The past 1

Chasing Hero

“Do you catch a breath when I look at you?

Are you holding back like the way I do?

Cause I'm trying and trying to walk away,

But I know this crush ain't going away..."

 

 

 

Oo, singer ako. Kumakanta ako sa halos lahat ng pinupuntahan ko. Anyway, kumakanta lang ako sa isip ko. Masyado akong mahiyain para ipangalandakan ang boses ko sa madla. Ewan ko ba kung kailan ako nagsimulang kumanta o nahilig dito. Wala naman akong naging inspirasyon sa bahay o kaya pinagmanahan. Secret lang natin ‘to ah, pero kasi, puro sintunado ang mommy at papa ko. Kundi nawawala sa tono, nahuhuli naman, o kaya nauuna sa music. Tsk. 

 

Nga pala. Ako po si Summer. Plinano nga daw noon ng mommy ko na gawing “Summer Moon” ang pangalan ko. Ironic eh, no? Buti na lang talaga at nagpapaniwala sila sa mga pamahiin sa pagpapangalan. Eh, malas daw kung lalagyan pa ng second name ang pangalang “Summer“ eh, so “Summer“ na  talaga ang final, wala nang kasunod. Tawagin nyo na lang akong "Sam" o "Sum" para isang syllable lang. Meron nga rin tumatawag na “S” sa ‘kin. Mga Pilipino nga naman o, palayaw na nga, bibigyan pa ng mas maikling palayaw. Anyway,  kaka-eleven years old ko pa lang nung five. Ngayon naman, fourteen na. Valentine’s Day na.

 

Papunta na ako ngayon sa school. As usual, suot ko ang rubber shoes kong black at uniform ng public school na pinapasukan ko. Marami akong aklat saka notebooks kaya tiis- tiis din sa paghila sa malaking bag ko na de-gulong. Ang kaibahan nga lang ngayon, may maliit pero visible naming pulang hugis puso sa left chest ko. May nakasulat na “Happy Valentine’s Day!” sa loob no’n.  Excited na ako! May gagawin kasing mini-program sa room namin. Saka ang mas nakaka-excite sa akin ay ang kadahilanang kaklase ko ang crush ko. Yiii! Pangalawang crush ko na siya mula nung grade one ako. Yup! Maaga akong gumarutay, six years old lang. Ewan ko ba. Normal naman siguro ako, no?

 

Pagkarating ko sa classroom namin, marami nang kaklase ko ang naroon, pero wala pa siya. Tiningnan ko ang powerpuff girls kong wrist watch. Five minutes na lang bago magsimula ang klase. Nasa’n na kaya yun?

 

 

“Hala, baka absent ngayon si Hero, kilala naman natin yun.”

 

‘’Oo nga eh, wala pa talaga siya. Kainis.‘’

 

‘’May ibibigay pa naman ako sa kanya, baka malanta na ‘tong flowers na pinitas ko sa garden ni mama.’’

 

 

Dinig na dinig ko ang mga rants ng mga kaklase kong babae. Napabuntong- hininga ako saka nangalumbaba sa table ng group kung saan ako nakaupo.

 

Sikat sa school si Hero, yan ang pangalan ng crush ko. Bukod kasi sa sikat ang pamilya nila sa lugar namin, mayaman at saka magandang lalaki din siya. Di ko alam kung ba’t na-transfer siya dito sa public school nung grade five kami. Ang alam ko lang, sa isang sikat na private school sa Cebu siya nag-aaral. Kaya, 'di nakapagtatakang marami ang nagkakagusto sa kanya.

 

 

‘’Andiyan na si ma’am! Dali, balik na tayo sa mga upuan natin!“ Sigaw ng isa kong kaklaseng lookout sa labas bago nagtatatakbo sa loob ng classroom.

 

 

Umayos na din ako ng upo pagdating ng… uh, teacher namin. Nagsitahimik ang lahat. Ga-graduate na ako ng elementary pero ilang na ilang pa rin ako sa teacher ng first subject namin sa umaga. Siya din pala ang adviser namin. Nakayuko lang ako sa upuan ko nang magsimulang magklase. Pasimple akong tumitingin- tingin sa labas ng bintana.

 

Wala pa rin si Hero. Asan na kayo yun? Wag naman sana siyang um-absent ngayon.

 

‘‘Summer, what can you say about the sentence on the board?“  tanong ng teacher.

 

Awtomatiko akong napatayo saka kumurap- kurap. Naku, patay ako nito.

 

“H-huh? Uh, what was that again, M-ma’am?” Di ako makatingin ng diretso sa teacher namin. Tiningnan niya ako na parang nag wa-warning. Napalunok ako. Inulit naman niya ang question. Mabuti na lang at napag- aralan ko ‘yun kagabi kaya nasagutan ko rin. Saktong papaupo na ako ng marining kong mga dumadaan sa labas ng bintanang dinudungawan ko. Kilala ko ang amoy na yun.

 

‘‘Good morning, Ma’am!“ Bati ng bagong dating. Nagkakamot pa ito sa batok nang medyo nakangiwi.

 

Takte naman oh. Ang gwapo. Pakurot nga.

 

Eh di ko naman siya makurot kaya pinagdiskitahan ko na lang kurutin ang hita ko sa panggigigil.

 

Nakasunod sa kanya ang body guard niya na dala-dala ang kanyang bag saka lalagyan ng drinking water.

 

“Good morning. You’re late. Please take your seat now, Hero. ‘’ Late na naman si Hero. Pero mabuti na rin yun kaysa um-absent siya. Lihim akong napangiti.

 

Pagdaan niya sa akin, napapikit ako. Ang bango niya talaga! Sheez.

 

Natapos ang dalawang magkasunod na klase. Naglalakad na ako patungong canteen, recess na kasi. Wala akong kasama. Naramdaman kong may nakasunod sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si Manong Rito. Siya yung body guard ni Hero. Magkasundo kami neto. Ang kwela lang kausap.

 

“Uy, Manong. Ikaw pala.” Sabi ko sabay ngiti.

 

“Sam, kumusta?” Sabi naman niya pagkatapos guluhin ang buhok ko. Napanguso ako habang inaayos ang nagulong buhok.

 

“Ayos na po sana eh, ginulo niyo lang.” Natatawa kong sagot.

 

Tumawa lang din siya.

 

“Sa’n po kayo? Nagpapabili na naman po ba?”

 

“Oo, ayaw niya daw ng pagkain sa canteen kaya lalabas ako.”

 

Napasimangot ako. Ang arte naman talaga ng lalaking yun. Ako lang ata ang nagkakagusto at the same time naiinis sa crush ko. Eh sa nakakainis naman kasi ang ugali niya eh. Medyo may katandaan na rin si Manong kaya naaawa ako pag pinapalakad pa sa malayo at nagpapabili ng kung ano. May isa pa siyang ugali na kinaiinisan ko.

 

Naalala ko tuloy nung grade five pa kami, may pinasagutang exercises ang teacher namin sa Makabayan. Nasa likod ko siya katabi ang medyo nerd na lalaki naming kaklase, si Riz. Ang totoo niyan, di talaga siya ang assigned seat mate ni Riz eh, malayo yung pwesto niya. Pinaalis lang niya ang lalaking katabi ni Riz. Nabubwisit ako, pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Crush ko na siya nun pero di ko lang talaga mapigilan ang sarili kong mainis sa kanya. Okay na sana eh, nakakapag-concentrate na ako sa pagsagot nang marinig kong mahinang nagreklamo si Riz.

 

 

‘‘Uy, akin na yan. Wala na akong ibang papel eh. Kumuha ka na lang ng isa.“ Parang maiiyak na ang boses ni Riz sa pagkakadinig ko. Pinipilit nya ring kunin yung papel nya.

 

‘’Ayoko nga. Hiningi ko na ‘to di ba? Tss.” Sabi lang ng ugok. Nilingon ko sila. Ang ingay na rin eh.

 

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Isang pad ang papel na riz na kinuha ni Hero! Nakayuko na lang si Riz na halos maiyak na habang tatawa- tawa naman si Hero na nagsusulat na sa papel ni Riz. Kahit papa’no rin naman ay kaibigan ko si Riz.

 

Tumingin sa akin si Hero nang umangat ang mukha niya mula sa pagtingin sa papel. Nagkatitigan kami saglit. Bago ko pa makalimutan ang inis ko dahil sa hanep sa gwapo niyang mukha, tumayo na ako sa harapan niya habang nakapamewang.

 

‘’Hoy! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Kung makaangkin ka ng isang pad ng papel, parang ikaw ang bumili ah! Isauli mo nga yan kay Riz!“

 

Tumayo din siya. Medyo nanliit ako dahil ang tangkad niya. Nasa 5‘4 na ‘ata kahit grade six pa lang. Lihim na napalunok ako pero matapang pa rin ang itsura ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

 

Diyos ko, ang bango niya talaga. Nakakaadik sa ilong.

 

‘’Ano bang pakialam mo? Iyo ba ‘to? Di naman ah!” Ganting sigaw niya sa akin.

 

Mas lalong naningkit ang mga mata ko. ‘’Di nga akin, eh di rin naman ‘yan iyo. Ibalik mo nga yan sa totoong may- ari! Pwede ka namang manghingi ng isa ah. Bakit kinuha mo lahat? ‘’

 

Alam kong napatingin na talaga ang buong klase sa amin. Buti na lang lumabas saglit ang teacher namin. Walang sinuman ang nagtangkang umimik sa kanila. Si Riz, nanginginig  na sa upuan habang nahihintakutang nakatingala sa aming dalawa.

 

‘‘Wag ka na ngang makialam. Sino ka ba, ha?!“

 

‘‘Ikaw, ang yaman- yaman mo, di ka bumibili ng sarili mong papel. Nakakabili ka nga ng gas ng motorsiklo mo, papel pa kaya?!“ Di patatalo kong sagot. Aba, sino kaya ang mali sa amin? Siya naman. Di ako natatakot sa kanya.

 

Oo, meron siyang motorsiklo. Siya pa ang nagda-drive na halos lumilipad na sa tulin. Siya na ang mayaman at spoiled.

 

Magkalapit na ang mga mukha namin. Siya nakayuko, ako naman nakatingala. Pinipilit ko na lang wag ma- distract sa nakakalokang amoy at kagwapuhan niya.

 

‘‘Kung ako sa’yo, stay out of this mess. It’s none of your business, anyway. Panget ka na nga, pakialamera ka pa!” Sabi niya sa akin nang naka- smirk.

 

Nanlaki ang mga mata ko at napakurap- kurap. Sandali na lang at tutulo na ang luha ko. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinapansin ang itsura ko. At ang masakit pa, nanggaling pa sa taong gusto ko. Aminado akong di ako maganda. Malayo sa pagiging maganda. Ganunpaman, sumagot pa rin ako.

 

‘’H-hoy! Anong sinabi mo? Ikaw naman, spoiled! Palibhasa mayaman ka, tingin mo magagawa mo na lahat ng gusto mo!” Inirapan ko siya sabay upo sa desk na inuukupa ko. Lihim akong napaluha. Buti na lang di nila nakita, tinakpan ko na kasi ng nakalugay kong buhok ang mukha ko habang kunwari’y nakayuko at nagsasagot sa papel.

 

 

“Uy, ayos ka lang ba? Alam mo, may sasabihin ako sa’yo.“ Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Manong Rito.

 

“Ah..ha? Ano po ba yun?” Diretso lang ang tingin ko sa daan. Magkaagapay kami sa paglalakad pero huminto siya. Napahinto na rin ako. Ngumiti siya saka tumitig sa akin.

 

“Alam mo bang… balak niyang manligaw?”

 

“Huh? Talaga? Kanino naman?” Seryoso kong tanong. Di ko ipinahalatang nalungkot ako. Walang may alam kahit sino na may gusto ako sa isang yun. Haay. May gusto na pala siyang ligawan.

 

Tumitig muna sa akin si Manong bago nagsalita. ‘’Ikaw. ‘’

 

Napakunot ang noo ko. Mali ba ako ng narinig?

 

‘‘Sam, uy! Sabi ko, balak ni Hero na manligaw sa ‘yo.’’ Sabi niya nang nakangiti.

 

’’Manong Rito naman eh! Wag mo nga akong pinaglololoko ng ganyan. Di naman yan totoo eh. ‘’

 

‘’Uy ha ! Totoo ang sinasabi ko. Di mo ba nahahalatang may gusto sa’yo yung isang yun? Tsss. Ako pansin na pansin ko. Kundi ka nga lang daw anak ng adviser nyo eh, matagal na sana.‘’ Ah, oo. Mommy ko yung bigla na lang nagpasagot sa akin sa English kanina, kaya ilang na ilang ako sa klaseng yun.

 

‘’Ano ba yang pinagsasasabi mo, Manong! Di ka na nakakatuwa ah. ‘’

 

‘’Nakow ! Di ka talaga naniniwala eh, no? Tsk. Basta sinabi ko lang sayo ang mga ipinahihiwatig niya.”

 

“Ay naku manong, alis na po ako. Buti sana kung nakakabusog ang mga tsismis nyo. Sige po, snack na po muna ako.” Tss. Manong talaga, trip akong pagkatuwaan.  Gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi niya pero inaway nga ako nun noong grade five di ba? Saka di naman kami nagpapansinan ngayong grade six na kami.

 

Si Hero na mayaman, gwapo, sikat (masama nga lang ang ugali), may gusto at manliligaw sa akin? Psssh. Patawa talaga 'tong si Manong Rito.

 

 

Ang sunod na klase namin ay Science, nag-transfer kami ng room instead na ang teacher ang pumunta sa classroom namin. Kung sinong mauuna, siyang makakaupo sa pinaka- matitinong upuan. First come, first serve eh. Buti mabilis ako ngayon. Initsa ko agad sa open window ng room ang bag ko sa pwestong gusto ko. May tatlong mahahabang mesa at mga single seats sa room.     Desks na ang natirang di- komportableng upuan. Bale tig-wawalo ang bawat mesa. Mahigit trenta kami kaya siguradong may di-papalaring makaupo sa uncomfortable seats.

 

Nakaupo na ako habang ang iba ko pang mga classmates ay nagkukumahog makahanap ng sariling upuan. Pa-easy easy na ako. Maya-maya may biglang tumakip sa ulo ko. Isang tela! Anong ginagawa ng tela sa mukha ko? Sino kaya ang naghagis nito?

 

TEKA. Parang kilala ko ang amoy nito ah... Di kaya...

 

"Hoy, Sam!"

 

Tinanggal ko na sa mukha ko ang tela na napag-alaman kong isang polo pala ng lalaki. Eeh?! Polo ng lalaki?

 

Napatingin ako sa tumawag sa aking nasa labas ng bintana pala. Nasa may gilid ako kaya nagkatabi lang kami. Sa sobrang laki ng bintana na di naman de- jealousy, pwede nang nang makadaan ang sinuman dito.

 

"Oh, manong. Ikaw ba ang humagis nito?" Tanong ko kay Manong Rito habang iwinawagayway sa mukha niyaa ng polo.

 

"Ano ba yan.. wag mo kayang iwagayway. Ah, Oo. Pakitupi naman.. Ayun, naka- Tshirt lang si Sir. Naiinitan daw eh kaya tinanggal yan." Ngumisi pa ito sa akin.

 

"Huh? Bakit ba-"

 

"Pakipatong na lang jan sa bag niya yan pagtapos mo, ha? Salamat talaga, Sam!" Nginuso nito ang katabi kong upuan. Sheez. Naroon nga ang bag na Jansport ni Hero. Ibig sabihin, diyan siya mauupo. Crap. Magkakatabi kami?!

 

"Pero Manong-" Di na natuloy ang sasabihin ko nang tinawag na ng bwisit niyang amo si Manong Rito mula sa malayo.

 

"Sniper! Halika na!" Sigaw nito kasama ang mga barkada nito. Ewan ko ba bakit sniper ang tawag ni Hero kay Manong.

 

"Andiyan na po, sir!" Sigaw pabalik ni Manong bago ako iwan. Psssh.

 

Tiningnan ko ang polo niya saka unti- unting sumilay ang ngiti. Naningkit lalo ang mga mata ko.

 

Patay ka sa akin ngayon, polo ka. Gagahasain kita. Hahaha!

 


Pasimple ko itong inamuy- amoy. . Ang bango naman talaga. Ano ba yan. Nagiging adik na talaga ako sa amoy niya. Haaaay.

 

Sinuri ko ang paligid ko. Wala pa si teacher. Napansin ko kaninang nagsitinginan sa akin ang mga classmates ko lalo na ang mga babae. Eh paano, alam kong gustong- gusto nilang sila ang magtupi ng polo ni Hero. Nye nye.. sa akin lang naman binigay. Hehe. Buti ngayon, busy-busyhan na sila sa paggawa ng assignments kaya walang nagtangkang pansinin ako. Buti natapos ko na yung akin kagabi.

 

Dinahan-dahan ko ang pagtupi. Sinigurado kong walang kahit na isang milimetrong gusot sa bawat pagtupi ko. Parang pinagtutupi ko lang ang asawa ko. hihi.

 

Binatukan ko nga ang sarili ko. Susme! Onse anyos pa lang ako, asa-asawa na ang pinag- iisip. Napailing ako.

 

Inamoy ko pa muna ang natapos ko nang tupiing polo bago ipinatong sa bag niya. Tinitigan ko nang mataman at nangalumbaba sa mesa. Ang adik ko na talaga.

 

Maya- maya dumating na ang teacher namin. Naman, asan na kaya yung lalaking yun? Aish. Lagi na lang late. Di ko na lang pinag- iisip. Tahimik na nilabas ko na lang ang assignment at ipinasa kay ma'am.

 

"Excuse me, padaan." Sabi ng boses sa gilid ko sa may bintana. Di na ako umimik at dagli akong napaupo ng tuwid para makadaan siya. Oo, siya.

 

Dumating ka pa. Nangangalahati na kaya sa discussions.

 

 Magkatabi na kami. Madalas na nasasagi niya ang gilid ko o kaya ang braso kong nakapatong sa table. Di ko naman ipinahahalatang apektado ako kaya di talaga ako lumilingon. Ang gaslaw naman kasing kumilos. Kanina ko pa din pinipigilan ang sarili kon di mapapikit sa amoy niya. Bakit ba kahit pinagpapawisan na sa kalikutan 'tong lalaki na 'to, ang bango pa rin? Nafu-frustrate na akong mag- isip ng kahit anong kapintasan sa lalaking ito maliban sa ugali nito.

 

Naka-steady na siya. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakapatong ang ulo niya sa kanang kamay niya na nakatukod sa mesa facing my side. Saan kaya siya nakatingin? Sobrang conscious na ako sa pagmumukha ko. Paano kung laitin ako uli nito? Grrr. Naaalala ko pa yung sinabi niya. Aissh.

 

Maliban sa akin, marami naman siyang pwedeng tingnan. Katabi ko ang bintana na overlooking ang aming flower at herbal garden, ang magandang kalangitan, saka ang mga iilang dumadaan na estudyante.

 

"Ganda." Narining kong bulong niya sa sarili.

 

Parang may sariling isip ang ulo ko na pumihit paharap sa lalaking amoy gwapo at gwapo naman talaga na katabi ko. Mula sa tinitingnan sa labas ng bintana, his attractive eyes set sight on me. Nagkatitigan kami ng mga five seconds siguro at agad kong iniharap ang ulo ko bago pa mahalata ng lalaking ito ang pagsintang parurot ko sa kanya.

 

Kakat'wa no? Nakaharap ako sa teacher, pilit na iniintindi ang mga sinasabi niya na dapat naman talagang intindihin.. pero ang atensyon ko ay nasa lalaking katabi ko. Di pa rin nagbabago ang posisyon niya. Kakaba- kaba na ako. Nagsimula nang mamawis ang noo ko. I neither dared wiping my  sweat nor move even a little. Na-estatwa na talaga ako sa kinauupuan ko. I hate this situation. Kung kanina excited akong makatabi siya, ngayon parang nagsisi akong di ako nagreklamo kay manong.

 

Naiinis ako.

 

Naiinis ako sa kanya at sa mga damdaming naghahalinhinang lumalabas sa akin mula nang dumating siya. Syet naman oh, ang bata ko pa para sa mga ganito. Dapat unahin muna ang pag-aaral bago ako mag Hero- Hero. Di naman siguro siya mawawala, di ba?

 

 

Humanda ka sa tamang oras, HEROg. (HERO + IROG. hehe)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet