Chapter 03

The Ultimate Casanova Becomes The Personal Butler of The Rebel Girl...

CHAPTER 03

 ** LOWIEE’S POV **

 

MAG ISA KA DYAN! BWISET KA!

At ang dakila kong MASTER ay iniwan ko dun sa loob ng kotse .

 Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad.

Akalain nyo!? Unang araw ko pa lang pero kung umasta sakin kala mo kung sino?! Hssshh! She’s—she’s—she’s a—arggghhh!

“Peste! Hambog!” nakusunod na pala sakin ang amo ko.

At mukhang may binubulong.

Kaso, pinaparinig talaga -_-

“Bubulong ka na lang, yung malakas pa.“ sabi ko sa kanya ..

Sinabayan nya ko ng lakad tsaka ako tinitigan ng masama.

“Don’t look at me like that. I know I’m hot and gorgeous. Hhahm!” > :’p

“aba’t! Tar*ntado ka ah! Ang kapal ng mukha mo!“

“Oh? Buti alam mo?“

Tsaka ko binilisan ang paglalakad.

Kahit di ko nakita yung mukha nya, alam kong asar na to.

 

“ aarrrrggghhh “ narinig kong sabi nya .

  

Nandito na kami sa loob ng mall,

Yes ! Daming chickababes!.

Oh yeah! Kala ko mawawala sakin to ah… hindi pala, may purpose din pala ang pagiging Butler ko dito. Yung nmga pinupuntahan nya is for girl’s place. So that means maraming babae! :’)

At ang aking feeling ’amo’. Nasa likuran ko lang, mukhang wala na sa mood.

Grabe!  Daming babes! Tsk! halatang gustong maki pag flirt.

 

Lalapitan ko na yung isang papansin ng papansin,

Kaso-----

 

“Where the hell is her!? napatingin ako sa likod, wala si Lhianne

Iniwan ko na lang yung babae.. Hindi ko na muna pinansin .. Mabalikan na lang,

Tsk! patay ako nito!

Baka natakasan na ko nun!

Ahhhhsh*t! Bwiset na babae yon! she will see! Kung hindi sya nadadaan sa snob. Tsshh! Balang araw pag nagkaron ako ng lakas na loob na gamitin ang charming ko sa kanya. Makikita nya, makikita nya talaga ang hinahanap nya. Psh! Bakit kasi kailangan maging magkahawig pa sila!? Letse!

Asan   >__>    asan    <__< .. 

Hanap (~~,) hanap (,~~)

 

AASSSSSSAAAAAAAAAAAAANNNN !!!???

Sh*t asan na ba yun!?

Maka upo nga muna .. Sakit na ng paa ko.

Mga bento minutos na kung pa ikot ikot sa buong mall.. Kaso, hindi ko pa rin sya Makita

At ngayon nandito na ko sa 2’nd floor, ultimo sa mga banyo wala .

Ou .. pumasok ako sa c.r ng girls!!

NO CHOICE no! Pumasok na talaga ko sa banyo. Inisa isa ko bawat cubicle.

Tsaka, tuwang tuwa naman yung mga babae, ultimo nga ata matanda na nasa banyo, kinilig nung makita ko =____=

Hayyyssstt!!!

 Ang hirap maging gwapo! =_=

Pero Lagot talaga sakin ang demonyitang babae na yon..Sakin binilin yun.. Ako ang mananagot pag nakatakas yon!

Pesteng babae yun!

Pagod na ko. Kanina pa ako hanap ng hanap. Hindi ako makapam babae! Anak naman ng--! Arrgghhh! di kaya nakalabas na?

Tatayo na sana ko, ng—

“Suko ka na?“

“Huh?“ napatingin ako dun sa babaeng nagsalita mula sa likod ko ..

“Hay nako“nilapit nya yung mukha nya sakin, bago ituloy yung sasabihin nya. Eye to eye contact kami.

Sh*t! Halikan ko pa to eh! Lakas ng loob na ilapit ang mukha nya sa mukha ko!

“You know what? Kung ako ikaw? I will quit! Kung hindi ko lang din naman kaya ang iniutos sakin, edi mag qu quit na lang ako! Hindi kita feel maging butler, parang ‘wala’ kang kayang gawin! Nawala ako sa paningin mo ng ganon ganun lang? My god! Magharap lang pala sayo ng isang pok-pok ang mga kalaban ng dad ko, makukuha na agad ako. Wala kang kwenta! Tssh! Sumakit ang paa ko kasusunod sayo. Your such a weak!” nginisian nya ko athinila nya ang kwelyo ng damit ko at—“hanggang dyan lang ba ang kaya mo Mr. Casanova? Ano? Sumusuko ka na?” tsaka sya nag smirk sakin ..

Tinapat ko rin yung mukha ko sa mukha nya. Napa atras pa sya ng konti, parang nagulat

Tss! Ano akala nya? Sya lang ang may kayang makipagtitigan?

“Ganun ba?“ sabi ko habang nakatitig ako sa kanya.

Sya naman, parang naiilang.

“Pasensya ka na. pero eto tandaan mo,  hindi mo ko ma papa alis ng basta basta. Dahil kahit ako mismo. Hindi ako maka alis sa sitwasyon na to“mas binaba ko pa yung mukha ko sa mukha nya. 

Tss! mukhang may karisma din ako dito ah .. Bigla syang napa atras at mukhang namumula.

 Di na sya kumibo, nag lakad na lang sya.

At ako? Malamang sinundan ko. Baka makatakas na naman =__=

Makikita mo Lhianne Dafnhie Angeles, pag dumating ang tamang panahon… makikita mo kung anong paraan ang gagamitin ko para mapagbago ka.

Magmukha man akong tanga, gagawin ko. Basta, magawa ko lang ng maayos ang bagay na to. *smirk*

 

Pumasok sya sa isang dept. store..

Sinundan ko lang sya ng sinundan ..

“Hey mr.handsome!“ napatigil ako sa paglalakad ng biglang may lumapit saking babae.

Eto yung babaeng ng fli flirt sakin kanina bago mawala tong si Lhianne..

“Oh. Hi Ms. gorgeous“ ^__~ .

“Hmmm—may kasama ka?“ malandi nyang tanong sakin .. Habang hinahaplos ang pisngi ko.“ let’s have some fun“ dugtong nya tsaka ipinulupot ang braso nya sa leeg ko.

“Hah? Maybe next time babe“sagot ko sa kanya tsaka sya hinalikan sa may punong tenga. ..

Peste! sayang to!

So HOT! SIZZLING!

Ang kaso. Di ko naman pedeng iwanan yung isang yon.

Nasa fitting room.. Nag susukat ng isang truck na damit =___=

 

LAKWATSERA.. Buti na lang, hindi naghihirap si ninong sa kanya .

 

“What!? Next time? Gusto kitang makilala“ sabi nya habang hinahalikan yung pisngi ko ..

 “at makasa ka sa kama“ bulong nya, habang kinakagat kagat yung tenga ko ..

 TSS! ang landi nito! Sa mall talaga ha?

Sayang naman kung hindi ko pagbibigyan.

Kung sabihin ko kaya kay ninong na bukas na lang ako magsisimula?

Para naman makasama ko ang HOT BABE na to, hanggang mamayang gabi *grin*

“HONEY!“

Huh?

“Who’s that girl?“ tanong ni flirty.

Teka? Sino ba tinatawag ng babae na to? Ako ba? Honey daw eh. Baka yung bubuyog na display =__=

Anu ba yan? Ang mais ko -__- 

O__O

 “Hey honey, who’s that girl? “ okay shock ako ..

Sino yung nagsasalita? si Lhianne lang naman!

Tinatawag akong HONEY!?

At alam nyo kung anu mas nakakagulat? Pumulupot ba naman sa braso ko. Parang sawa.

Anu ba!? Anu ba plano nito?

Teka? Tinignan ko sya. Ang ngiti nya nakakaloko. Parang isang WITCH.

Parang binibigyan nya ko ng ‘ano ka ngayon look’

Ahhh .. sinisira nya ang good day ko?

Pwes! Yung sayo ang sisirain ko .. *evil*

 * end of lowiee’s pov *

 

 

**DAFNHIE’S POV ** 

 

ARRRGHHH! ANU BA YAN!?

WALA AKONG MAPAG TRIPAN!

WALA AKONG MAGAWA!

 Psh! tinatamad na kong mamili.

Pag tripan ko na lang kaya yung mga sales lady?

Para may mapatalsik ulit.

 Ay.. Boring nayun, nagawa ko na yun dati..

Ano ginawa ko ??

 

***

Gabi na kasi nun, malapit ng magsara ang mall..

Pa uwi na yung isang sales lady, kaso tinawag sya nung boss nya..

Iniwan nya na lang basta yung bag nya dun ..

Kaya. ako?

Kumuha ko ng watch na worth 10,000 ..

Tsaka ko nilagay sa bag nya.

Para Masaya -____-

At ayun. Ang GAGA ,

Natanggal lang naman sa trabaho at nasampahan lang naman ng kaso. Hindi naman ako nahuli ng CCTV cam dahil nga pasara na yung mall ay ini o off na rin nila yon. Sshhh, wag kayong maingay na ganun ang system sa mall na yon ah. Alam nyo kung bakit alam ko? Kasosyo kasi dad sa mall na yon eh -__-

Anyways—Buti nga sa kanya.

Masama kasi ang ugali ..

Totoo naman. Masama talaga ang ugali nya, hindi lang basta gusto ko syang pag tripan.

Panu naging masama? Wag nyo na tanungin. BASTA AYAW KO SA KANYA!

 Kaya pag ayoko sa isang tao, gagawin ko lahat. Lahat-lahat para masira sya! *evil*

Hhmmmmmmm..

 

 Teka?

 TAMA! *grin*

Sisirain ko ang araw mo ngayon MR.CASANOVA*evil*

 

“ HONEY !“

“Hey honey, who’s that girl?“

 

O__O > yung mukha nya mukang nagulat, ..

 

AT mas lalo ata syang nagulat nung pinulupot ko ang kamay ko sa braso nya …

 At yung babaeng flirty? Ayun! Mukang DISSAPOINTED! :p

Nginitian ko si JL ng nakakaloko. Justine lowiee, JL for short..

 Abat! Ang loko, ngumiti rin ng MAS nakakaloko! Ano to!? Nagkakalokohan na ata kami dito!

(nyeta!! nagkakalokohan na tayo !! xD )

 

O____O > AKO YAN ..

 

Hinapit nya ng braso nya yung bewang ko..

 

“Honey, I don’t know her“sabi nya tsaka pinisil ang tip ng nose ko. Aba! Ano to?

Ang g*go! Hinahaplos haplos pa ang pisngi ko! 

Ano to? Ako na ngayon ang PINAGTITRIPAN?!

 

“Sorry miss, I cannot go out with you.. Im with my girlfriend..“ at yung babae parang sobrang na disappoint ..

Psh!

“Wow, couple pala kayo mam & sir.. Bagay po kayo “ ^__^ singit nung isang sales lady na nakarinig ata ng mga pinagsasabi namin ..

“TSH! Kainis!,” sabi nya habang sakin nakatingin “babalikan kita lover boy!“ biglang sabi ni flirty at hinalikan pa at kinindatan si JL bago tuluyang umalis. Samantalang ako… INIRAPAN!? How dare her!?

T*DO yun ah!

“Naku mam and sir, wag po kayo papa apekto sa mga ganung babae. Lalo napo kayo sir, ang pogi nyo pa naman. Parang model .“  Nakangiti pa ring sabi nung sales lady kanina.

Mukha syang mabait, I’d like her.

“Ou naman…I really love my honey! Hindi ako papa apekto sa mga babaeng ganon, right honey?“ ^___^ sabi ni JL, sabay kurot sa pisngi ko ..

Abat ang loko! Ako na ang ginagago!

Naka ngisi pa..

Teka? Yung braso nya, nakapalupot pa rin sa bewang ko .

Tinatanggal ko kaso, AYAW NYANG ALISIN!!

Tapos, tumingin sya sakin.

Sabay bulong, “humanda ka. Gantihan lang yan, sinira mu ang araw ko. Bed warmer din yun. Nasayang dahil SAYO !“

Kinilabutan ako dun sa pagkakasabi nya ng word na ‘bed warmer’.

“ahmmm, mam and sir.. Gusto nyo po ng couple shirt? “ biglang singit nung sales lady ..

 Ahh—yun pala yon -_-

 “Naku ma’am. Wag po kayong ma disappoint sa tanong ko. Totoo pong bagay kayo!“ ^____^

Di ikaw na nakangiti .

“Yah .what-ever!“ mataray kung sabi ..

 

^_____^ >  sya pa rin yan… (__ __\+) haaayyyyy marunong ba syang magtaray?

 

“SIGE. PATINGIN KAMI“ JL

“What!?

“Why honey? What’s the problem sa couple shirt? Diba sabi mo ako naman ang HONEY mo?“ nang aasar nyang tingin sakin, at dinidiinan nya talaga ang word na HONEY. Habang naka palupot pa rin ang braso nya sa bewang ko..

“Alam mo HONEY hindi na natin kelangan nyan“ sabi ko sa kanya na nandidilat ..

“Ganun ba HONEY?“ bwiset na honey yan! Halatang sarcastic ang pagkakasabi..

“ OO naman HONEY!“ sabi ko sa kanya, sabay hila ng braso nya, para maalis na sa bewang ko..

“Naku mam sir kung ayaw nyo po ng couple shirt okay lang.“ sabay singit nung sales lady.

Mukhang nakahalata.. Mabuti naman!

 

“No. Kukuha kami. Right ‘honey’?”

Sabay akbay sakin, at piga sa likod.

 

LECHE! Ang sakit ha!

 Sarap ingud ngod nito! Talagang diin na diin yung word na HONEY!?.

Halatang asar pag binabanggit yung word nay un eh.

“Kahit wag na HONEY .. “ sabi ko sa kanya ..

“ AACCHHKK!!“ bigla nyang sigaw, napatingin tuloy samin ng weird yung sales lady ..

Eh kasi, hinawakan ko sya sa braso. Sabay baon ng mahahabang kuko sa braso nya. Letse! Sira ang nail art ko dito! 

Anong kala nya? Kaya nya ko?

Excuse me! Lhianne Dafnhie Villiega Angeles here! 

“Ahh sir? Ano po nangyari sa inyo?“ tanung nung sales lady .. Panu nakakagat pa rin sya sa labi nya. Eh kasi, di ku pa tinatanggal yung kuko ko.

“Ah? ah-ah-ha-ha .. Wala naman. Hindi na pala kami bibili ng couple shirt. We don’t need that.“

Sus! suko.

“ah ganu po ba? Okay lang po. Good luck po sa relationship nyo “ ^___^ sabi nung sales lady .. Tinanggal ko na ang nakabaong kuko sa braso nya..

“Sige, thanks. Bye“sabay kindat nya dun sa sales lady.

 Tssss! babaero talaga! Kawawa ang babaeng mamahalin nito. Kung meron man =_= Sa tipo nya, mukhang wala syang seseryosohin -_-

 

NANDITO na kami sa car park ..

Papasok na sana ko sa kotse dahil alam kong hindi naman nya ko pagbubuksan, kaso bigla nyang hinila yung braso ko.

 “OUCH!”  bigla ko na lang nasabi. Dahil masakit yung pagkakakahila nya.

“God! I can’t spell you! What the heck is your problem!? Why you’re doing this!? What the heck is wrong with me!? Why did you ruined my day!? Bakit mo ako pinahiya sa babae kanina! Pinaalis mo sya!”

“So what!? Dapat trabaho mo ang ina asikaso mo!“ 

“Peste! Sayang no! Last day ko na to eh!”

 “What!? Anong last day? Eh nagsisimula ka na nga sa trabaho. Kahapon ang last day mo! Edi sana, umaga pa lang inumpisahan mu na yang mga BED WARMER mo! Para SULIT!“

“TSS! Sayang yung BABE!“

 

( di pinapalagpas basta y -___-  )

 

“Pinang hihinayangan mo? Pinanghihinayangan mo yung pok pok na yon!? What a boy!? Naghihinayang ka sa isang ‘’!?” Tinignan nya lang ako ng masama.

“Hah! You don’t know what you’re saying!”

“Wow! Ako pa ngayon? Ako pa ngayon ang walang alam sa mga pinagsasabi ko!? you!”

“Atleast—dahil sa mga ‘pok-pok’ na yon, dahil sa mga ‘’ na sinasabi mo—nakakalimot ako!”

Bigla akong natahimik. What does he mean? Nakakalimot?

*silence*

Matagal rin bago sya ulit nagsalita..

“Ok fine! Like what you said—Ngayon na ang simula ng trabaho ko. Ikaw na lang ang sasama ko, para naman magkaroon ako ng warm“ sabi nya ng nakangisi ng nakakaloko..

“ h-huh? “ teka? Bat bigla ako na tense?

“Pasok!“ binuksan nya yung pinto ng kotse .. Tsaka nya ko tinulak papasok, nandito ko sa likod. Sya naman pumunta na sa pwesto nya sa driver’s seat.

“Humanda ka!“ sabi nya tsaka tumingin sa front mirror para tignan ako dito sa may likuran. Ang gago, nakangisi pa rin.. Pag katapos nun, pinaharurot nya na yung kotse ..

  -----

Property of

-YhianneCohleen

 

***

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iilovABLEii #1
naks naman mayroon ba toh sa wattpad???
snowberry262 #2
Hi! Pinost mo ba to sa wattpad? Sana wag kang magsawang mag sulat ng mga kwento. Ang ganda nitong story sana ituloy mo. Salamat
Starlight_Flames
#3
and of course , subscribed :)
Starlight_Flames
#4
hello, pakidagdagan ng tags ung story mo, para makita ng ibang filipinong yongshin shippers :) pakiadd jungyonghwa parkshinhye and yongshin... salamat! and goodluck!!