Chapter 1: Kailan?

Heartless

Sky's POV

 

"OMG!! YUNG COOKIES!!" patakbo akong pumunta ng kitchen. Nanlulumo akong napaupo nang nakita ko yung usok na lumalabas mula sa oven.

 

"Aish! Sunog na!! Kainis naman, pano na 'to?!" reklamo ko sa sarili ko. 

 

"JUSKO!! ANONG NANGYARI!?" nakita kong lumapit si yayas aoven at pinatay ito. Syet lang, nagdrama na ako dito di ko pa napatay yung oven, buti at di sumabog. -_-

 

"Nako! ikaw talagang bata ka!" Sermon na naman ang inabot ko mula kay Yaya. Binuksan niya yung oven at maraming usok pa ang lumabas dun.

 

*Cough* *Cough*

 

"YAYA!! YUNG COOKIES KO!!!" nagpapadyak ako sa tiles naming sahig. 

 

"Ano ba, tumayo ka nga diyan. Para kang bata. Mag bake ka nalang ulit." oo nga 'no? Pero sayang pa rin yung effort ko! Ba't kasi nakatulog ako? Yan tuloy nakalimutan ko.

 

Napakamot nalang ako sa ulo ko at tumayo para kunin yung mga ingredients at mag bake ulit. Habang si Yaya naman eh busy sa pagliligpit ng kalat ko.

 

Talagang binantayan ko na. Takot ko lang na masunog ulit yung cookies.

 

Pagkatapos ay binalot ko na at nagbihis ng cute na pink dress. Palabas na ako ng bahay ng maalala kong naiwan ko yung isa ko pang gift. HAY nako! Ang bata ko pa sobrang makakalimutin ko na.

 

Nagpahatid ako sa bahay ng love of my life ko. Patakbo akong pumasok ng bahay nila, sorry medyo excited lang ako.

 

“Cloudyy!!” Sigaw ko habang paakyat ng hagdan. Bitbit ko sa magkabila kong kamay yung cookies tsaka yung isa ko pang gift.

 

“What are you doing here?” kunot noo niyang tanong. Naka sando at tsak board shorts lang siya pero, ang hot at gwapo niya pa ring tingnan.

 

“Happy birthday Cloud!!” Tumakbo ako palapit sa kanya tsaka siya niyakap ng mahigpit. Oh my god, ang bango niya talaga! Nakakalasing yung perfume niya.

 

“Ano ba Sky! Get off of me!” Sabay tulak niya sakin kaya naman napaatras ako. Hmp! Sungit niya talaga.

 

“Eto naman obrang OA! Parang niyakap ka lang, kala mo kung sinong artista.” Humalukipkip ako sa harap niya habang siya ay nakabusangot.

 

"Tss. Too noisy. Ano pang kailangan mo? I have lot of things to do." Eto na naman siya, iniwasan niya na naman ako. Wala naman talaga siyang gagawin. Matutulog lang naman yan!

 

"Ah bago ko makalimutan. Eto pala yung gift ko!" Sabay kong winagayway sa mukha niya yung mga dala ko.

 

"Just put it there. Kung wala ka ng gagawin, you can go now." Tapos tinalikuran niya na ako.  Lecheng lalaki ang hirap amuhin. Pumasok ako sa kwarto niya at dun nilagay yung mga gifts ko. Bahala siya sa buhay niya.

 

Lumabas din ako agad baka kung ano pang kahalayan ang maisip ko.

 

Nakita ko siyang nasa dining at kumakain. Busy lahat ng tao kasi nga naman birthday niya. May party mamaya. Pero talagang inagahan ko ng dating kasi mamaya maiichapwera na ang beauty ko. Uunahin niya naman yung mga friends niya. Kaiingit lang!

 

Kumuha ako ng cake at dun umupo sa tabi niya.

 

"Ang sarap. Gusto mo?" Alok ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako ng masama.

 

"Can't you see? I'm eating. Stupid!" Sinamaan ko siya ng tingin tsaka binatukan.

 

"Aray! What was that for!?" Singhal niya sakin.

 

"You stupid guy! Tinanong ko lang naman kung gusto mo, you could answer Yes or No. Ang dami mo pang sinabi!" Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain hanggang sa marinig kong paparating si tita.

 

"Oh my god! Si mommy!" Sabi ko sabay baba ng tinidor ko. Nakita kong nagsalubong agad yung kilay niya.

 

"Maka mommy ka parang ikaw yung anak ah?"

 

"Nukaba Cloudy! Wag ka ngang KJ! She'll be my mommy too, when we're married. Pinapractice ko lang ang pagtawag. Hahaha" di na siya sumabat pa, pano ba naman.

 

"Sky, hija. How are you?" Lumapit si Tita Andrea sakin. Tumayo naman ako sa pagkakaupo at sinalubong siya ng yakap. Di ako FC, sadyang close lang kami ni Tita este Mommy pala. HAHAHA

 

“Uhm okay lang naman ako Tita, nga pala mamasyal kami ni Cloud ngayon.” Sabay tingin kay Cloud at ngising aso.

 

“Ganun ba? Sige basta be back after 6. Okay Cloud?” Tanong ng mommy niya sa kanya. Tumango naman siya. Iniwan na kami ng mommy niya.

 

“Uy Cloud bihis ka na, mamasyal tayo. Bilis!” tuwang tuwa kong sabi. Pano ba naman hindi yun makakatanggi pag kaharap namin mommy niya, aba takot niya lang kay Tita Andrea.

 

“Mamasyal kang mag isa mo!” dabog niyang binitawan yung kutsara at tinidor at iniwan akong naka upo lang dun. Aba di pwede ‘to!

 

Sinundan ko siya sa kwarto niya, pinihit ko yung door knob! Aba di naka lock.Pagkakataon na ito! Wahaha, dahan-dahan koi tong binuksan. Pero laking gulat ko nalang nang hinigit ako ni Cloud papasok at isinandal sa likod ng pinto nito.

 

“! Are you really that stupid?! O sadyang tanga ka lang at nagbubulag bulagan? Pwede ba, wag mo ngang ipag-siksikan yang sarili mo sakin, wala kang puwang dito.” Sabay turo niya sa kaliwang dibdib niya habang yung isang kamay eh nasa balikat ko.

 

Biglang nanghina ang tuhod ko, nanginginig ang mga labi ko. Di ko alam kung pano siya sasagutin. Huminga ako ng malalim bago nagsasalita.

 

“Hahaha, ano ba Cloud, ang joker mo talaga. Magbihis ka na nga, para makabalik tayo agad. KJ mo naman.” Nakuha ko pang magbiro at gawing light yung situation kahit na alam kong nagngingitngit na siya sa inis at galit.

 

“This is BullSh*t Sky. You know that!” sabay bitaw niya sakin, ginulo niya yung buhok niya tsaka umupo sa gilid ng kama niya ng nakayuko habang nakatungkod yung mukha niya sa mga kamay niya.

 

He looks frustrated and it breaks my heart.

 

Nakatunganga lang ako sa kanya, pinipigilan kong maiyak sa harap niya. Ayoko ngang magmukhang kawawa, ginusto ko ‘to kaya paninindigan ko. Pumunta ako sa closet niya at pinili yung susuotin niya.

 

“Eto oh! ‘to nalang suotin mo, it suits you. Tingin mo? Ilalagay ko lang dito ah? BIlisan mo na, sa baba nalang ako maghihintay.” Nilatag ko sa tabi niya yung damit na kinuha ko at lumabas na ng kwarto niya. Napasandal nalang ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko.

 

Cloud? Kailan mo kaya ako mamahalin tulad ng pagmamahal ko sayo?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet