The First Day

Kapag tumibok ang puso

Kasandra grew up in Italy so di sya masyadong sanay sa mga tao dito sa pinas. First Day nya ngayon sa bagong school nya - not in italy but here in pinas - Sobrang excited sya at nakalimutan pa nyang andito sya sa pinas.

Sandra's mom: Anak, gising na male - late ka sa unang araw mo sa school

Sandra: Huh? Ma?! Anong ginagawa mo dito sa Italy? Akala ko ba nasa pinas ka?

Sandra's mom: Ano ka ba! Nasa pinas ka na! Sige na maligo ka na at kakain ka pa

Sandra: ay! hehe oo nga pala noh? ang tanga ko talaga! tsk. Sige sunod na ako.

Dali - daling naligo si Sandra at nagbihis. Pagkatapos nyang e ready ang lahat ng gamit nya bumaba na sya sa kusina para kumain ng break fast with her parents ng dumating ang bestfriend nitong si Gwen.

Gwen: Hi mama and papa *smile*

Sandra's Dad: Oh!! Andito na pala tong pretty gwen ko eh..

Gwen: Si papa talaga! Baka magselos na naman nyan si sandra oh. Sige ka

Sandra: Ako magseselos? Sayo asa! hahaha

Gwen: Ano breakfast nyo?

Sandra: Wag mo sabihing di ka na naman kumain?

Gwen: Di nga :) nakakatamad eh tsaka pinagpahinga ko na si nany hahaha oh diba ang bait ko ngayon?

Sandra: Kapal mo hahaha halika na kain ka na!

Gwen: Yes naman!! haha

Sandra's Mom: Oh gwen ikaw ang tour guide si sandra dito sa pinas ah.. Wag mo syang iiwan,

Gwen: Oo naman mama!! Gusto nyo pa nga hanggang sa mamatay ako samahan ko pa yan eh

Sandra: (batok kay gwen) Sira!! eh di parang pinatay mo na rin ako!

Gwen: Aray ko naman!! Grabe ka te!

Sandra's Dad: Sige na alis na kayo, Naghihintay na ang driver sa labas

Sandra: Ah, Sige po mom, dad alis na kami!

Gwen: Aalis na tayo?

Sandra: Ay hindi! pauwi na tayo pa uwi na.

Gwen: Kumakain pa ako eh

Sandra: (sabay hila kay gwen) Pinabalot ko na yan kay yaya tara na!

Gwen: Bye ma bye pa! *smile* excited na excited ka ah!

Sandra: Syempre!! hahaha

Medyo kabado si Sandra sa first day nya baka kasi masira first day. After 20 min dumating na sila sa School na Amaze si Sandra sa new school nya, naalala nya bigla yung school nya sa italy. Nung papasok na sila dumaan sila sa hallway para daw magmukha silang artista yun daw kasi ang dinadaanan ng mga sikat sa school nila sabi ni Gwen. haha Sira talaga tong si Gwen.

Student 1: Hey guys look! May new student tayo...

Student 2: Freshman?

Student 1: Hindi, Junior daw sya from italy daw yan eh..

Student 3: Parang kilala ko sya...

Student 1: Weee?

Student 3: Si Kasandra yan! Yung sa youtube! Kumakanta nga yan eh...

Student 4: Ay oo! napapanood ko din sya. Ganda nya pala sa personal noh?

Gwen: Tsar!! Sisteret sikat ka pala? hahahaha

Sandra: Tumigil ka nga gwen! nakakahiya! hahaha

Gwen: Sus naman! na - touch ka pa? haha

Sandra: Hay naku! tara na nga baka ma late pa tayo! 

Gwen: KJ naman neto! Sige na nga!

Nag ring na ang bell so break time na. Nung papunta pa sila sa canteen may nakita si Sandra tatlong babae tinanong nya si Gwen kung sino yun, Ang sabi nya lang mamalaman mo din. Pag dating nila mismo sa canteen ang order sila at pumila sa counter.

Gwen: Ano ba yan!! Sandra bilis!

Sandra: tomjons ka na ba?

Gwen: Hindi naman...

Sandra: Eh ba't ka nagmamadali? Para kang may hinahabol ah

Gwen: Eh syempre! Wala kayang gamot sa pangangalay!

Sandra: Ayan ka na naman eh. Ito po oh (bayad)

Gwen: Halika na! dito ang table natin.

Habang nag uusap ang dalawa biglang nag tilian ang mga girls, Syempre nagulat silang dalawa akala nila may sunod yun pala may dumatin. Ang FabBoy's, Nang makita ni Sandra si Alex sinabi nya kay Gwen na namukukhaan nya si Alex.

Sandra: Parang kilala ko yung naka black

Gwen: Yang naka black? Yang unggoy na yan?

Sandra: Grabe ka naman! Tao kaya yan!

Gwen: Whatever! Yan si Alex Anderson ang pinaka mayabang dito sa school

Sandra: Alam mo ikaw napaka judgemental mo di mo pa nga kilalang lubos yung tao eh.

Gwen: Totoo naman eh! mayabang sya ipa survey mo pa.

Sandra: Alam mo ikaw - (someone cover her eyes) Aray! Sino to?

Guy: Hulaan mo...

Sandra: Clue!

Guy: Boy BestFriend

Sandra: huh? Wala naman akong lalaking bestfriend dito sa pinas eh...

Guy: (tanggal yung kamay) Ah ganun eh sino ako?

Sandra: Troy?!!! Gosh! Troy ikaw nga! kamusta ka na! (hug troy)

Troy: Kala ko ba di mo ako kilala?

Sandra: Asus naman!! Nag tampo ka kaagad!

Troy: Kamusta ka na?

Sandra: Ito okay naman! ikaw?! Ano kamusta ang Amerika?

Troy: Okay naman. Bumalik nako ng pinas last year lang..

Sandra: Ah.... Naku binata ka na ah!

Troy: Syempre!

Gwen: Waaaaaiiiitttt!!! Magkakilala kayo?

Sandra & Troy: Naman!!

Sandra: hahahahaha mag bestfriend kami, classmate ko sya nung kinder hanggang grade 5 ako.

Troy: Magkapit bahay kami dati nung sa QC pa sila.

Gwen: Ah... ganun ba?

Troy: Uy gwen pa copya nung last proj. natin ah..

Gwen: Sure!

Sandra: Magkakilala rin naman pala kayo eh!

Gwen: Malamang!! Mag classmate kami nitong kumag nato since 5th grader kami eh.

Sandra: Buti di kayo nagkatuloyan?

Gwen: Ito?! Eh nasa ibang bansa pinag papantasiahan nito eh

Troy: Tumigil ka na nga gwen! hahahaha baliw ka talaga! Ano san tayo?

Gwen: Hulaan ko, Kararating mo lang noh?

Troy: hahaha pano mo naman nalaman? stalker ka noh?

Gwen: Sira!! Ikaw susundan ko? Asa naman pare! Syempre yan naman talaga ginagawa mo eh pag first week and last week of class.

Troy: Anong Sec. kayo?

Sandra: Section A kaming dalawa, ikaw?

Troy: Syempre Sec. A ahahaha so tara na?

Sandra: uhm...Saan?

Gwen: Sa Science Lab.

Sandra: Di pa naman na ri-ring yung bell ah?

Gwen: Sa lab. kasi pag maaga ka, plus points ka.

Troy: Kaya tara na!

Sandra: Ganun ba yun? hahaha Sige tara na!

Yun na nga, pumunta na sila sa Science Laboratory ang hindi alam ni Gwen classmate nya pala ang pinaka hate nyang tao as in H.A.T.E si Alex Anderson hahaha ang sobrang kinainisan pa nya eh magkatabi sila. Si Sandra naman katabi si Ali ang isa sa mga kinababaliwan sa school. Gusto sanang lumipat ni Gwen sa likod ni Sandra kaso di pumayag si prof. Nung natapos na ang class sa Lab sa next subj. na naman sila akalain mo Sec. A din ang FabBoys? Kaya sa ayaw at sa gusto ni Gwen makikita at makikita  nya parin si Alex. Nung nag uwian na siksikan sa gate ng parking lot, sa hagdanan palang tulakan na kaya nawalay si Sandra kay Gwen biglang may tumulak kay Sandra at muntik mahulog sa hagdanan buti nalang nasalo sya ni Ali :">

Ali: Miss, Okay ka lang? (nakahawak sa bewang at kamay :">)

Sandra: Okay lang! *smile* (sabay tayo) Thank you ah..

Ali : Wala yun. Pag pasensyahan mo na, ganto lang talaga dito pag first week pero pag tumagal na hindi na ganto ka sikip

Sandra: Ah... Salamat sa info

Gwen: Sis!! Okay ka lang?

Sandra: Ayus lang.

Gwen: Uy! Ali salamat ah..

Ali: Wala yun! Ikaw pa eh araw - araw mo ako binabara eh, diba?

Gwen: *smile* Peace :D

Ali: Sige Una na ako sa inyo.. May gagawin pa kami eh..

Gwen: Ah, sige salamat uli ah!

Ali: *smile* (takbo)

Gwen: Sis, may sasabihin ako sayo...

Sandra: (may hinahalungkat sa bag) hm? Ano naman yun?

Gwen: Alam mo bang 3:28 pm pa?

Sandra: (tingin kay Gwen) Ano naman ngayon?

Gwen: Eh diba ang alam nila mama at papa 4:30 uwi natin? *smile*

Sandra: Gusto mo gumala?

Gwen: Hay salamat nakuha mo din.

Sandra: Bukas nalang wala nakong cash eh naubos ko kanina.. credit cards nalang andito.

Gwen: Ano ba yan! Alam mo ikaw, di ka pa rin nagbabago ang KJ mo pa rin. Mas lumalala lang ngayon kasi nahawakan ka ni Mr. Claus

Sandra: Tse!! Tumigil ka! Sige ka di kita patutulugin sa bahay sa weekend

Gwen: Sabi ko nga...

Nung dumating na sina Sandra at Gwen sa kani - kanilang bahay, biglang nag text si Gwen kay Sandra at biglang nag kwento sa mga tao sa School nila para naman makilala na ni Sandra ang mga taong dapat nyang iwasan.

Gwen: Nakita mo yung tatlong babae kanina?

Sandra: Ah oo, nung papunta tayong canteen

Gwen: Oo yun! yun sila Shontelle, Beronica at Angelica. Oh diba pangalan palang pang kontrabida na?

Sandra: Sira!! Ano naman sila sa school?

Gwen: Syempre Studyante! Alangan naman Janitor!?

Sandra: Sira ka talaga! Seryoso! Nagpapaka pilosopa ka na naman eh

Gwen: Sila ang kinatatakotan ng Girls sa School sila lang kasi ang nakaka lapit sa FabBoys. Lahat nalang ata gusto sumali sa Group nila kaso walang pumapasa sa kanila.

Sandra: Ah..Ganun ba yun? Eh sino naman ang member's ng Fab Boys?

Gwen: Sina Alex Anderson yung sinasabi ko sayong mayabang, yun ang ex ni Shontelle, Si Ali Claus yung humawak sayo kanina at katabi mo sa Lab. Class natin, sya naman yung ex ni Beronica, Mike Young yung may hawak na camera kanina, mahilig sa video video yung lalaking yun, sya ang ex ni Angelica. Si Nate Young yung may hairband sa buhok, imported yun kasi galing Alaska yun kaya naging alaskador. Si Ryan nakalimutan ko yun last name sya yun naka stripes kanina at si Ken Galapon yung blonde na lalaki yun yung single pa sa kanila hahahaha

Sandra: Ah... yun ang ba ang member's ng Fab Boys?

Gwen: Meron pa. Si Gerald Anderson at si Fred Payawan

Sandra: Parang kilala ko yung dalawang yun

Gwen: Syempre! Sikat si Gerald dito eh...

Sandra: Ah ganun ba? Oh sige inaantok nako eh

Gwen: Sige, ako rin eh 10:30pm na pala hahaha GoodNight Sisteret!

Sandra: Goodnight din sisteret kong loka loka!

At dun na natapos ang buong araw ni Sandra. Sabik na syang makapasok ulit haha First Subj. kasi nila ang Fav. Subj. nya sa sched. B nila ang History. Napaka talinong bata! haha

 

TO BE CONTINUED..............

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
typicallyunique #1
update pls.=)
KChee11 #2
Update ho kayo soon. :) ganda po ng story nyo. :)