Peach Eyes

Please Subscribe to read further chapters

Description

Simple lang naman ang hinihiling ni Irene Bae, isang gabi na katahimikan bago pa niya ulit harapin ang kanyang mga responsibilidad kinabukasan.

Irene Bae, isa siya sa pinaka sikat na artista sa larangan ng showbiz. Lahat ng direktor at mga kumpanya pumipila sa kanya para lang maging endorser siya or maging leading lady sa kanilang pelikula o teleserye. Walang tao hindi makakakilala sa isang ma-anghel na mukha na tila buong bansa naka paskil ang mukha niya sa mga billboard at outdoor led tvs.

 

Pero ano kaya mangyayari pag biglang pumasok sa buhay niya ang isang Seungwan Shon na tila, hindi siya kilala?

 

Actress Joohyun x Gamer Seungwan po ang peg natin for today's story.

Foreword

"So ayaw mo sa mga artista?" Kunot na sinabi ng dalaga habang kumagat siya ng siopao.

 

"Hindi naman sa ayaw ko sa kanila." Sagot ni Seungwan. "Tao lang din sila, deserve din nila magkaroon ng privacy sa buhay nila. Imagine araw araw wala silang ginawa kundi pagkaguluhan sila ng tao, kahit masama ugali ng kausap nila ieentertain padin nila."

 

Tinuro ni Seungwan ang kanyang tinidor sa dalaga. "Lalo na kung Introvert yung artista. Kawawa yun, drain na drain ang social battery nun at the end of the day."

 

"Sure ka wala kang kilalang artista kahit sino?"

 

"Wala."

 

"Pano kung artista pala ako?"

 

"Hingin ko na ba dapat autograph mo?"

 

Tumawa ng malakas si Irene. "Iba ka talaga, ano na pangalan mo?"

 

"Seungwan." Sagot niya. "Seungwan Shon."

 

"Nice to meet you Seungwan." Ngumiti si Irene habang itinaas niya ang bote ng canned soda na binili niya.

 

"Nice to meet you din Miss?"

 

"Seryoso hindi mo ko kilala?"

 

"Hindi nga madam." Kumunot ang noo ni Seungwan. "Dati ba kitang kaklase nung highschool? Sorry ah, Ulyanin na talaga ako eh.

 

Umiling nalang si Irene habang nakangiti.

 

"Joohyun."

 

"Joohyun Bae ang pangalan ko."

 

Itinaas din ni Seungwan ang bote ng Royal at kinalampag ng mahina ang bote ng dalaga.

 

"Nice to meet you din, Joohyun Bae."

 

Comments

You must be logged in to comment
juhyuneeeee
91 streak #1
ohhh waiting po 🥹🥹🥹
wishwishwish #2
seated 🥰
EzraSeige
#3
😣😤😍😍😍💗💙
Wanni_2921
#4
Seated😘
paradoxicalninja
#5
seated po opo 💗💙