KJ mo kahit kelan. Kulang ka ba sa ?

Pansinin Mo Ko, Kouhai

"Tao."

"Oh?"

Binaba ng roommate niyang si Sehun ang cellphone nya sa kama, sabay higa sa tagiliran nya bago hinarap si Tao na nagbabasa ng libro sa kabilang kama, "Nagtext si Luhan. Punta raw tayo gig ng pinsan nya."

"Yaw."

"KJ mo. Tara na."

"Ngayon na? May exam ako bukas."

"Tanga. Sa Friday."

"Puta. Papasama ka na lang natanga mo pa ko." Iritable na si Tao, sabay bato ng pencil nya, sakto sa noo ni Sehun.

"Aray ha! Sumama ka ha?!"

"Peste. Libre mo ko entrance." Nakangisi si Tao, iismid si Sehun, "Kuripot ka rin no."

"Ayoko sa mga ganung lugar. Matao, maingay. Eeeeegh." Kunwang nanginig pa sa diri si Tao, ngingiwi si Sehun, "Arte mo."

"Alam mo, kung si Luhan lang din naman ipinunta mo dun, wag mo na ko isama." Magtataas ng kilay si Tao, ibabato ni Sehun pabalik yung pencil sa kanya, tatama lang to sa pader sa likod ng roommate.

"Dude, syempre si Luhan talaga pinunta ko dun, pero di pa naman kami. Andun pa yung pinsan nya, di lang akin atensyon nun. Wag ka na umayaw, sinabi ko na kay Luhan na kasama kita."

"Tatanong ka pa, ala naman pala kong choice."

-----

Biyernes, alas-nuebe ng gabi. Asa tapat ng Mayric's sa España si Tao at Sehun. Iritado si Tao dahil unang una, "Ang ingay."

"Umayos ka nga, Zitao." Bulong ni Sehun habang nagtetext kay Luhan. Bubukas ang pulang pinto ng bar at lalabas mula doon si Luhan, tataas ang kilay ni Tao dahil biglang ngingiti ang kasama nya ng pagkalapad-lapad. "Kanina pa kayo?"

"Karating lang namin, Lu."

"Tara sa loob. Nagsesetup na sina Yifan."

Papasok silang tatlo at uupo sila sa may bandang kanan, mga 2 table ang layo sa stage, 1 table ang layo sa speaker, lalong magiging iritable si Tao. May tao na rin na nakaupo sa lamesa nila, buti na lang di pa nagsisimula yung banda kaya medyo nagkakarinigan pa sila. "Si Joonmyun, boyfriend ni Yixing. Si Sehun, at Tao." Pakilala ni Luhan sa kanila at sa kasama nya. Makikipagkamay sila bilang respeto sa bagong kakilala. Uupo si Tao sa pinakasulok, sa side na hindi nya katabi yung speaker. Tatabi si Sehun kay Luhan, so, walang katabi si Tao. Ayos, sabi na eh.

"UST rin kayo?" Tanong ni Joonmyun na nasa tapat nya, tatango lang si Tao, "Ahhh. Anong year?"

"1st year kami pareho ni Sehun. Civil Engineering siya, Architecture ako. Magkadorm kami."

"Ah. Okay. 3rd year kami ni Yixing," sabay turo ni Joonmyun sa isang lalaki sa gilid ng stage na nagtotono ng gitara nya, "Music major kami pareho."

"Ahhh." Yun lang nasabi ni Tao, dahil hindi naman din siya masiyadong interesado. Ngingiti siya ng medyo awkward, parang naghihintay si Joonmyun na may sabihin pa siya, pero sa totoo lang, wala naman. Buti na lang may nagsalita sa mic.

"Magandang gabi! Kami po ang bandang BarbedWire. Let's go!"

May kaliitan ang bokalista ng banda, pero maganda boses, oobserbahan ni Tao ang apat na lalaki sa stage, pero di maaalis ang tingin nya sa lalaki sa kaliwa, may kahabaan ang buhok nito na nakaponytail, at siya yung bahista. Medyo natatakpan ng bangs nung lalaki yung mukha nya pero kita na may kagwapuhan ito. Ibabaling na lang ni Tao ang atensyon nya sana sa iba pero minuminuto ata, binabalik nya ang tingin sa bahista.

"." Bulong ni Tao sa sarili nya. Tumayo sa upuan at pumunta sa maliit na bar sa may entrance, hindi siya umiinom at wala siyang balak magsimula ngayon. Oorder siya ng iced coffee, sabay balik sa table nila. Papakinggan nya yung banda, pinipigilan ang sarili na tignan yung poging bahista, pero kasi naman, ang gwapo talaga. "NO." Sambit nya sa utak nya, sana matapos na ang gabi, gusto na nyang umuwi di dahil maingay, matao at mausok, kundi dahil sa bahista sa stage.

Matapos ang dalawa pang kanta, bumaba na yung apat na lalaki sa stage, palapit sa table nila. Hindi titingin si Tao, ibabaling ang atensyon sa kape nya na paubos na. May tatabi sa kanya, pagtingin nya, syempre, ano pa ba, yung bahista.

"Guys, si Yifan, pinsan ko." Simula ni Luhan sabay tapik sa balikat ng katabi ni Tao, "Si Baekhyun, Chanyeol at Yixing. Si Sehun at Tao."

Magpapakilala na yung tatlo pero tatango lang si Yifan sa tabi nya. Ibabaling ni Tao ang lahat - lahat ng atensyon nya sa ibang bagay - sa cellphone nya, sa pangalawang order nya ng kape (narinig nya si Yifan na natawa ng onti sa gilid nya, the nerve), sa katapat nyang si Joonmyun at Yixing. Basta hindi sa katabi nya na magiging dahilan ata ng atake nya sa puso.

"Nagtext si Jongin. Tara na daw sa apartment nya." Sabi ni Baekhyun sabay lagay ng cellphone sa bulsa nya, "Kuya! Billout!"

Matapos nila magbayad sa mga inumin at pagkain, hihilahin ni Tao si Sehun habang pinapauna nila yung mga kasama nila, "Sasama pa ba tayo dyan? Uuwi na lang ako! Nag-eenjoy ka naman na."

"Ano ka ba? Nakakahiya naman. Imbitado naman tayo."

"Imbitado ka ni Luhan. At hindi ako umiinom."

Iismid si Sehun at hihilahin sa braso si Tao, "Dalawang oras. We'll stay there for 2 hours, tapos uuwi na tayo."

"We'll stay for two hours, your face."

"KJ mo kahit kelan. Kulang ka ba sa ?"

"Putangina Sehun. Andumi ng bibig mo."

"Says you."

Hindi na iimik si Tao habang kinakaladkad ni Sehun para makasunod sila sa grupo na naglalakad sa kahabaan ng España papuntang Maceda kung saan anduon ang apartment ni Jongin (kung sino man siya).

Medyo maliit ang apartment para sa doseng tao. May 3 kasama sa apartment si Jongin, "Tagal nyo. Tagay nyo na." Bati nito sa kanila. "Eto ba yung boyfriend mo Luhan?" Pahabol na tanong nito na nakaturo kay Sehun. Mamumula si Luhan, at kakagat labi. Iiling na lang si Tao sa tabi ni Sehun.

"Jongin, hindi... pa." Sagot ni Luhan, lalapit si Jongin kay Sehun at bubulong, "Lasingin mo pa yan, uuwi kang may boyfriend." Tatawa si Sehun. Okay, awkward.

"Ang init naman dito, puta."

"Hoy Yifan, wag ka mareklamo." Bati ng isa sa mga kasama ni Jongin, "Kyungsoo. Yun si Jongdae at Minseok."

"Tao." Sambit ni Tao at ituturo nya si Sehun, "Sehun."

"Pasok, upo. Kahit saan." Nakangiti si Kyungsoo, papasok lalo sa loob ng apartment silang lahat. Asa sahig ang mga umiinom, uupo si Tao sa sofa, uupo si Yixing sa tabi nya, "Tahimik ka talaga? Sabi nila tahimik rin ako pero parang mas tahimik ka sa sakin."

"Ahhh, di ako sanay sa tao." Magkakamot ng likod ng ulo si Tao, "Tsaka di ako umiinom."

"You're already here. You might as well." Aabutan siya ni Baekhyun ng isang bote, iiling si Tao pero ipipilit ng bokalista ang bote ng beer sa kanya. Kukunin ni Tao ang bote, iiwanan siya ni Baekhyun at Yixing. Wala pa atang sampung minutong mag-isa si Tao sa sofa na nakatitig sa bote na hawak nya, sinubukan nya inumin to kanina pero seryoso, gusto lang nya isuka agad yung kakaunting beer na nainom nya. Minabuti na lang nya na maglaro sa cellphone nya ng may umupo sa tabi nya uli, "Wanna get out of here?"

Titignan ni Tao ang nagsalita.

Si Yifan.

*****

Balik tayo mga dalawang oras mahigit nakakaraan. Mayric's.

"Di ka mapakali."

"Wala pa si Sehun. Baka di dumating. Ang hirap daw pilitin ng dorm mate nya sumama kanina. Di pa nagtetext uli kung napapayag nya ba at kung papunta na ba sila."

Kibit-balikat lang si Yifan, "Kung binoyfriend mo na yan, di hindi na magsasama ng kasama yan, kahit kayong dalawa na lang."

"Wag ka nga. Wala pa kami dun sa stage na yun."

"Nyeta, para kang babae." Tatayo si Yifan after siya tawagin ni Yixing sa stage, "Setup lang kami."

"Andito na sila!" Sabay talon ni Luhan sa upuan nya at patakbong lumabas ng Mayric's. Sandali lang nawala si Luhan, pagbalik nya may kasunod na siyang dalawang lalaki, titingin si Yifan sa kanila, mapapansin nya agad yung mas matangkad na naka-itim na t-shirt at pantalon. "."

"Okay ka lang?" Tanong ni Chanyeol, saktong umakyat na rin kasi to sa stage.

"Ok lang."

"Ayos na ko, Yifan!" Sabi ni Yixing mula sa kabilang side ng stage, mag-thumbs up si Yifan at uupo na sa drumset si Chanyeol. Pupunta sa mic si Baekhyun at magsisimula, "Magandang gabi! Kami po ang bandang BarbedWire. Let's go!"

Sanay sa stage sina Yifan, sanay siya sa mga matang nakatingin sa kaniya pero ngayong gabi, ni hindi siya makatingin sa audience dahil ramdam na ramdam nya yung titig sa kanya ng bagong dating na nakaupo sa table nila. Mapapansin nya tong tumayo at lumakad papunta sa bar, at sa sandaling minuto na yun, nakahinga siya ng maayos at nakatingin sa mga nanunuod sa kanila. Matapos ang dalawa pa nilang kanta, natapos din ang set nila. Bumaba ng stage ang apat at tatabi si Yifan sa pinsan nya, sa tabi rin lalaking buong gabi na atang nakatitig sa kanya.

Ipapakilala sila ni Luhan kina Sehun at Tao. Tumango lang si Yifan dahil ganun lang din ang ginawa ni Tao sa kanya. Natatawa na ng onti si Yifan dahil halatang balisang balisa si Tao sa tabi nya - naglalabas ng phone, nakikisali kina Yixing at Joonmyun, at oorder ng iced coffee. Natawa na talaga si Yifan, sino naman ba kasi oorder ng kape sa bar na halos lahat ata ay bote ng Red Horse ang hawak?

"Nagtext si Jongin. Tara na daw sa apartment nya." Sabi ni Baekhyun sabay lagay ng cellphone sa bulsa nya, "Kuya! Billout!"

Tatayo silang lahat matapos nilang magbayad. Mapapansin pa ni Yifan na hihilahin ni Tao si Sehun at bubulong ito dito, mukang ayaw na sumama ni Tao pero nung maramdaman ni Yifan na sumusunod na rin ito sa kanila, nakahinga siya ng maluwag.

Dadating sila sa apartment ni Jongin, as usual, masikip pero lagi naman silang duon umiinom, di na siya nasanay. "Ang init naman dito, puta." Reklamo nya, sasagutin siya ni Kyungsoo at iimbitahan na pumasok ang lahat.

Magtatanggal ng jacket si Yifan at diretso sa ref, kukuha ng beer at uupo sa sahig kasama nina Jongin. Titignan lang nya si Tao na kausap ni Yixing at Baekhyun. Saglit lang, iiwan na rin nung dalawa yung isa. Papanuorin nya itong tinititigan yung beer nya, sinubukan uminom ni Tao pero makikita sa mukha nito ang pait na dulot ng alak. Matatawa si Yifan, tatayo at tatabi kay Tao.

"Wanna get out of here?"

*****

Balik sa oras kung saan magkatabi na sila at hindi pa rin sinasagot ni Tao ang tanong ni Yifan. "Don't worry, I'm nice."

Kakagat-labi si Tao at tatango, tatayo siya at iiwan ni Tao ang beer sa coffee table. Kukunin ni Yifan ang jacket nya, lalabas sila ng apartment, maririnig pa nilang sisipol yung ibang kasama nila.

Naglalakad lang sila palabas ng Maceda pabalik sa kahabaan ng España. Magkatabi silang dalawa na naglalakad sa gitna ng daan.

"S-saan tayo pupunta?"

"Punta tayong Intramuros."

"What?"

"Kidding. Taga Tayuman lang ako, may kotse ko, if you want, roadtrip tayo."

"Pero si Sehun..."

Tatawa si Yifan, "Kanina mo pa gustong iwanan si Sehun eh."

"At paano mo naman nasabi?"

"Kanina pa kita pinapanuod."

Mamumula si Tao, alam nyang umakyat ng mabilis yung dugo nya sa pisngi at tenga nya, "H-ha?"

"Kung ano-ano kasi ginagawa mo, nagke-candy crush ka lang naman sa phone mo. Sina Yixing pa kinakausap mo pwede namang ako. Di mo kasi ko pinapansin e."

"Pinapanuod mo ko talaga? Bakit?"

"Pinapanuod mo rin ako kanina e. Pinahirapan mo pa ko. Nakoconscious na ko, andami ko kayang mali."

Bubungisngis si Tao, papanuorin siya ni Yifan na tumatawa sa likod ng kamay nya, ngingiti si Yifan, "Ang cute, cute mo."

"Tigilan mo nga. Hindi ako cute." Kunyaring magsusungit si Tao pero nakangiti pa rin siya kay Yifan.

"Tara!" Hahablutin ni Yifan ang kamay ni Tao, at tatawid sila ng daan, for a bassist, naisip ni Tao, hindi magaspang ang kamay ni Yifan, masarap hawakan. Nang makatawid na sila, susubukan ni Tao na tanggalin ang kamay niya kay Yifan at hihigpitan lang nito ang hawak sa kanya, "Hawak na kita e."

Ngingiti si Tao, "Saan nga tayo punta? Baka maholdap na tayo dito."

"Uwi na lang tayo sa condo ko."

"Ikaw lang andun? May kotse ka pa? Yaman mo naman."

Tatawa si Yifan, "OA mo. Sa family namin yun pero nag-migrate na sila sa Canada. Ayoko na bumalik dun."

Tatango si Tao, aalma pa sana siya pero pumara ng taxi si Yifan, at pinadiretso na sa condo nya yung sasakyan.

Medyo kabado si Tao nung pumasok siya sa condo ni Yifan, hindi nya alam kung ano'ng mangyayari pero may pakiramdam siya na matatapos ang gabi sa kwarto ng kasama nya. "Ang landi ko..." Bubulong nya sa sarili nya, gusto nya na umuwi na lang at kalimutan na lang tong gabi na to, hindi siya ganto, hindi siya makikipag-s...

"Umupo ka." Tatawa uli si Yifan, "Di kita dinala dito para mag tayo, kung yun iniisip mo. Di ako ganung tao, okay?"

Bubuntong-hininga si Tao at uupo sa couch ni Yifan, tatabihan siya nito after siya bigyan ng lata ng Pepsi. "Papatayin ako ni Luhan pag may ginawa ako sa dorm mate ng potential boyfriend nya."

"Potential boyfriend..." Tatawa si Tao, yung natural at malakas, "Ang arte nung dalawang yun."

"Di ka naman pala talaga suplado e. Mas bagay sayo yung tumatawa."

"Hindi ako suplado. Di lang talaga ko sanay sa mga tao, sa mga bagong kakilala. Parang nasusuffocate ako, I think, sumama ako sa 'yo kasi di ako makahinga sa apartment ni Jongin."

"Ambaho dun e."

Hahampasin siya ni Tao sa braso, "Uy, grabe hindi naman. Bakit di na lang kayo dito uminom? Mas malaki to sa apartment ni Jongin."

"Ako lang mag-isa dito. Walang Kyungsoo na maglilinis ng kalat at si Luhan at Yixing, bestfriend nun inidoro pag lasing na sila. Di ko lilinisin yun no."

Mag-uusap pa sila ng mga bagay-bagay. Malalaman ni Tao na CFAD si Yifan, kung tutuusin, nasa iisang building lang pala sila pero Senior na si Yifan, at sabi nga nito sa kanya, "Di mo kasi pinapansin mga tao sa paligid mo, malay mo, nagkita na tayo nun?"

Magtataas ng kilay si Tao, "Bakit? Nakita mo na ba ko nun?"

Ngingiti si Yifan, yung parang may sikretong tinatago, "Malay mo."

"If I know, stalker kita."

"Asa ka." Kukurutin ni Yifan ang ilong ni Tao, "ARAY!!!" Hahampasin ni Tao ang kamay ni Yifan, "Masakit ha."

"Inaantok na ko." Sabi ni Yifan, tatayo si Tao, "Okay. Uuwi na ko. Sa P. Noval lang naman ako."

Titingin ang bahista sa pader kung saan nanduon ang relo nya, "3 AM na. Matulog ka na dito."

"Pero..."

"Wait." Papasok sa kwarto nya si Yifan, paglabas nito may T-shirt at sweatpants na iaabot sa kanya, pati bagong toothbrush, "Di ka uuwi, pag umuwi ka, rereypin kita."

"Tarantado." Tatawa si Tao, kukunin yung mga inaabot ni Yifan sa kanya at didiretso sa banyo. Paglabas nya, nakapagpalit na si Yifan ng damit at kasalukuyang nagtotoothbrush sa lababo sa kusina, "Dun na ko sa couch. Good night." Ngingiti si Tao at didiretso sa couch. Mga dalawang minuto palang siyang nakahiga ng hilahin siya ni Yifan patayo, "Dun ka sa kwarto, malamok dito."

Hindi na umalma si Tao, sa totoo lang inaantok na talaga siya. Nung humiga siya sa kama, handa na siya matulog pero nagising buong diwa nya nung tumabi si Yifan sa kanya. Maliit lang ang kama, pang isa't kalahating tao, kung paano nya nasabi yung kalahati, sinisisi na lang nya sa utak nya na ayaw na gumana ng maayos.

"Matulog ka na." Bulong ni Yifan habang nakapikit sa tabi nya, "Unless gusto mo ko titigan magdamag, walang problema."

"Okay... Good night." Pipikit si Tao. Susubukan matulog pero hindi siya mapakali, marahan siyang tatagilid, pero babalik rin sa pwesto nya, manlalaki mata nya nung bigla siyang hilahin ni Yifan sa bewang, palapit sa kanya, "Matulog ka na, hahalikan kita pag di ka pa natulog."

"Gago."

Didilat si Yifan, magtititigan lang silang dalawa, "Matulog ka na, bibilangan kita."

"Bibilangan?"

"Isa."

"Gago ka?"

"Dalawa."

"Paano naman ako makakatu-" Di na natapos ni Tao ang sasabihin nya dahil nakadikit na ang labi ni Yifan sa kanya. Hindi siya yung kiss na dampi lang, hindi kumikibo si Tao pero si Yifan, bumangon na at idinagan ang kalahati ng katawan sa dibdib ni Tao, at patuloy siyang hahalikan, sa kalaunan, sinasagot na rin ni Tao ang mga halik sa kanya ni Yifan.

' my life, malandi nga ako.'

-----

Gigising si Tao sa patuloy na pagring ng telepono. Hindi sa kanya ang tumutunog, kay Yifan. Babangon si Tao, "Puta..." Masakit ang katawan nya, at nanlalagkit siya dahil sa gabing nakaraan. Titignan nya si Yifan, hubad at tulog pa rin kahit na ang lakas lakas na ng ring ng cellphone sa lamesa sa tabi ng kama nya. Nagiisip si Tao, di ba ang one-night stand dapat di na inaabutan ng may-ari ng apartment? Naaasar si Tao sa sarili nya kasi naman, sabi na dito pa rin uuwi ang lahat. Iniisip na lang nya, buti na lang gwapo si Yifan. Hihinto magring ang cellphone, at patayo na siya ng kama ng bigla siyang akapin ni Yifan, "Saan ka pupunta?"

"Uuwi na? Dapat nga di mo ko abutan pag nagising ka."

"Bakit hindi?" Didilat si Yifan, nakatitig sa kanya, "Di kita one-night stand, Tao."

"Eh ano?" Tanong ni Tao, pero babangon si Yifan para sagutin na yung cellphone nya na nagriring na naman. Ila-loud speaker ni Yifan ang tawag, "PUTANGINA! SINAGOT MO RIN! KANINA PA KO TUMATAWAG!"

"Good morning din, Luhan."

"AATAKIHIN NA SA PUSO SI SEHUN! DI SINASAGOT NI TAO YUNG PHONE NYA! SAAN MO DINALA SI TAO!? PUTA! SABI NA SERIAL KILLER KA!"

"Puta naman, Luhan. Magpinsan tayo, gago ka ba?"

Tatawa si Tao sa tabi ni Yifan, hihinto si Luhan sa birada ng mura nya sa pinsan nya, "YIFAN! INUWI MO SI TAO SA CONDO MO?! PUTA AKO NGA DI MO PINAPATULOG DYAN EH!"

"Boyfriend ba kita? Boyfriend lang pwede dito."

"Boyfriend?" Tanong ni Luhan at Tao. Ngingiti si Yifan kay Tao, "Oo. Di ako simbagal nyo ni Sehun. Mamaya ko iuuwi si Tao sa kanila. Inaantok pa kami, panira ka ng umaga." Ibababa ni Yifan ang tawag at haharapin si Tao. "Unless, gusto mong ligawan rin kita parang si Sehun kay Luhan, pwede rin."

Tatawa si Tao, "Seryoso ka ba? Kahapon lang tayo nagkakilala."

"Seryoso. Tagal-tagal na kita tinitignan sa may pav pag gumagawa ako ng plates. Di ko lang alam sino kakausapin ko para mapalapit sa'yo."

"Di ko alam..."

"Wala ka nga kasing pinapansin na iba."

Ngingiti si Tao, "Feeling mo naman type kita?"

"Wow. Ngayon mo pa sasabihin sa kin yan?"

Tatawa si Tao at aakapin si Yifan, "Sige na nga."

"Akala ko aayaw ka pa e, ang gwapo ko kaya. Talented pa ko." Hahalikan ni Yifan si Tao sa gilid ng ulo, titingnan siya ni Tao na parang hinuhusgahan siya, "Ang yabang mo rin."

Kibit-balikat si Yifan, ngingiti at hahalikan si Tao sa labi, "Maiinlove ka rin sa kin."

Ngingiti lang si Tao, bubulong siya kay Yifan na may halong lambing, "Boyfriend..."

"Oh?"

"Gutom na ko."

Ngingiti si Yifan, ihihiga nya si Tao at ikukulong sa kama gamit ang katawan nya, hahalikan nya ang bago nyang boyfriend, "Ako rin. Kainin kita for breakfast."

"Pagkain!!! Pagkain!!!! Gusto ko ng pagkain!!!" Sigaw ni Tao habang hinahalikan siya ni Yifan at kinikiliti sa bewang. Hihinto sa pagtawa si Tao at tititig sa boyfriend, "Yifan..."

"Oh?"

"Seryoso ba talaga to?"

Ngingiti si Yifan sa kanya, "Oo naman. Seryoso ko sayo."

"Baka mamaya may ibang boyfriend ka pa."

"Narinig mo naman si Luhan diba? Pinsan ko na yun, di pa nakakatulog dito. Maski tanungin mo yung mga kabanda ko, antagal ko na ring single."

Magpapout si Tao, medyo apprehensive pa rin, pero tatango, hahalikan siya uli ni Yifan, dampi lang tapos haharapin siya uli nito, "Bago kita ihatid sa bahay may bibigay ako sayo."

"Ano yun?"

"Susi ng condo ko."

Ngingiti si Tao, hahalikan si Yifan.

Hindi man nya inaasahan na ganito matatapos ang gabi nya, salamat na rin kay Sehun, di man nya sabihin to kay Yifan ngayon, ang gwapo-gwapo talaga ng bagong boyfriend nya. Next time na lang nya sasabihin, lalaki pa lalo ego nito.

Sa ngayon, masaya siya, at ang atensyon nya, ibabaling na rin nya kay Yifan.

 

------------------

 

Author's Notes: Again, translation is still 50/50 and if you're Filipino and you understood this, pasensya na. wala ata akong sense of humor rin talaga.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
eris_0068 #1
Chapter 1: " my life. Malandi nga ako." HAHAHA PUTANGINA LAPTRIP AMPOTA HAHAHA
liarinred456
#2
galing mo po!!! thumbs up
xiu_mine
#3
Chapter 1: Ayyyy.. ansaya! First time kong magbasa ng Exo fanfic in Filipino.. hehe kinilig daw ako.. galing naman!

Astig nga na in Tagalog lang to. Pag naitranslate baka mag-iba yung vibe ng tipikal interaction ng barkada. Tsaka iba ang dating ng flirting pag Tagalog, sobrang at ease lang at di masyadong bolahan. Pero cute parinnn...
cktcatbsbib
#4
Chapter 1: leche ankyut!! bat nganyon ko lang to nakita????
Greyson #5
Chapter 1: "KJ mo kahit kelan. Kulang ka ba sa ?"
Haha langya! Gandang title ah! Haha
" my life, malamdi nga ako." Haha Best line ever!!! Haha grabe alam mo yung feeling na simula pa lang halakhak ka ng halakhak!! Ahahahah Lakas makamura ni Luhan!! Haha jusko!! Tao pa- mode ka pa, may landi ka rin pa lang tinatago! xD haha OMO~ ang ganda talaga ng stories mo! Grabe kakatawa talaga toh!!! Gawa ka pa ng ganito!! Ang astig!!! Napansin ko lang ibang-iba ka kapag gumagawa ng , hindi siya as in yung rated m na sobra-sobra talaga! Haha
INFTJazm
#6
Putangina tol solid, tambay ako sa pavs ng cfad saklap rin ng buhay minsan kasi walang Kris na titig sakin HAHA
INFTJazm
#7
Chapter 1: Ive been reading your stories for three hours now and just pare i cant even finish reading this one because im laughing, hi im from ust
ChronosEyes
#8
Chapter 1: Pa-hard to get pa si Tao eh. Sa kama din ang bagsak hahahaha pero atleast hindi sila mabagal parang Hunhan hahaha
Jikook_JeonPark #9
Chapter 1: hmm kuaa or ate na gumawa po nito ehm not to be rude pero pwede po imind ung grammar? kasi lalabas sila para pong script sa play no offence po kaso ganyan rin ako dati pramis!! pero inayos ko konti grammar ko... uhh suggestion lang po... lumabas sola ng bahay hindi lalabas sila ng bahay... hmm and some others sorry po but i love the story po nakakatawa and despite my bad day today napatawa ako noto thank u
ceeejpri
#10
Chapter 1: Ang Landi mo tao! Hahaha. Tapos eto naman si luhan pa chiks pa! Ayaw pa sagutin si sehun. Hahaha :)