—Panimula.

Sana Ikaw Na
Please Subscribe to read the full chapter

  YIZHUO.  

 

“Gising na si Rina?”

 

Nakaupo kami ni Yuna for breakfast dito sa common area—patio sa pagitan ng dalawang bahay sa compound namin nang lumabas si Giselle mula sa bahay nila.

 

“‘Di pa, why?” Si Yeji ang sumagot, kakalabas lang din mula sa pinto ng bahay namin at may dalang serving plate ng sinangag na niluto niya.

 

Bihis na si Yeji, wearing her dark blue police uniform. Oo, pulis siya pati si Chaeryeong. They’re the town’s police officers for almost two years now. 

 

Yeji, 24 years old, representative ng grupo namin sa larangan ng kagitingan. Ganap na ganap sila ni Chaeryeong sa pagtulong sa mga tao sa streets ng small town namin, ang San Gregorio. As patrols, natutulungan talaga nila ang mga tao dito lalo na yung mga matatanda.

 

Yeji is more talkative than Chaeryeong pero mas approachable tingnan si Chaer. 

 

“Parating na si Minsik eh.” Aligaga siyang lumabas sa front door pero bumalik din sa tapat namin nung masilip na wala pa si Minsik.

 

Sinundan ko lang ng tingin si Giselle na bumalik sa loob ng bahay nila.

 

Nasa iisang compound kami na parang joint/twin houses na may common covered patio sa gitna kung saan kami madalas na kumakain at naghahangout. Walo kaming magkakaibigan during college sa Manila at napagdesisyunan na dito sa hometown namin ni Giselle magtrabaho. Researchers kaming apat nina Selle, Yuna at Ryu. Hindi na nagdalawang-isip si Ryujin na dito magtrabaho kasi tagadito si Lia na girlfriend niya at balak ituloy ang restaurant business ng pamilya. Kami nina Yuna at Giselle, parang go na lang din sa pagt-trabaho dito. Factor na din siguro na maganda dito sa lugar namin yung research company kaya dito namin napili. Sina Yeji at Chaeryeong naman, sinwerte dahil nagkaroon ng hiring sa police unit dito. Si Rina, nakaisip na maging solopreneur, kasalukuyang the only young engineer in town. 

 

Tig-apat ang dalawang bahay sa compound. Kasama ko sina Yuna, Yeji at Rina tapos sa kabila sina Giselle, Lia, Ryujin at Chaeryeong.

 

Parang ang dami namin pero sa umaga at gabi lang talaga kami nagkakasama-sama dito kasi puro mga may trabaho na. 


Ang hirap kasing mabuhay na walang pera..

 

“Mag-aaway lang naman sila, hayaan niyo nang tulog lang.” Sabi ni Yeji na umupo na sa tapat ko. Napakamot bigla sa ulo si Giselle.

 

“Hindi pa kasi nagbabayad yun nung last month na rent daw.”

 

“Ay, gagi oo nga.” Nakisali si Yuna. Ang gulat ko naman! Akala ko nawala na ‘to sa tabi ko eh.

 

“Edi hayaan na ngang tulog para hindi maconfront ni Min.” Ulit ni Yeji, picking up her cup of coffee. 

 

Hm.. Napailing na lang ako. 

 

“Ikaw Yeji masyado mong binebaby si Rina talaga.” Comment ko. Ang problema lang kasi ay baka magalit na si Minsik mamaya kapag hindi na naman napagusapan yung utang ni Rina na two weeks ago niya pang binabanggit sa groupchat namin. 

 

Minsik, 23 years old at ang landlord ng compound na tinitirhan namin. Kababata namin ni Giselle si Min kaya nung nalaman niyang kailangan naming walong magkakaibigan ng titirhan dito, sa amin na niya pinarentahan. Volunteer si Min, apo ng pinakamayamang land-owner dito sa lugar. Kaunti na nga lang yata eh buong San Gregorio na ang pag-aari nila. Hindi namin siya nakasama noong college kasi hindi naman siya nagtry magcollege. After highschool, nawalan kami ng communication until makagraduate kami ni Selle at makauwi dito. Naabutan namin na super active na pala ni Minsik sa volunteer projects para sa mga nangangailangan sa San Gregorio, especially sa bahay ampunan.

 

Dun na lang siguro niya ginagastos ang pera niya.

 

“Ayoko lang may mag-away, ang aga-aga pa.” Sabi pa ni Yeji bago ubusin ang kape niya.


Sunod kong narinig si Chaeryeong na nakauniform na din at mahinang tumawa pagkalabas ng bahay nila.

 

“Stressed lang yan si Yeji kasi may dalawang magkapitbahay kahapon na dun pa sa pulisan nagbangayan.” 

 

Pft, siguro yun na naman yung nireklamo ni Yeji last week na palaging magkaaway na mga marites daw sa may simbahan.

 

Kaniya-kaniya na kami ng pagkain dito nang dumating na din sina Ryujin at Lia at ready na sa trabaho ngayon. Nagkatinginan kami ni Yuna kasi she nudged my arm tapos taas kilay pa sa’kin habang nakangisi. For sure, si Lia ulit maghahatid sa’min mamaya since makakasabay namin siya. Hinahatid kasi niyan si Ryujin sa office namin kapag sabay silang lalabas ng bahay.

 

Makakasali kami ni Yuna hehe..

 

Si Giselle may sarili yang sasakyan kaya sa kaniya kami nakikisakay pero late kasi siya lagi.

 

“Good morning, buti nakaluto kayo.” Lumapit si Ryujin sa table at ikinuha silang dalawa ni Lia ng plato. 

 

“Bakit?” Tanong ko. Tumatawa kasi si Lia sa tabi niya.

 

“Kasi babasagin ko na sana yang mga plato kagabi pero nagtimpi ako.” Ay! Kaya pala. Natawa na din ako.


Si Ryu talaga, mabilis mabother yan kapag makalat sa kusina—or everywhere.

 

“Sina Chaer at Rina yung nakaassign kagabi!” Sagot ni Yuna na parang defensive. Paano e siya yung napagalitan nung isang araw kaya ang sama din ng tingin ni Ryujin sa kaniya.

 

Tumingin ako kay Chaeryeong dahil siya ang nabanggit pero patuloy lang siya sa pagkain niya nang tahimik.

 

“Kami ni Chaer naghugas, busy si Rina sa trabaho niya sa kwarto.” Si Yeji ang sumagot habang natatawa dahil sa palitan ng titig nina Yuna na bestfriend niya at ni Ryu.

 

Si Giselle dun sa gilid, pumasok ulit saglit sa bahay nila. Baka ichecheck niyan ang phone niya. 


Saulo ko na routine niyan eh.

 

“Papaluin ko talaga sa pwet si Rina na yan.” Gaga talaga ‘tong si Lia! Pinalo niya kasi yung tinapay at parang dinemo pa kung paano niya papaluin ang pwet daw ni Rina.

 

“Huy! May jowa ka, siya paluin mo!” Sabi ko habang tumatawa, napainom tuloy ako ng tubig. 

 

Namula naman si Ryujin sa tabi, tinawanan na lang namin.

 

“May nangangalampag ng gate, ‘di niyo pinagbubuksan.” Biglang lumabas ulit si Giselle. 

 

Maya-maya pa, bumalik siya sa amin kasunod si Minsik na bagong gupit. Aba, ikli na ng buhok ah. Bagay, grabe!

 

Long-haired pa yan kahapon.

 

Nagwave ako sa kababata ko pero nakasimangot siya. Tinawanan na lang din namin. Wala kasing susi si Min nung gate ng compound, ayaw namin bigyan.


Charot. Wala lang kaming time para magpaduplicate ng susi. Siya yung owner kaya siya dapat gagawa nun eh. Siyam naman kasi yung mga susing yun? Ewan ko ba kung saan niya nadala yung kaniya!

 

“Good morning mga NPA na bukas.” Greet ni Min sa’min. Huhu.. papalayasin na yata kami. 

 

“Hindi namin narinig, sorry.” Nakangiting sabi ni Chaer, mukhang kumalma naman si Minsik at umupo pa sa gitna namin ni Yuna.

 

“Rinig ko pero alam kong si Min yun kaya ‘di ko sinabi.” Hirit ni Yuna kaya tumayo ulit si Min para lumipat sa tabi ni Yeji. 

 

Baliw talaga ‘tong si Yuna.

 

“Lista mo yang si Yuna sa ipapaevict mo next month, Min.” Sabi ko kay Minsik para alam niyang kakampi niya ako, hehe.. 

 

Kaso hindi ako pinansin!

 

“Hi Min, kain ka.” Yeji

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hi! ito na naman tayo hahahaha for this story, I’m gonna be writing with a friend since I had to seek for her help sa ibang aspects ng character na gusto kong isulat. target chap: 10 🤔❔ Hahaha will start uploading the rest soon!

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 1: bat kasi di nagbabayad hahahah
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hmmm waiting
fanficethusiast #3
Chapter 1: SEATED
asdfghjklmaeee
154 streak #4
Chapter 1: Uy ang juicy ah HAHAHAHAHA
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 1: uy 🤸‍♀️
Aenan_11
16 streak #6
Chapter 1: bagong aabangan, salamat tor😁
ryujinie__
704 streak #7
Chapter 1: omggg yaay
iamriou_
1171 streak #8
Chapter 1: Uy!!!! New story!!!!
0101ae_cj #9
Chapter 1: 🫶🫶🫶🫶🫶
nkenravi
#10
Chapter 1: eto naaa