Six

My Love (Revising)

{6}

Luka's POV

Aray ang sakit ng paa ko, nagising nalang ako sa sobrang kirot. At nakayakap si seven sa akin, walang malay. Let me remember (Closed eyes)

Ahhhhhhh, Oo nga pala, tanga tanga ko kanina at nahulog kami sa cliff. Igagalaw ko sana yung binti ko kaso ansakit ng left ankle ko, kaya hindi na ko na ginalaw pa. Tinignan ko naman si seven, na nakayakap sa akin. (Syete! Dami niyang galos) Merong parang sapa na ilog dito at sobrang mabato kaya siguro ansakit ng ulo ko. (Nagigising na si seven) Please please gumising ka natatakot na ako.

 

O__-

 

O__O

 

"Okey ka lang?? My naalala ka pa ba??" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, dahil sa katangahan mo nahulog tayo!" sagot niya, sana nawalan nalang siya ng ala-ala.

-_________________-

Kung di lang ako natatakot, papaalisin ko na itong bwisit na toh.

"Ikaw? Okey ka lang ba?? Tssk, my dugo noo mo!" Sabi niya tapos hinubad niya yung jacket niya at tshirt. (Ohh my eyes) "Hoyyy hoyy anu yan!" Sigaw ko sabay takip ng mata.

"Wag kang patawa ahh, pasalamat ka mabait ako!" sabi niya tapos lumapit siya dun sa sapa na ilog. (Mabait utut mu tsong!)

Pagkabalik niya nilinis niya yung sugat ko, tapos pinatong niya yung basang tshirt sa noo ko. (Impressive)

"Hawakan mo, para gumaling kaagad!" sabi niya sabay suot ng jacket.

Sinunod ko naman siya. "Panu yung sugat mo sa ulo??" Tanong ko sa kanya. Kinapa niya naman yung noo niya, at nung nahawakan niya napa-aray siya. "Ito lagyan mo din para di masyadong masakit!" sabi ko tapos inaabot ko yung tshirt niya.

"Di okey lang, halika mag-hanap tayo ng paraan para maka-alis dito, kasi mukhang ang layo nito sa taas!" sabi niya habang sinisilip yung taas.

Kinapa niya yung bulsa niya. "Dala ko pala Cellphone ko." sabi niya tapos kinuha na niya. Ang saya niya nung nalaman niyang meron siyang dalang cellphone, kaso pag-katapos niyang tignang bigla siyang sumimangot.

"Bakit? Nabasag??" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, kaso walang signal eh! ikaw my dala ka bang cp?" sagot niya. Kaagad ko namang kinapa ko yung mga bulsa ko, at dala ko nga si sushi. (Pangalan ng galaxy s2 ko.)

"Wala din signal!" sagot ko sa kanya. Umiling naman siya.

"Halika na mag-lakad na tayo baka merong malapit na barangay dito." sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin. Tapos tinignan ko lang yung kamay niya. (Panu ko ba sasabhn na pilay ako!?)

"Alam ko kung kelan ako mag-jjoke at kung kelan mag-sseryoso." Kalmado niyang sagot. Woah naman, kung makapag-salita toh! Parang hindi si seven kaharap ko.

"Nadaganan ng mga bato yung left ankle ko, at sobrang sakit niya." sabi ko, nung umikot nga lang ako para maupo, sobrang sakit na eh.

Kaagad naman siyang lumapit sa akin;"tanga-tanga mo kasi, kaya mo ba pa bang tumayo?" Tanong niya, sa akin habang sinusuri yung left ankle ko. Pssh siya parin ang bwisit na seven.

"Masakit nga di ba! Syempre di ko na kayang tumayo!" Pag-tataray ko sa kanya, napaka tanga ng lalakeng ito.

Tinitigan niya naman ako ng masama, "Langya! Pag-patuloy mo kasi yang katangahan mo!" Sagot niya sa akin, habang inaalalayan akong tumayo.

"Aray! Ingat naman." Sigaw ko sa kanya (sakit kaya). *pout* Nakatayo na ako ng bigla akong nadulas, kaya naman natumba ako, kaagad namang akong nasalo ni seven, pero dahil nga sobrang mabato nadulas din siya! Kaya bumagsak siya sa lupa, ako naman bumagsak sa dibdib niya. -/////-)

Nag-katinginan kami (eyes-to-eyes). Pero kaagad niya naman akong inupo, tapos tumalikod siya sa akin at umupo.

"Sakay, bbuhatin nalang kita." sabi niya, woah! Feeling superman?

"Alam kong isusumbat mo sa akin ito, kaya wag na!" Sigaw ko sa kanya, jeez pero sa totoo lang nahihiya lang ako sa kanya.

Lumingon siya sa akin, "Ang arte mo!, ako si seven, mas gwapo kay prince charming,at mas malakas kay superman, kaya wag ka ng umarte at sumampa ka na sa likod ko!" Yabang! Nakuha niya pang mag-joke, kahit stranded na kami. (Pero natawa ako dun hahahah!)

Hindi na ako sumagot, at sumampa sa likod niya. (Even I don't want)

"Sasampa rin naman pala! Dami pang arte." Sabi niya, tapos tumayo na siya. Letchugas talaga, kung di ko lang siya kailangan eh.

"Shut up!" Sigaw ko! Tapos tumahimik na siya at nag-lakad.

(After 1 hour)

"Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong ko sa kanya! Bukod sa wala siyang tshirt! Buhat-buhat niya pa ako.

"Tumahimik ka nalang!" Pag-tataray niya sa akin. Psssh buti nga nag-aalala pa ako sa kanya eh. Feeling ko asa gitna kami ng gubat, sinusundan namin yung ilog, kasi sabi niya impossibleng walang nakatira dun.

(After 3 hours)

Lakad parin siya ng nag-lakad, huminto hinto lang kami kapag mag-pahinga at iinom. (Take note crystal clear ang ilog, halatang malinis.)

"Huminto ka muna!" sabi ko sa kanya, Kaya naman huminto kami at nag-pahinga sa isang malaking bato, sa tapat ng ilog.

"Mag-hintay nalang tayo dito! Siguro naman hinahanap na nila tayo." Sabi ko sa kanya. To be honest, naaawa na ako sa kanya! Kasalanan ko ito pero siya ang nahihirapan.

"Ocge, wait ka lang dyan ahh!" sabi niya. Hala iiwan niya ako!

"Hoy! Wag mo akong iwan, san ka pupunta? Anung gagawin mo?" Tanong ko sa kanya, di ako mapakali sa sobrang takot! Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Kukuha lang ako ng mga kahoy!" Sabi niya tapos nag-lakad na siya palayo. Pag-kabalik niya naman gumawa siya ng apoy gamit ang bato. (Woah)

"Elib ka nanaman! Gwapo na talented pa! Mautak pa! No match ka!" Pag-mamayabang niya. Psssh edi siya na!

"Ikaw na magaling! Sabi mo yan eh!" sagot ko, and then nag-smile ako sa kanya. Medyo mabait naman pala itong kupal na ito eh.

Nag-sigh naman siya; "Sana lagi kang naka-smile sa akin." sabi niya, habang nakayuko. Ganun na ba ako naging kasama sa kanya?? (Mas masama siya sa akin) So ito na ba yung seven, na laging sinasabi ni nell? Yung seven na gusto kong makilala?

"Seven!" Lumingon naman siya sa akin. "A-anu ba ginawa ko sa iyo at galit ka sa akin?" Seryoso kong tanong sa kanya! Curious talaga ako. Lumingon siya sa malayo.

"I'm just irritated to you!" Seryoso niyang sagot sa akin. Putek na lalakeng ito; "wh--" di pa ako natatapos sa sasabihin ko nag-salita na siya kaagad.

"I don't know! I really don't know!" Sagot niya sa akin, in the sad tone. (I feel something weird! Bigla akong kinabahan)

Nag-smile lang ulit ako, para maitago ang kaba na nararamdaman ko.

(SPX: Wind)

OEM! Anng Lamig! Napahawak ako sa braso ko sa sobrang lamig. (Napansin naman ni seven, na nilalamig ako.)

"Isuot mo nalang itong jacket ko!" Sabi ni seven, tapos akmang huhubarin na niya yung jacket. Kaya kaagad ko siyang pinigilan; "Wag na, napaka unfair na nito sayo!" sabi ko sa kanya, pero chuchu ko lang yun kasi sa totoo lang! Naddistract ako sa katawan niya.

"Tapos kapag nag-kasakit ka! Isusumpa mo ako sa galit!" sigaw niya sa akin.

"Kapag ikaw naman ang nag-kasakit! Papatayin ako ng mga fans at lovers mo!" sigaw ko din sa kanya, nag-smile naman siya tapos bigla niya ako hinila palapit sa kanya. O//////O Well for the other term, niyakap niya ako. Pumipiglas ako kaso ..

"Patayin ako ni nell, kapag nalaman niyang pinabayaan kita." sabi niya sa akin, (dumaan ulit yung hangin) kaya hindi na ako lumaban, nilalamig talaga ako ehh.

"Happy ka na? Nayakap ka ng pinaka gwapong lalake!" Pssh yabang talaga ng bwisit na ito, kaya kinagat ko yung dibdib niya.

"Aray! Hoy! Hindi white chocolate yan!" Sigaw niya sa akin, sabay batok! Hindi ko na siya pinansin, tapos natulog ako sa dibdib niya. (For the fact, meron siyang 6 pack)

****

Kinabukasan ..

Seven's POV

Nauna akong nagising kesa sa kanya, kagabi pa ito, ang bilis ng tibok ng puso ko parang gusto niyang lumabas sa dibdib ko. (She's driving me crazy)

"SEEEEVVVEENNNN" sigaw ng pamilyar na boses. Kaya napalingon ako. Yes we're saved!

"Okey lang ba kayu??" Tanong ni nell,

"Ang layo ng narating niyo ahh." sabi naman ni Sir.

"Nag-hanap po kami ng daan paakyat or barangay, napilayan kasi si luka." paliwanag ko sa kanila.

"Dun sa kabilang dulo ang barangay." sabi ni terrence. Kaagad namang binuhat ni terrence si luka, kaya tumayo na ako. (Nag-pop lahat ng buto ko)

"Hayop ang 6 pack!" Pang-aasar ni nathan, (nag-tawanan naman sila) wala na nga pala yung tshirt ko, ginawa ng basahan. Sasabat pa sana ako kaso biglang nanlabo ang  mata ko. (Nahihilo din ako)

"Oy okey ka lang!?" Tanong ni nell sa akin, "Nell---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko, napapikit na yung mga mata ko.

 

*****

 

Hello po! Hehehehe hanggang dito muna na-edit ko kasi, busy sa school ehh. Thank you for reading. I Love you! xx cha-ring

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
MissChia
as i promised .. friday ~

Comments

You must be logged in to comment
TwistedIceQueen #1
Chapter 10: ang ganda naman ng story. nakakakilig much!
Catsarang #2
What the! i LOVE THIS! T^T Hahaha! :)
k-popsone1116 #3
WAAAAAAAAAHHHHH!!!!!! Author' kakaiyak story mo! sobrang ganda. Para akong baliw d2 tumatawa habang meron lua sa mata ko! xD TT_TT
UknowMi
#4
Chapter 10: Awwww naks nmn ganda ng story so sweet ni seven glad happy ending. Cla thanks for sharing this ^-^
UknowMi
#5
Chapter 8: Omo lalo pang naging complcated pra kay seven sa plano ni luka pro seven dont give up ^-^
UknowMi
#6
Chapter 7: Ouch puro one sided love buti na lng okay na c luka at blaire
UknowMi
#7
Chapter 6: kyaaaa an sweet nmn ng chappy'ng to sna okay lng si seven..thanks sa update mo blis tlga hehehe XD
MissChia
#8
Chapter 5: atteee byul im so inlove sayu .. im sorry di ako massyadong mahilig sa review ehh hanggang basa lang ako taz kilig :P
UknowMi
#9
Chapter 5: Kyaaa seven saved his mahal hahahaha seven wag ka ng magisip may gus2 ka kay luka as for nell gling mo tlga hahaha anyways salamat dito curious much kung anung mangya2ri
UknowMi
#10
Chapter 4: hahaha nka2twa si nell, at kaw nmn seven be nice kaya kay luka at aminin na with matching ligaw hahahaa XD