong mukhang maiharap kay Luhan. Umiwas nalang ako at tinanggap ko na hanggang sa tingin na lang ako. Dumating ang pinaka-hihintay na araw ng lahat. Graduation na namin! Bago nun, kinausap ako ng kapatid ko. “Kuya, hindi ka pa ba magtatapat?” “Hayaan mo na Reina.” “Ang torpe mo talaga kuya. Kahit kailan, walng mangyayari sa’yo kung ganyan ka katorpe.” Tama ang kapatid ko. Ito na ang pagkakataon ko para sabihin kay Maricar ang lahat. Hinanap ko siya. At nang makita ko siya, nilakasan ko ang loob ko at huminga ng malalim. “Luhan …” “Oh! Sehun! Hi!” “May sasbihin sana ako sa’yo.” Nanginginig ako. Sobra. “Sorry, pero gusto kita.” Hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ako. “Matagal na. Natatandaan mo pa ba nung una kitang makita? Noong araw na yun, alam kong ikaw na. Sigurado akong ikaw na talaga. Pinilit kong maging pinaka-gwapo, pinaka-sikat o kahit pinaka-matalino man lang. Pero hondi ko nagawa kahit isa man lang dun. Pasensya na. Ngayon ko lang sinabi sa’yo. Nahihiya kasi ako. Kasi diba, gusto mong maging boyfriend ang pinaka-sikat na lalaki dito? Pero hindi ko man lang nagawa.” Maingay ang mga tao sa paligid pero ang naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. Nang, bigla siyang tumawa at niyakap ako. “Sehun, hindi ko sinabi yun. Ang sabi ko, Masaya sigurong maging boyfriend ang pinaka-sikat dito sa campus pero hindi ibig sabihin nun ay gusto kong maranasan yun. Lagi mo nalang akong namimisinterpret. Sorry, kasi hindi ko nilinaw. Tsaka eto ang tandaan mo, gusto kita dahil ikaw ay ikaw. Hindi dahil ikaw ang pinaka-gwapo, pinaka-sikat o kahit pinaka-matalino. Gusto kita kasi ikaw si Oh Sehun, at wala ang iba!” Tama. Hindi ako ang pinaka-gwapo, pinaka-sikat o kahit pinaka-matalino sa campus namin. Pero ang sigurado ko, ako ang pinaka-maswerteng lalaki dahil kasama ko ang babaeng itinitibok ng puso at isipan ko.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet