pagtatapos

Biglaan

3rd year high school ako nung nag transfer si Sehun sa school namin.

I-iignore ko sana yung new student since contented na naman ako sa dalawang baliw kong kaibigan na si Minseok at Tao. Okay na ako e but fate decided to intervene.

"Uhh excuse me,walang naka upo dito?" I looked up from the book that I was reading

At doon ko nakita ng malapitan yung pinagkakaguluhan ng batch namin.Yung 'gwapong new student' daw.

Tama nga sila,Sehun is indeed handsome. A boyish kind of handsome.

"Sure" I removed my book from the chair to give space for the new comer. Narinig kong ngtatawanan sina Tao at Minseok sa likod ko.I raised a brow when I turned around and saw them giving me two thumbs up. Pasikretong nag glare ako sa kanila.

"Thank you.I'm Sehun by the way" The new student gave us a shy but bright smile.

Di ko man ginusto,bigla ko na lang naramdaman na automatic na nag smile back ako kay Sehun.

"Lu Han"

"Tao at your service"

"Minseok"

 

............

 

"Yiee!Crush mo no?" Tao teased with matching taas baba ng kilay.

Uwian na nun,at tila napagtripan ata akong ibully ng aking mga kaibigan.

"Guys stop. Hindi ko siya crush ang kulit"

"Sorry to break it to you Lu pero maputi ka"

I frowned at Tao. "So? racist much?"

Tao laughed. "Baliw hindi. Anyway,kaya ko sinabing maputi ka kasi sobrang obvious nung blush mo kanina"

Bumuntong hininga ako. "Tse,tusukin ko eyebags mo e."

Tumawa ng malakas si Minseok."Hard pero di nga Lu, parang crush mo si Sehun. Okay lang di namin pagkakalat pramis."

Hindi ako nagsinungaling nung sinabi ko kila Minseok na hindi ko crush si Sehun. Maybe na overwhelmed lang ako dahil gwapo tlaga yung new student pagbalibaliktarin man ang mundo pero di naman ako yung tipong gwapo lang crush na agad. What matters to me the most is what's inside a person’s heart.

So talagang di ko pa crush si new student nung una.

Take note,'nung una'

Have I mentioned na laging nakiki table sa amin si new student? tapos katabi pa namin siya sa klase. Siyempre ang tendency nun magiging ka close ko Sehun.

 

...

 

"Lu Han pwede mo ba akong samahan kunin yung hbw ko kay Miss Martinez"

"Bakit nasa kanya ballpen mo?"

"Nag tae kasi yung ballpen niya kanina. Parang di naman tayo magkaklase niyan"

Napakamot ako sa ulo ko"Ingay kasi ni Tao kaninang English kinukulit ba naman akong iflames yung names nila ni Kris”

Sehun laughed."Cute ni Tao mainlove"

"Asa!Anong cute dun?Puro Kris lang laman ng utak nun”

 

 

...

 

I have many reasons why I started liking him.

Alam mo yung kakaiba? Siya kasi yun.

Mabait pero bully,sabaw pero matalino at higit sa lahat confident pero torpe

Pano ko nalaman na torpe siya?Ganito kasi yun.

Balik tayo sa araw nung nagpasama si Sehun sa kabilang room,sa English class ni Miss Martinez

"Naman Oh bilisan mo baka magalit satin si Mrs. Gila pag nalate tayo sa Chem class”

"Eto na po Lu" We were bicker while trudging the way to Miss Martinez class.

I have to admit, bickering with Sehun is now my favourite past time. Alam mo yun?Ang saya kasi niya asarin.  

“Dapat kasi pinabayaan mo na lang yung ballpen mo” I jokingly reprimanded Sehun.

“Oy five pesos din yun. Tagtipid kaya ako”

I can’t help but laugh. Grabe may pag ka kuripot pala si Sehun. "Baliw ka,five pesos lng yun bili ka na lang ng bago."

Sehun gave me a lopsided smile. "Pang dagdag din yun sa pamasahe sa jeep”

Natawa na naman ako. Fudge tlaga,ang cute ni Sehun. Shet.

Nang dumating na kami sa kabilang section napatigil kami sa pag-aasaran. “Go ano pa iniintay mo dismissal?” I asked in a sarcastic way.

Sehun smiled sheepishly. "Ikaw na lang kumatok please, Tutal old student ka naman dito e"

"Langya. Sinama mo lang ata ako para may utusan ka. Shet,yoko pa naman nag e english pag nag e excuse sa teacher" I slowly moved away from the door. Takbuhan ko kaya si Sehun? Iiwan ko na siya in 3,2...-. 

Sehun pulled me back "Kaya mo na yan naka 25 over 50 ka nga sa quiz kanina e please Lu Han"

Tenegene this. Pasalamat ka medyo crush kita e. I scrunched my face "Sarcastic. O eto na,english-in ko na to.Ehrm ehrm. "

Hinga ng malalim, katok ng two times then buksan ng dahan dahan ang pinto, isilip ang ulo sa maliit na espasyo at ngumiti ng medyo awkward."Excuse me Miss Martinez I would just like to get the hbw pen you borrowed from Sehun earlier"

Said teacher stopped her lecture about gerunds and such. “Ay oo nga pala nakalimutan ko ibalik. Pasok ka Lu Han nasa teacher’s table yung ballpen”

Wtf. Sayang effort ko mag English. Tatagalugin lang pala ako ng titser ko.

Narinig kong pinipigil ni Sehun ang kanyang pagtawa. “Hoy tumigil ka diyan ikaw pakukuhanin ko ng ballpen mo” I gave Sehun a half-hearted glare.

My threat worked. Tumigil sa pagtawa si Sehun.

Pagpasok ko sa classroom ng section A-2 may mga ibang nag hi sa akin katulad ni Kris, yung ultimate crush ni Tao pati na din si Kyungsoo, medyo close kami kahit never pa kami naging mag kaklase.

Sa wakas, nakadating na din ako sa likod na bahagi ng room kung saan naka pwesto yung teacher's table. Nakita ko kagad yung ballpen ni Sehun. How could I miss the ballpen that has a label on it? 

Property of Oh Sehun, if found please return 

Natatawa ako. Fudge!!  Ang effort ni Sehun, dinikitan niya pa ng pangalan yung ballpen niya gamit ang papel at scotch tape. 

Binilisan ko ang pagalis ko sa room dahil sa totoo lang sobrang natatawa na talaga ako. "Salamat po Miss Martinez"

"Mr. Lu remember to speak English all the time"

What a freaking hypocrite. "Will do Miss Martinez"

Paglabas ko ng room I immediately let out my laugh kaso nung nakita ko si Sehun na nakatayo sa gilid while his eyes are wide, mouth gaping a little, and cheeks painted with red napatigil ako bigla.

"Oy Oh anong nangyari sayo?" I asked, to be honest ang gwapo ni Sehun habang nagba blush siya sa gitna ng lobby. Pero na curious ako, ano ba nangyari kay Sehun?

"Lu Han h-indi ako maka hinga ng maayos" Sehun pulled me to the side. Nasa part sila ng nakasaradong pinto.

I tilted my head to the side, eyes becoming wide as I realized what his words meant "Okay ka lang?Tara dun sa clinic!" Hihilain ko na sana siya pero pinigilan niya ako.

"C-cute Lu Han, sa sobrang cute di ako makahinga"

 Bakit nag sa-stutter si Sehun? Grabe I've never seen a sight more adorable than that. Shocks. Oh Sehun stop doing this to me. "Sinong cute?" Say my name. Just please say my name. 

But Sehun said a different one "Jongin ata pangalan, yung pinatayo ni Miss kasi natutulog siya habang discussion" 

Ouch naman Sehun. Lakas basag trip ka naman. 

I cleared my throat. Kunwari bale wala lang sakin kahit medyo may na feel akong sakit sa dibdib ko. A few seconds later I managed to crack a fake smile as I gaze away from him. "Ahhh si Jongin nga"

"Jongin huh?I'll remember that name" Sehun said with excitement in his voice. "May tumawag ba sakin?" Pareho kaming nagulat ni Sehun ng makita namin na lumabas pala ng classroom si Jongin. Nakita kong namula si Sehun. Kelangan ako mag rescue sa kanya no? hay. " Ah wala Jongin nabanggit ko lang yung name mo kasi tinanong ni Sehun kung sino top 1 sa section niyo"

"Ahh. Hi Sehun, nice to meet you" Jongin smiled at Sehun, who just blinked repeatedly, before the smart boy walked towards the restroom, 

Jongina naman o, wala akong kalaban laban sa type mo Oh Sehun. 

 

....

 

"Crush ko si Sehun" Minseok and I are walking home from school together that day. Nauna na samin si Tao umuwi dahil sumakit ulo niya bago pa mag lunch break. Kinakabahan ako sa magiging reaction ni Minseok pero mas mabuti siguro kung may malalabasan ako ng sama ng loob. 

Minseok gave me a 'IKR look' "Believe me,dati ko pa alam"

Napasimangot ako. "Alam mo naman pala e. Sana binalaan mo man lang ako para sana di ko na siya nagustuhan"

"Whoa there. As if naman makikinig ka sakin no. Ano ba problema?So what kung gusto mo si Sehun?Wala namang masama dun a"

Alam ko namang may point siya. Pero let's face it. Alam mo yung feeling na gusto mo may gusto din sayo yung taong gusto mo?Ang saya kasi kung ganon yung nangyari sa akin. Kaso hindi e. Selfish pakinggan oo, pero seryoso di ko lang talaga ma explain yung na fe feel ko. Okay sana kung di ko close si Sehun, at least pag nalaman kong may iba siyang gusto madali lang umiwas at kalimutan ang lahat. Pero hindi e, magkaibigan kami. Pano ko matatakbuhan si Sehun kung halos lagi ko siyang nakikita. Katabi ko na nga siya sa room tapos kasama ko pa siya tuwing break namin. 

"Minseok gusto niya si Jongin" Para akong bata. Bat parang nagsusumbong ako?

Minseok patted my head in comfort. "E di gumawa ka ng paraan para ikaw yung magustuhan niya"

Gusto kong kumontra at sabihin 'It's not that easy' pero I decided to just shut my mouth and instead walk in silence. 

 

.....

 

Tama nga ako, hindi ganon kadali yun. 

Napaisip kasi ako. Halos isang buwan na kami magkaklase ni Sehun. At ang unfair lang kasi ako yung nagpapatawa kay Sehun, ako yung nakaka-asaran niya pero bakit kay Jongin pa siya nagkagusto.Bakit si Jongin yung reason kung bat nauutal siya? Kung bat napapanganga siya? To think  na never pa naman niya nakakausap si Jongin.

Ang daya diba? 

Sometimes its tempting to think that I'm the reason for Sehun's tongue tied state but just as I'm starting to convince myself and start thinking of the maybe's, reality will slap me so hard that I end up feeling more hurt than before.

Katulad na lang ngayon. Masaya kong kakwentuhan si Sehun, sinamahan ko siya bumili ng potchi sa canteen. Aaminin ko, sobrang saya talaga kasama ni Sehun. Walang dull moments, walang dead silence at awkward moments. Ewan ko, basta pag magkasama kami lahat napaguusapan namin. Kahit gaano pa ka random yung topic tawang tawa pa din kami.

Pero katulad nga ng sinabi ko, reality always end up slapping me hard. "Lu Han katext ko na si Jongin"

Aray naman e. Ganda na ng mood ko tapos bigla kang babanat ng ganyan. Smile Lu Han, smile or else he'll know, I mentally encourage myself. Ang hirap kasi kelangan ko pa lokohin si Sehun at ang sarili ko na okay lang ang lahat kahit ang totoo gusto ko ng magwalk out at magbuhos ng sama ng loob kay Minseok o kay Tao "Pano mo nakuha number niya?"

"Ka club ko kasi siya. Grabe ang galing niya mag sayaw tapos top 1 pa siya. Magaling na magsayaw matalino pa. Ang saya ko, di ko kasi akalain na nasa kabilang section lang pala yung ideal type ko"

Gusto kong sabihin na masaya ako para sa kanya. Na natutuwa ako kasi nahanap niya na yung ideal type niya. Pero leche, hindi ko kaya. Hindi ko magawa kasi alam ko sa sarili ko na nalulungkot ako. Pero syempre kailangan ko magpanggap na okay ang lahat. "Good luck Sehun. Pagpatuloy mo lang yan, malay mo gusto ka din pala niya" Lord, please sana hindi. 

"I really hope so"

 

......

 

"Lu Han punta ako sa bahay niyo mamaya" Kumakain ako ng malamig na hotdog na nabili ko sa canteen nung lapitan ako ni Sehun. Kainis nakalimutan ko yung baon ko dahil malapit na ako malate kanina tapos yun naman pala absent yung World History teacher namin. 

I chewed said food and swallowed it with slight disgust  before I looked at him. "Bakit ano meron?"

Sehun laughed while giving me a knowing look."Di' ka na naman nakinig kay Miss Martinez kanina. Magkapartner tayo sa poster making project para sa English month"

"Ay ganon ba?Sorry medyo madami lang akong iniisip kanina"

Sehun looked at me then at the hotdog that I'm eating "Tulad ng?"

Bakit ikaw pa. "Uhhh wala naisip ko lang kung bakit green yung blackboard"

Tumawa si Sehun ng malakas habang pinapalo yung lamesa sa harapan niya. "Weird mo Lu Han. Teka nga, wag mo na lang kaya kainin yang hotdog mo. Edible ba yan?Parang kulubot na yung balat na ewan mukhang last week pa yan niluto. Sayang yung 15 pesos mo hindi worth it" Lumabas na naman tong pagkakuripot ni Sehun.

Nawalan ako ng ganang pagtiisan ang lunch ko dahil sa paraan ng pag describe ni Sehun sa pagkain ko. "Badtrip ka naman Sehun e, panira ka ng appetite" 

Sehun scratched his head and offered a peace sign. "Sorry gusto mo share na lang tayo dito sa baon ko"

SHT. Why so thoughtful Sehun? 

"U-uhhh. Sure. Ano ba baon mo?" I grabbed his lunch box and saw the same food I was eating earlier. 

"Hotdog din but don't worry because I guarantee that my hotdog is 100% more delicious than yours"

"HAHA. Dami mo alam.Ikaw na may masarap na hot-"

"Mr Lu Han and Mr Oh Sehun, come to my office now!" Pareho kaming halos mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw ng masungit na matandang dalagang principal namin.

"Yes Miss. Lacson" I could almost hear the nervousness in Sehun voice. 

Grabe ano nagawa namin?

Tahimik kaming sumama ni Sehun sa office ni Miss Lacson. Pag pasok namin sa office pinaupo kami ni Miss Lacson sa upuan sa harap ng table niya. 

Halatang kabado si Sehun katulad ko. 

"You two shouldn't say such dirty things like that. Alam kong maraming mag boyfriend dito since all boy's school to at di niyo mapigilan yung hormones niyo pero you shouldn't talk about that thing especially in public. Third year high school pa lang kayo tapos yun na pinaggagagawa niyo?" 

OH MY GOD. ANO BA AKALA NI MISS LACSON?!!?FUDGEEEE!!! WHAT THE HELL.

My god!!My innocent mind is scarred for life. 

Nafeel ko na namumula na ako sa galit at kahihiyan. "Not to be rude Miss Lacson but Sehun and I were just talking about our lunch. It was you who gave a shameful meaning to it. Now if you'll excuse me, I don't have time for this meaningless argument" 

I angrily got up and ignored Miss Lacson's command for me to get back in the room. 

Di ko namalayan na sumunod sakin si Sehun. 

Natatawa siya pero I didn't share his amusement. "Tawa ka pa diyan, pinagisipan na nga tayo ng kung anu-ano ng shallow minded na principal natin e" Binatukan ko si Sehun

Sehun continued laughing though. "Sorry nakakatawa kasi itsura ni Lacson e, feeling ko sobrang nagulat siya na you talked back to her. Nakita ko yung pagkapahiya niya sa mga sinabi mo" 

"Miss Lacson" I mindlessly corrected him.

Sehun shrugged"I don't think she deserves to be treated with respect" 

Agree.

 

 

........

 

Bwisit yun si Lacson. Pinersonal ba naman kami ni Sehun.

We ended up getting suspended for three days. 

Bwisit si Lacson kasi dahil sa kanya pareho kaming walang magawa ni Sehun, dahil sa kanya araw-araw akong pinuntahan ni Sehun sa bahay. 

"Lu Han may naghahanap sayo sa labas. Classmate mo daw" My mom called from downstairs. 

Hindi nagalit sakin magulang ko, nung unang araw lang pero ng i explain ko kung ano yung buong pangyayari kung bakit ako na suspend naintindihan nila, they even agreed that Miss Lacson..correction Lacson is a shallow person and a little green-minded for that matter. 

Bumaba ako ng hindi inaayos yung sarili ko, nakakatamad kaya. Ang aga-aga pa lang e. Wala pa ngang 8. Pero halos tumakbo ako pabalik sa kwarto ko kasi si Sehun pala yung bisita ko. Make sense though, since kami lang naman dalawa walang pasok ngayon. Stupid me.

Shocks, Nahihiya ako lumapit kay Sehun kasi looking fresh si gwapo. Basa pa yung hair niya tas kahit malayo ako sa kanya naaamoy ko na yung manly scent niya habang ako dito messy pa yung buhok tapos naka boxers at maluwag na white shirt lang.  Curse you Lacson! Kasalanan mo lahat to! Fudge! Tatakbo na ba ako? Retreat in 3, 2, - 

"Lu Han mukha kang baby pag bagong gising"

Sht. My knees suddenly got weak. 

Kasi naman Sehun mga banat mo laging biglaan! Arggg!

"Tse! Bat ka ba nandito?Ang aga-aga nambubulabog ka na" I frowned, taking a step away from him kasi di pa ako nakakapag toothbrush.Baka maamoy niya yung morning breath ko.

"Lu Han bat ganyan ka makipagusap sa bisita mo?" My mom gave me a disapproving look.

"Sorry Ma', nga pala Sehun, mommy ko, Mommy si Sehun, classmate ko" 

"Kaygwapo naman ng batang ito"I blushed, looking away from Sehun and my mom. Muntik na akong mag agree sa mommy ko. Buti na lang napigilan ko sarili ko. 

Pumunta kami ni Sehun sa kwarto ko pagkaalis ni mommy. I gulped hard once I saw Sehun's teasing look after I closed the door. "Bat ganyan itsura mo?"

Tumawa si Sehun ng mapang-asar na tawa. "Narinig mo ba yung sinabi ni tita? Gwapo daw ako kaya I suggest that you stop calling me ugly"

I scoffed. "Asa basta para sakin ikaw pinaka pangit sa batch natin" For me, you're perfect. Actually you're so perfect that it hurts because I know that I can never be the right guy for you.

 

......

 

Mas naging close kami after namin ma suspend. We've shared secrets with each other na tipong kahit si Minseok at Tao hindi alam yung mga sinabi ko kay Sehun. Tulad na lang na nanunuod pa din ako ng pokemon paminsan minsan. Nakakaadik naman kasi panuodin yun e. Paborito ka nga pala si jigglypuff, ang cute niya kasi e para siya yung ginagamit kapag naliligo, yung bilog na colorful na body sponge o kung ano pa man yun. Si Sehun naman kinwento niya sakin na nasugod na siya sa hospital nung five years old siya dahil sinubukan niya pasukan ng screw yung butas ng ilong niya, ayun ending na stuck sa loob yung object. 

 

 

.....

 

Is Sehun trying to steal my heart away? Bakit kailangan araw-araw siyang pumunta samin after class at minsan pumupunta pa siya tuwing gabi at weekends gamit yung mountain bike niya na purple para lang makipaglaro siya sakin ng bomber man at mario kart sa playstation namin. Bakit kailangan niya ako dalhan ng siomai pag nagtetext ako sa kanya na 'gutom me'

Naman Sehun bakit mo to ginagawa sakin? Bat' ang sweet sweet mo. Hindi mo naman ako planong saluhin..

 

 

....

 

 

"Lu Han punta ka sa amin" Napatigil ako sa pag dampot ng libro ko ng narinig kong nagsalita si Sehun sa likuran ko.

"Ano meron? tapos na tayo sa poster natin a" I asked after I turned around. 

"Kasi aalis kami ni Jongin mamayang gabi. Tulungan mo akong maghanap ng damit"

Buti pa pagkikita nila ni Jongin pinaghahandaan ni Sehun samantalang pag pupunta siya samin or ako pupunta sa bahay nila madalas butas pa yung suot niyang tshirt.

crack..
 
Is that the sound of my heart breaking a little yet again?

"Pipili lang ng damit kelangan pa may verdict galing sakin "

"Ganon talaga kailangan ko ma-impress si Jongin"

Kung ako na lang kasi sana e di hindi mo na kailangan magpa-impress

Hay buhay.

Sabi ng utak ko say NO kasi alam niyang masasaktan lang ako pag sumama pa ako kay Sehun pero kelan ba nakinig yung puso ko? ang tigas ng ulo talaga. Pinagpipilitan na mag yes ako kasi feeling niya baka may chance pa din ako.

"Sige na nga"

kelan ba ako matututo? 

 

 

....

 

 

"Malapit na birthday ni Sehun" Nasa national bookstore kami nila Minseok at Tao. Naisip ko bigla yung nalalapit na birthday ni Sehun nung makita ko yung hilera ng mga birthday cards. Four days na lang. Ano kaya pwede bilhin?

Natawa si Tao" Bilan mo ng ballpen medyo paubos na tinta ng hbw niya"

"Ipag bake mo din siya ng cake para may effort" dagdag ni Minseok.

Napangiti ako sa mga suggestions nila. "Thanks guys"

Sa totoo lang halos 2 weeks na kami hindi nakakapagbonding ni Sehun. Sa klase lang kami nakakapag-usap pero bihira lang din kasi laging nakatulala si Sehun.Tuwing lunch time naman bigla na lang siya mawawala. Pag tinatanong ko naman kung okay lang siya ngingiti lang siya at sasabihing 'I feel great'
 
Excited ako. Sana pag binigay ko yung regalo ni Sehun matuwa siya at sana din bumalik na yung dating pagkadaldal niya kasi sa totoo lang nakakamiss
 
 
 
.....

 

 

"Aray ang init pala nito Tao bakit ang nipis ng pot-holder mo!" Halos mapasigaw ako ng hawakan ko yung pan galing sa oven.

"Ay sorry Lu! Over used na yan, eto na lang gamitin mo. Masakit ba? Kuha na lang ako ng ointment" Nataranta si Tao umalis sa kusina niya. 

Dito ako nagbake kasi mas kumpleto sa baking tools sa bahay ni Tao kesa sa amin. 

Napaso ulit ako. Manipis talaga yung mga pot-holder ni Tao no joke.

Halos patapos na ako mag bake. Salamat Lord dahil sa totoo lang sumasakit na yung kamay ko na medyo napuno ng paso. Alam ko na ireregalo ko kay Tao sa pasko, bibilhan ko siya ng makapal na pot-holder. Naghuhugas ako ng mga baking tools ni Tao ng mapansin ko na may binabalak na hindi maganda si Minseok sa cake ni Sehun."Oy oy Minseok wag mo kainin yung gilid kahit feeling mo hindi mapapansin yang pagdutdut mo sa icing mahahalata yan ni Sehun, observant yun si kolokoy e"

"I doubt it Lu kasi kung observant siya e di sana matagal niya na napansin na may gusto ka sa kanya"

Napa buntong-hininga ako. Tama nga naman si Minseok. May pagkamanhid kasi si Sehun lalo na sa nararamdaman ko para kanya. "Yaan' mo na Min, siguro talagang friends lang kami. Di ko naman pwedeng ipilit yung hindi pwede diba?"

Okay, sige. Unti-unti ko ng tatanggapin na hindi pa man nagsisimula yung laban, talo na ako.

Alam ko naman na wala talaga akong laban kay Jongin.

Pero syempre kahit anong pilit ko ayaw talaga mawala ng feelings ko para sa kanya.

 

In love ako kay Oh Sehun

 

....

 

 

Sobrang kinakabahan ako. San ko ba pwedeng ilagay yung sobrang kaba ko para mabawasan naman ito kahit papaano. 

Saturday ngayon at walang pasok. Nagkataon na birthday ni Sehun ngayon. Kaya nandito ako, stuck at kabadong nakatayo sa labas ng bahay ni Sehun. Medyo pinapasma na nga yung mga palad ko. I hate Minseok and Tao, why did they ditch me? Sabi nila 'go for it Lu' tapos tumakbo sila paalis nung pipindutin ko na sana yung doorbell sa bahay ni Sehun. 

Shocks, tutuloy pa ba ako? Pano pag wala pala si Sehun? 

What if kumain sila sa labas ng family niya? 

What if-

Bumukas yung maliit na gate at lumabas si Sehun, yung gwapong birthday boy.

Bakit, why did my heart start pounding so fast? "Lu Han?"

"S-sehun" 

"Uy Lu Han anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sehun halatang na surprise siya pero alam mo yun, parang disappointed siya na nandito ako.Pero baka naman nag o-over analyze lang ako ng mga bagay bagay. 

"Kasi babati-"

"Jongin!" Biglang putol ni Sehun sa mga sinasabi ko. Napatitig ako kay Sehun. Mas naging gwapo siya lalo kasi yung ngiti niya umabot sa mga mata niya. 

I looked away, not sure if I can manage seeing Sehun so happy because of Jongin's arrival. Nakita ko yung malaking box ng cake galing sa sikat na bakeshop na hawak ni Jongin. Nahiya ako sa paper bag na hawak ko, unti-unti kong tinago sa likod ko yung cake na para sana kay Sehun. Pero di ko na ibibigay. I'm sure Jongin's cake will be more than enough to Sehun.

Medyo slow motion yung sumunod na ngayari.

Di' ko alam kung bakit parang nangaasar si tadhana. Bakit sa harapan ko pa nagyakapan tong dalawang lalaking to. 

Sana ganyan siya kasaya nung ako yung nakita niya....kaso hindi.

Imposibleng mangyari. 

"Lu Han sorry pero aalis kasi kami ni Jongin e. May kailangan ka ba?" Sehun asked after he pulled away from Jongin's embrace. 

"A wala napadaan lang ako. Alis na ako Sehun. Happy Birthday a, muntik ko na makalimutan na birthday mo pala ngayon buti na lang naalala ko kasi nakita ko yung cake na dala ni Jongin. Sige bye guys. Enjoy" Ang dami ko pang sinabi dapat tumakbo na lang ako paalis e di sana di ko na nakita yung paghoholding hands nilang dalawa.

 

I'm so pathetic. 

 

 

........

 

 

Monday nung nalaman ko na sila na pala ni Jongin. 

 

Kaya ko pang tiisin yung sakit nun e. 

Malakas ako, di ako iiyak kasi alam ko na naman simula una pa lang dun mauuwi ang lahat.

 

Alam mo ba kung ano yung pinakamasakit? 

 

To see and feel the rapid gap in our relationship drift faster each day.

 

I watch as he slip away...

 

Our friendship long forgotten between awkward Hello's and Goodbye's

 

Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bat parang di nababawasan yung sakit...

 

 

............................

 

 

 

"Lu Han bat' nandito ka?Ano nangyari?" 

I got up from the ground and tackled Minseok into a really tight hug. "How can I make the pain go away?" I buried my head on Minseok's chest.

Kanina kinausap ko si Sehun, tinanong ko siya ng simpleng "Sehun ano nangyayari satin?"

Sehun looked guilty "Sorry Lu Han pero nagseselos kasi sayo si Jongin. Sabi niya lumayo daw ako sayo"

"Anong sinabi mo?" I asked with a smile just to encourage him to go on but inside me, everything was falling apart so fast.

 "Sabi ko kasi sa kanya 'sure, I'll do anything for you' naiintindihan mo naman ako diba Lu Han? "

Manhid ka Sehun.

I smiled, I decided to keep up my role as a supportive friend till the end. Tutal one last time na naman ang lahat.

"As long as you're happy Sehun then I'm happy too. Good luck" 

our everything turned into nothing.

Biglaan ang lahat.

Biglaan akong nainlove sa kanya, biglaan akong nasaktan at biglaan niya akong iniwan

Sana biglaan din ang pag limot ko sa lahat. 

 

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko na nabasa na pala ng luha yung damit ni Minseok.

 

 

 

 

ENDING. LMAO =))))

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
seluislove #1
Chapter 1: ang ganda ng storya nakakaiyak. kawawa nman si lu hahaha.sequel nman dyan, bitin e. (y)
KYUMIN-ish
#2
Chapter 1: Aray! Pwedeng tagalog sequel? XD happy ending naman oh!