Chapter 3- Happy Birthday Kuya Aiden! :D

I'm Starting To Fall In Love With My Bestfriend :">

 

(Janelle's POV)

 

"Welcome back Kuya Aiden! Happy Birthday!"  Sabay na sabi ni Nadine at Jasmine.

 

Obviously, nasa loob na kami ng bahay.

 

"Thanks girls. May ibibigay ako sa inyo mamaya. Kumain muna tayo. Gutom na ako eh. Haha. ^_^" Sabi ni kuya. Di ka nag-iisa kuya. Gutom na rin ako T___T

 

 

At salamat. Nakaupo na kaming lahat sa lamesa. I mean sa upuan. Ang daming pagkain! Puro Filipino foods! Adobo, Sinigang, Menudo, Caldereta, etc.

 

 

"Wow! Namiss ko 'tong mga foods na 'to." Halata nga sa mukha nya. Takam na takam eh. Haha!

 

"Sige kain lang anak. Kayo din kain na." Sabi ni mommy.

 

 

 

Tas habang kumakain kami, nagkwentuhan kami syempre.

 

 

"Musta naman pag-aaral mo dun? Dito ka na mag fo-fourth year di ba?" Tanong ni dad.

 

"Opo dito po dad. Actually, I can maintain my good grades kahit busy din ako sa pagmomodel." Model? What?! Model siya?!

 

"Model ka kuya? Bakit hindi ko alam?"

 

"Eh kung ganyan ba naman siya kagwapo di ba?" Sabi ni Jasmine tapos ngumiti siya.

 

"Thanks Jaine." Ngumiti din si kuya.

 

"Aba! Ano yan ha? May hindi ba kami nalalaman? At ano yung Jaine ha?" Sabi ko. At grabe yung blush ni Jasmine. Patawa. Ang cute nya. xD

 

"Secret na namin un bago ako umalis papuntang Korea." Tas nagwink si kuya kay Jasmine. Grabeee. Ako kinikilig sa kanila. HAHAHAHA.

 

At kung grabe ang blush ni Jasmine kanina, MAS GRABE NGAYON. Ang alam ko lang kasi na nangyari noon, nung nasa airport kami 9 years ago, hinatid namin si kuya. Tas grabe iyak ni Jasmine nun. 5 years old kami nina Nadz at Jasmine, 6 si ZJ at 7 si kuya. At dahil nga iyak ng iyak si Jasmine, lumuhod si kuya sa tapat nya at may binulong sa kanya. Hindi ko alam kung ano yung sinabi ni kuya. Basta napatigil niya ang pag-iyak ni Jasmine. Hmmmm... I smell something fishy. HAHAHAHA!

 

 

Pagkatapos ng dinner, namigay na ng pasalubong si kuya. Binilhan niya ng tig-3 na albums  na Kpop sina Nadz at Jasmine. With posters yun ha! Kainggit! Sana ganun din sakin. HAHAHA. May binigay naman na dalawang necklace si kuya kay ZJ. Couple necklace ata yun. May tig-kalahating heart. Pag pinagdikit mo, mabubuo ang isang heart. Basta. Alam niyo na yun! Haha. Ang ganda nga eh. Parang pambabae. Tas sa silver ata gawa. May color pink ung isa. Ung isa naman may blue. Pang-babae at lalaki talaga. Tapos pagkabigay ni kuya, may binulong siya kay ZJ.

 

 

EHEM!

 

 

 

Mukhang may napupusuan na ata si ZJ. DAYA! Di nagsheshare. AHAHAHAHAHA.

 

 

Si mom and dad naman binigyan nya ng relo at bag. Sa akin naman mga damit at kpop albums with posters. GRABE. LABS TALAGA KITA KUYA! HAHAHA. ANG GWAPO MO!!!! XD Siguro iisipin nyo na ang dami ng pasalubong nya eh estudyante lang naman sya. Bukod kasi sa sagot ni Tito Taekyung (kapatid ni papa) ang mga gastusin nya, tuition at allowance, eh malaki din ang kita nya sa pagmomodel. Yun ang sabi nya.

 

 

Syempre, hindi pwedeng si kuya lang ang mamimigay. Eh sya pa panga birthday celebrant eh. Binigay ko na yung regalo ko na sapatos. Tuwang-tuwa siya. Ganung style daw kasi ng sapatos ang gusto nya. Buti nalang talaga kasama ko mamili nun si ZJ. MINSAN maaasahan din yan. MINSAN LANG. haha. May binigay din namang regalo sina Nadz, Jasmine at ZJ. Pabango, relo, damit, etc.

 

 

At dahil gabi na, kailangan ng umuwi ng mga kaibigan ko. Ihahatid daw ni ZJ si Nadz. Magka-subdivision lang naman kami eh. Tapos si kuya na daw maghahatid kay Jasmine. WOW HA. CLAP CLAP. AKO LANG WALANG KAPARTNER. HAHA.

 

 

At dahil nga loner ako, nagpunta na lang ako sa kwarto. Naligo ako sandali at sinukat ko na yung mga damit na binigay ni kuya.

 

 

TAPOS...

 

 

 

 

NAKS!

 

 

 

 

BAGAY SA AKIN LAHAT! AHAHAHAHA.

 

Tapos nilagay ko na din sa lalagyanan ko ang mga album at dinikit ko na ung mga posters sa dingding.  :)))

 

 

 

Maya-maya nakatanggap ako ng text.

 

--------------------------

From: Jasmine

 

He's finally back. Inantay ko sya for almost 9 years.

I am very happy. :)

Good night guys :*

 

GM 

AP <3

----------------------------

 

 

OHLALA! Ano ito?! Sabagay. Boto naman ako kay Jasmine para kay kuya. Mukha naman pating gusto sya ni kuya di ba? Ang cute cute nila. Haha. Kaya pala si Jasmine, never nag-entertain ng mga suitors nya. ASTIG KA TALAGA KUYA! HAHA. I'M HAPPY FOR THEM :D

 

 

 

 

 

 

(Jasmine's POV)

 

"My, Dy, gabi na. Ihahatid ko na po si Jaine sa kanila at baka nag-aalala na si Tita." Sabi ni Aiden. Tapos nag wink sya sa parents nya. OMG. Ihahatid nya kooooo!! Sobrang saya ko talaga <3

 

"Sige anak." Pag sang-ayon nila. Napangiti ako dun.

 

"Uwi na din po kami ni Nadz. Bye po tito, tita. Bye Jelle!" Sabi ni ZJ.

 

 

Tapos lumabas na kami.

 

At ngayon, heto kami, naglalakad na.

 

 

 

Grabe. Ang tahimik. Parang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

 

 

Nag-antay ako...

 

 

 

SILENCE.

 

 

 

SILENCE.

 

 

 

 

SILENCE.

 

 

 

 

Spell AWKWARD! HAHA

 

 

 

 

Try kong magsalita.

 

 

"May sasabihin ako." Sabay naming sabi. Tas natawa kami.

 

"Sige ikaw na mauna." Sabay ulit naming sabi. Tapos natawa ulit kami. HAAAAY NAKU PO JASMINE. Fail ka talaga. xD

 

"Uhmmm... Sige ako na mauuna." Sabi nya. "Sinadya ko talaga na ihatid ka. May ibibigay kasi ako sayo." Ano daw? May ibibigay siya? Grabe ung tibok ng puso ko. Napakalakas. NAKA-FULL ATA VOLUME. haha.

 

 

 

Nagulat na lang ako ng...

 

 

 

 

 

 

May sinuot siyang necklace sa akin. Akala niyo kiss noh? Haha :P bata pa kami. HAHAHA. At ayun nga. Grabe. Hindi ko maexplain yung feelings ko. Naiiyak ako dahil sa sobrang saya. Alam kong OA pero yun ang nararamdaman ko eh. Tapos may heart sa necklace at nakalagay dun, "Jaine". Eh sya lang naman tumatawag sa akin nun di ba?  Feeling ko lalong bumibilis ang heartbeat ko ngayon. Pabilis ng pabilis. Naku po Lord, sana makauwi ako sa bahay ng nasa sariling katinuan pa ako.

 

 

 

"Thank you so much Aiden. You really made me happy. Very happy. Thank you sa pagbalik mo at thank you dito sa necklace." Dahil sa sobrang saya ko, nginitian ko sya.

 

"Welcome. Bagay na bagay talaga sayo. I know dati pa lang na you'll be very beautiful when you grow up. Naalala mo yung pinromise ko sau dati? Natupad ko na ngayon." Tapos ngumiti sya.

 

 

 

Yung promise nya?

 

 

 

*FLASHBACK*

 

"Jasmine anak, tumigil ka na sa pag-iyak oh. Babalik ang  Kuya Aiden mo." Sabi ni mommy. Pero patuloy parin ako sa pag-iyak. Nasa airport kami ngayon. Ihahatid na namin si Kuya Aiden.

 

Lahat sila tinry akong patigilin sa pag-iyak pero hindi nila ako mapigilan.

Tapos nagulat ako ng lumuhod sa harap ko si Aiden.

 

May binulong siya. "I promise na babalik ako Jaine. Simula ngayon hanggang sa pagbalik ko ulit dito, Jaine na tawag ko sayo. Ako lang pwede tumawag sayo nun ha. Be a good girl Jaine. Babalikan kita kapag lumaki na tayo. Antayin mo ako ha?" Tapos nagkiss sya sa pisngi ko at umalis na. Tumigil ang pag-iyak ko nun. Siguro kasi I know na he will never break his promise to me.

 

*END OF FLASHBACK*

 

 

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin.

 

"Thank you talaga Aiden sa paghatid mo sa akin at lalong-lalo dun sa pagtupad mo sa pangako mo. I am so happy Aiden. Napaka-worth it ng pag aantay ko sayo. Good night Aiden. Happy birthday ulit." Hinug ko siya at nginitian habang nagwewave ng kamay papasok sa bahay.

 

"Walang problema basta ikaw! Good night Jaine!" Nakita ko siyang ngumiti at umalis na din.

 

 

Umakyat na ako sa kwarto ko. Syeeeet lang. Sobrang saya ko Lord. Thank You talaga. haha.

Para ngang tatalon ang puso ko dahil sa sobrang saya at kilig. I AM VERY HAPPY BECAUSE OF AIDEN PARK.

 

 

Kinuha ko ang cp ko at nag-gm

 

-------------------------

 

He's finally back. Inantay ko sya for almost 9 years.

I am very happy. :)

Good night guys :*

 

GM 

AP <3

 

----------------------------

 

 

At pagkatapos nun, naligo ako sandali. Tinabi ko yung necklace sa jewelry box ko. Tapos humiga na ako. Papatayin ko na sana yung lamp shade ng makita ko ung picture na naka-frame sa side table ko. Picture namin ni Aiden na magkasama nung mga bata pa kami. Sana magkaroon din kami ng present picture na magkasama. Charot. Haha. At pinatay ko na ang ilaw para matulog. Alam kong matutulog ako ng may ngiti sa mga labi ko ngayon.

 

 

 

 

 

------------------------------------------------------------------------

 

 

(A/N: Hope you like it. May account din po ako sa wattpad. Gongjoo14 din ang username. :D)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iuismylife
#1
Chapter 5: plz update soon
EXO_Luva
#2
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
kyurii1303 #3
Ituloy nyu po! Pls. ang ganda ng story e! WooU <3
Gongjoo14 #4

Hello. Just in case na gusto nyong panoorin ang video at hindi nyo ma-copy, eto po ang link: http://youtu.be/0x7KAxymvCg

thanks :D