THE BET

EXO's Love Confession

(JENNY'S POV/YOUR POV)


 

"Jenny! Anak!" tawag sakin ng aking mudrabels na kasalukuyan ay nasa kusina.

 

 

"ano poe? Bakit poe?"

 

 

"dalhin mo nga to kila Jongin" inabot nya sakin ang isang tupperware.

 

 

"ano to?" tanong ko at inobserbahan ang tupperware.

 

 

"dalhin mo na lang at wag ka nang magtanong" napasimangot naman ako sa sagot ng nanay ko.

 

 

"okay" ngumuso ako.


 

Nagmartsa na ko papunta kila Jongin. Nakakainis eh.

 

 

"KIM JONG IN!" sigaw ko nang makarating ako sa tapat ng bahay nila. Hindi kasi uso ang doorbell.


 

At dahil walang sumagot, nagkusa na kong pumasok sa loob. Bigla namang sumalubong sakin ang maid nila na nakabihis.

 

"ate, si Ggamjong?" tanong ko.

 

 

"nasa kwarto nya" sagot ni ateng.

 

 

"ah. Pinapabigay nga po pala ni mama" inabot ko ang tupperware at pumunta na sa taas.


 

Walang katok-katok ay pumasok ako sa loob ng kwarto to ni Jongin.




D_________O


 

"h-hoy" sigaw ni Jongin. Ngunit hindi pa rin maalis sa mata ko ang mga mata ni Kyungsoo. Ayaw mag-sink in sa utak ko ang mga nakikita ko.

 

 

"Kai, sya ba yung kababata mo?"

 

 

"o-oo. Sya si Jenny"


 

Tumingin sakin si gull, tapos kay Jongin ulit. "so, kapag kababata ba, dapat hindi na kumakatok pag papasok sa kwarto mo?" tanong nya. WAIT. KASI. HINDI KO PA RIN TALAGA ALAM ANG IRE-REACT. Eto kasi ang choices ko eh.


 

a. "TAENA JONGIN! HAHAHAHAHAHAHAHA ANG BAKLA MO PA MASYADO PARA MAGKA-SYOTA!" Masyado naman yatang nakaka-offend yun. Atsaka, para kay Baekhyun yun eh! >_<


 

b. "AHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Para naman akong tanga kung tatawa lang ako.


 

c. "YES! ASTIG MO BEYBE! MAY SYOTA KA NA! CONGRETS!" Kung ito naman, hindi pa naman ako sigurado kung gelpren nga yan ni Jongin. Mapahiya pa ko.


 

"nakaistorbo ba ko? Haha. Sorry" yan na lang ang lumabas sa muntik kong bunganga.

 

 

"hindi naman masyado. Anyways Kai, next time, wag kang magpapapasok ng kahit na sinong babae dito sa kwarto mo nang hindi kumakatok lalo na sya" tinuro nya ko. Wow. Medyo bossy si gull. So confirmed na nga. Gelpren yan ni Jongin.

 

 

"ayoko nga" sabi ni Jongin.

 

 

"what?"

 

 

"sabi ko ayoko. Break na tayo. Labas na" cold na sabi ni Jongin kay gull. WTH.

 

 

"Kai?!" galit na pasigaw ni gull.


 

Bago pa ko madamay sa away nila o bago pa man may mabuong away ay umalis na ko dun. Napag-isipan ko munang pumunta kila Baekhyun. Since alam kong mag-isa lang sya ngayon sa bahay nila. Pagdating dun ay basta basta na lang din akong pumasok katulad ng pagpasok ko sa bahay nila Jongin. Ehehehe.

 

 

"Byun Baeeeek~!" sigaw ko nang makarating ako sa living room. Para naman malaman nyang andito ako. Pumunta ako sa kwarto nya.

 

 

Aba. Ang bakla. "hoy!" sigaw ko.

 

 

"ay tanga. Oh. Ano ba yan. Lumagpas tuloy eyeliner ko. Bakit ka ba sumigaw?" ang arte. Langya.

 

 

"ako maglalagay sayo. Bili! Akin na" kukuhanin ko na sana yung eyeliner sa kamay nya pero nilayo nya agad.

 

 

"hindi ka nga marunong maglagay eh. Bakit ka ba nandito?" tanong nya at tinago na ang eyeliner nya.

 

 

"may balita ako" nag-pout ako at dumiretso sa kama nya at umupo.

 

 

"ano yun"

 

 

"may syota si ggamjong. Alam mo na ba yon?"

 

 

"hindi. Wala naman akong pake eh" ang taray at ang arte talaga ng baklang to forever.

 

 

"HOY JENNY JEON" napatingin kami ni Baekhyun sa nagsalita.

 

 

"ano namang ginagawa mo dito Jongin" tanong ni Baekhyun.

 

 

"bat mo iniwan syota mo?" tanong ko naman.

 

 

"break na kami"  umupo sya sa tabi. Walangya. Break?! Seryoso yon?!

 

 

"kailan ka pa naging chick boy. Wow ha"

 

 

"sige Kim Jong In, kalimutan mo ang tanong ko" singit ni Baekhyun.

 

 

"ano bang tanong mo" napa-facepalm si Baekhyun.

 

 

"wala. Gusto nyo bang juice. Nakakahiya eh"

 

 

"gusto ko!" nagtaas ako ng kamay.

 

 

"ako din"


 

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Baekhyun bago sya lumabas sa kwarto NYA. Naiwan kami ni Jongin.

 

 

"hindi mo ko matatalo" biglang sabi ko.

 

 

"ha?" tanong ng clueless na g*go.

 

 

"magkaka-syota din ako! Akala mo ba nakalimutan ko na yung pustahan natin last last year?!" nagsalubong ang kilay nya at mukang nag-iisip. Sa totoo lang, ngayon ko lang din naalala yung pustahan na yun.


***flashback***


 

"akin na lang tong chocolate na bigay sayo Jongin. Salamat" sabi ko at binuksan na ang oh-so-yummy Ferrero Rocher.

 

 

"tsk. Nang-aagaw ka ng chocolate ng iba porke walang nagbibigay sayo" ang yabang nya ha.

 

 

"che. Pag ako nagka-boyfriend may magbibigay din sakin ng chocolate no! At pag yun nangyari, hindi na ko manghihingi sayo! Hmph"

 

 

"ows. Pag ikaw nagka-boyfriend ha. Pustahan tayo, bago ka magka-boyfriend mauuna akong magka-girlfriend"

 

 

"pustahan? Sige ba! Pag nauna akong magka syota, sayaw ka ng nakahubad sa harap namin"

 

 

"nakahubad? Manonood ka?"


 

O__________O

 

 

"hinde! Kadiri! Iba na lang, pag ako nagka-syota bilhin mo lahat ng gusto kong chocolate. Ikaw lifetime supply ko ng chocolate" dumila ako.

 

 

"O sige. Pag ako naman nauna, y dance ka sa harap namin"

 

 

"y dance?! Kadiri ka! Ang manyak mo! Palitan mo! Pinalitan ko yung sayo!"

 

 

"sus. Ikaw ang nauna. Sabi kanina magsayaw ako nang nakahubad"

 

 

"eh pinalitan ko naman ah! Palitan mo yung akiiiin"

 

 

"ayoko. Deal na yan"


***end of flashback***


 

"ooooohhh. At dahil nauna ako magka-syota sayo, mag-y dance ka na dapat sa harap namin!"

 

 

"ano ka?! Hindi mo naman sineryoso girlfriend mo eh! Dapat yung seryosong relasyon" explain ko.

 

 

"hindi naman yun parte ng usapan natin dati ah"

 

 

"ulul! RULE YON! Dapat sumunod ka"

 

 

"MGA BWISITA, DUN NA KAYO SA BABA. ANDUN NA ANG JUICE" singit ni Baekhyun. Ang hilig nya sumingit.


 

Inirapan ko na lang si Jongin at sumunod na kay Baekhyun. Buhay na uli yung pustahan namin! Dapat magka-boyfriend na ko! AYOKO KO KAYA MAG Y DANCE! >_< Kinikilabutan ako.
 


A/N: Kailangan kong gamot sa utak LMAO

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
allyssaloves #1
Chapter 4: Update soon...
KpopAddict28 #2
Chapter 1: Grabe yung kina tao,Kris at suho kawawa si suho tinawag na maliit LOL
joannakylaverano #3
Chapter 2: ang ganda ng story super gusto ko ng isa pls....ang ganda kasi eh :)