I`ll Be There For You

Description

Tricia - simpleng babae pero palaban, matalino, mayaman, at maganda. Hindi pa niya nararanasa ang mainlove hanggang sa dumating sa buhay niya si Ivan. Pero tunay na pag-ibig ba ang nararamdaman niya para dito ginagamit niya lang itong sandata para ikubli ang tunay niyang nararamdaman para kay James. Sa huli sino kaya ang pipiliin niya ang lalaking sinisigaw ng kanyang isip O ang lalaking binubulong ng kanyang isip?.

 

James- Half-australian Half-pinoy, gwapo, mayaman,masayahin, at misteryoso. Sa likod ng mga ngiti mula sa kanyang labi ay nakatago ang pusong sawi. Isang lalaking sobrang minahal ang kanyang dating kasintahang si Ann. Ngayon ay natutong magmahal muli sa isang babaeng noong una'y ayaw niya. Piniling ibaling ang kanyang nararamdaman kay Tricia sa ibang babae dahil iniisip niya ang kaibigang si Ivan. Pero sa panahong maayos na ang lahat ay saka pa bumalik ang dati niyang pag-ibig. Sino kaya ang pipiliin niya ang nakaraan hindi niya malimutan o ang kasalukuyang hindi niya maiwan?


Ivan- Half-American Half-Pinoy,gwapo, mabait, at mayaman. Dating playboy pero simula nang makilala si Tricia ay nagbago ang kanyang ugali, naging responsable at tapat handang ipaglaban si Tricia sa kahit sino. Matalik na kaibigan ni James, Bret at Patrick.Hanggang kailan niya kayang ipaglaban ang pag-ibig para kay Tricia kung ang matalik na kaibigan na ang kanyang makakabangga? Will he choose to let her go for the sake of friendship?


Fretzie- Maganda, mabait,malino at mayaman. Dating matalik na kaibigan ni Ann at Bestfriend ni Tricia.Unang kita pa lang niya kay Bret ay nahulog na ang loob niya dito pero pinili niyang itago ito. Palaging niya sinasabi na tutulungan niya si Tricia kahit anong mangyari. Pero paano niya tutulungan si ang kaibigang si Tricia kung alam niyang masasaktan rin ang isa?


Bret- Amerikano, gwapo, mabait at talented. Matalik na kaibigan ni James, Ivan at Patrick. Naiipit sa banggaan ng dalawang kaibigan. May gusto siya kay Fretzie. Paano niya maipaglalaban ang nararamdaman para kay Fretzie kung pakiramdam niya'y kaibigan lang ang tingin nito sa kanya?


Annli- Maganda, mabait at matalino. Dating matalik na kaibigan ni Tricia at Fretzie at kasalukuyang matalik na kaibigan ni Jenny. Dating kasintahan ni James. Hiniwalayang niya ang binata dahil sa pangarap na maging isang Chanmpion Ice Skater. Bumalik sa para kay James pero sa kanyang pagbabalik ay natuklasang ang dating kaibigan ang bagong iniibig ni James. Ano ang pipiliin niya ang lalaking kanyang iniibig o ang kaibigang matagal na niyang hinihingi ang kapatawaran?


Devon- Kilala sa buong campus dahil sa pagiging matalino, biba at friendly.Matagal ng may gusto kay James kaya gagawin ang lahat para makuha ito. Naghahanap ng tunay na pagmamahal.Kanino kaya niya mahahanap ito kay James na kanyang pinapangarap o kay Yong na lihim na umiibig sa kanya?


Yong- Gwapo at masiyahin. Gusto niyang makamit ang pag-ibig na ninanais mula kay Devon.Pero paano niya maipapahiwatig ang pag-ibig niya para dito kung nakikita niya itong masaya sa piling ni James.


Ryan- Isang koreano. He's definitely cute. Galing sa korea pumunta sa pilipinas para sundan ang babaeng kanyang minamahal. Hindi man niya aminin sa kanyang sarili ang nararamdaman para kay Jenny ay hindi pa rin ito mawala sa kanyang isipan. Alam niyang nasaktan niya ito dati. Akala ng lahat ay puro biro lang ang laman nito. Maipahayag kaya niya ang pag-ibig para dito ng walang halong biro?.


Jenny- Pumunta sa pilipinas dahil sobrang nasaktan ng unang lalaking kanyang minahal. Nang makita niya ito muli ay pilit niyang itinago ang kanyang nararamdaman. Matatanggap ba niya nag pag-ibig na inaalay ni Ryan kahin minsan na siya nitong nasaktan?.


Kyra- Matalik na kaibigan ni Devon, mabait at matalino. Matagal na niyang napapansin ang mga maling ginagawa ng kaibigan. Kaya ba niyang sabihin sa kaibigan na sobra na ang ginagawa nito?.


Patrick- Kaibigan ni James, Bret at Ivan. Gwapo, mayaman at matalino isang soccer player.Dati pa man ay may gusto na kay Ann pero nagparaya para kay James. Sa pagbabalik ng dalaga maglakas loob na kaya siyang sabihin ang nararamdaman niya para dito? .

 

This story is Owned By: Marnelle Tubang

Comments

You must be logged in to comment
mysteriouswriter #1
nope jacia story po yan..nirepost ko lng po para kumalat pa..<br />
pero try ko po maghanap ng trivan fanfic or baka po gumawa pa nlng ako..
Lien_013
#2
is this a trivan story?