The Day We Fall In Love- Chapter One

The Day We Fall In Love

Lakad-takbo ang ginagawa ni Sharmaine upang maka-abot sa kasal na ginaganap ngayon sa kabilang Cathedral. Kasal iyon ng kanyang kaibigan at kapwa niyang kasamang lumaki sa kumbento kung saan siya iniwan ng kanyang mga magulang. Hindi niya ininda kahit na mahaba ang kanyang damit, tinanggal niya ang kanyang two inch high heel na sapatos para naman mabilis siyang makatakbo at makaabot sa kasal. Tumakas lang siya sa kumbento nila para makadalo sa kasal ng kanyang kaibigan kahit alam niyang magagalit sa kanya angMother Superior niya pag nalaman ang kanyang ginawa. Mula umpisa palagi na siyang nale-late kahit sa anong event lalong lalo kapag event sa loob ng simbahan. Nakakadama na siya ng pagod pero itunuloy pa rin niya ang kanyang pagtakbo dahil gusto niyang makita kahit sa huling sandali ang kanyang kaibigan.

            Hay, palagi na lang akong tumatakbo pero kaya ko ito..

            Nagpatuloy siya sa patakbo pero ng patawid na siya biglang may sumulpot na sasakyan sa kanyang harapan kaya naman nagulat siya. Hawak ang kanyang sapatos napatingin siya sa driver ng sasakyang muntik ng makabangga sa kanya. Sa kanyang pagkagulat napa-upo siya sa kalsada at napa-iyak dahilan upang mapalingo sa kanilang gawi ang mga taong nagdaraan sa kanilang paligid. Ang ilan sa mga naki-ososyo ay nakilala si Railey bilang miyembro ng pinakasikat na banda sa bansa dahilan upang umiwas siya ng tingin sa mga ito. Dahil sa ginawang iyon ni Sharmaine inis na bumaba mula sa kanyang sasakyan si Railey kahit pa alam niyang maraming taong makakakilala sa kanya.

            “Hoy, miss huwag ka nga dyan pwede tumabi ka saka bakit kaba dito gumagawa ng eksena” giit sa kanya ni Railey saka pilit siyang itinayo pero inaagaw niya ang kamay niya dito saka mag-isang tumayo bitbit ang kanyang sapatos. Matama niyang tinitigan si Railey na tila hindi niya ito nakikilala pero ng sumigaw ang traffic enforcer sa kanilang gawi dahilan upang bumalik sa realidad si Sharmaine pero huli na ang lahat dahil dinala na silang dalawa sa malapit na police station.

            “Mister pulis, palabasin niyo na ako wala naman akong kasalanan saka may hinahabol pa ako kasal parang awa niyo palabasin niyo na ako” pagmamaka-awa niya sa mga pulis sa loob ng police station. Samantalang si Railey naman kalmado lang na naka-upo sa isang sulok na nakasuot ng shades dahilan upang sunod-sunod niya ito ismiran saka muling bumaling sa pulis na umaresto sa kanilang dalawa.

            “Hindi kayo makakalabas na dalawa hangga’t walang nadating na kasama niyo dito” paliwanag sa kanila nito dahilan upang tuluyan ng mapa-upo sa silya sa harap ng police desk si Sharmaine saka napatungo. Pasulyap-sulyap niya paring tinitigan si Railey saka iniismiran pero nagulat siya ng makita muli ang mala-anghel nito mukha ng ibaba nito ang suot nitong shades saka matamang tumutig sa kanya. Kinakabahan namang umiwas ng tingin si Sharmaine at nagkunwaring nagpapatay malisya.

            Aish! Bakit ba ako na-stock sa ganitong scenario….

“Railey, ano ka ba? Ang buong akala ko pupunta ka sa pictorial madami pa namang naghihintay sayo doon” nanghihinayang na sambit sa kanya ng kapwa niya kabanda na si Marcus. Kasama nitong dumating ang dalawa pang kabanda nila na sina Mart at Jarren kasama din ang kanilang manager. Sa puntong iyon dumating naman ang Mother Superior na nag-alaga kay Sharmaine dahilan upang makilala ito ni Mart. Gulat man siyang makita ang kanyang kakambal matama niyang hinubad ang kanyang suot na coat saka tinakip sa mukha nito.

            “Mart, kilala mo ba ang eskandalosang babaeng yan?” nagtatakang tanong ni Railey kay Mart dahilan upang mapatigil ito sa paglalakad. Nagdatingan naman ang mga reporter kaya simpleng tango na lang ang sinagot ni Mart at eye contact ang binigay kay Railey saka lumabas na ng police station.

            Habang nasa sasakyan ang tatlo panay-panay ang tanong ni Marcus kay Railey pero hindi ito nasagot. Nahihiwagaan pa rin si Railey kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Mart ng makita ang babae at nagulat siya ng sumagi sa isipan niya ang mukha ng babae at ni Mart. Napatingin siya sa dalawa niyang kasama saka muling binaling ang tingin sa labas ng kanilang sasakyan. Pagdating nila sa opisina nahuli silang bumaba ng kanyang manager kaya naman tinanong niya ito.

            “Sir, kilala ba talaga ni Mart ang babaeng iyon?” nagtataka niyang tanong dito. Napatingin naman sa kanya si Mr. Ledesma ang kanilang over-all manager at nakatoka sa kanilang projects at commercial.

            “Wala iyon malalaman niyo rin kung sino siya, maghintay lang kayo” simple nitong sagot sa kanya dahilan upang lalo pa siyang magtaka.

            Samantala sa kumbento naman panay ang pangaral ng kanilang Mother Superior kay Sharmaine kasama ang kakambal nitong si Mart. Kasalukuyang ginagamot ni Mart ang mga sugat niya sa paa dahil sa pagtakbo niya na walang sapin sa paa.

            “Natakpan ko naman ang mukha mo kaya walang makakakilala sayo saka bakit mo kasama si Railey na ganyan ang suot” baling sa kanya nito dahilan upang mapa-amin siya sa kanyang kapatid.

`“Tumakas ako kay Mother Superior para maka-attend sa kasal ni Abby pero hindi ko kasama ang Railey na yun ang totoo muntik na niya akong mabangga kaya nagulat at napaiyak ako  doon siya nakita nakita ng police dahil nagcause ng traffic kaya pareho kaming dinampot ng mga police.” paliwanag niya dito.

            “Ayos na iyon ako ng bahalang magpaliwanag, tapos ikaw mag-iingat ka na at sa susunod na lalabas ka magpapaalam ka na” ani sa kanya nito saka ginulo ang kanyang buhok na palagi nitong ginagawa sa kanya. Mula ng abandonahin sila ng kanilang mga magulang natuto na silang mabuhay mag-isa, noong kinailangang magpunta ni Mart sa Amerika kung saan siya nadiscover bilang singer naiwan si Sharmaine sa kumbento kung kaya naman nabuo sa loob niya magiging madre siya balang araw.

            “Mart, palagi mo na lang ginugulo ang buhok ko” sagot niya dito habang inaayos ang kanyang nagulong buhok. Bumagay sa suot niyang dress ang kanyang mahabang buhok na matagal na panahon din niyang pinahaba at tanging si Mart lang ang nakakagawang guluhin iyon wala ng iba.

            “Aalis na ako tiyak naghihintay na ang mga reporter sa pagbabalik ko, babalik ako bukas pangako” ani nito sa kanya dahilan upang mapangiti siya. Yumakap siya dito saka bumulong na kantahan siya nito sa pagbabalik niya bukas. “Susubukan ko Sharms” balik bulong nito sa kanya saka iniwan na siya.

            Balik na naman si Sharmaine sa gawaing kumbento at sa apat na sulok ng kanyang kwarto kung saan puro santo ang kanyang nakaka-usap. Mula ng pinanganak siya parang nakabigkis na siya sa kumbento at ang kapatid naman niya sa mundo sa labas kasama ang mga sikat na tao. Para kay Sharmaine okay lang sa kanya ang buhay niya at least ligtas siya sa masasamang tao.

            Ano kayang pakiramdam ni Mart sa labas? Parang gusto kong i-try… Hindi maari dito lang ako sa kumbento….

            Naguguluhan siyang lumabas sa kanyang kwarto at panadaliang nagpahangin sa labas habang tinitigan ang bituin sa kalangitan na palagi niyang ginagawa mula noong bata pa siya. Dumiretso naman sa kanilang bahay si Mart dahil sa ginabi na siya kaya naman hindi na niya napa-unlakan ang mga reporter para kapayanamin siya. Tuloy tuloy siyang pumasok pero napahinto siya ng mabungaran niya si Railey sa labas na tila siya ang hinihintay.

            “Sino ang babaeng iyon?” pasinghal nitong bungad sa kanya dahilan upang kunot noong napatingin si Mart sa kanya. Simula pa lang matindi na ang kanilang alitan na tinatago sa mga reporter para hindi na lumaki. “Mula ng mawala si Shiela nawalan ng direksyon ang buhay mo tapos ngayon may babae kang pinoprotekhan! Sino ba siya?” pasigaw nitong ani sa kanya. Nang matapos ang press-release relationship nila ni Shiela nag-iba na si Mart dahilan upang madamay ang buong banda at mawala ito sa limelight.

            “Just don’t mind it!” simpleng tugon ni Mart saka iniwan na niya si Railey. Matalim naman siyang tinignan ni Railey habang naakyat siya papunta sa kanyang sariling kwarto. Si Railey ang pinaka-leader ng banda kaya naman sa kanya magmumula ang mga desisyon matapos makarating sa kanilang manager na si Mr. Ledesma. Nagmula siya sa pamilya ng mga manganganta kaya naman siya ang pinaka-popular sa apat sumunod si Mart na siyang sinasabing pinakamalakas ang dating pagdating sa mga babae.

            Malalaman ko din ang lihim mo humanda ka!

            Matuling inubos ni Railey ang kanyang iniinom na champagne saka nagtungo na rin sa kanyang kwarto upang makapagpahinga. Bukas maaga ang kanilang appointment para sa isang commercial na gagawin sa susunod na dalawang buwan. Naiinis siya kapag may ganoong klaseng commercial lalo na kapag may babaeng kasama.Woman hater siya kaya ganoon na lang siya kagalit kapag may nakikitang babae.

            Kung minahal mo lang ako at tinanggap mama hindi ako magkakaganito… Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito.

            Kinabukasan maagang nagising si Sharmaine upang linisin ang buong Cathedral bilang pagtugon niya sa utos ng kanilang Mother Superior. Mula sa pinaka-itaas hanggang sa pinakababa nilinis niya hanggang sa makaabot siya sa mga estatwa sa labas ng simbahan. Nakasanayan na niyang linisin ang mga iyon kahit pa pulos walang tapis ang ilan sa mga rebulto.

            Nakaka-inis yung lalaking nakita ko kahapon naku kung hindi lang siya kabanda ng kambal ko malamang nasapok ko na yun….

            Napa-isip naman siya sa kanyang sinabi dahilan upang mapasign of the cross siya at napatingin sa langit. Kung gusto niyang maging isang ganap na madre dapat umasta siya ng ayon sa kanyang pagkilala sa Dakilang Lumikha.

            Sayang gwapo pa naman… Hayy anu ka ba Sharms hindi ka dapat ganito tigilan mo na ito…

            “Anong ginagawa mo?” nagtatakang ani sa kanya ni Mart na ilang minuto na rin pala siyang pinagmamasdan dahilan upang mamula ang kanyang pisngi sa hiya. “Kinaka-usap mo na naman ang mga rebultong iyan baka naman mainlove ka sa mga yan” natatawang segunda sa kanya nito dahilan upang lapitan niya ito.

            “Anu ka ba? Bawal sa isang babaeng magmamadre ang mainlove kaya mag sorry ka bilis” utos niya dito saka kumapit sa braso nito. “Kakantahan mo na ba ako?” pilyang tanong niya sa kanyang kakambal na halos para nanalamin lang siya.

            “Kailangan bang kantahan pa kita? Pwedeng pass muna?” nag-aalangang sagot ni Mart sa kanya saka sinamahan itong maupo sa bench kalapit ng mga rebultong nililinis ni Sharmaine. “Next time na lang kita kakantahan, sa ngayon may ipapaki-usap ako sayo pwede ba?” tanong nito sa kanya dahilan upang mapatingin siya dito.

“Ano iyon?”

            “Sumama ka sa akin sa labas ng kumbento” deretsahang ani sa kanya ng kanyang kakambal dahilan upang magulat siya ng sobra sobra. Hindi niya inaasahang iyon ang hihilingin sa kanya ng kanyang kakambal na matagal na nawalay sa kanya dahil sa magka-iba nilang mundo. Lumaki sila pareho sa kumbento pero mas pinili ni Mart sa labas at siya naman sa loob kapiling ang mga madre na nagpalaki sa kanilang dalawa.

            “P—ero nangako ako na magmamadre ako kaya hindi pwede yang hinihiling mo kuya” mahinang tugon niya sa nais nito kaya naman biglang nalungkot ang mukha ni Mart. Tumayo ito hinalikan siya sa noo.

            “Babalik ako kapag handa ka na” ani nito saka tinalikuran siya. Napatayo naman si Sharmaine saka pinigilan ang papa-alis niyang kakambal.

            “May problema ka ba? Hindi ka naman dating ganyan dati kinakantahan mo ako ngayon hindi na” malungkot din niyang tugon dito upang nakangiti siyang niyakap ng kanyang kakambal saka muling hinalikan sa noo.

            “Wala akong problema okay lang ako” tugon nito sa kanya saka tuluyan na siyang iniwan mag-isa. Bumalik naman siya sa ginagawa niyang paglilinis sa mga rebulto habang iniisip ang mga sinabi ng kanyang kapatid.

            Baka namimiss lang ako ni Mart kaya gusto niya akong makasama sa labas… Parang ang laki ng kanyang pinayat mo… hmmm  nakain ka pa ba kuya?

            Matapos niyang linisin ang buong paligid ng kanilang kumbento agad siyang nagpunta sa kanyang kwarto saka kinuha ang mga CD’s na binigay sa kanya ng kanyang kakambal mula ng mapasama ito sa bandang Stargazer.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hanaplor
#1
Tag also yongshin so that yongshin shippers will know. We are quite many here in AFF. :)