MOVE !

My Girlfriend is a Great Pretender

Hindi ko namalayan ang oras.. dumating sina fred at ate kitkat sa mansion para tumulong sa pag lilipat ko..

“kim..?” saad ni ate kitat habang kumakatok pinag buksan ko naman siya ng pinto

“pasok ka ate..” saad ko at umiwas ako ng tingin sa kanya

“beh umiiyak ka ba??” tanong niya sakin.. hindi lang ako kumibo.. maya maya pa’y biglang pumasok si fred sa kwarto..

“ate kitkat.. ate kim.. okay na ba kayo diyan??” tanong ni fred

“yung gamit ni kim okay na pero sya parang hindi..” sagot ni ate kitkat

“huh? Bakit?” tanong ulit ni fred pero hindi kumibo si ate kitkat

“ako pala ang mag hahatid sayo sa unit mo kim..” dagdag pa ni fred

“huh? Asan si RJ??” tanong ni ate kitkat

“nasa kwarto niya ewan ko ayaw akong harapin.. nakahiga lang ni tumingin nga ayaw ee..” mahabang paliwanag ni fred..

“kim nag away ba kayo??” tanong ni ate kitkat umiling lang ako..

“s-sandali lang ate kitkat.. fred..” paalam ko at umakyat ako sa kwarto ni Gerald..

Kumatok muna ko bago ko binuksan yung pinto.. nag punta ko sa gilid ng kama ni Gerald at hinaplos ang kanyang ulo..

“Ge..” tawag ko sa kanya pero hindi siya kumikibo.. pumunta ko kung saan siya nakaharap nakita kong tumutulo ang luha niya.. tumalikod naman siya kung nasaan ako..

“Ge.. mag usap tayo pwede??” sabi ko sa kanya

“Ge.. alam mong hindi kita kayang tiisin.. yung kagabi wag mo na lang alalahanin yon.. okay na ko oh..” dagdag ko pa at nahiga at yumakap sa kanya

“makakapag hintay ka ba talaga..?” tanong ko sa kanya humarap siya sakin at tumango.. nginitian ko siya..

“yun naman pala ee.. so okay na ha?? Wag ka nang umiyak diyan..” sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang luha niya habang yumakap din siya sakin..

“sorry din..” sabi niya.. ngiti lang ang sagot ko..

“lilipat na ko hindi mo ba ko ihahatid dun?” tanong ko

“ihahatid kita sino bang nag sabing hindi..” sagot niya

“ee sabi ni fred  ayaw mo daw siya kausapin ee..” sabi ko sa kanya habang hinahagod ang buhok niya..

“wala naman akong sinabi na hindi kita ihahatid aa..” sagot niya sakin para siyang bata

“oh.. tara na.. tayo ka na diyan at mag prepared.. hintayin ka naming sa baba..” sabi ko sa kanya

“kiss muna..” sabi niya sakin

“akala ko ba makapag hahantay ka..” tanong ko sa kanya

“kiss lang naman..” parang batang pag tatampo niya

“sige na nga..” sagot ko sa kanya and I kissed him pero biglang dumating si ate kitkat and fred..

“ooppss.. sorry..” saad ni ate kitkat nahihiya ako dahil nahuli nila kami

“ate naman dapat kumatok kasi muna tayo..” sabi ni fred

“ee.. malay ko ba..” sagot ni ate kitkat na ikinatawa namin..

“tara na nga muna at bumaba na tayo..” sabi ni fred kay ate kitkat..

“oo nga.. sabi ko na ee.. nag away yang dalawang yan ee.. paro bati na..” sabi ni ate kitkat kay fred habang lumalabas ng pinto.. nag katinginan at nagkangitian naman kami ni Gerald

GERALD’s POV

Sabay kaming bumaba ni kim, nandun sina ate kitkat,fred at manang na naghihintay samin..

“kim hija..” tawag ni manang kay kim..

“manang..” yumakap si kim kay manang

“mag iingat ka duon ha.. lagi ka parin namang bibisita ditto di ba??” tanong ni manang kay kim

“opo naman manang..ikaw talaga.. wag kang mag papagod ng husto manang ha.. hayaan mo na yang si Gerald matanda na yan..” pag bibiro ni kim

“o sige na.. baka gabihin na kayo..” sabi ni manang at yumakap ulit si kim sa kanya..

*SA UNIT

Habang inaayos ni ate kitkat at ni kim ang mga gamit niya nag kwentuhan muna kami ni fred

“so ano yung nakita naming??” tanong ni fred

“huh??” inosenteng balik tanong ko

“yung sa kwarto mo kanina..” tanong ulit ni fred

“ee ano ba yung nakita niyo??” balik tanong ko

“soo kayo na ni kim walang pretend pretend..” tanong ulit niya

“hindi pa kami bro..” sagot ko

“what!?” gulat na tanong niya..

“hindi pa kami.. but inamin ko sa kanya kagabi yung  true feelings ko..” sagot ko ulit

“then?” tanong ulit ni fred

“anong then?? E di mag hihintay ako.. okay na ko sa ganito.. kesa lumayo pa si kim..” sagot ko

“iba ka talaga mag mahal bro..” sabay tapik ni fred sa balikat ko..

 

*KIM’s POV

Habang nag liligpit kami ni ate kitkat ay nag kwentuhan kami..  

“so kayo na beh??” tanong ni ate kitkat umiling lang ako..

“what?? So hindi pa kayo pero nag kiss na kayo??” gulat na sabi ni ate kitkat

“practice yun..” pabirong sagot ko

“uyy.. anong practice..adik nito..” sabi ni ate kitkat

“hahaha.. joke lang.. hindi pa kami pero kasi kagabi may misunderstanding lang.. tapos ayun..” sagot ko

“anong ayun..?” tanong ni ate kitkat

“umamin siya sakin ng true feelings niya..” sagot ko

“o e ikaw..?” tanong ulit niya

“hindi ko alam ate.. basta naguguluhan ako sa ngayon pero hindi ko kayang wala siya sa tabi ko kasi kahit sandal pa lang kaming mag kasama nasanay na kong lagi siyang nandyan..”  paliwanag ko tumango lang si ate kitkat

“time and destiny will tell..” sabi niya.. natapos kami at nakita naming si fred at Gerald na umiinom na naman..

“oh kayo diyan umiinom na naman kayo.. nako fred halika na..” sabi ni ate kitkat

“sandal lang ate..” sagot ni fred

“hindi halika na kailangan daw tayo sa restaurant..” sabi ni ate kitkat habang hinihila si fred.. may ari sila ng isang sikat na restaurant ditto sa maynila.. naiwan naman kami ni Gerald

“so.. bukas susunduin ko sila mama mo..” sabi ni Gerald at tumango lang ako

“mama natin.. sabi niya mama mo na din siya di ba??” nakangiting sabi k okay Gerald ngumiti lang din siya.. sabay niyakap niya ko..

“ihahatid kita bukas sa school then susunduin kita..” sabi niya sakin

“okay..” simpleng sagot ko

“ganun ang magiging routine natin..” sabi pa niya ngumiti lang ako.. hindi ko alam kung ano ang nag tulak sakin but I can’t forced myself.. I kissed Gerald and he kissed me back.. we kissed each other passionately.. maya maya ay may kumatok.. nangiti lang naman ako sa reaction ni Gerald..

“ate pockie..” saad ni Gerald

“hello Geraldo..” sabi naman nung babae..

“aa.. ate pockie si kim girlfriend ko..” pag papakilala sakin ni Gerald hindi nito pwedeng malaman na nag pre-pretend lang kami..

“oh hello kimmy..” bati ni ate pockie sakin

“hello po” balik na bati ko sa kanya

“nako wag kang mahiya sakin.. ako ang magiging maid niyo rito..” sabi ni ate pockie

“po??” gulat na tanong ko

“don’t worry weekend lang.. at every Wednesday pupunta ko rito para kunin ang mga madudumi niyong damit.. kaya di ka mag sasawa sa maganda kong mukha..” pag bibiro nito natawa naman ako..

“aa.. Geraldo tumawag ang mommy mo sakin.. Tuesday daw sila dadating ng daddy mo..” sabi nito kay Gerald.. napahawak naman ako kay Gerald..

“o sige ate pockie.. aa.. ate pwede bang ipagluto mo kami ng dinner??” tanong ni Gerald

“aa.. ako na lang pahinga na lang po kayo ate..” saad ko

“ikaw mag pahinga..” sabay nilang sabi..

“sabi ko nga..” saad ko habang tinaas ko dalawang kamay ko..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
please update!!
philhaus115 #2
update please!!!
swagers #3
thank you po.. sana po nagustuhan at magustuhan niyo po yung mga bagong chapters..
TheArvie99 #4
Maganda ang simula mo sana pagpatuloy mo... thank you very much sa fanfic story mo