Prologue

Quadri Square Moments

          Ito ang unang taon ng pag-aaral ni Oh Sehun sa UST. Kanyang kinuha ang AB Asian Studies dahil karamihan sa mga kurso sa Asian Studies ay tungkol sa wika, at napukaw ang interes ni Sehun nung nalaman niya ito. Gusto rin niyang ma-ungusan ang kuya niyang si Kris sa galing ng pananalita sa ibang wika, kaya plus points na rin ito kay Sehun.

         Matapos niyang maipasa ang USTET sa naibigan niyang kurso, nilibot siya ng kaibigan niyang si Jongin—na sa UST din nag-aral ng hayskul— sa campus nung araw ng interview at enrollment nila. Medyo naninibago pa si Sehun sa parting ito ng Maynila, marahil siya’y nag-aral ng primarya at secondaryang pag-aaral sa Don Bosco. Mabuti nang ilibot siya ng kaibigan niya, dahil hindi siya nakakasigurado kung babaha ba o hindi sa kanilang campus tour pagdating ng pasukan, lalo na’t Freshman Walk nila sa kinabukasan.

         Napadaan sila ng Plaza Mayor, at dagliang nag-sign of the cross si Sehun. Natawa na lang si Jongin habang nakataas ang isang kilay niya nang mapansin niya ang kasama niya.

         “Anong nakakatawa?” ani Sehun. Pinagtitinginan na silang dalawa ng mga tao,  malamang dahil sa tawa ng tawa si Jongin na parang tanga, o may nakakakita rin sa ginawa niya.

         “Nag-sign of the cross ka kase!” sagot ni Jongin habang niyayakap ang kanyang tiyan, hindi pa rin makapag-pigil sa kakatawa. Si Sehun naman ngayon ang napataas ng kilay.

         “Oh, anmeron dun? Catholic School naman ‘tong UST ah. Bawal bang gawin yun sa mga simbahan dito—” bago pa matapos ni Sehun ang kanyang sasabihin, inunahan na siya ni Jongin.

         “PUTA!” sigaw ni Jongin, tuloy pa rin sa paghalakhak. Kung pupwede nga lang gumulong sa damuhan ng Lover’s Lane sa kakatawa, kanina pa niya ginawa.

         “Ano bang meron sa ginawa ko ha?!”

         “MEDYO DI YAN SIMBAHAN E. BAKA YUNG MAIN BUILDING YAN. DUN PA KAYA SA KABILA ANG SIMBAHAN!” sumigaw nanaman si Jongin at napaupo sa isa sa mga benches, sabay turo dun sa may simbahan. Nanlaki ang mga mata ni Sehun at tinakpan niya ang kanyang bibig ng sandali.

         “PUTANGINA—Di ko alam na Main Building pala yan! Akala ko kasi simbahan yan e!”

         Kinotongan siya ni Jongin. “TIMANG! Di porke’t may krus sa itaas, simbahan agad!”

         Lakad dito, dakdak dito, turo doon. Sa nakalipas na isa’t kalahating oras, ito ang pinagagagawa nila. Nilibot na nila ang ang apat na sulok ng unibersidad sa P. Noval, España, Lacson at Dapitan. Napadaan sila kanina ng carpark at tumambay sandali sa 7-11, sabay lakad ulit. Medyo napapagod na si Sehun sa kalalakad, ngunit parang wala lang ito kay Jongin.

         “Ito ang St. Raymond de Peñafort building, at ito ang magiging building niyo dahil ika’y taga-AB,” sambit ni Jongin sabay turo sa gawing kaliwa nila. Tinignan sandali ni Sehun ang gusaling tinuturo nung isa, at siya’y tumango. Hawak-hawak pa niya ang kanyang naging folder nung USTET, na may drawing ng mapa ng campus. Simula kanina, sinusundan niya sa mapa ang kanilang mga nadadaanan gamit ang daliri niya.

         “Jongin, ano ‘to?” tanong ni Sehun, nakaturo pa rin sa folder niyo. Tumila sila sandali at nilapitan ni Jongin si Sehun.

         “Ah, iyan?” sabi ni Jongin, at tumawa saglit. “Quadri Square yan. Ayan lang siya o,” dagdag pa niya at tumuro sa kanilang kanan.

         “Asan yung fountain— Ba’t sa folder may fountain dito wala—”

         Nakatikim ng masakit na hampas sa ulo si Sehun. “Mamaya pang mga alas-kwatro magbubukas yung fountain, Hun. Wag ka atat.”

         “Ah okay,” tumango na lang muli si Sehun. Nagpatuloy muli ang kanilang paglilibot, at napansin ni Sehun na may nag-aacrobatics dun sa may istatuwa ni Piolo.

 

 

A/N: 600 words for the prologue HEOL. Sorry if the prologue sounded like sekai, but they’re just friends in the story (sorry sekai shippers lol). For those who aren’t familiar with UST click here: [x]

Subbies, Comments and/or upvotes are greatly appreciated!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ClassicalQueen
#1
Waaaaah sa wakas may tagalog na rin! <3